He was a new face sa table namin pagdating ko sa Silya last Saturday. Napagkamalan ko pa siya na bagong jowa ng ex ko na ka-join ng barkada. He was good looking alright but any interest sa kanya ay pinigil ng pagiging committed ko na. Distracted at consumed din ako ng longing ko kay GP at inis kung bakit wala siya gayong dapat ay magkasama kami.
“Aris, this is KM. Kapitbahay ko,” ang pakilala ni Ex. “KM, this is Aris.”
I said hello. He smiled. Pero hindi na kami nagkamay.
Nagsimula akong uminom ng Strong Ice habang nagkikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ko. KM seemed comfortable sa grupo dahil sumasali siya sa usapan, biruan at tawanan. He is only twenty two pero nagtuturo na siya sa isang university sa Manila.
Isa sa mga kaibigan ko ang pabirong nagpahayag ng interest kay KM nang malaman niya na single ito and looking. Game na sumakay si KM sa mga kantyaw namin.
“Buti na lang hindi na single si Aris,” ang sabi ng friend ko. “Dahil tiyak na makikipag-unahan yan sa akin. Type niya ang mga katulad mo.”
“Shut up!” I shot back at my friend. “Nakakahiya kay KM baka kung ano ang isipin niya.”
Napatingin ako kay KM. Nakangiti siya.
“Pero single siya tonight. Di siya sinipot ng jowa eh!” ang hirit ng isa ko pang friend.
Nakitawa ako sa biro nila pero may biglang kumirot sa dibdib ko. Tumungga ako ng beer. Inubos ko. And then I ordered for another bottle.
Tuloy ang kwentuhan at inuman. Kasali pa rin ako sa pinagtitripan.
“Bakit hindi natin tanungin si Ex kung payag siya na mapunta si Aris sa kapitbahay niya,” ang baling ng friend ko sa ex ko.
“Why not?” ang sagot ni Ex. “Basta ba single na uli siya at di niya lolokohin ang kapitbahay ko.”
“Bakit, niloko ka ba niya noon?” ang pang-iintriga ng friend ko.
“Bakit hindi ninyo itanong sa kanya?”
Kantyawan. Nakatingin sa akin si KM.
“Hoy, hindi kita niloko!” ang sagot ko kay Ex. “Ako ang iniwanan mo.”
“Hindi kita iniwanan. Tingnan mo, nandito pa rin ako.”
“Uy, nagkakalabasan na ng sama ng loob…” ang patuloy na pangangantyaw ng friends ko.
Natawa na lang kami ni Ex.
Nagtanong si KM. “May past kayo?”
Si Ex ang sumagot. “Yup. But we’re still good friends.”
Patuloy ako sa pag-inom. May gusto akong lunurin sa aking dibdib. Order lang ako ng order pagkakaubos ko ng bawat bote. Patingin-tingin ako sa aking celfone for any messages from him. Palinga-linga rin ako dahil umaasa ako na sosorpresahin niya ako at siya ay darating.
Lumagpas ako sa limit ko ng beer. Lasing na ako nang pumasok kami sa Bed pero tuwid pa naman ang lakad ko at matino pa ang pag-iisip ko.
Wala pa ring paramdam si GP.
***
We drank some more inside. We were sipping from a pitcher of blue frog habang pasayaw-sayaw. I danced with Ex, then with KM. Medyo matagal ang naging pagsasayaw namin ni KM pero sayaw magkaibigan lang na medyo may distansya. Hindi naghahawakan at hindi nag-uusap. Nagngingitian lang. Very much aware ako na hindi na ako single kaya kailangan kong mag-behave. Ayoko ring may masabi ang mga friends ko, lalong-lalo na si Ex.
Natigil lang ang pagsasayaw namin ni KM nang may lumapit sa kanya na guy na mukhang kakilala niya at binati siya. Sandali silang nag-usap at pagkaraan, napansin ko na hindi na ito humiwalay sa kanya. Sayaw-sayaw uli kami ng mga friends ko. Si KM, nakita kong kasayaw yung guy at medyo intimate sila.
Hindi ko naiwasang magtanong kay Ex: “Who’s the guy?”
“Manliligaw niya.”
We were already on our second pitcher. Feeling ko habang nalalasing kami, lalo kaming sumasaya. We danced to “Baby When The Light”. My other friends started connecting with other guys. I just stayed with my two other friends na taken na rin (one of them was my bestfriend AC). Gusto ko pa ring magpakatino kahit masama ang loob ko kay GP. Sayaw-sayaw. Inom-inom.
Biglang-bigla, naramdaman ko ang epekto ng alak. Nahihilo ako at nasusuka! I hurriedly made my way to the bathroom at muntik na akong madapa sa pagmamadali ko. Napakapit ako sa isang guy na nakatayo. Si KM pala. Sinapo niya ako, halos payakap. Nagkatapat ang aming mga mukha. At kahit umiikot ang aking paningin, nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.
Hinalikan niya ako sa lips.
I was too drunk to react or to respond. Nasa tabi niya ang manliligaw niya at nakatingin lang.
May naramdaman akong braso na umakbay sa akin. My bestfriend AC. “Are you alright?”
“I need to go to the bathroom…” ang sabi ko.
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni KM.
“Samahan na kita,” ang sabi ni AC.
At inalalayan niya ako paakyat sa banyo. I was really drunk.
After throwing up and washing my face, naupo muna kami ni AC sa couch.
“Tama ba ang nakita ko?” ang tanong sa akin ni AC.
“Anong nakita?”
“Na hinalikan ka ni KM?”
“Oo. Nagulat nga ako,” ang sagot ko.
“Alam mo na mali yun. May jowa ka na.”
“Hindi ako ang nag-initiate. Bigla niya akong hinalikan.”
“Paalala lang, gurl…”
“Kanina pa ako behave in case you haven’t noticed.”
Pagkaraang makapagpahinga at mahimasmasan, bumaba na kami ni AC. “Here I Am” was playing. I was instantly reminded about GP. Ito yung song na sinayawan namin noong magkakilala kami. Muli kong naramdaman ang lungkot sa aking dibdib. Miss ko talaga siya.
Nagsayaw na lang kami ni AC.
Sa di-kalayuan, natanaw ko si KM. Iba na ang kasayaw. Nasaan na ang kanyang manliligaw? Bakit biglang nawala? Magkayakap si KM at ang kanyang kasayaw. And they were kissing.
At one point, habang tinitingnan ko siya, napatingin din siya at nagtama ang aming mga mata. Nagpatuloy siya sa pakikipaghalikan sa kanyang kapareha habang nakatingin sa akin. I just smiled at him.
Jumoin sa amin ni AC ang dalawa pa naming friends, one of them with a pitcher of yet another lethal drink. He was again insisting that we take a sip. I obliged na parang hindi pa ako nalalasing. Go lang nang go. Sige lang nang sige. Kailangan kong mag-enjoy at makalimot.
We danced and drank until 5:00 am. Hindi na namin namalayan ang isa-isang pagkawala ng iba pa naming mga kasama. Nakalimutan ko na rin ang tungkol kay KM.
Lumabas kami at naglakad na magkakaakbay ng mga friends ko. Saglit kaming huminto sa tapat ng O Bar para mag-hello sa mga kakilala na nakita namin sa labas.
We had breakfast at Silya. I had papaitan para matanggal ang aking pagkalasing. At dahil apat na lang kaming magkakasama, nag-usap kami ng mga bagay-bagay na seryoso naman. We talked about being in a relationship and how to keep it. I listened intently. Si GP ang nasa isip ko and how much I wanted to keep our relationship.
Maya-maya nag-text si Ex. Nakauwi na raw sila ng kapitbahay niyang si KM.
Badtrip daw si KM.
Nadukutan daw kasi ng celfone.
11 comments:
Good to know you behaved. :)
Is GP aware of this blog?
bad idea, three counts!
Bad idea #1 Being friends with exes
Bad idea #2 KM
Bad idea #3 Being wasted drunk due to heart problems
all in all
disaster in waiting!
i couldnt agree more to luis. hanggat maari kasi umiwas ka sa mga bagay/tao na magpapahamak sa iyo. hehe. pag nde maiiwasan, limitahan na lang. behave ka na dapat. and kagaya ng sabi ni joaqui aware ba si GP sa blog mo? and btw bakit nga pala madalang na kayo mag-txt ni GP. mas Ok kung magkita kayo this weekend and pagusapan kung bakit ganun.
@joaqui_miguel: hindi alam ni GP at ng mga friends ko na may blog ako. ang bestfriend ko lang na si AC ang nakakaalam.
behave na talaga ako. promise. :)
@luis batchoy: gosh! promise, di na po mauulit hehe! salamat sa paalala. :)
@jinjiruks: iiwas na po ako talaga at mas magbe-behave pa. kagabi lang, magkausap kami ni GP nang sobrang tagal sa phone. baka mag-out of town kami this weekend (with two of my other friends and their partners)if my work sked permits. ok na ok na po kami. salamat uli. :)
waaaaahhhh.... hay. naku, tama si jinjiruks.
@joshmarie: i agree. behave na po ako. :)
kaya ayokong nalalasing. nawawala ang sense of control ko. in any case, wala ka naman talagang kasalanan kasi si KM yung nag-initiate.
i'm glad ok kayong dalawa ni GP. ganon naman talaga e...open communication. pero don't forget pa rin to think about yourself relative to your relationship. :)
@pao pielago: i will, my friend, lalo na sa stage ng relationship namin ngayon. thanks again. tc. :)
honestly, pag ako nasa kalagayan mo e malaki ang chance na bumigay ako. pero galeng mo! i praise u..
hello sayo... MERRY XMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! mwah! salamat sa pagiging bahagi ng blog ko! magpapahinga muna ako.
-joshy
@kokoi: minsan, nagiging mahina rin ako at bumibigay hehe! :)
@joshmarie: maligayang pasko rin sayo, sistah! have a great vacation! mwah! :)
Post a Comment