Noong nakaraang Sabado nang gabi, ako ang unang dumating sa tagpuan namin ng barkada sa Malate.
Umorder ako ng Strong Ice at nagpaka-busy sa pagte-text habang mag-isang umiinom.
Maya-maya dumating na si A. Nagtaka ako kung bakit naglalakad siya.
“Asan ang motorsiklo mo?” ang tanong ko.
“Di ko dinala kasi maglalasing ako ngayong gabi. Break na kami ni J,” ang sagot.
“Ay, kami rin ni GP.”
Napatingin siya sa akin, parang hindi makapaniwala. “Bakit? Anong nangyari?”
“Umupo ka muna, friend, at umorder.”
Sumenyas ako sa waiter. Red Horse ang inorder ni A. Nagulat ako nang maglabas siya ng yosi.
“Nagyo-yosi ka na? Kelan pa?” ang tanong ko.
“Nung mag-break lang kami. Nag-iinom ako. Masarap palang mag-yosi habang umiinom.”
Wala akong masabi. Nagyo-yosi rin kasi ako kaya wala akong karapatang mangaral.
“Bakit kayo nag-break?” ang tanong niya sa akin sabay sindi ng yosi.
Hindi ako sigurado sa isasagot ko sa kanya. Lumagok muna ako ng beer at nagsindi rin ng yosi.
“I really don’t know…” ang sabi ko pagkaraan. “Basta nitong nakaraang linggo, wala na lang kaming communication. I stopped texting kasi hindi na siya nagre-reply sa mga text ko.”
“Ganon lang?”
“Tumawag siya minsan sa office. I was in a meeting. Di na siya tumawag uli. Di niya rin sinasagot ang mga tawag ko.”
“Last Saturday, absent ka sa gimik. Nagkita ba kayo?”
“We were supposed to go to Tagaytay nung weekend but suddenly, hindi na siya pwede. May school project daw sila at kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng kaklase niya. Sunday afternoon, I was inviting him out. Ilang ulit ko siyang tinext pero hindi siya nagre-reply.”
“Hmm…”
“Isang linggo na kaming hindi nag-uusap. So by default, break na kami. Ewan ko ba, may curse yata talaga ako. Kapag pumapasok ako sa relationship, sandaling kaligayahan lang, tapos, wala na. ”
“Palagay mo, may extra-curricular activity siya?”
“Maybe. Pangalawang beses nang nangyari ito. Overnight siya tapos hindi niya sinasagot ang mga text ko. Pinaka-hate ko pa naman yung hindi nagre-reply lalo na kapag nagtatanong ako. Friend, hindi naman ako makulit. Isang sagot lang, kuntento na ako. Kung importante ako sa’yo, hindi mo ako dededmahin, di ba? Not unless may pinagkakaabalahan kang mas importante sa akin.”
“Yan din ang ikinainis ko kay J. Yung hindi nagre-reply sa text na parang I don’t exist. Hello, boyfriend mo ako. Bakit mo ako binabalewala kapag nagte-text ako sa’yo. Pasalamat ka nga, tinetext kita. Ibig sabihin importante ka. Sumagot ka naman para ipakita mo rin na importante ako.”
“Yan din ba ang dahilan kung bakit break na kayo ni J?”
“Among other things. Hindi naman kaila sa’yo na lately we have been fighting a lot.”
“So, ano ang pinag-awayan nyo na finally nag-decide kayong maghiwalay na lang?”
“Katulad pa rin ng dati na nakaplano na ang weekend namin, magkaka-cancel out siya dahil biglaan, nagkaroon sila ng lakad ng barkada niya. Noong una, iniintindi ko siya. Pero ngayon, malinaw na sa akin ang priorities niya at hindi ako kasali roon. Nakakalungkot kasi mahal ko siya. Pero ayoko nang kawawain ang sarili ko. Alam mo naman ako, friend, lagi akong desperado na magka-relationship kaya kapag nagkaka-boyfriend ako, todo-bigay ako… todo-tiis to the point na nagpapaka-martir talaga ako. Pero itong sa amin ni J, hindi ko na kaya.”
Sabay kaming lumagok ng beer.
“Ikaw, mahal mo pa ba si GP?” ang tanong ni A.
“Oo. Kaya lang ayoko na rin ng drama. Lalo na sa mga panahon ngayon na masyado akong busy sa trabaho. Nakakadagdag lang sa stress.”
“Sinabi mo pa…”
“Pero hindi ko sinasabing nasa kanya lang ang mali. Nasa akin din siguro. Hirap din kasi akong maging full-time boyfriend. Sa mga pagkakataong sinisikap kong magkaroon ng time para sa kanya, hindi kami magtagpo.”
“Uminom na lang tayo. At i-enjoy ang pagiging single uli.”
We toasted and drank again from our bottles.
And then we ordered for another round.
Dumating si L. Isa sa pinakabata sa grupo namin pero pinaka -- how shall I say it? -- walang inhibition. Ilang Sabado rin siyang hindi umeksena sa Malate. Nakita ko sa Friendster niya ang dahilan kung bakit. Nagka-jowa siya. Nasa main pic at shout-out niya ang ebidensya. Nakita ko rin sa Friendster niya ang dahilan kung bakit naririto siya ngayong gabi. Kanina lang, napansin ko, wala na ang mga pics ni “bebehco” sa profile niya at ang status niya, single uli.
“Gurl! I missed you!” ang bati niya sa akin sabay beso. Bumeso rin siya kay A.
“May napansin ako sa Friendster mo,” ang sabi ko.
“Ano yun?”
“Biglang may-I-disappear ang mga pics ni bebehmo.”
“Break na kami,” ang sabi ni L na lungkot-lungkutan habang sumesenyas sa waiter ng iced tea.
“Ikaw din?” ang tanong ni A na parang na-aamuse na nasa iisang bangka kaming tatlo.
“Bakit? Ikaw rin ba?” ang balik-tanong ni L kay A.
“Yes. At si Aris din.”
“Ano ba yan? Magpapasko pa naman.”
“Bakit kayo nag-break?” ang tanong ko.
“Hindi siya seryoso sa akin.”
“At bakit ka naman niya seseryosohin, aber, e napaka-playgirl mo?” ang pagbibiro ni A kay L.
“Gurl, nagpapakatino na ako para sa kanya kasi nga, mahal ko siya. Pero, exactly, yun ang tingin niya sa akin. Malandi. Hindi siya naniniwala na capable akong magpakatino para sa kanya. Ang gusto niya, open relationship. Believe it or not, gurl, ayoko. Dahil kung makikipag-sex din lang ako sa iba at siya ganun din, walang saysay ang relasyon namin.”
Pagdating ng iced tea ay kaagad itong tinungga ni L.
“Bakit hindi ka mag-beer, gurl? Iinom natin ang mga sama ng loob sa boyfriends – I mean, ex-boyfriends – natin!” ang suhestiyon ko.
“Ayokong malasing.”
“Bakit? Nagpapakatino ka pa rin ba?” ang biro uli ni A.
“Ay, hindi na nga pala. Ok, get me a San Mig Light!”
Natawa kami ni A. Ako na ang umorder ng beer para kay L.
Maya-maya, dumating si M. Ang friend namin na always single dahil mahiyain sa lalaki. Pero mukhang finally, lumabas na siya sa kanyang kabibe dahil may excited na chika si A tungkol sa kanya.
“Makinig kayo,” ang pagtawag ni A sa atensyon namin ni L pagkatapos ng beso-beso namin kay M. “May mainit akong kwento tungkol kay M!”
Pinandilatan ni M si A pero naka-smile siya. Umupo siya sa mesa namin.
Lumapit sa amin ang waiter.
“Pilsen,” ang order ni M.
Pag-alis ng waiter, nagpatuloy si A. “Friday last week, nag-Obar kami. And guess what, lumandi nang husto si M. Yung hindi niya ginagawa sa Bed, ginawa niya sa O!”
“Shut up!” ang saway kunwari ni M kay A pero nakatawa siya.
Parang hindi ako makapaniwala dahil si M ang tipo na palilipasin ang buong magdamag sa Bed na nasa isang sulok lang at hirap na hirap akong ibuyo sa mga lalaki.
“At ano yung mga pinaggagawa ni M?” ang tanong ni L.
“Nakipaghalikan siya. Hindi lang sa isa kundi sa dalawa!”
“Oh my God,” ang reaksyon ko. “M, I am so proud of you!”
“Aris, ginaya lang kita. You are such an inspiration!” ang sagot ni M.
Natawa ako.
Dumating ang Pilsen. Uminom kaagad si M.
“Antagal nilang naghalikan nung pangalawa,” ang patuloy na kwento ni A. “And take note, ang cute nung guy! Nainggit talaga ako!”
“Talaga?” sabay pa kami ni L.
“Stop it!” ang saway uli ni M kay A.
“At hindi lang yun,” ayaw paawat ni A. “Nagpa-take-home siya dun sa guy!”
Napanganga kami ni L. Hindi kami makapaniwala. Nagpaka-wild nga si M! Hindi na siya isang Maria Clara.
“I am so happy to hear that!” ang sabi ko sabay tawa.
“Saang motel ka dinala?” ang tanong ni L.
“Excuse me. Sa condo niya!” ang proud na sagot ni M.
“Bongga!” ang tili ni L.
“And so… you are seeing him now?” Excited ako sa prospect na magkaka-boyfriend na si M.
“It was just a one night stand,” ang sagot ni M without batting an eyelash.
Natahimik kami nina L at A. Napatingin kami kay M.
“Ang sarap-sarap maging single, noh!” ang hirit ni M. “Why spoil it?”
Sabay-sabay kaming napangiti.
“Let’s drink to that!” ang anyaya ko.
Sabay-sabay naming itinaas ang mga beer namin.
“To being single!” ang sabi ko.
“To being single!” ang sagot ng friends ko.
Nag-umpugan ang mga bote namin.
At sabay-sabay kaming uminom.
25 comments:
na uso ata ang hiwalayan. ;-(
tama beer lang ang katapat nyan.
merry christmas bro!
*sigh* bakit bumigay ka agad kay GP? kung nagusap man lang kayo para maging maayos ang lahat either closure or continuation ng relation niyo. both ways pareho kayong may fault. hirap talaga pag walang communication ganyan ang nangyayari.
Now put your hands up!
=)
@mksurf8: merry christmas! buti ka pa, hindi malamig ang pasko hehe! :)
@jinjiruks: mahirap talaga at inaamin ko, may kasalanan din ako.
ang wish ko para sayo: maging successful ang bagong relationship mo at maging masayang-masaya kayo! merry christmas! :)
@joelmcvie: i give up. suko na ako hehe!
maligayang pasko, friendship! mwah! :)
sometimes, it's just better being single and fabulous than being committed yet miserable. merry christmas friend! :)
@pao pielago: korek ka diyan, friend.
salamat nga pala sa pagli-link mo sa akin. isang malaking karangalan!
maligayang pasko! mwah! :)
pag nag-text or tumawag siya mas ok na mag-usap muna kayo. mas maganda kasi kung ok ang closure niyo hindi iyong ganun na lang palagi. hehe. ^^;
OUCH! Ayaw din ni Baboy ng drama kaya nya ako hiniwalayan. Gusto nya nga comedy kasama yung bago nya. :(
Ay no, no, no, friend, hindi dapat pagsuko. Ang pagiging single ay isang MAJOR PRODUCTION-SLASH-DANCE NUMBER ala Beyonce!
Wo-ho-ho ho-ho-ho-ho-ho-ho, ho-ho-ho!
@jinjiruks: gusto ko rin ng maayos na closure kasi gusto ko ok pa rin kami ng mga ex ko. :)
@luis batchoy: ay, ganon? hehe! kiss na lang kita. mwah! :)
@joelmcvie: ay, gusto ko yan! naka-point na ang toes ko for a grand production number! performance level! :)
merry christmas!
enjoy!
god bless!
off topic: merry christmas aris!
merry christmas Aris! ;-)
have a blessed and joyful one. ;-)
to being single!
:0)
naligaw, pero ang galing ng pagkakwento!
---
tyempong im listening pa naman sa rest in pieces ng saliva.. hay..sigh :(
merry christmas aris! enjoy life whether single or not....haaay....what i would do to be young and single again....hahahaha!
kewl!
-->whoops what i mean was that's good for you, for some reason ;)
hello aris! how are you! happy new year! mwah!
cant relate
taken ako eh
heheehhe
@kokoi: up for beyonce! :)
@canmaker: inggit nga ako sa'yo friend kasi stable at happy ang relationship mo. sana ako rin. :)
@dabo and dazed blue: hello. welcome sa blog ko. sana palagi kayong bumisita. :)
@joshmarie: happy new year, sistah! mwah! :)
@yffar: i am glad you're back! :)
ui ayos mga posts mo ah. hehehe! nga pala inadd kita sa blogroll ko para naman madalas kong mabasa mga posts mo...
@dilanmuli: thank you very much for dropping by. it will be an honor to be included in your blogroll. add na rin kita. :)
masarap talaga maging single..but let's face it..mas masarap pag alam mong may someone who is ala
ays there for you pag kailangan mo ng kayakap..kaniig at karamay sa lahat...kaya masarap din ang may partner...
@sweetjohn: i agree. masarap maging single pero darating yung time na hahanap-hanapin mo pa rin ang iyong special someone. :)
Post a Comment