Dahil masyado akong stressed out sa work at naging very sickly lately, a vacation was in order.
And so last Tuesday, I dropped everything and flew to Boracay.
The boat ride from Caticlan to Cagban had an immediate calming effect. Nakaramdam ako ng ginhawa habang nilalanghap ko ang sea breeze. Parang nagluwag ang aking dibdib.
Nang masilayan ko ang White Beach, parang gusto ko itong yakapin na katulad ng isang long-lost friend. Nakaramdam ako ng tuwa at excitement.
I spent the entire afternoon reading a book habang nakahiga sa lounge chair. At nang hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw, nag-swimming ako.
Sa aking pag-ahon, tila naglaho ang lahat ng naipong pagod sa aking katawan. Gumaan ang aking pakiramdam.
Pagkatapos mag-shower at magbihis, I had a candle-lit dinner by the beach.
Afterwards, naglakad-lakad ako sa dalampasigan at in-admire ko ang nagliliwanag na beach front. Nanood din ako ng fire dance.
I checked out the bars. Hey Jude, with its live deejay, had the best music. The ambiance was cool and the people were beautiful.
Doon ko siya nakita.
Hindi siya gaanong matangkad subalit proportioned ang kanyang pangangatawan. Toned ang kanyang muscles. Sunkissed ang kanyang balat.
Magkaharap ang aming mesa. Pareho kaming umiinom na mag-isa.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Makisig ang kanyang features. Kaakit-akit ang kanyang mga mata.
Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang umiinom. Siya naman, parang hindi aware na naroroon ako.
Dumaan ang isang grupo ng shirtless Japanese guys with bodies to die for. Napatingin siya nang may paghanga. Para akong na-insecure. Feeling ko kasi mataba ako sa sleeveless shirt na suot ko. I just consoled myself na kumpara sa mga Japanese, mas maganda ang legs ko!
Sa pagbawi niya ng tingin mula sa mga bishonen, nagtama ang aming mga mata. And for a moment, nagkatitigan kami.
Naglayo ako ng tingin. Nagsindi ng sigarilyo at nagpatuloy sa pag-inom. Nakinig ako sa music at dinama ang beach atmosphere.
The beer was kicking in and I started feeling great. Mas relaxed. Mas confident.
Muli akong tumingin sa kanyang direksyon. At parang naghihintay, sinalubong niya ang aking mga mata.
I smiled at him. Hindi siya gumanti ng ngiti pero tumayo siya at lumapit sa akin.
“Are you alone?” ang tanong niya.
“Yup. Wanna join me?”
Umupo siya sa harap ko.
“I’m Mark,” ang pakilala niya sa sarili.
“Aris,” ang pakilala ko rin. “Mag-isa ka rin ba?”
“Yup. My friends are flying in tomorrow. Ikaw, sino ang kasama mo rito?’”
“Ako lang,” ang sagot ko.
“Nagpunta ka sa Boracay na mag-isa lang?”
“Oo. Medyo biglaan kasi ang bakasyon ko. Hindi na ako nakapagyaya.”
“Ok lang sa’yo na mag-isa ka?”
“I desperately needed a break. I don’t mind being alone.”
“Sabagay, ako rin naman. Kaya nauna ako rito dahil gusto ko munang mag-isa.”
We ordered for more beer.
Nag-usap kami habang umiinom. Noong una, mababaw lang na usapan ngunit kinalaunan ay naging malalim kasabay ng aming pagkalasing.
“Do you like guys?” ang tanong niya sa akin.
“Yes,” ang sagot ko.
“Me, too.”
“Do you have a boyfriend?” ang tanong niya uli.
“No. Ikaw?”
“Hindi ko alam.”
“Bakit?”
“I am seeing somebody. Sinasabi niya gusto niya ako pero ayaw niya naman ng commitment.”
“Gusto mo ba ng relasyon?”
“Gusto ko na uli.”
Napansin ko ang pagdami ng tao sa bar. At dahil napaka-inviting ng music, marami na ang nagsasayaw.
“Wanna dance?” ang tanong ko sa kanya.
“Yeah, sure.”
Tumayo kami at nagsayaw.
“You know what, Aris…” ang bulong niya sa akin habang nagsasayaw.
“What?”
“I feel horny tonight.”
Malakas ang music pero malinaw kong narinig ang kanyang sinabi.
“Ako rin,” ang sabi ko.
Ngumiti siya sa akin.
“Mag-sex tayo,” ang kaswal niyang imbita.
Ngumiti ako.
“Sure,” ang sagot ko. “Your place or mine?”
***
Nang sumunod na gabi, muli akong nagtungo sa Hey Jude. Hinanap ko siya.
Hindi ako nabigo. Naroroon siya.
Subalit kasama na niya ang mga kaibigan niya. Ang saya-saya nila.
At parang hindi na niya ako kilala.
14 comments:
fiction or real?
i think this is real though. i can feel aris' emotions through this post.
and if ever this is fraud. imma kick yer ass at malate someday biotch hehe
sad :(
isang lalaking makati...painumin ng isang litrong caladryl, pantanggal ng kati!
ang mga ganiyan, dapat dikdikin ng pino at ipakain sa aso
isang malaking haaayyy!...i hope nag enjoy ka sa boracay trip mo.
paksyet yun a. Sasapakin ko yun. hehe
Hope you're ok..
(Asan na po ang prt 3.Malapit na ang tag-ulan)
at di ka man lang nagpasabi... Iloilo is just a heart beat away from Bora!
@Aris nakilala mo din pala si Mark. LOL. Joke lang. Seriously ate, alam mo naman ang number one rule sa Bora - never fall in love. Bora is Bed with a beach. Yun lang. Baw. :)
never na ba talaga kayong nagkausap after that?
kala ko masaya ang ending :(
malungkot... napakalungkot!
sigh!
feelingero sya ha... as if naman na hahabulin mo ang isang gaya niya.....
@the dong: real. :)
@herbs d.: real nga. :)
@gram math: yeah. move on na lang. :)
@period: kati lang talaga hehe! :)
@mksurf8: enjoy naman at na-recharge ako. :)
@bampiraako: o.n.s. lang talaga. ok naman ako. yung part 3, susunod na. :)
@luis batchoy: oo nga. pasensya na, friend. di ko kasi na-plano ang trip ko. biglaan lang. sa susunod... :)
@tristan tan: oo nga, ang daming mark! sa celfone ko nga, may mark1, mark2, mark3. ayun, di ko na sila ma-distinguish. korek ka diyan, never fall in love -- in bed or in bora. naku, muntik na hehe! :)
@doc mike: lagi ko ring hinahanap yung happy ending. kelan kaya? :)
@wandering commuter: sa paulit-ulit ng ganitong leksiyon, natututo na ako. iniiwasan ko nang mag-expect. :)
@yj: i just walked away pero may naramdaman akong hapdi na pilit kong iwinaksi. :)
ouch . grabe naman eun
@shen shen: hello. maraming salamat sa pagbabasa. salamat din sa pagsali mo sa akin sa blogroll mo. :)
Post a Comment