Out of town kami dapat nitong nakaraang weekend. Laguna or Batangas. Pero na-cancel dahil hindi pa rin ako lubusang magaling. Paano naman kasi ako gagaling, kahit tinatrangkaso, nagtatrabaho at nagpupuyat pa rin ako. Saturday lang talaga ako nakapagpahinga. I slept the whole day. Bandang 4:00 pm, nagtext sa akin sina MC and RJ. Kakatapos lang daw nila mag-swimming sa Rizal at niyayaya nila akong mag-dinner sa isang quaint ihaw-ihaw by the breakwater malapit sa CCP. Meet daw nila ako ng 6:00 pm sa Harrison Plaza. I immediately texted my bestfriend AC inviting him to join us. Isasama niya raw bf niya dahil susunduin siya nito from work. Tinext ko rin si AX na namamasyal sa Megamall with his bf na dumalaw from Pampanga. Go rin daw sila. I gave them directions. Habang nagbibihis, iniisip ko kung iimbitahin ko rin si Rich para naman may partner din ako. Pero nag-decide ako na huwag na lang kasi masyadong biglaan. At saka sa aking sickly state, kailangan ko ba talagang maki-pagdate? Saka na kapag magaling na ako para hindi naman nakakahiya na sisinghot-singhot ako at uubo-ubo. Paano naman kami magki-kissing, di ba? Mamaya, mahawa pa siya. Joke.
The ihaw-ihaw by the breakwater was a quiet, relaxing place. Natatanaw mo ang city lights sa kabilang bahagi ng dagat. Nararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin. Naririnig mo ang banayad na hampas ng alon kasabay ang pagpailanlang ng love songs na nagmumula sa radyo. Hindi sosyal ang lugar pero may ambiance dahil sa madilim na lighting. Napaka-ideal ng lugar upang maging tagpuan ng mga magkasintahan.
Nauna kami nina MC at RJ na dumating. Maya-maya magkasunod na ring dumating sina AX at AC kasama ang mga jowa. Hello hello. Beso-beso. We ordered. Hindi kami nainip sa paghihintay na maluto ang pagkain dahil nagsimula kaagad ang masayang kuwentuhan. As usual, kami nina AC at AX ang pinaka-maingay. Tawa kami nang tawa kahit sa simpleng joke lang.
Habang nagkukuwentuhan kami, napansin ko na napaka-sweet ng tatlong pareha sa harap ko. Magkakadikit sila, panay ang holding hands at kung magtinginan, punumpuno ng pagmamahal. Nakadama ako ng bahagyang pagkainggit at longing dahil sa umpukang iyon, ako lang ang walang partner. Sana ay isinama ko si Rich para may kalambingan din ako at hindi yung parang na-o-OP ako kapag tinitingnan sila.
At para namang sinasadya, biglang nag-ring ang phone ko. Si Rich. I had to excuse myself para kausapin siya. Nagtungo ako sa may breakwater.
“Magaling ka na?” ang bungad niya pagkatapos kong mag-hello.
“Feeling better.”
“Asan ka?”
Hindi ko alam kung maglilihim ako. Pero nag-decide akong magsabi ng totoo. “Nasa labas ako. Dinner with friends.”
“Akala ko magpapahinga ka…”
“Hindi ako nakatanggi sa imbitasyon nila.”
“Sana isinama mo ako.” May tila pagdaramdam sa kanyang tinig. “Di ba dapat lalabas tayo ngayon? Hindi lang ako nangulit kasi nga may sakit ka pa.”
“Biglaan kasi. Inisip ko, baka hindi ka pwede.”
“Pwede pa ba akong humabol?”
Saglit akong nag-isip. Kailangan ko pa ba siyang pasunurin? “Pauwi na rin kami maya-maya.”
“Paano ka uuwi?”
“Makikisabay na lang siguro ako o magta-taksi.”
“Sabado ngayon. Baka naman mag-Malate ka pa.”
“Hindi na. Kailangan kong magpahinga.”
***
Higit kaming naging masaya nang i-serve na ang pagkain namin – inihaw na pusit, inihaw na liempo, chicken barbecue, pork barbecue. We ate with gusto at higit na naging masigla ang conversation namin.
Sobra kaming nalibang sa kainan at kuwentuhan, nakalimutan namin ang oras. 10:30 na pala.
AC was asking me: “Gusto mo bang mag-Malate?”
Hindi ako kaagad nakasagot. Gusto kung sa gusto, kaya lang nararamdaman ko na hindi ako dapat magpuyat at kailangan munang mag-recover ng katawan ko.
“Kayo? Gusto n’yo ba?” ang balik-tanong ko.
“Ikaw, kung gusto mo, go tayo. Baka kailangan mo lang mag-Malate para gumaling ka.”
Natawa ako. “Ok sige. Pero Silya lang tapos uwi na. Ayoko munang mag-Bed.” Pagkasabi ay parang na-guilty ako kasi nga ang sabi ko kay Rich, hindi ako magma-Malate.
“Good. Uminom na lang tayo at mag-videoke,” ang sabi ni AC.
***
Pagbaba ko ng sasakyan, naramdaman ko kaagad ang pamilyar na atmosphere. Ang masigla at masayang galaw ng mga tao sa kahabaan ng Nakpil. Ang musikang nanggagaling sa iba’t ibang bar na kahit sala-salabat ay may harmony sa aking pandinig.
Kumaway sa akin ang mga waiter ng Silya. Nginitian ko sila. Umupo kami at sumenyas ng beer. May preskong hagod sa aking lalamunan ang unang lagok ko ng Strong Ice. Nakadama ako ng comfort at pagka-relax.
Nagsimulang kumanta si AC. Na sinundan ng jowa ni AX. Pati ako napakanta rin kahit medyo ngongo ang boses ko dahil sa sipon.
Uminom kami. Nag-yosi. Kumanta. Nagkulitan. I started feeling really good.
Nakipagtitigan ako at nakipagngitian sa isang cute guy na naka-checkered shorts. Siniko ako ni AC.
I got a few text messages from my other friends asking kung gigimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kasi nga hindi naman kami magtatagal.
12:30, nag-decide na kaming umuwi. Parang ayaw ko pa pero kailangan na.
Nakita namin sina LW at A sa kabilang side ng Silya. No, hindi sila magkasama. May ibang ka-grupo si LW at may ka-date naman si A. I hugged them. Hinanap ko ang iba pa naming mga kaibigan. Hindi nila alam kung nasaan. Mukhang watak-watak ang barkada ngayong gabi.
“See you later in Bed?” ang tanong ni LW.
“No, pauwi na kami,” ang sagot ko.
“Why so early?”
“Hindi ako dapat nandito. Sick pa rin ako.”
“Ang alam ko nga. Kaya absent ka last week.”
“Next Saturday, I promise, buo na uli tayo.”
***
Nag-offer sina AC na ihahatid na ako pauwi pero nag-decline ako. Out of the way kasi. Pumara ako ng taksi at nag-goodbye sa kanila.
Dumaan sa Orosa ang taksing sinasakyan ko. At doon sa kanto, namataan ko siyang nakatayo. Parang lost boy. Agaw-pansin ang kaguwapuhan. May hatid na sikdo ng excitement sa dibdib ko.
Si Xyrus.
Ang tagal kong hinintay na muli siyang makita. Mula sa bintana ng taksi, pinagmasdan ko ang kanyang mapang-akit na kabuuan. Gusto kong bumaba to say hello pero napaka-awkward naman yata.
I had to remind myself na tapos na ang gimik at pauwi na ako dahil kailangan ko nang magpahinga. At saka, hindi ako masyadong confident sa itsura ko. Dinaan ko lang nga sa concealer ang panlalalim ng mga mata ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa upuan. Pumikit ako.
“Next time,” ang bulong ko sa sarili. “Paghahandaan kita.”
11 comments:
kahit may sakit sige pa rin. wag ka lang magsisisi pag next time nasa BED ka na sa isang ospital malapit sa MALATE. ewan ko sau kuya Aris. sometimes hindi maganda ang sobrang pakikisama. health mo na kasi ang nakataya.
hehe pagaling ka tsong... mabisita nga ung place na kinainan nyo... i'm looking for new places to dine in... :)
hahahaha... excited ako para kay xyrus eversince na lumabas siya sa blog mo. hahaha!
@jinjiruks: don't worry, i am ok now. thanks for the concern, my friend. mwah! :)
@mr. a to z: ok dun kaya lang simple lang yung place. pero masarap ang food. thanks. :)
@wandering commuter: excited din ako pero nandun yung apprehension. :)
"The ihaw-ihaw by the breakwater was a quiet, relaxing place">>> i like this part. it calls me to go to tha beach again.
at talagang paghahandaan mo ang next time na pagkikita nyo.. sana masaksihan ko hehehe. cross fingers.
pwede po bang dumaan?
naaliw ako sa sinabi mo na paghahandaan mo po pagkikita niya ni xyrus
wow...
exciting
sana may hawak tayong video para macapture yung moment
hehe
@the dong: may hatid na kapanatagan sa aking kalooban ang tabing-dagat. parang nawawala ang aking mga alalahanin. :)
@dabo: konti na lang, handang-handa na ako hehe! :)
@period: sana nga pwedeng i-video at i-post sa youtube hehe! salamat sa pagbisita. sana dumaan ka lagi. :)
sabi ko na nga ba magbabalik!
take care of your health mah frend!
u have an exciting life. . . go girl! take care of yourself.
“Next time,” ang bulong ko sa sarili. “Paghahandaan kita.” - naks naman. hahaha!
Post a Comment