Wednesday, May 27, 2009

If I Can't Have You

The Saturday before I left for Bora, I attended M’s birthday dinner at Dencio’s. It was only for selected friends. My best friend AC was there. And, yes, James.

“Bakit ganyan ang boses mo?” James noticed when I said hello nang dumating ako. “May sakit ka na naman?”

“Medyo,” ang sagot ko. Paos kasi ako dahil sa sipon.

“Puro trabaho kasi yan. Di nagpapahinga,” ang sabi ni AC na tila nagsusumbong.

“Alagaan mo nga yang sarili mo,” ang sabi ni James.

Nang lumapit ang waiter para tanungin ako kung ano ang gusto kong inumin, si James ang sumagot. “Kalamansi juice. Bottomless.”

“Makakabuti yan sa sipon mo,” ang sabi niya sa akin.

Nang dumating ang pagkain, James volunteered to serve the soup.

“Humigop ka ng mainit na sabaw. Kailangan mo yan,” ang sabi habang sinasalinan niya ang mangkok ko.

“Napakamaalaga naman ni James sa’yo,” ang komento ni AC na hindi na nakatiis.

Napangiti na lamang ako. Tumingin ako kay AC. May sinasabi ang mga mata ko: See, I told you, he cares for me.

Ok na sana ang flow ng mga pangyayari. Kaya lang after dinner, dumaldal na itong si M tungkol sa bagong BF ni James. Na-shatter ang ilusyon ko lalo na nang ipakita na ni James sa akin ang pic ng kanyang BF. Ang guwapo! Nakaka-insecure. At ang tsika pa ni M, napakayaman daw!

Nabanggit na ni James ang tungkol sa guy na ito noon, pero I just downplayed it. Hindi ko masyadong pinansin. Yun pala, nagkakamabutihan na sila at hindi lang ako updated.

Bumulong sa akin si AC: “Gurl, back to reality.”

***

After dinner, siyempre go sa Malate.

Sa Silya, doon kami sa bandang loob pumuwesto dahil sa videoke.

“Anong song ang gusto mo?” ang tanong sa akin ni AC.

If I Can’t Have You by Yvonne Elliman,” ang sagot ko.

“Ano yun?”

“Basta tingnan mo kung meron.”

Hanap naman si AC sa songbook.

“Yan ba yung ni-revive sa American Idol?” ang tanong ni James.

“Wala eh,” ang sabi ni AC.

“Siyempre, luma na kasi yun. 70’s pa,” ang sagot ni James.

“Kainis ka,” ang sabi sa akin ni AC.

Natawa na lang ako.

Nagsimula akong magpawis dahil medyo mainit. Napansin ni James.

“May panyo ka?” ang tanong sa akin.

“Bakit?”

“Magsapin ka nga sa likod. Masama sa’yo yan.”

“Ako na,” ang sabi ni AC sabay bulong sa akin habang sinasapinan ang likod ko: “Sobra na ito, gurl. Over na sa pagka-caring.”

Nangiti na lang ako sa pambebeybi sa akin ng mga kaibigan ko.

Nang magsindi ako ng yosi, nagsalita uli si James.

“Tigilan mo na nga yan. Kaya ka nagkakasakit.” Masama ang tingin sa akin.

Palihim akong sinipa ni AC. Pinatay ko kaagad ang yosi.

Hindi ko alam kung bakit napaka-concern sa akin ni James. Siguro dahil ganoon lang talaga siya as a friend.

***

Hindi sana siya magbe-Bed dahil hindi siya nakapagpaalam sa boyfriend pero napilit ko siya.

“Sandali lang ako ha? Baka magalit siya,” ang sabi.

Natuwa ako dahil pinagbigyan niya ako.

Nagpaka-proper ako sa loob. Hindi kami naghiwalay ni James. Siya lang ang naging kasayaw ko.

“Para kayong mag-jowa,” ang bulong sa akin ni AC.

Pinagmasdan ko si James. Nakangiti siya sa akin. He looked boyish, almost innocent.

Kaysarap sanang mag-ilusyon na boyfriend ko siya. Pero ayokong lokohin ang sarili ko.

Kung ang kabaitan at kabutihan niya sa akin ay pagmamahal, hindi ito katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Kailangan kong tanggapin na may mahal na siyang iba at hindi siya akin.

Pilit kong iwinaksi ang anumang masakit sa damdamin habang nagsasayaw kami.

Nalungkot ako nang magpaalam na siya.

“I have to go,” ang sabi niya. “Pinapauwi niya na ako.”

I looked straight into his eyes. Sinalubong niya ang tingin ko. Hindi ko alam kung nabasa niya sa mga mata ko ang mga bagay na hindi ko masabi sa kanya.

Niyakap niya ako. Mahigpit.

Yumakap din ako sa kanya. Matagal.

“Bye, Aris. Alagaan mo ang sarili mo.”

Bumitiw siya sa akin.

Habang tinatanaw ko ang kanyang pag-alis, sumidhi ang lungkot ko.

Nawalan na ako ng ganang magsayaw kaya niyaya ko sa labas si AC.

Uminom kami sa Silya.

Nalasing ako at nag-emote.

Naiyak ako sa “If I Can’t Have You” ni Adam Lambert.

11 comments:

Herbs D. said...

a friend told me that every night. Aris would always have his prince charming with him :-p

whoever that is. hehe :)
okay lang yan. boys come and go like yellow pages.

Jinjiruks said...

*sigh* eto na naman tayo. emo season na kasi kaya buhos lang mga ganitong entry. pati ako halos naiiyak na dito habang binabasa ito. everything happens for a reason. bakit kaya ganito lagi magbiro ang tadhana!

Yj said...

yan na nga yung sinasabi ni Kuya Bob... huwag ng magbigay ng motibo para mahalin ka ng isang tao kung wala ka namang balak na mahalin itoh...

ahmmmmmmmp.... kilig na kilig pa naman ako sa 1st part....

pero TRULY... alagaan ang sarili friendship..... lagi mong pinapaalala sakin yan.....muahz

Kane said...

Aris,

So, this explains the "sudden" flight to the island. And your subsequent "tryst".

Are you sad because you want James? Or, are you sad because you want someone?

Hug,
K

bampiraako said...

sad. The hug says it all.
Makakahanap ka din ng mas pa kay james. swerte ka pa din at me kaibigan ka na kagaya niya at least hindi lagi siya nandiyan dahil wala namang break up sa magkakaibigan.

..If you can't have him as your lover, He will always be as your best friend..

pusangkalye said...

masakit talaga kasi kung minsan kahit ganu natin kamahal ang isang tao---di pwede.......

Mugen said...

Ang huling huling taong nakadurog ng puso ko, hanggang ngayon, alam pa rin niya paano ako durugin. No wonder, siya lang ang isa sa may alam paano ako mangsurpresa pag gusto ko ang isang tao.

Tatagan mo sarili mo. Minsan, kung sino ang gusto natin ay siyang hindi nauuwi sa atin.

<*period*> said...

<*atungal baka habang walang patid ang pagtulo ng luha*>

nakutusan tuloy ako ng kasama ko dito sa newsroom bakit daw alas kuwatro y medya ng madaling araw, umiiyak ako

ang bigat sa dibdib naman ng post na itey...huhuhuhuhuhuhuhuhu

Aris said...

@herbs d.: nalasing lang. hence, the drama. :)

@jinjiruks: kailangan talagang matutunan i-manage ang emosyon kasi hindi lahat nangyayari ayon sa ating kagustuhan. :)

@yj: iba-ibang klase ang pagmamahal. mahirap kung hindi kayo magkatugma. sa halip na pareho kayong maging masaya, may isang masasaktan. i am doing well, my friend. hindi na ako sick. salamat. mwah! :)

@kane: siguro dahil na rin dito kaya naisipan kong ituloy na ang bakasyon. maaari nga na nalulungkot ako dahil gusto ko ng someone. not necessarily james. *hugs* :)

@bampiraako: happy na rin ako na magkaibigan kami. sa susunod, hindi ko na lang bibigyan ng kahulugan ang mga kabutihan niya sa akin. likas kasi siyang maalaga at yun ang weakness ko. darating din yung nararapat sa akin. optimistic ako. :)

@pusang gala: mahirap tanggapin pero magagawa rin natin. :)

@knox galen: true, kapag minahal mo ang isang tao, binibigyan mo siya ng kapangyarihang saktan ka. kailangan maging ready ka at matatag. thank you sa pagbabasa at sa comment. i added you na sa links ko. :)

@period: cry din ako nang sinulat ko ang post na ito. lalo na nang pinakinggan ko muli ang song ni adam lambert. nauunawaan ko kung bakit ka naka-relate. ok lang na umiyak tayo, para lumuwag ang ating dibdib. :)

Anonymous said...

nga naman. ang pagmamahal ganyan naman talaga, nakakalungkot naman. pero nakakakilig din.

Aris said...

@dilanmuli: hirap intindihin ng love noh? :)