Alas-siyete ang party.
Pasado alas-diyes na, pasakay pa lang ako ng MRT.
Hindi dahil gusto kong magpa-late. Nanggaling pa kasi ako sa isang meeting. Tapos, umuwi pa at nagbihis.
I haven’t been partying lately but this is one party I wouldn’t want to miss. Despedida ni Tristan at isang malaking karangalan na ako ay maimbita.
Mga bloggers ang bisita. Mga taong kilala ko na sa pangalan, binabasa, hinahangaan at ang iba, naging kaibigan ko na online. Excited ako na sa wakas ay makikilala at makakausap ko na sila nang personal.
Dumating ako sa Linden Suites bago mag-alas-onse nang gabi. Bumubungad pa lang ako sa pintuan ng kuwarto, sinalubong na ako ng mga ngiti.
Ipinakilala ako ni Mcvie. Nag-uumapaw ako sa tuwa habang kinakamayan, naghe-hello at niyayakap sila isa-isa.
Nakilala ko si CC (na kasabay ko sa elevator). Si Ewik na nabaitan talaga ako, sobra. Si baby gurl Herbs na napaka-sweet, gusto ko siyang ampunin (charing!). Si Mksurf8 na, would you believe, lumipad pa from Singapore (friend, sa wakas nagkita rin tayo. I have been looking forward to this!). Si Doc Mike na fresh from Cebu at ang sarap kakuwentuhan. Si Turismoboi na nakakatuwa ang mga quips. Si Mr. Scheez na pakiramdam ko, close kaagad kami. At si Closet Geek na napaka-cool na yosimate.
At siyempre, ang mga iniidolo at pinagpipitaganang sina MGG at Gibbs Cadiz na life of the party at sobrang kuwela ang mga hirit!
Na-meet ko rin sina PinoyPoz at Ruby Purple na kung hindi lang ako baba nang baba para magyosi, nakakuwentuhan ko rin sana nang matagal.
And, yes, si Nyl, na pinakahuling dumating (galing pa sa gimik!) at tahimik pero naka-bonding ko rin kinalaunan at kasabay ko pang umuwi.
Naroroon din sina Jamie Da Vinci, Twink Boi at Jaybeecc na sana sa susunod ay magkaroon na ako ng pagkakataong maka-chikahan.
And, of course, ang mga dati ko nang nakilala at naging kaibigan na na sina YJ, Joaqui at John Stanley. Dumating din daw si Mugen (I miss you, friend!) pero maaga siyang umalis at hindi na kami nagpang-abot.
It was THE party. Ngayon lang nagkatipon-tipon nang ganito ang mga G-bloggers. Ang daming food (pizza, pasta, fruits, cheese at kung anik-anik pa) at drinks (wine, beer) na hindi naubos. Ang saya ng mga napag-usapan (at napag-tsismisan hehe!). Nagkaroon din ng question and answer portion at konting kantiyawan tungkol sa mga... uhum (secret!).
Alas-singko na nang umaga nang mag-uwian kami. Halos walang humpay at paulit-ulit ang paalamanan na parang ayaw maghiwa-hiwalay.
Sa iyo, Tristan, na siyang naging dahilan ng impossible gathering of the stars na ito (stars daw o! Choz!), isang maligayang paglalakbay at pagtahak sa bagong landas ng iyong buhay. Naniniwala ako na ito ang destiny mo at sana makamtan mo kaagad ang mga bagay na higit na magpapaligaya sa’yo. Marami kang blessings dahil isa kang mabait at mabuting tao. Nagpapasalamat ako na nakilala kita at sana kahit nasa malayo ka, patuloy pa ring yumabong ang pagkakaibigan natin. You will always be in our hearts kaya huwag mo kaming kakalimutan. Andito lang kami at sa pagbabalik mo… PARTY uli tayo! Ingat.
Related Links:
Party Postscripts
Clipped At The Hip
22 comments:
Hi Aris! It was nice seeing you again... outside of Bed. hehehe
Ingat.
gathering of the stars and a starlet....
starlet si Herbs hahahahaha achoz...
saya saya.... basta sa susunod theme party na ha.....
word veri- sessesse hahahaha kaloka
WOW! Kainggit naman.. :)
Nung friday pa kita hinahanap sa BED lolz. :D
Sayang di tayo nagkapang abot kagabi.
pano ba yan. so ihahandan na ang mga damit, labahin, at kung anik anik pa dito para sunduin mo na ako from Pque at tumira na sa hawla mo. mwahaha.
it was soo fun meeting you too Aris. ahihihihihihi mwah mwah
dumating din si kokoi. di lang tayo nagpang-abot. halos magkasunod lang kami ni mugen ng pag-alis. sayang. wehehe. xempre jowk.
gandang GEB naman yan. ang saya!
kaiinggit naman...sana makilala ko rin sila
@joaqui: sa wakas, nakapag-bonding din tayo kagabi. :)
@yj: ay, oo. "sex and the city" na ang tema. ang sushi party dress, ihanda na! salamat, friend, sa company. at sa yosi hehe! *hugs* :)
@acrylique: sana sa susunod, ma-meet na rin kita. :)
@knox galen: mugen, is that you? ask ko nga si ewik hehe! :)
@herbs d.: sige, ipapasundo na kita sa driver ko. now na. charoz! hugs and kisses to you, baby gurl! :)
@kokoi: uy, napagkuwentuhan ka namin at si mayumi. wish ko talaga, sana ka-join ka rin namin. at ang dearest friend nating si pao! :)
@period: oo nga. sa susunod, sana makilala ka na rin namin. :)
nice meeting you there! :p
aris!!! tagal kong di napaalw ito ah. waaup?
it was great meeting you mah friend. sa wakas! sorry di lang kita masamahan mag yosi. pero pede kita samahan sumayaw sa Bed. hehe. ingat ka!
it was nice to meet you. salamat sa pagtawag ng taxi. naka auto pilot na ako halos nung umuwi tayo.
word verification: penge (ng ano? haha)
ay parang napagusapan na yang sex and the city at sushi party dress na yan ah... naka reserve na yan sa post lawyer's oath taking party na si yj ang magiging punong abala.. kainggit naman yan. pano kais poorita ang batchoy boi now eh
@doc mike: hope to see more of you in the future. happy ako para sa inyo ni friend hehe! :)
@joshmarie: joshy, sister dear!!! eto, may bagong inspiration. charot! sana, ikaw din, ma-meet ko sa susunod. ingat always. mwah! :)
@mksurf8: friend, sa pagbabalik mo, bed tayo! at sana makasama din natin siya (your special someone) hehe! ingat always. :)
@cb: the pleasure is mine. nag-enjoy ako na kasama ka. *hugs*
@luis batchoy: sabi ko nga ki yj, paano yan, habang kumakain kami, nakahiga siya sa mesa? hahaha! wish you were here, my friend. :)
Ariiiissss! It was nice meeting you!
Sa susunod party naman ni Herbs and CB. =)
At, ano naman ang mga napagtsismisan dun? LOL!
-- Mr. Scheez
it was nice meeting you! :D
it was so nice meeting you...
(p.s. we will wait for "THE MAP"...hehehe)
nice to see you again, aris! =)
@mr. komplikado: so happy to have met you! bitin pa ako sa chikahan. looking forward sa susunod. ay, secret daw ang mga chismis hehe! :)
@ruby purple: same here, gurl! take care always. mwah! :)
@the geek: the feeling is mutual. eto na, dino-drawing ko na ang mapa haha! :)
@john stanley: ako din. ang masasabi ko lang, happy ako sa lovelife mo hehehe! :)
nice meeting you, aris. hinanap ko bigla ang comment ni dabo, alam ko kasi kokontra yun dahil sinabi mo mabait ako. hahaha!!!
atleast ngayon, alam ko na kungsaan ako pupunta kapag gusto kita makita... hahaha. wink!
Hi Aris. I envy you and the rest of the gang for being at this dispidaida... I wish i was there too.
Thanks for following my blog :-D I sincerely Appreciate it :-D
thanks. Please do keep in touch :-D
@wandering commuter: nice meeting you too, ewik. hindi naman kumontra si dabo hehe! hope to see you again soon. :)
@the green man: hello. it would be great to have met you too! thank you also for following. will always keep in touch, that's for sure. :)
Post a Comment