Dahil attracted ako sa kanya, ayokong biguin si Lawrence. Nangako ako na darating.
Habang nakahiga ako sa beach at pinalilipas ang maghapon, balisa ako at nananabik na muli siyang makita.
Buong araw, pinangarap ko siya ayon sa itsura niyang nanatili sa aking alaala.
Kahit napansin kong hindi ako masyadong kinikibo ni Diego nang araw na iyon, hindi ako apektado dahil nangingibabaw sa akin ang excitement sa muling pagkikita namin ni Lawrence.
Nagtatakip-silim nang magpaalam ako kay Diego. Wala sa bahay si Mang Jose.
“Saan ka pupunta?” ang tanong ni Diego. Akala ko, hindi niya ako kakausapin.
“Iniimbita ako sa hapunan ng isang kaibigan.”
“Kaibigan? Dalawang araw ka pa lang dito, may kaibigan ka na?” May pagtataka sa kanyang tinig at tila may pagkainis din.
“Kaninang umaga ko lang siya nakilala.”
“Tagarito ba siya?”
“Taga-Maynila.”
Hindi na muling nagsalita si Diego. Tumalikod na ako at lumabas ng bahay.
Naglakad ako sa beach. Mabilis ang aking mga hakbang, nakikipag-unahan sa kaba ng aking dibdib.
Kayganda ng kulay ng langit dahil sa papalubog na araw.
***
Malayo pa ay natanaw ko na ang siga sa harap ng tent ni Lawrence.
Higit akong nagmadali sa paglalakad, puno ng antisipasyon.
Nang malapit na ako sa kinaroroonan niya, nakita ko siyang nakaupo sa harap ng siga. Higit na matingkad sa liwanag ng apoy ang kulay ng kanyang balat.
Napangiti siya pagkakita sa akin. “Hey, Arman. You came,” ang sabi.
“I promised.” Nakangiti rin ako.
Naupo ako sa tabi niya. Nalanghap ko ang masculine scent niya. Naramdaman ko ang mainit na singaw ng apoy.
“Dinner is almost ready,” ang sabi.
Saka ko napansin ang iniihaw niyang isda. May pinapula ring alimasag at hipon sa dahon ng saging na nakalatag sa buhangin.
“Saan galing ang mga yan?” ang tanong ko.
“Binili ko sa mga mangingisda.”
Nagbukas siya ng white wine at nagsalin sa dalawang baso. Uminom kami.
“Madalas mo bang gawin ito?” ang tanong ko.
“Ang alin?”
“Ang magbakasyon nang ganito. Naka-tent lang sa beach. Mag-isa,” ang sagot ko.
“Every now and then I get close to nature. Sa ganito ako nare-recharge.”
“Dito ka ba sa beach na ito lagi nagpupunta?”
“First time ko lang dito. Pero siguradong babalik ako. Nagustuhan ko rito.”
Hinango niya sa baga ang isda at inilapag sa dahon ng saging. Binuksan niya ang maliit na kaldero ng kanin.
“Dinner is served,” ang sabi niya sa akin nang nakangiti. Muli kong nasilayan ang mga biloy niya sa pisngi.
Nagsimula kaming kumain nang nakakamay. Simple lang ang aming hapunan pero napakasarap niyon para sa akin.
Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya habang kumakain. Parang hindi ako mapakapaniwala na kasalo ko siya.
Napakasaya ko nang mga sandaling iyon. Lalo’t higit nakatingin din siya sa akin.
“Nagustuhan mo ba ang inihanda ko para sa’yo?” ang tanong niya.
“Oo naman. Sarap. Manamis-namis.”
“Lalo na itong hipon,” ang sabi. Binalatan niya ang isa.
Nagulat ako nang isinubo niya sa akin. Gayunpaman, malugod ko itong tinanggap.
“Masarap, di ba?” ang tanong niya habang ninanamnam ko sa bibig ang isinubo niya.
Tumango ako at ngumiti.
Nagbalat din ako ng alimasag. At ginawa ko sa kanya ang ginawa niya sa akin.
Marahan ang naging pagtanggap ng kanyang bibig. Bahagya niya pang sinipsip ang aking daliri. Para akong dinaluyan ng kiliti.
Nang muli niya akong subuan, hindi lang sipsip ang aking ginawa kundi dinilaan ko pa ang kanyang kamay.
Hindi niya ito binawi. Sa halip ay dinama niya ang aking labi.
Nang muli siyang magbalat ng hipon, idiniretso niya ito sa kanyang bibig at saka niya isinubo sa akin.
Nalasahan ko ang pagkain kasabay ng kanyang halik.
***
Iyon ang aking first kiss.
Parang huminto ang lahat sa aking paligid. Umahon mula sa aking kaibuturan ang panghihina… pananabik… at pagnanasa.
Napapikit ako. Napayakap sa kanya habang nilalasap ang kanyang mga labi.
Nang magbitiw kami, tumitig siya sa akin. May ningning sa kanyang mga mata na higit na nagpaalab sa akin.
“You are so beautiful,” ang sabi niya.
Dahan-dahan niyang hinubad ang aking damit. Naghubad din siya. At Ibinilanggo niya ako sa kanyang mga bisig. Hinalikan niya ako sa leeg… pababa sa aking dibdib.
Maingat ang mga halik na iyon… hindi nagmamadali. Parang pagsimsim sa bango ng isang bulaklak… parang pagtikim sa isang prutas.
Inihiga niya ako sa buhangin. Muli niya akong niyakap, hinaplos at hinalikan sa buong katawan hanggang marating niya ang aking kasarian na kung saan siya nagtagal.
Napasinghap ako. Para akong malulunod sa agos ng sensasyong noon ko lang napaglunuyan.
Napakapit ako. Para akong idinuruyan ng kiliting gumagapang paakyat mula sa aking talampakan.
Tuluyan na akong nakalimot at nagpaubaya sa kanyang pagpapala.
Ipinagkaloob ko sa kanya ang aking pagka-birhen.
At narating ko ang langit.
***
Kasabay sa pagkaupos ng siga ay ang paghupa ng init sa mga katawan namin.
Magkatabi kami ni Lawrence sa pagkakahiga. Nakapikit siya habang nakayakap sa akin.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at muli ay namangha ako sa kaguwapuhan niya.
Niyakap ko siya at hinalikan.
Dumilat siya. Nagtama ang aming mga mata.
Nag-uumapaw sa kaligayahan ang aking puso. May gusto akong sabihin sa kanya.
Subalit bago ako nakapagsalita, bumangon siya. Tumayo.
At saka lumayo.
(Itutuloy)
Part 5
10 comments:
i love how your story progressed into something like this. are you coming to daddy tristan's despe? would love to meet you there ;)
zomg. i want more mwahahahah
Kung tama ang takbo ng iyong storya, mukhang ganito yata sa atin. Kasunod ng init ay ang nakakapanghinayang na lamig.
ay san nag punta ? haha!
kahit wala akong lagnat, pinapainit mo ako sa mga umaatikabong aksyon na ito. Dr. Xerex!
"Iyon ang aking first kiss."
kristina paner, PASOK!!! unang halik ng yong mahal, isang saglit lang nang matikman, isang saglit lang, parang walang hanggan... yan ang iyong unang halik.....
“You are so beautiful,” ang sabi niya.
James Blunt, Christina Aguilera, Taylor Swift... isama na si Jose Mari Chan... Pasok!!!
"Parang pagsimsim sa bango ng isang bulaklak…"
Viva Hot Babes PASOK!!! ang bango bango, ang bango bango ng bulaklak... hihihihihi
"Ipinagkaloob ko sa kanya ang aking pagka-birhen."
NOTA, PASOK!!!!
bwahahahaha i lovet.... pambalanse sa maulang panahon ito friend... biglang uminit ang paligid hihihihihi....
At narating ko ang langit....
Bryan Adams na lang... pwede rin Pilita Corales dito hahahaha...
muahahahahahaz.... ingats... hugs!!!
yuck naman malansa kaya ang kinakain nila di man lang naghugas muna... chos! Heheheh
hmmmmmmmmmm fiction b to?
ang likot ng utak mo ha. hehe. Mejo eto ang pinakgusto kong entry sa apat. siguro may 'love' factor kasi. yung first 3 kasi parang 'libog' factor lang.. me ganun? haha.. nice one aris..
abangan ko yung part 5.
@herbs d.: would love to meet you there!
just hang on. there's more! :)
@knox galen: abangan hehe! may surprises pa. :)
@shen shen: basta! close your eyes, bata ka pa hehe! :)
@jinjiruks: ay, ganon? para naman magpawis ka. makakabuti yan sa health mo hahaha! :)
@yj: naloka ako sa musical scoring mo! lalo na yung kay pilita hahaha!
*hugs and kisses* :)
@luis batchoy: masarap yung medyo malansa hahaha! na-miss kita. :)
@turismoboi: bunga ng malikot na imahinasyon pero may hinango sa tunay na karanasan. :)
@bampiraako: napansin ko nga, kulang sa love, pulos libog hahaha! i am glad you are enjoying the joyride. :)
naku naman. saan naman kaya siya pupunta??? grabe ha.
Post a Comment