Nagising ako pasado alas-nuwebe.
Over breakfast, naisipan kong magluto ng lunch. It was an easy Sunday at sinisipag ako.
May craving sa adobo at sopas ang housemates ko kaya iyon ang napagdesisyunan kong lutuin.
Lumabas ako ng bahay para mamalengke.
Nagtungo ako sa Monterey sa loob ng village. Nakipagsiksikan ako sa dami ng tao sa meat counter at kaagad na nagpakilo ng pork belly.
Nagpapa-slice ako nang marinig ko ang buo at kaiga-igayang boses galing sa likuran ko.
“Isang kilong beef nga.”
Napalingon ako. The voice matched the face. Guwapo. Bata. Brusko.
Napansin niya ang paglingon ko. Kaagad akong bumawi ng tingin. Sa diwa ko, rumehistro ang imahe niya na malinis at mabango.
“Pang-nilaga,” ang narinig kong sabi niya nang tinanong siya kung anong cut ang gagawin.
Pagkabigay sa akin ng pork, nagtungo ako sa freezer para kumuha ng chicken breast. Hindi ko naiwasang muling tumingin sa kanya.
Eksaktong paalis na siya sa meat counter bitbit ang beef kaya huling-huli niya ako. Saglit na nagtama ang aming mga mata. Kaagad akong umiwas at dumiretso sa cashier.
Wala sa agenda ko ang lumandi. Unang-una, pamamalengke lang talaga ang pakay ko. Pangalawa, nakapambahay lang ako at naka-tsinelas, ni hindi yata ako nakapagsuklay. At pangatlo, alas-diyes ng umaga, hello?
Pumila ako sa cashier upang magbayad. Pumila na rin siya. At kahit may dalawang tao sa pagitan namin, damang-dama ko ang pang-akit niya na parang magnet na humihigop sa akin.
Bago ako tuluyang lumabas, hindi ko napigilang muli siyang tingnan.
Nakatingin din siya sa akin. Nakangiti.
Nataranta ako at nagmadali. Muntik pa akong maipit sa pinto.
***
I walked to the nearby talipapa.
Umikot ako upang maghanap ng mga sariwang gulay na kakailanganin ko.
Nakayuko ako at pumipili ng carrots nang may maramdaman akong familiar presence sa tabi ko. Nasulyapan ko ang magagandang paa na naka-Havaianas. Gayundin ang mabalahibong binti.
Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha, halos pigil ang hininga.
At muli ko siyang nakita. May hawak na patatas.
Muling nagtama ang aming mga mata. Muli rin akong umiwas. Hindi dahil nagmamaganda ako. Intimidated lang kasi ako sa kanya.
Inabala ko ang aking sarili sa pagpili ng iba pang mga gulay.
Nagbayad siya. Dedma ako kunwari hanggang sa siya ay makaalis.
***
Paglabas ko ng talipapa, naroroon siya. Nakasakay sa motorsiklo (naka-motorsiklo pala siya!), nakatingin sa akin at nakangiti.
“Saan ka?” ang tanong niya.
“Diyan lang sa Sampaguita,” ang sagot ko. Hindi na ako nakaiwas.
“Sa Gumamela lang ako. Halika, sumabay ka na.”
“Huh?”
Tama ba ang intindi ko? Pinasasakay niya ako sa motorsiklo niya?
“Sakay na,” ang muli niyang yaya. Hindi ako makapaniwala.
Gusto ko sanang tumanggi pero hindi ko ma-resist ang appeal niya. Ang sexy niya sa pagkakasakay sa motorsiklo! Defined ang muscles niya sa braso habang nakahawak sa manibela. Naka-expose ang mahaba at malaman niyang binti sa suot na checkered shorts.
Natagpuan ko ang sarili ko na nakaangkas sa motorsiklo niya.
Marahas ang pagpapatakbo niya. Ngunit sa halip na matakot, na-excite ako.
Habang tumatakbo kami nang mabilis, nalanghap ko ang likas niyang bango na itinataboy ng hangin sa akin. Hindi ko naiwasang kumapit sa baywang niya upang bumalanse. Wala akong nahawakang bilbil at ang nasalat ko ay ang matigas niyang abs!
Lumiko siya sa street namin sabay sa pagbagal ng kanyang takbo.
“Diyan lang ako sa brown gate,” ang sabi ko.
Itinigil niya ang motorsiklo sa tapat ng bahay namin.
Bumaba ako.
“Salamat….” ang sabi ko.
“Jeff,” ang pakilala niya sa sarili. “Bagong lipat lang kami rito.”
“Aris,” ang pakilala ko rin. “Salamat uli, Jeff.”
“Sige, Aris. Tutuloy na ako.” Muli kong nasilayan ang kanyang ngiti.
Nagmaniobra siya upang umikot. Bahagya pa siyang kumaway bago muling humarurot.
Tinanaw ko siya hanggang makaliko sa kanto.
Pumasok ako sa gate bitbit ang mga pinamili kong baboy, manok, repolyo, patatas at carrots.
Inayos ko ang gulu-gulo kong buhok.
Saka ako naging aware sa itsura ko na napaka-unglamorous!
21 comments:
parang ibang karne ang nakuha mo sa monteray =)
may naalala ako sa post na to...
namiss ko tuloy umangkas ng motorsiklo..
kaabang-abang na naman 'to aris. what if, one day, on your way out, you found him waiting outside your gate in his motorcycle?
hmmm... =)
Now that's what I call "Serendipity". Agree?
Poetry on the BAckground pasok!
Balaki ko day samtang nagsakay ta'g habal habal... (Recite a poem to me, 'Day while we're riding a Motorcycle)by Adonis Durado.
Haksa ko'g paghugot
Sama sa Lastikong
Mipungpong sa imong buhok.
Embrace me oh so tight
Just Like that rubberband
That bunches up your hair.
CHECK!
Ay ang tarush ng arrive mo teh.
Inggit ako, hmpf
Malikot talaga isip ko. Ibang klaseng "angkas" ang naisip ko eh. LOL! =)
Musta ka na friend? =)
sino ba naman ang makakatanggi lalo na sa isang taong gusto mo nang kagatin sa unang pagkikita pa lang. eh ano naman kung haggard ka - i sa BET ka niya wala ka nang magagawa sa mga ganyang sitwasyon...
malamang me mga susunod pang mga PAGKIKITA yan. hehehe!
hay nako. bawat entry na lang ni kuya Aris, lagi mo nalang akong iniinggit sa mga karne na yan. so sulyap method pala dapat. hehe. anu bang meron ka at super magnet ka sa mga yan.
ibang level na talaga ang level ni mama aris. oo, mama ka kasi gusto mo ko ampunin. yes? hehe.
ay hindi. Papitoe na kita ha? landi mo kasi eh lol. ang haba talaga ng hair ng leche.nakakaloka. sana ganyan din ang eksena ko habang nagshoshopping ng milk kanina...
ingat papi aris :-p ;-) and yes, you're now one of my papitoes. yes? :D
YOU SIMPLY MADE ME SMILE...
@chuck suarez: beef cake? hahaha! :)
@the geek: there's something sexy about motorcycles, di ba? :)
@john stanley: omg, gusto ko yan. kaya lang baka matulala ako sa excitement hehe! :)
@the green man: yes, my friend. and i hope magkaroon pa kami uli ng pagkakataon if we're really meant to be. :)
@luis batchoy: perfect na pang-prologue! *hugs* :)
@cayy cayy: friendly lang talaga ang neighborhood namin, gurl. matulungin hehe! :)
@Mr. Komplikado: mas gusto ko yata yang angkas na naiisip mo hahaha!
heto, friend, wala pa ring lovelife hehe. ikaw, kumusta na? :)
@dilan muli: sana nga may susunod pang pagkikita. sisiguraduhin ko na hindi ako haggard. :)
@jinjiruks: sulyap method nga lang, friend. dagdagan na rin ng konting lakas ng loob at pa-cute hehe! :)
@herbs d.: mama ka jan! hmp! mas gusto ko na ang papitoe. promotion ba ito?
you take care too, baby gurl. magaling na swine flu mo? :)
@period: your comment made me smile. natutuwa ako kapag napapasaya ko kayo. :)
sana magkita ulit kayo ni jeff
@cronwell: hello. oo nga. sana. salamat sa pagbabasa at sa comment. thank you rin sa pag-follow. tc. :)
sinabi mo pa...hahaha
angkas na!!!!
bakit mayfeeling ako na hindi lang motor ang nasakyan mo sa oras na yun.... may part kang hindi sinama.... aminin mo!!!
bwahahahahahaha
@the geek: next time, kahit di siya mag-alok, aangkas na ako kaagad hahaha!
@yj: shhhh. email ko sa'yo ang director's cut. hahaha!
taray mo na lang at unglamorous ka na sa lagay na yun. paano pa kung nakapaghanda ka? hahahaha
you are welcome aris, kakakilig yung nangyari sayo. hehehe
@wandering commuter: ni hindi man lang ako nakapag-lipstick hahaha! :)
@cronwell: happy ako na na-enjoy mo ang kuwento. :)
hahaha dapat pala una ko to nabasa para mas ok ang pagbasa ko sa pangalawang storya.
Post a Comment