Thursday, July 16, 2009

My First Broken Heart

Dose lang ako noon. Trese siya.

Taga-Maynila si Aaron at nagbabakasyon lang sa lugar namin for the summer.

Una ko siyang nakitang nakikipaglaro ng basketball sa mga kababata ko sa plaza. Napako ang tingin ko sa kanya dahil bukod sa guwapo, napakahusay niyang maglaro.

Panay din ang cheer sa kanya ng mga nanonood na dalagita na obvious ang paghanga at pagkakilig sa kanya.

At dahil mga kababata ko ang kalaro niya, nakilala ko siya. At dahil nakatira siya malapit sa amin, naging katropa namin siya.

Naging kalaro namin siya hindi lang sa basketball kundi maging sa patintero, tumbang-preso at taguan.

Naging kasa-kasama rin namin siya sa pagbibisikleta at paliligo sa ilog.

Sa lahat ng mga pagkakataong kalaro at kasama namin siya, lagi na ay may kakaiba akong saya na nadarama. Magiliw ang pakikitungo ko sa kanya dahil gusto kong mapalapit siya sa akin.

Magiliw din ang mga kabarkada naming babae sa kanya. Lalong-lalo na si Virginia na mula nang mahalata ko na panay ang papansin kay Aaron ay lihim ko nang kinainisan.

Hindi lang ang pagkainis kay Virginia ang inilihim ko kundi higit lalo ang espesyal kong pagtingin kay Aaron. Bago sa akin ang damdaming iyon at ayaw kong may makaalam.

Isang gabing maliwanag ang buwan, naglaro kami ng taguan. Magkasama kami ni Aaron na nagtago sa silong ng bahay.

Kahit madilim doon, aninag na aninag ko ang makisig niyang mukha. Amoy na amoy ko rin ang mabangong pawis niya.

Tinitigan ko siya. Ngumiti siya. At sa tulak ng hindi ko mapigilang damdamin, bigla ko siyang hinalikan. Sa pisngi.

Nagulat siya. Tapos natawa.

Inulit ko pa. Hindi na siya tumawa. Pero hindi rin siya umiwas.

Sa sumunod na round ng laro, magkasama uli kaming nagtago. At siya na ang nagkusang halikan ako. Sa lips.

Ako naman ang nagulat. Pero pumikit lang ako at hindi tuminag.

Iyon ang naging simula ng aming pagkakaunawaan. Sikreto namin iyon. Ingat na ingat kaming may makaalam.

Pero minsan, isang gabing muli ay taguan ang nilalaro namin, may nakahalata. Si Virginia.

“Bakit ba lagi kayong magkasama kung magtago?” ang tanong niya sa harap ng mga kalaro namin.

Pareho kaming hindi sumagot ni Aaron.

“Siguro may ginagawa kayo, ano?” ang dugtong pa ni Virginia na may pang-iintriga.

Todo deny kami pareho pero kinabahan ako. Natakot akong mabuking ang sikreto namin.

Siguro ay kinabahan at natakot din si Aaron dahil kinabukasan, nagsimula na siyang umiwas.

Hindi na siya masyadong naglalapit sa akin. Halos hindi na rin niya ako kinakausap. Kinalaunan, hindi na siya sumasali sa mga laro namin.

Nalungkot ako pero nagsawalang-kibo na lamang. Hinayaan ko siyang lumayo.

Isang hapon, ipinagpasya kong mamasyal sa gulod upang maibsan ang lungkot ko. Nami-miss ko si Aaron dahil ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita.

Hindi ko inaasahang makikita ko siya roon. Nakaupo sa lilim ng nag-iisang puno. Nakatanaw sa malayo.

Sumikdo ang aking puso. Nagmadali ako upang lapitan siya. Subalit nang malapit na ako, napagtanto ko na hindi pala siya nag-iisa.

May kasama siya. Si Virginia.

Nagkubli ako sa mga halaman. At nagulat ako sa aking nasaksihan.

Hinalikan ni Aaron si Virginia. Sa lips. Matagal. Katulad ng ginagawa niya sa akin sa tuwing kami ay naglalaro ng taguan.

Parang dinurog ang aking puso. Parang hindi ako makahinga.

Nagtatakbo ako palayo. Nadapa ako at nagkasugat-sugat ang tuhod.

Pagdating sa bahay, umiyak ako nang umiyak.

Masakit ang mga sugat ko sa tuhod pero mas masakit ang sugat ko sa puso.

It was my first broken heart.



31 comments:

the geek said...

ang simula ng pagdadalaga ni aris.

bow.

PINKisthenewBLACK said...

OMG!

Ouch*

Aris said...

@the geek: move over maximo oliveros. lol! :)

@pinkish james: ouch talaga. thanks for dropping by. :)

Ming Meows said...

Leche yang Virginiang yan. She is a devirginized bitch!

Mike said...

Virginia? Virgin? You're calling my name? LOL!

<*period*> said...

nyeta, virginia pa ang pangalan..hahahaha

Jinjiruks said...

Pagdadalaga ni Aris, ok lang iyon. Ang hitad naman niyang si Virginia. Baka nakipag-sex na rin kay Aaron yan.

Pero Aris me balita ka pa kay Aaron?

Aris said...

@ming meows: virgin na lang siya sa pangalan hehe! :)

@doc mike: yes, i'm calling you. lol! :)

@period: bagay na bagay, divah? hahaha! :)

@jinjiruks: naku, walang-wala na akong balita tungkol sa kanya. :)

Anonymous said...

dapat ang mga virginia ay ipinapako sa krus... hehehe.

Mr. Slutty said...

Puro laro ah! Mahilig ka talaga maglaro. LOL! =)

Aris said...

@john stanley: oo nga. kasi hindi na uso ngayon ang virgin! lol! :)

@mr. komplikado: ay, oo. mahilig talaga akong laruin ang mga kung anu-ano hahaha! :)

lucas said...

wow! taguan! paborito ko yan dati!---except for the kissing part! haha!

---
nope... i'm not that boy. it was the boy whom i share the same aspiration. peace out!

MkSurf8 said...

animal si Virginia! isa syang Virginia Woolf!

Luis Batchoy said...

Dapat kasi niyaya mo na syang 'itago' na noh! Whicehever it is that needs to be 'hidden' or whosoever becomes the hiding place! kalanding bata ire... pero mas malandi ang viring. Kung ako yan, masasagot ko talaga sya na, "thinkers are doers, haller, kasi gusto mong ikaw ang kasabay ni aaron magtago para may gawin ka sa kanya! Chusera!"
Hehehehhe

pusangkalye said...

ouch---sakit nun----but Im sure you learned to appreciate love more becuase of what happened-----

Aris said...

@lucas: ako rin. hindi inaasahan, naging daan ito sa aking pagkamulat noon. :)

@mksurf8: pwede rin natin siyang tawaging virginia p. hehe!

friend, tahimik ang blog mo. miss na kitang basahin. :)

@luis batchoy: hahaha! ambastos mo. masyado pa akong bata noon para maisip ang mga bagay na yan. charing!

miss na kita. at ang blog mo, tahimik rin. :)

@pusang gala: korek. kailangan lang talagang may mga pagdaanang ganon para matuto. :)

Cubaoboy said...

awww...ang cute

Aris said...

@cubaoboy: inosente pa ako noon hehe! :)

Anonymous said...

nyetang virginia yan. inagawan ka ng lollipop. hehehe! juk lang. so un na ba ang huli???? i min huling dikit niyo. at siyempre MATAMIS talaga ang UNANG HALIK!

patola said...

hi Aris..

aahhhhwww... flirt naman yun si Aaron mo.. daming chika babes.. hhihi... tsaka match na match yung name ni VIrginia sa kwento mo...wahahaha... i

so sad pero part yun ng pagdadalaga.. wahahahahaha...

just blog hopping...

you deserve someone better girl =)

Aris said...

@dilanmuli: para nga akong naagawan ng kendi noon kaya ang iyak ko. korek ka, unforgettable ang first kiss. :)

@patola: hi patola. ang cute naman ng name mo. ganoon talaga, maraming kailangang pagdaanan sa "pagdadalaga" hahaha! salamat sa pagbisita. sana pasyal ka lagi. tc. :)

MkSurf8 said...

susko vintage na si Virginia P. =) nag update na ako friend ng blog. busy busyhan lang daw. salamat sa patuloy na pagsubaybay

Anonymous said...

Ouch. D:
Even if it's in the past, you'll never forget your first love and your first broken heart...

Can I just say that Aaron is to be blamed for what happened? nag panic mode so pumunta sa "dark side". *LOL*

citybuoy said...

patayin sa sindak si virginia. nasad naman ako. mabuti nalang may natutunan ka dun.

Eli said...

epal si virginia, panira. Dahil sa mga nilalang na katulad niya, ang mga supposed to be happy relationships ay nasisira. epal siya epal. napadaan lng. ill u sa blogroll ko dun sa 2 blogs q.. sna kaw din. n_n cool post man.

wanderingcommuter said...

hay ang innocent kaya masakit!!!

wanderingcommuter said...

so innocent kaya so masakit... ang konyo lang!

Aris said...

@mksurf8: siyempre naman. ikaw pa. :)

@rubypurple: experimental yata talaga kapag bata pa. hindi ko na alam kung finally ano or saan ang naging leaning niya. thanks for the visit, sistah. tc always. *hugs* :)

@cb: uy, binisita mo ako at nag-comment ka. dahil jan, hug kita hehe! huwag ka na ma-sad. :)

@elay: kainis siya noh? hehe. na-add na rin kita sa links ko. thanks ha? ingat always. :)

@wandering commuter: friend, korek si tristan. konyo ka nga. charing! :)

The Itinerant said...

12? bata pa ah.... aw, late comment yata ito. anyway, just dropped by for the first time here... :)

Aris said...

@the itinerant: hi. oo nga, ang bata ko pa noon at inosente hehe! thanks for visiting. sana lagi kang pumasyal. at sana mag-enjoy ka rin sa mga susunod ko pang posts. :)

Yj said...

hindi pwedeng hindi ako magcomment dito.... kahit late na...

ayan nakapag comment na ako hahahaha