Wednesday, July 22, 2009

Nakaw Na Sandali

Binuksan ko ang pinto. Naroroon si Clarence. Nagulat ako pero parang nahulaan ko na kung bakit.

“Hi. Can I come in?” ang tanong niya.

Pinatuloy ko siya.

Humalik siya sa aking pisngi. Naamoy ko ang pabango niya na hindi nawala sa aking alaala.

Pagkaraan ng matagal na pananahimik, muli siyang nagpakita sa akin. Ito na ang ikalawang pagkakataon mula nang maghiwalay kami.

“Kumusta ka na?” ang tanong ko, pilit tinitimpi ang tuwa sa muli naming pagkikita.

“Not so good,” ang sagot niya.

“Let me guess,” ang sabi ko. “May problema na naman kayo ni Julius?”

Tumango siya.

Inaasahan ko na iyon dahil noong unang beses kaming magkita, ganitong-ganito rin. Dinalaw niya ako dahil may problema siya kay Julius, ang boyfriend niya na naging dahilan ng paghihiwalay namin.

“Nag-dinner ka na?” ang tanong ko. Alas nuwebe na nang gabi.

“Yup.”

“Coffee?” ang alok ko.

“Yes, please.”

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng nangyari sa amin, ako pa rin ang lagi niyang takbuhan kapag kailangan niya ng mapaghihingahan ng kanyang dinaramdam. At ako naman, kahit sinaktan niya noon, patuloy ko pa rin siyang tinatanggap at pinakikinggan.

Over coffee and yosi, nagsimula siyang magsiwalat ng mga bumabagabag sa kanya.

“I think he’s seeing somebody else…”

“Uhuh,” ang sagot ko habang nakatingin sa kanya, encouraging him to continue.

“Or he’s into drugs.”

“Why? Bakit mo naisip yan?”

“Alis siya nang alis at lagi siyang walang pera.”

“Tinanong mo na ba siya?”

“Oo.”

“Anong sabi niya.”

“Nagalit siya. Bakit ko raw siya pinakikialaman.”

“Siyempre, boyfriend mo siya.”

“Exactly.”

Nagpatuloy siya sa paglalabas ng mga sama ng loob niya kay Julius. Nakinig na lamang ako dahil hindi rin ako sigurado kung makakatulong ba ang mga komento ko. Siyempre bilang ex niya, biased ako.

Habang nagsasalita, pinagmasdan ko siya. Napansin kong pumayat siya pero bagay sa kanya. Higit na balingkinitan ngayon ang pangangatawan niya. May dark circles siya, pero napakaganda pa rin ng kanyang mga mata.

Ang mga matang iyon ang tunay na asset niya. Ilang beses na ba akong nawala sa mga titig niya in the past. Hanggang ngayon taglay pa rin ng kanyang mga mata ang kapangyarihang gawin akong irrational at makalimot.

Nakita ko sa mga mata niya ang paghihirap ng kanyang kalooban.

Nang magsimula siyang umiyak, niyakap ko siya. Kahit noon, laging malambot ang puso ko para sa kanya.

Yumakap din siya sa akin. Mahigpit. Dama ko ang pamilyar na hubog ng kanyang katawan na hanggang ngayon ay pinananabikan ko pa rin. Hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin. Hinanap ko ang kanyang mga labi.

Tumugon din siya na parang uhaw na uhaw sa paglingap. Nilunod ng aming paghahalikan ang kanyang mga pag-iyak at iba pang sasabihin.

Hindi lang ako kundi maging siya ay naging mapusok din. Ang pananabik ko sa kanya ay sinuklian niya ng pananabik din sa akin. Totoong higit na masarap ang bawal dahil nang mga sandaling iyon, naging kakaiba sa aking pakiramdam ang muli naming pagniniig. Higit na naging sensitibo ang aking pandama sa kanyang bawat halik, hawak at haplos. Higit na naging katakam-takam ang bawat bahagi at sulok ng kanyang katawan.

Nakalalango ang mga sandaling iyon. Nakalalasing sa kamalayan. Katulad ng unang pagkakataon na parang hindi ko maipaliwanag ang ligayang tumagos hanggang sa aking kaibuturan. Siguro dahil may pagmamahal pa rin ako kay Clarence at gusto ko ring maghiganti kay Julius. Katulad noong unang beses na nangyari ang ganito, magkahalo ang pag-ibig at poot sa aking dibdib, mga makapangyarihang puwersa na nang kumawala ay naghatid sa akin sa kaluwalhatian at nagbigay ng relief, ng bliss na pumayapa sa aking kalooban.

Magdamag kaming nagtampisaw, nagpatianod at nagpakalunod sa bawal na pagniniig. Magdamag naming kinalinga ang isa’t isa sa pamamagitan ng mga yakap at halik. Paulit-ulit, tila walang pagkasawa.

Humupa ang aming init. Ang ligaya na namayani sa buong magdamag ay napalitan ng lungkot. Ang intimacy ay naging discomfort.

Pinakiramdaman ko si Clarence. Tahimik siya sa kanyang pagkakahiga. Nakayakap sa akin subalit alam kong naglalakbay ang kanyang isip.

Sa pagliliwanag ng kapaligiran ay tila nagsimula ring magliwanag sa amin ang lahat. Sabay sa pagsikat ng araw ay ang pagsikat din ng realidad.

Bumangon si Clarence at nagbihis.

“Salamat,” ang mahina niyang sabi.

“For what?”

“For always being there for me…”

Hindi ako sumagot.

“Kung maaari nga lang kitang mahaling muli. Pero hindi na iyon ganoon kadali…”

Nagpaalam siya sa akin.

Muli kong napagtanto na hindi ko napagtagumpayan ang mga nakaw na sandali.

Umalis si Clarence upang bumalik kay Julius.

Katulad ng dati, ako pa rin ang biktima ng aking pagmamahal at paghihiganti. Ako pa rin ang higit na nasaktan.

“If only...” ang usal ko sa sarili.



31 comments:

Mugen said...

Sana hindi mo na tinanong kung "bakit" nung nagpasalamat siya. Hayan, nasaktan ka tuloy.

(hugs)

the geek said...

*sigh*

speechless ako, friend...

Luis Batchoy said...

Bad Cheetah! Tama ba namang pagsamantalahan ang kahinaan ng tao?

Eli said...

haaaay.. naka experience ako ng ganyan pero xempre ibang scenario. haaaay buhay.. nakakamove tlga yung mga posts mo.

Mike said...

*sigh* din

Friend, sunod-sunod ang mga post mong makapagdamdamin lately ah!

Eli said...

catching a breath, the pain of moving on. Read my post at http://thewriterbythewindow.blogspot.com comments are highly appreciated. THANKS. n_n

Aris said...

@knox galen: siguro dahil umaasa ako na ang maririnig kong sagot ay hindi ang aking inaasahan. *hugs*

@the geek: buti ka pa, friend, may tunay na nagmamahal. inggit ako hehe! :)

@luis batchoy: ako ang pinagsamantalahan niya noh! hahaha! miss you, friendship! mwah! :)

@elay: salamat sa pag-appreciate. masaya ako na nakaka-relate ka pero sana napapasaya rin kita. :)

@mike: oo nga ano, ang sa-sad. well, i really need to hit the club para ang next post ko masaya naman hehe! :)

MkSurf8 said...

hmmm. set him free so you'll be free. =)

Aris said...

@mksurf8: korek na korek ka jan, friend. gagawin ko yan kahit paunti-unti. :)

Jinjiruks said...

“Kung maaari nga lang kitang mahaling muli. Pero hindi na iyon ganoon kadali…”

Kapatid alam mo ang situation ko ngayon at nakaka-relate ako sa nangyari sa iyo dahil naranasan ko na iyan, last week lang.

Kaya natin ito friend.

M A Y A said...

"Katulad ng dati, ako pa rin ang biktima ng aking pagmamahal at paghihiganti. Ako pa rin ang higit na nasaktan."

hanubayan aris?? sad naman nyan, i really wish u'd find someone na di ka sasaktan, u have so much love in you, sayang nman kung sa kangkungan lang mapupunta.

anyways, tnx sa pagdaan sa blog ko, & salamat u liked the song kahit ngongo, haha!! sige one time i'll dedicate a song to u, ano bang fave song mo? weheheh, kapal ko, feeling singer lang ang lola mo pagbigyan mo na.

Superjaid said...

Haaay..nakakalungkot naman to..haaay..i hope happiness will find you..para di ka na nalulungkot

jonharules said...

Magaling magaling! I can feel the soul sa sulat mo. :)

Aris said...

@jinjiruks: ang pusong marunong magmahal ay nakahanda ring magparaya at umunawa. :)

@maya: madrama ba, sistah? uy, touched naman ako. sige, "nearness of you". mag-request ba bigla? hahaha! thank you. *hugs*

@superjaid: hello. thank you for the sweet comment. wow, you also followed my blog. nadagdagan na naman ang mga little sisters ko hehe! ingat always. :)

Aris said...

@jonharules: salamat po sa appreciation. natutuwa ako na ang ibinuhos kong feeling sa pagsusulat ay naramdaman mo. tc. :)

wanderingcommuter said...

nakarelate naman daw ako... ayoko na nga....

Aris said...

@wandering commuter: ka-ynez veneracion ang pag-ibig noh? *sigh!*

cronwell said...

so sad, ang hirap ng sitwasyon mo.

Anonymous said...

sad.

another reason why i should stop getting closer to an ex. he'll never leave his current partner for me, that's for sure.

thanks for the lesson.

Aris said...

@cronwell: i will be getting out of it soon. promise hehe! :)

@anonymous: hello. thank you also for reading my blog. minsan, kailangan talagang masaktan para matuto. well, ang mahalaga, ang matuto, di ba? :)

Jinjiruks said...

Anonymous said...
sad.

another reason why i should stop getting closer to an ex. he'll never leave his current partner for me, that's for sure.

thanks for the lesson.

July 23, 2009 3:53 PM

-sad talaga noh, pero pag sa pag-ibig talaga. nagiging tanga ang tao

Looking For The Source said...

kaya ayokong magbasa sa blog mo eh. nasasad ako. pero hindi ko mapigilan na basahin ang blog mo.

:)

Bonsai Makisig said...

cool.......sabi na ni wa-it(bading na friennd) sa amin ni wifey hindi daw muna siya seryoso sa bfs niya sex lang muna daw ...lol

Bonsai Makisig said...

kahit di ka makarelate sa blogs ko....basahin mu naman minsan.....journals and life's challenge through adversities

Aris said...

@jinjiruks: ang mahalaga, maituwid ang mga pagkakamali, divah? :)

@looking for the source: not my intention na palungkutin kayo. sowee hehe! but thanks for always reading. mwah! :)

@bonsai makisig: dumarating kasi yung time na malalaman mo na lang, ready ka na sa isang relationship.

i visited na your blogs. marami sila dati, di ba? ngayon, pinag-isa mo na lang. nice. i enjoyed reading it. salamat uli. hello to your wifey and tc. :)

JANCAHOLiC said...

wa. grabe i feel you ;'(

argunn said...

so lately been wondering
who will be there to take my palce
when i'm gone you need love
to light the shadows on your face

if a great wave shall fall
and it would fall upon us all
well between the sands and stone
COULD YOU MAKE IT ON YOUR OWN?

---

talagang ang hirap ng mga laro na nakakaadik..

Aris said...

@jancaholic: thanks, li'l sis. :)

@argunn: uy, bagay din ang song na yan. oo nga, hirap maging adik sa kanya. charing hehe! :)

Beer Gin said...

aries sana makarelate kana sa new site ko...lols

share kolang sa yo....mahaba payan.....

Sheen said...

i've always been a fan of your blog.. ang ganda ng stories mo.. but i have one question, lahat ba ng stories mo eh totoo o creative writing lang? ang galing kasi eh..

anyways, keep it up..love your blog..Ü

Aris said...

@sheen: hello again. salamat, sheen. yes, my stories are real. kapag fiction, sinasabi ko sa comment box. i am happy that you enjoy my blog. take care always. :)