Thursday, November 5, 2009

Trick Or Treat

Dagsa ang tao sa Malate last Saturday para sa Halloween/Black Party.

The line to Bed was long and winding. Buti na lang hindi na kami pumila kasi nagpa-stamp na kami bago uminom sa Silya.

Out-of-stock pa rin ang Strong Ice at dahil hindi ako tinatamaan sa San Mig Light, nag-Red Horse ako. At dahil hindi ko ma-handle ang Red Horse, lasing ako nang pumasok sa Bed.

In full swing na ang party at sobrang siksikan. Agad kaming nagkahiwa-hiwalay at nagkawalaan ng aking mga kaibigan.

Nagpa-sober muna ako sa isang sulok habang nakikipag-kissing sa isang bagets. Ayaw niyang sumayaw sa ledge kaya iniwan ko siya at umakyat akong mag-isa.

Dahil lasing pa rin, high na high ako. I was feeling flirty kaya kung kani-kanino ako nakipagsayaw. At nakipag-kiss.

May tumapik sa akin habang nakikipag-landian ako sa isang cutie.

“Layuan mo siya,” ang sabi. He was tall, lean and shirtless.

“Huh?”

“Boyfriend ko siya.”

“Oh, I’m sorry,” ang sabi ko sabay bitiw kay cutie.

And then, I moved away. Nagpatuloy ako sa pagsasayaw na parang walang nangyari.

“Hey,” may bumati sa akin. Familiar face.

“Hey,” ang bati ko rin pero hindi ko maalala ang pangalan niya.

“Nag-sex na tayo,” ang sabi. “Mga four years ago.” Ang tagal na nun.

“Nagkakilala tayo sa Bath,” ang dugtong pa. Ang tagal nang nagsara ng Bath! Pero dahil sa sinabi niya, bigla ko siyang naalala. At naalala ko rin na may ipagmamalaki siya. Naging interesado uli ako sa kanya.

“Oh, hi,” ang sabi ko, nakangiti. “Wanna do it again?”

“No, hindi na pwede…”

“But why?” Bumalot ang braso ko sa baywang niya.

Nakipaghalikan muna siya sa akin bago sumagot.

“May boyfriend na ako. Kasama ko ngayon. Nag-CR lang.”

Para akong biglang napaso sa pagkakahawak sa kanya.

***

May boyfriend na ako.

Sanay na ako sa punchline na ‘yan. Sanay na ako na may makikilala, makaka-kissing o makaka-sex at pagkatapos saka magsasabi na taken na siya.

Pero si Jay, inamin niya kaagad sa akin pagkatapos ng hi and hello.

Nagkakilala kami sa pila ng restroom sa Silya noong umaga na.

He was so cute. Kaya hindi ko napigilan ang aking sarili. Nginitian ko siya at kinausap.

Dahil wala na akong masabi, tinanong ko ang kanyang relationship status.

“May boyfriend na ako,” ang sabi niya.

Hindi na ako nagulat.

“Sayang,” ang sabi ko. “Gusto pa naman kita.”

Siya ang parang nagulat.

Hinagod ko ng tingin ang napakaganda niyang mukha.

Tinitigan ko siya. Sinalubong niya ang aking mga mata.

Unti-unting naglapit ang aming mga mukha. Nagtagpo at naglapat ang aming mga labi.

Nagsalo kami sa isang mainit na halik. Parang huminto ang mundo. Napapikit ako habang nilalasap ang kanyang matamis na bibig.

Kinurot ako ng bestfriend kong si Ace na nasa likuran ko. Saka lang ako parang natauhan. Bumitiw ako kay Jay at napatingin ako sa mga taong nakapila sa restroom. They were smiling.

Mabilisan kaming nag-exchange number ni Jay.

Hinila na ako ni Ace.

“Teka, gurl, magbabanyo pa tayo,” ang protesta ko.

“Doon na tayo sa kabila magbanyo, malandi ka,” ang sabi ni Ace.

“Bye, Jay,” ang sabi ko. “Text me.”

***

Dahil sobrang dami ng tao sa Silya nang umagang iyon, sa McDo kami nag-almusal ng barkada.

I was halfway with my Big Breakfast nang tumunog ang aking phone.

Lumukso ang puso ko nang makita ko na siya ang tumatawag.

“Hello… Jay.”

“Nasaan ka?”

“Here at McDo Pedro Gil. Ikaw?”

“Andito sa Taft. Naghiwa-hiwalay na kami ng mga kasama ko.”

“Wanna come over and join us?” ang yaya ko.

“Ok lang ba?”

“Yeah.”

“Actually, I was thinking… Puwede ba akong sumama sa’yo?”

“Ha?”

“Ayoko pa kasing umuwi.”

Hindi na ako nag-isip pa. “Yeah, sure.”

“I want to sleep with you,” ang prangkang sabi niya.

Hindi kaagad ako nakasagot. Na-excite ako.

“What about your boyfriend?” ang tanong ko.

“What about him?” ang balik-tanong niya.

“Oh, nothing,” ang sagot ko. “Of course, you can sleep with me.” Sorry, pero hindi ako santo.

Pagkalipas ng ilang minuto, dumating siya.

Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga friends ko.

Pinaupo ko siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa hita ko.

Napangiti ako.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Post-Halloween, nagkaroon ako ng trick. Or treat.

23 comments:

X said...

Both. It was a trick and a treat. :D

rudeboy said...

Tsk, tsk, tsk.

anteros' dominion said...

ang pagnamnam sa mga bagay na dapat tinitikman lang ay maaaring maging tulay sa dalawang bagay lamang--panandaliang kaligayahan o kapahamakan.

mag-ingat.

baka mahuli.

john stanley said...

talande ka, friend! pareho tayo, hayloveit!

Galen said...

Sa O-Bar nung madaling araw. Nakita ko yung kapitbahay ko na malaki ang agwat ng edad sa akin.

"Hindi ko alam, ganito ka rin pala."

"Oo naman."

"Sino kasama mo," tanung niya sa akin.

"Bf ko." Kahit wala akong partner. Ganun ang excuse ko kapag hindi ko trip yung kausap ko.

"Top ka ba o bottom?" Sagot niya sakin habang hinahawakan ako sa braso.

Napag-isip-isip ako. Di ko talaga siya trip.

"Top" Sagot ko.

"Tara sa place ko." Aya niya sa akin.

"Paano partner ko?"

"Okay lang yan, hindi naman niya alam." Hindi ako pumayag.

"Kunin ko na lang number mo."

"0915xxxxxxx" Nagbigay ako ng maling phone number.

Nung gabing iyon, napilitan akong makipagdikitan sa mga lalaking wala naman interest sa akin para lang magkaroon ng excuse na taken ako.

That same night, na snatch yung phone ko.

Saya.

xtian1978ii said...

@Aris landi mo Aris, nakaka-inspire lol

@Galen kaya pala ayaw mo na muna bumalik doon lol

Aris said...

@x: yes, it was. felt like christmas hehe! thanks for dropping by and for the comment. please visit always. :)

@rudeboy: pasensya na, friend. tao lang. marupok. :)

@anteros' dominion: korek ka. kaya gusto ko na ring iwasan ang mga ganito. thank you for following. sana pasyal ka lagi. :)

@john stanley: hehehe! minsan kasi, ang hirap umiwas sa tukso. :)

@galen: oo nga, excuse din ang linyang iyon kapag ayaw ng boylet. that evening, nawalan din ng phone ang isa sa mga kasama ko. ingat, friend, sa mga mandurukot. ok lang sana kung iba ang dudukutin hehe! :)

Aris said...

@xtian: ayaw ko na talagang mag-red horse. promise. nawawala ako sa sarili hehe! :)

rudeboy said...

@ Aris : Hahah, pasensya na rin, hindi para sa yo yung "Tsk, tsk, tsk." Single ka naman, eh, saka pag ang palay na ang lumapit, di ko rin naman tatanggihan dahil di ko naman siya aagawin sa jowa niya. SLP: Sex Lang, Pare.

Napailing lang ako sa dami ng taong may jowa na pero hala, sige pa rin ang harot sa iba. Sa 'kin, yun ang :"Tsk,tsk,tsk!"

Aris said...

@rudeboy: actually, ang dami kong alam na mga kuwento ng pagtataksil sa malate. dapat talaga kapag taken na, iwas na sa lugar na iyon. thanks, friend. :)

citybuoy said...

ang kati! hahaha

iba ka talaga, aris!

xtian1978ii said...

mag colt 45 ka lol
o mag tanduay ice, masarap kaya 5% lang alcohol lol parang fruit soda na dalandan

Yj said...

shet... lasing na lasing na ako sa makti noon friend kaya hindi ako nakasunod...

worst part is, may naghihintay sakin sa malate noon...

ayun, since hindi ako dumating baka nag-haiku nalang siya hahahahaha

The Golden Man from Manila said...

nice! inggit ako! lols

Herbs D. said...

i also got a treat tht same night & it wsa my first time going to malate alone. great night it was. happy as i went home with him

Dhon said...

trick and a treat indeed!

m2mtripper said...

Nice! Nice! Nice!

Mainit na spot pa rin pala ngayon ang Bed. Damn, I miss being in the scene. Haha.

I bet you enjoyed your trick and your treat!

Woot! Woot!

Al said...

ang saya naman nga trick or treat mo aris ***smile***

Ming Meows said...

ooooooo

tim said...

Wow, awesome huh...

Aris said...

@citybouy: uminom na nga ako ng caladryl hehe! :)

@xtian: try ko yan, friend. baka mas suwabe ang tama. :)

@yj: naghintay nga siya. nagkita kami sa silya bandang umaga. i had to hug him kasi mukhang malungkot siya hahaha! :)

@the golden man from manila: sinusuwerte lang minsan hehe! thank you for taking the time to read and comment. and yes, for the follow. please visit often. :)

@herbs d.: apir! di ka man lang nagpakita sa akin. :)

@dhon: it really was. and it was unexpected kaya masaya. :)

@m2mtripper: ay, oo. bed is still the place to be. sana punta ka uli at sana magkakilala rin tayo roon someday. yes, i had a great time with him. thanks for dropping by. :)

@al, oo nga, friend. hindi inaasahan. basta nangyari na lang. :)

@ming meows: :)

@tim: it really was. :)

dada said...

-"“Oh, nothing,” ang sagot ko. “Of course, you can sleep with me.” Sorry, pero hindi ako santo"-


parang dejavu saken, nagtatanong pa ako tapos my bigla ka na lang marerealize

nice blog

ngayon ko lang to nadiscover

Aris said...

@dada: hello. i am happy to know na sa pamamagitan ng sinulat ko ay nagkaroon ka ng sagot at realization. thank you very much for appreciating my blog. sana palagi kang bumisita. take care. :)