Tuesday, November 10, 2009

Tricky

Hindi ako lumabas Sabado nang gabi. No, hindi niya ako pinagbawalang mag-Malate. By choice kaya hindi ako nagpunta.

Out of town siya at panay ang tawag niya. Usap lang kami.

Wala naman kaming importanteng pinag-uusapan. Enjoy lang kami na marinig ang boses ng isa’t isa.

Pasado ala-una na nang mag-goodnight kami.

Nakatulog ako na iniisip siya habang yakap ang unan.

Napanaginipan ko tuloy siya.

***

Tanghali na nang magising ako kinabukasan. It was a beautiful day. Bumangon akong nakangiti.

May text siya sa akin: “Good morning. Nakauwi na ako.”

Reply ko: “Just woke up. Gandang umaga.”

Kaagad nag-ring ang phone ko.

“Na-miss kita,” ang sabi.

“Na-miss din kita. Gawa mo?”

“Nakahiga. Isip ka.”

“Patabi,” ang pagbibiro ko.

“Yun nga ang gusto ko. Sana katabi kita.”

At pagkatapos, naglambing na siya na puntahan ko siya sa apartment niya.

Usually kapag ganitong Sunday, tamad na tamad akong lumabas ng bahay. Nagsisimba lang ako tapos uwi na. Pahinga lang. Nood ng DVD, basa ng libro, internet. Ito yung pinaka-alone time ko. Kahit mga friends ko, hirap na hirap akong yayaing lumabas kapag Linggo. Pero hindi ko na-hindian ang imbitasyon niya. Gustung-gusto ko siyang makita at mayakap.

And so, nag-commit ako to see him around 4 pm.

He gave me directions to his place. Pero dahil hindi ako familiar sa mga landmark na sinasabi niya, I asked him na i-meet niya na lang ako sa Jollibee sa kanto ng kalye nila. Nag-agree siya. Ang usapan namin, I will text or call him kapag nasa Jollibee na ako.

After lunch, excited akong nag-prepare para makipagkita sa kanya.

***

“Nandito na ako sa Jollibee,” ang text ko kaagad pagdating ko. I was ten minutes early.

No reply. So, tumawag ako.

Nag-ring ang phone niya. Hinintay kong sagutin niya. Pero ang narinig ko ay: The subscriber cannot be reached.

Inulit ko. Boses pa rin ng friendly operator ang narinig ko.

Inisip ko, baka nakatulog siya. Puyat din kasi siya kagabi. Pagod pa sa biyahe.

I pressed redial, hoping na magigising siya sa ring ng phone. But still, he did not pick up.

Nag-text ako: “Hintay kita rito sa Jollibee.”

Pumila ako sa counter. Bumili muna ako ng kahit ano para hindi naman nakakahiyang makiupo habang naghihintay.

Pag-upo ko with my food, tinawagan ko uli siya pero hindi pa rin sumasagot.

Nagsimula na akong maging uncomfortable. Okay, mainis. Pinapunta niya ako tapos ngayong nasa meeting place na ako, hindi ko siya ma-contact. Nakakainis, di ba?

I texted him again: “Am here na at Jollibee. Bakit di ka sagot sa call ko? Am waiting.”

Nagsimula akong kumain. Dahan-dahan lang para puwede akong magtagal.

Patingin-tingin ako sa aking phone. Nagsisimula na akong mainip.

Nangangalahati na ako sa kinakain ko nang mag-ring ang phone ko.

It was him.

“Hey,” ang sagot ko. Parang pinalis ang inis at inip ko.

“I am sorry, I cannot meet you now.”

“What?” Nanlaki ang mga mata ko.

“Nandito ang boyfriend ko.”

I was jolted with disbelief. “Akala ko, break na kayo.”

“Ex-boyfriend, I mean.”

May pagpupuyos akong naramdaman.“Bakit siya nandiyan?”

“Bigla siyang dumating.”

Hindi ko alam ang sasabihin, I was trying to get hold of myself.

“I am sorry… This is a difficult situation for me.”

“Ano ang sadya niya sa’yo?”

“Gusto niyang mag-usap kami.”

“Bakit? Tungkol saan?”

“Gusto niyang makipagbalikan.”

***

Lumabas ako ng Jollibee na mabibigat ang aking mga hakbang. Ang sama-sama ng loob ko.

Wala sa sarili na sumakay ako ng jeep. Pagdating sa Taft, bumaba ako at sumakay ng bus. Occupied ako ng malalim na pag-iisip. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nakarating ako ng MOA. Naglakad ako nang walang direksiyon, trying to make sense of what has happened.

Dinala ako ng aking mga paa sa may tabing-dagat sa likod ng mall. Gusto ko sanang umupo sa breakwater at tumanaw sa dagat habang papalubog ang araw pero napaka-cinematic naman nun kaya naglakad-lakad na lang ako. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga lovers na naglalakad-lakad din, magka-holding hands at sweet na sweet.

Nakaramdam ako ng inggit at lungkot. Ganun lang ba yun? Hanggang dito na lang? Whatever happened to my trick of fate? Akala ko pa naman, siya na… I felt so crushed.

Hurt ako but I did not want to feel sorry for myself. Instead, pinagalitan ko ang aking sarili: Ikaw kasi, alam mo nang may sabit, pinatulan mo pa. At ni-reassure: Marami namang nagkakagusto sa’yo, ikaw lang ang ayaw. At pinaalalahanan: Mahalin mo ang sarili mo para ok ka lang kahit walang magmahal sa’yo.

Muli akong bumalik sa mall na self-love ang nasa isip ko.

Pumasok ako sa Body Shop. Bumili ako ng facial wash at eye cream. Pati concealer na after-thought lang kasi nang mapatingin ako sa salamin, napansin ko ang aking dark circles (or rather ang lungkot sa mga mata ko na gusto kong ikubli). I felt better paglabas ko ng store bitbit ang mga pampaganda.

Tumuloy ako sa Blue Soda. Nakita ko na marami silang bago. Nagsukat ako nang nagsukat hanggang sa matagpuan ko ang perfect shirt para sa akin.

Hinagod ko ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin. My God, you’re so beautiful, ang bulong ko. Matagal kong in-admire ang aking reflection. Na-imagine ko na suot ko ang shirt sa Malate. Sa Sabado, babalik uli ako sa Malate. Sasayaw uli ako sa ledge. Magbibilang uli ako ng boys na mahahalikan...

I decided to buy the shirt.

Palabas ako ng fitting room para magbayad sa counter nang mag-ring ang aking phone.

May pumitlag sa aking dibdib nang makita ko kung sino ang tumatawag. Nag-atubili akong sagutin pero sinagot ko pa rin.

“Hello…” Pigil ang emosyon sa aking boses.

“Aris, I’m sorry…”

Hindi ako sumagot.

“Hindi pa ako handa na pagharapin kayo. Ikaw ang iniisip ko.”

Tahimik lang ako.

“Ayaw kitang idamay sa problema namin.”

Parang may pagbabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita.

“Nag-usap na kami… at nagkaintindihan.”

Inaasahan ko na ang bombshell: Kami na uli. I am sorry, Aris, pinaglaruan lang kita. Goodbye.

“Hindi naging mahirap sa akin ang magdesisyon…” ang patuloy niya.

Nasa harap na ako ng cashier, inabot ko ang shirt na bibilhin ko.

“Tuluyan na akong nakipaghiwalay sa kanya.”

Sir, that will be 899.95.

“Ikaw ang pinili ko.”

Sir, cash or charge?

“Aris, ikaw ang mahal ko.”

Sir…?

“Nasaan ka? Pupuntahan kita.”

Ibinigay ko ang credit card ko sa cashier.

“MOA,” I managed to say.

“Hintayin mo ako. Darating ako.”

Sinwipe ng cashier ang card ko.

“I love you and I don’t want to lose you.”

Hindi ko napigilan ang maiyak.

“Sir, are you ok?” ang tanong sa akin ng cashier.

“Yeah.” Ngumiti ako sabay pahid ng luha.

Inabot niya sa akin ang pipirmahan ko.

“Masaya lang ako,” ang sabi ko.

33 comments:

Anonymous said...

haba ng buhok! good luck sa inyong dalawa =)

Tristan Tan said...

Ate, congratulations.

MkSurf8 said...

friend leche ka! ang emosyon ko ilang beses nag peaks and troughs. masyadong volatile baka atakihin ako.

pero congrats! =) sana yan na!

MkSurf8 said...

friend sorry, i deleted twice. nag appear thrice yung comment ko.

ganun ako ka excited for you. choz! =)

citybuoy said...

i feel like nag-roller coaster ako! congrats!

<*period*> said...

congratulations, kaibigan

Anonymous said...

Ayan sa wakas, congrats Aris.

Anonymous said...

wow! i am happy for you my friend. i hope, sya na...

-Bewired

Anonymous said...

o di ba, a new shirt and a new partner in an amazing twist of fate. i smell conspiracy from heaven.

congrats, friend. =)

Ming Meows said...

hanep sa ending teh. daig pa ang slumdog millionaire

rudeboy said...

""I've heard that all the world's a stage
And we are only players
Acting out
Some predetermined page
But it is lonely as can be
With nobody opposite me
Then...
Enter you
Voila! It's showtime!
You brought the house down
With the dance and a dumb ditty
Enter you
In less than no time
This ugly drama
Has become pretty
Up went the curtain
My lines felt wrong
Intermission seemed so far away
The plot uncertain
The scene's too long
Life was like an uninspiring play
But now you're here
We meet stage center
I thought my story line was through
Then from the blue
Enter you."


Congrats, Aris. May you be happy.

Anonymous said...

I'm happy for you!

Ingatan mo yan!

Kampai!

caloy said...

sh*t. ang jangas neto! woohoooo! congratulations aris..sana siya na nga yan! :D

naki-sakay ako sa bawat emosyon na nabasa ko. kinilig, na-excite, natuwa, kinabahan. lahat-lahat-lahat. ang saya.. :D

again, congratulations. sana siya na nga. :D

Anonymous said...

nice ending. all's well, ends well kumbaga. congrats aris. all the best!

bunwich said...

naiiyak ako.. then my officemate asked me why.. pinabasa ko, naiyak din. eyelavett!

Darc Diarist said...

yey for Aris! =)

Aris said...

@chuck suarez: thanks, friend. :)

@tristan tan: salamat, mare. :)

@mksurf8: ay, friend, sorry. na-tense ka hehe! :)

@citybouy: emotionally stressful ang ma-in love noh? pero, di bale, masarap naman sa pakiramdam hehe! :)

@period: thank you, friendship dear! :)

@xtian: haayy, sana ito na yun talaga! thanks, friend. :)

@bewired: friend!!! pasensya na, di pa tayo nakakapag-chikahan sa email. daming work ng lolo mo tapos na-in love pa hehe! salamat. mwah!

Aris said...

@john stanley: he makes me so happy. palagay ko nga, heaven-sent talaga siya sa akin. thanks, friend. :)

@ming meows: teh, salamat naman, napaligaya ka ng love story ko. :)

@rudeboy: thanks for the song. it's so perfect for me. sa sobrang saya ko ngayon, gusto kong sabayan sa pagkanta at pagsayaw si tori spelling with matching payong hehe! :)

@m2mtripper: i will try my very best na ingatan ito. nagpapakabait na ako. pramis. salamat po. :)

@chicomachine: salamat. buti di ka nahilo sa emotional roller coaster ng buhay pag-ibig ko hehe! :)

@maxwell: friend, thank you. i am keeping my fingers crossed na maging successful ito. :)

@bunwich: hello. touched naman ako sa comment mo. salamat sa appreciation. hello din sa officemate mo. nakaka-inspire naman kayo. sana lagi ninyo akong bisitahin. :)

@darc diarist: thank you po sa pababasa at sa pag-follow. ingat always. :)

mickeyscloset said...

aris, tumulo ng one drop ang luha ko ng mabasa ung concealer na gustong takpan ang lungkot sa mata mo. parang nakarelate ako! makabili nga..hehe

and day, ang swerte mo. buti ka pa. sana ako rin ano! here i am again kasi, fishing in the sea. mali ata ang nahuli kong mga isda. lolx

keep in touch te. mwah! =)

Superjaid said...

im sooo happy for you..sana nga kayong dalawa na talaga..^__^

ps. malapot na akong maluha sa post mong to pero bago pumatak yung luha ko eh nabasa ko rin yung last part kaya umurong hehehe God bless you and your new relationship..

The Golden Man from Manila said...

kailangan talagang pumili at sabihing kaw ang pinili ko? ako, personally and no offense meant, it is awkward. Meaning, He has doubts. He was still undecided then. And when they talked, he was still looking for answers, when supposed hindi na dapat kase anjan na kayo sa isa't isa.

I find it unreasonable if I will be subjected to such. It just means, I am a just a choice.

sorry ha. speaking my mind out from a previously jaded guy, who have been ravaged, but stood his ground and became whole because this guy has become jaded.


had this been fiction, i will leave it as fiction...


Nice Work!

Bi-Em Pascual said...

im happy for you my dear... pareho tayey, bagong tshirt, bagong lovelife!
@the goldenman -- goldie! keri na un, wag mashado ianalyze mga linya... pwedeng for cinematic purposes kaya ganyan yan... poetic license ateng...

Anonymous said...

sometimes, a trick can become a treat...

-geek

Anonymous said...

naku naman. wahahahaaha!
ANG HABA NG HAIR MO DAY!

nangangabog kang talaga at sa huli ikaw ang pinili. haizt.. sana kasing ganda mo ako. wahahahaha!

dalaw ka naman sa blog ko no.

Aris said...

@mickeyscloset: sorry po, pinaiyak kita. matatagpuan mo rin ang tunay na karapat-dapat. he has to deserve you first, kasi isa kang mabait at mapagmahal na tao. ingatz. :)

@superjaid: thank you, little sis. uy, na-miss kita. nainggit kasi ako sa relationship mo kaya gumaya ako hehe! god bless you too. :)

@the golden man from manila: medyo tricky ang naging sitwasyon at nagpatianod lang ako. basta sinunod ko lang ang puso ko. so far naman, masaya ako. thank you for speaking your mind out. i really appreciate your honest comment. take care. :)

@baklang maton: salamat, mare. apir tayo! minsan mag-compare notes tayo. charing lang hehe! :)

@geek: yes, friend. it was a surprise for me. :)

@dilan muli: gurl, binabasa ko ang blog mo noh! kaya alam ko na ang haba rin ng hair mo hehe! ingat always. :)

The Golden Man from Manila said...

Aris, you take care too. And honestly, I wish you all the happiness. Work it out, I may be wrong, but then, what the heck, as long as you are happy, then there are no reasons at all.

Be back soon!

Mac Callister said...

jusko kinilig ako!!!!!!!!!

sana start na yan ng mas magandang istorya nyo...

Dabo said...

Oh my God! Kinabahan ako pero sobrang saya ko malaman ang ending.

Anonymous said...

hanep sa flow yung kwento parang roller coaster!!!

congrats!!!

dada said...

nice.. nadala ako dun ah

Kokoi said...

langya Aris parang happy endin gng isang pelikula... one thing i learned here, titingin sa salamin and sasabihin ko ung sinabi mo sa sarili mo... :) happy 4 u my friend!

Rei Mikazuki said...

Tear-jerker. Don't you ever lose sight of him, ever.

joemen said...

damn, ur sooooooo good! awesome!!!