Monday, March 29, 2010

Fallin’

Asan ka?

Silya. Breakfast kami. Ikaw?

Chelu. Puntahan kita.

Akala ko, matatapos ang gabi (umaga na pala kasi alas-singko na) na hindi nagpaparamdam si Gian. I had a feeling na nasa Malate rin siya at hindi nga ako nagkamali.

Dumating siya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko. It turned out na magkakilala na pala sila ni Basil kasi classmates sila sa college. Small world.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Katulad ng dati niyang ginagawa, hinalikan niya ito. Tapos bumulong siya sa akin: “I missed you.”

Smile lang ako, pa-demure.

Dedma kunwari ang mga kasama ko na sina Basil at Axel pero alam ko, nakikiramdam sila.

Inakbayan ako ni Gian tapos kiniss ako sa lips.

“Lasang… corned beef,” ang sabi niya pagkaraan.

Na-conscious ako. “As you can see, I am having corned beef for breakfast. Turn off ba?”

“No,” ang kaagad niyang sabi. Tapos kiniss niya akong muli as if to reassure me. “Ok lang, kahit ano pa ang lasa ng bibig mo.”

“Mag-breakfast ka na nga,” ang sabi ko. “Ano ba gusto mo?”

“Ayoko mag-breakfast. Gusto lang kitang makita.”

Hindi na nakatiis si Basil. “Ang sweet naman. Kayo na ba?” ang tanong niya, directed sa aming dalawa.

Nakangiting tumingin sa akin si Gian na parang ako ang pinasasagot niya.

Tumingin din ako sa kanya pero hindi nagsalita. Di ko kasi alam. Wala naman kaming pormal na pinag-uusapan.

“Tayo na ba?” Ako ang tinanong niya.

“Ewan ko sa’yo,” ang sagot ko.

“Oo lang o hindi,” ang singit ni Axel.

“Hindi,” ang sagot ni Gian.

“Ay, bakit?” ang react ni Basil.

“Hindi niya pa ako sinasagot,” ang sabi niya.

“Hindi ka naman nanliligaw ah,” ang sabi ko.

“Sabi mo, ayaw mo.”

“Sabi mo, di ka ready kasi kaka-break mo lang.”

“Ang gulo n’yo ha!” ang sabi ni Axel.

“Pag-usapan n’yo nga yan,” ang sabi naman ni Basil.

Hinug ako ni Gian. “MU lang kami.”

“Oo nga,” ang sang-ayon ko.

“Libre siyang gawin ang gusto niya. Walang expectations o pagbabawal sa akin. Ganito na lang muna until pareho na kaming ready,” ang sabi pa ni Gian.

I just smiled. Then he kissed me again.

Quiet na lang sina Basil at Axel habang naglalambingan kami. I was enjoying it actually kahit ako mismo, parang hindi ko maintindihan ang set-up namin.

***

Nitong nakaraang Sabado, lumabas ako with my friends. We finalized our Galera plans tapos diretso gimik. (I invited Gian na sumama sa Galera pero may work daw siya.) I did not text him na lalabas ako. Actually, I was waiting for him to text me na lalabas siya.

Sa gitna ng kasiyahan namin, I was constantly checking my phone, half-expecting na magte-text siya o tatawag. Pero wala.

Hanggang breakfast, inaasahan ko pa rin na magpapakita siya. Pero wala talaga.

Medyo disappointed ako. Aaminin ko na may mga nakilala ako nang gabing iyon, pero siya ang nasa isip ko. Miss ko siya habang nagsasayaw ako. Miss ko ang mga paglalambing niya. Miss ko ang kiss niya.

Naisip ko tuloy, baka ayaw niya na. Baka nagsawa na. Baka may nakilala siya sa Chelu. Baka nang mga sandaling iyon na hinahanap-hanap ko siya, sumama na pala sa iba.

Pero wala naman kaming relasyon. Sabi niya nga, libre ako at libre siya. Kaya dapat walang expectations.

Pilit ko siyang iwinaksi sa aking isip.

Umuwi ako na parang may mabigat sa aking dibdib.

***

Ngayong umaga, nag-text siya.

Lumabas ka ba nung Sabado? Hinihintay ko ang text mo kasi kung yayayain mo ako, sasama sana ako. But I guess, may iba kang plano.

Nag-reply ako.

Yup. Akala ko nga magkikita tayo. Pero hindi ka rin nag-text. Wala akong ibang plano, ayoko lang magmukhang makulit sa’yo.

Miss na miss kita.

I miss you too.

Palagay ko, ready na ako.

Saan?

To fall in love again.

Hindi ako sumagot.

Palagay ko, mahal na kita.

Lalo akong hindi nakasagot.

Sana mahal mo na rin ako.

13 comments:

Rei Mikazuki said...

I like. Cheesy much. Sana may continuation. :)

Joeff said...

Bongga!
Andun ako sa Chelu and Bed last Sat with a date...
pero wala ako makita kamukha mo sa pic.hahahha...
Bongga!!

Dhon said...

CHeezy much! I lurve it!

Kokoi said...

iba na kulay ng blog mo friend! heheh...

Kokoi said...

*kilig! heheheh

Jinjiruks said...

"Libre siyang gawin ang gusto niya. Walang expectations o pagbabawal sa akin. Ganito na lang muna until pareho na kaming ready.."

i like this one. sana nga iba siya sa mga nakilala mo ariston.

CK said...

Nice...

Darc Diarist said...

yiihiii :D

Nimmeru@yahoo.com said...

Kakatuwa story niyo...
Sweet na sweet na sweet.. Daming langgam ah... :)

Luis Batchoy said...

kakilig naman kakainis kaya ayoko na magbasa ng next entries, coz knowing you, may slammer shit sa next entry. whew

Al said...

naguguluhan din ako sa set-up nyo. Hehehe.

Pero mahirap nga yan kasi anytime you can meet anyone then may feelings na pala (na meron naman :-) ), so masasaktan kayo pareho.. Maging kayo na lang.. Hehehe.. Sweet naman kayo ng sobra..

Kilig!

Yj said...

fotangna naman friend... highschool? hahahahahaha

ahmishu... hindi na ako nakapunta nung sabado sa malate... nangenge eh hahahahaha

Kim said...

...kaazar!
...nakakexite talaga lahat ng posts mo...it keeps me hyped and really kilig!
...awwww...
...hay nako this post reminds me of someone...
...pero promise! nakakakilig talga! super!!!