Thursday, March 25, 2010

Torn

“Ako si Aries,” ang sabi niya.

Napa-“Huh?” ako. Linya ko yata yun.

“Ikaw, ano’ng name mo?” ang tanong niya.

“Aris,” ang sagot ko.

Siya naman ang napa-“Huh?” kasunod ang: “Magkapangalan tayo?”

“Yeah…”

“Aries as in zodiac sign din ba ang sa’yo?”

“Ay, hindi. Without an e.”

“Parang pareho pa rin yun.”

Tapos, nagkatitigan kami. Sa kabila ng madilim na lighting sa loob ng club, his eyes were sparkling. Yun ang unang naka-attract sa akin nang makita ko siya, bukod sa matangos niyang ilong.

Bago naganap ang pagpapakilalang iyon, nagkatinginan muna kami. He was sipping zombie from a glass and I was just chilling. Lumukso ang puso ko nang ngitian niya ako sabay alok sa iniinom niya. Ngumiti rin ako at tumanggi. Tapos lumapit siya sa akin at yun na nga, nagpakilala.

Muli siyang nagsalita subalit hindi na rumehistro sa akin ang kanyang sinasabi dahil papalapit na nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko. At bago pa ako nakahuma, nagtagpo na ang aming mga labi.

Ang lambot ng lips niya. We kissed gently at nalasahan ko ang tamis ng kanyang bibig. Napapikit ako habang ninanamnam ang kanyang halik. Hinapit ng isang kamay niya ang aking baywang. Napayakap ako sa kanya.

Inistorbo kami ng kanyang mga kaibigan. Lumapit ang mga ito, may ibinulong sa kanya at siya ay hinila. Bahagya na siyang nakapagpaalam sa akin.

Napabuntonghininga na lang ako habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo.

Umakyat ako sa ledge at doon ay nagsayaw. May pumartner sa akin (shirtless, makinis ang katawan, halos kita na ang pubes sa low-rise jeans) subalit hindi mawala sa aking isip si Aries. At ang kanyang halik. Tila nasa pandama ko pa rin ang lambot at init ng kanyang bibig.

Maya-maya, nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. May nag-text.

Nasa Malate ka ba?

Si Gian.

***

Nagkakilala kami ni Gian nang nagdaang Sabado dito rin sa Bed.

Nagkatabi kami. Nagkadikit. And before we knew it, we were already kissing.

Akala ko simpleng landian lang iyon dahil hindi kami nag-uusap. Tinginan lang at halikan. May konting hipuan din. Subalit niyaya niya akong lumabas.

Uminom kami sa Silya at doon, higit kaming nagkakilala.

We had a very nice conversation. Ang sarap niyang kausap. Noong una kuwentuhan lang pero kinalaunan, naging personal na. Napag-alaman ko na single siya (kaka-break lang) at open sa pagkakaroon ng bagong relasyon.

“Puwede ka ba?” ang prangkang tanong niya.

“Puwedeng ano?”

“Ligawan.”

Natawa ako.

Kinuha niya ang kamay ko at dinala niya sa kanyang mga labi.

“Seryoso ako,” ang sabi niya pa.

“I am not looking for a relationship,” ang etchos ko.

“Ok lang. Maaari naman tayong maging close, di ba? Parang MU lang.”

Napakunot-noo ako.

“Sa ngayon, I just want somebody to care for and to care for me, too.”

Hindi na ako kumibo kahit parang confused ako.

Pinanay-panay niya ang text at tawag sa akin pagkatapos niyon. Hindi siya nanligaw but instead, he acted like he was my boyfriend. Frankly, enjoy ako sa atensyon kaya sumakay lang ako at walang naging pagtutol. But I made sure na kontrolado ko ang emosyon ko.

Sinadya kong huwag ipaalam sa kanya ang gimik ko ngayong Sabado. Hindi naman kasi kami mag-jowa. At malaya pa rin akong gawin ang gusto ko.

Hindi naman siya nagtanong. At di rin siya nagsabing pupunta.

At sa text niya, isang maiksing “Yes” lang ang naging sagot ko.

Di siya nag-reply.

***

Ilang sandali pa, bumaba na ako ng ledge at muling nagbalik sa lugar na kung saan kami nagkonek ni Aries. I was hoping na muli siyang babalik. And so I waited.

Nainip ako and I was about to hit the dancefloor nang may pumigil sa braso ko.

Si Aries.

“Hey, saan ka pupunta?”

“Halika, magsayaw tayo,” ang yaya ko.

Kaagad siyang sumama.

“Nakita kitang may kasayaw kanina,” ang sabi niya nang nasa dancefloor na kami.

“Iniwan mo kasi ako,” ang sabi ko.

“Pero binalikan kita.”

“Nasaan na ang mga kaibigan mo?”

“Nasa itaas, iniwan ko muna.”

Muli akong napatitig sa kanyang mga mata. Tumitig din siya sa akin. Hinila niya ako palapit sa kanya.

Muli kong natikman ang malambot at matamis niyang labi. Napapikit ako. Parang huminto ang pintig ng paligid at kaming dalawa lang ang humihinga.

Muling nag-vibrate ang aking phone. Ayoko sanang pansinin pero persistent at paulit-ulit. Bumitiw ako kay Aries at kinuha ko ang phone mula sa aking bulsa.

It was Gian calling.

“Nasa Bed ka ba?”

“Yeah.”

“Pupuntahan kita.”

Bago pa ako nakasagot, nawala na siya sa linya.

“Sino yun?” ang tanong ni Aries.

“Friend,” ang sagot ko.

***

Ipinagpatuloy namin ni Aries ang paghahalikan pero distracted ako dahil sa tawag ni Gian. Paano kung makita niya kami sa ganoong sitwasyon?

Bumitiw ako kay Aries. Isinaalang-alang ko ang mararamdaman ni Gian. Pero hindi naman kami. Pero nitong nakaraang linggo, parang naging kami.

“Are you ok?” ang tanong ni Aries.

“Yeah,” ang sagot ko. “Magsayaw na lang tayo.”

Pinagbigyan niya ako. Nakatingin siya sa akin at nakangiti habang sinasayawan namin ang “Telephone”.

Maya-maya, bumulong siya sa akin: “I like you.”

Napangiti ako. Gusto ko rin sanang sumagot ng “I like you, too” pero pinigil ko ang sarili ko.

Pagkatapos, hiningi niya ang number ko.

Inabot ko sa kanya ang celfone ko at tinayp niya ang number niya. Tapos miniskol niya ang sarili niya.

Akmang ibabalik ko na sa aking bulsa ang phone nang mag-ring ito.

Si Gian uli.

“Nandito na ako. Nasaan ka?”

Hindi ko alam kung bakit para akong kinabahan. Natigilan ako.

“Aris? Hello?”

“Yes, Gian…”

“Nasaan ka?”

No choice ako kundi sagutin ang tanong niya.

“Dancefloor. Left side.”

“Friend mo uli?” ang tanong ni Aries pagkababa ko sa phone.

“Yeah. He’s here.”

At bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko, nakita ko na si Gian, papalapit sa kinaroroonan namin.

Kiniss niya kaagad ako sa cheeks sabay akbay.

Nakatingin lang si Aries.

Ang awkward ng moment. Deep inside, tense ako.

Pinagkilala ko sila.

Nagkamay sila at pagkatapos, pilit na akong isinasama ni Gian. Hindi ko alam ang sasabihin kay Aries.

Kumaway na lang ako sa kanya ng pamamaalam.

Napaka-possessive ng pagkakahawak ni Gian sa aking kamay habang papalayo kami.

Hindi ko napigilang lingunin si Aries.

Nakatingin siya sa amin. At kahit malayo, nakita ko pa rin ang lungkot sa makikislap niyang mga mata.

***

“Is he your boyfriend?”

“No.”

“I saw you kissing when I passed by Silya.”

“It’s hard to explain. Pero wala kaming relasyon.”

“It’s hard for me to understand that.”

“Parang MU lang. Pero walang commitment.”

“Gusto ko sa relasyon, seryoso.”

“Ako rin.”

“I guess I should just stop calling you.”

“Why?”

“Baka ma-in love ako sa’yo. Masasaktan lang ako.”

21 comments:

Nimmeru@yahoo.com said...

it's so admirable of you to control your emotions. :)

gege said...

haaaaaaaaaist.

NAKARELATE!

ako ag binigyan nang sulat...
pero wala yung last three words.

:(

Rei Mikazuki said...

Can't seem to differ this from the edges of fiction and the not.

Jinjiruks said...

*sigh*
eh sino ba talaga mas matimbang sau?

Dhon said...

Wow... ikaw na talaga c Rapunxel.. lay down your hair girl!

love love love the story

xx
DHON

Aris said...

@nimrod: ayoko na muna kasing bumigay. pero mahirap din. :)

@gege: friend, baka naman di lang masabi. :)

@rei mikazuki: sometimes i also get the feeling that my experiences in life are so unbelievable. :)

@jinjiruks: hay naku, jeff, di ko alam. puwede kayang pareho? charing lang. :)

@dhon: hindi naman. medyo malandi lang kasi ang friend mo hehe! dahil nagustuhan mo ang kuwento, hug kita to say thank you. :)

citybuoy said...

hmm that's a tough one. pero ang mahirap diyan is the more na ipagpaliban mo yung decision mo, the more na nawawala sila. haay aris, pano yan?

Darc Diarist said...

hala...

Aris said...

@citybuoy: mukhang nawawala na nga yung isa. kaya lang, napapagod ako. parang ayaw ko munang gumalaw. :)

@darc diarist: *sigh* hehehe! :)

Kane said...

Arissssssssssss!

OMG! May yahoo email ka na? And new look? Hahahahaa.

Honey, you said it yourself
"I am not looking for a relationship"

Soooo... did you mean it? Or etchos lang, as you colorfully termed it. =)

Kane

Aris said...

@kane: kane sweetie!!! yup yup, para maiba naman haha! actually, parang ayaw ko na munang mag-isip ng relationship. basta, enjoy na lang muna. kumusta ka na? miss you na. :)

Kane said...

Mabuti naman ako. =) It's been a while. Mas na miss kita at ang kaharutan mo no!

So, it is a new era. Gone is Aris, the wife-wannabee, and here is Aris the fun-girl eh?

Tuwang tuwa ako sa litrato mo. Talagang ang laki ng ngiti. Cover Girl, isthatchu?????

Kane

Aris said...

@kane: ikaw pa rin ang unang tinawag ni tyra for best photo. pangalawa lang ako. but the good news is: gagawa tayo ng commercial na magkasama para sa easy, breezy covergirl! hahaha!

ayoko na munang mag-asawa. mas masaya maging dalaga. choz!

hope to see you soon, kane! :)

Joeff said...

Aris...
this is your moment... the most kilig post ever on your blog.... WTF... you have a long hair!! I fennin love it!!!

Aris said...

@mark joefer: hahaha! thank you, macky. *hugs* :)

Al said...

friend, naloka ako sa story mo this time.. Deep inside me, para din akong kinabahan while you were waiting for Gian.. Hehe..

Pero ang ganda mo friend:-)! Hehehe.. Torn between two lovers. Pero minsan talaga, we were left no choice but to choose but in the end loosing both:-)..

take care.

Kim said...

I just saw your blog from a friend and after reading your posts i became so interested that i decided to follow you.

Your posts are really detailed and really emotionally touching...-if thats the right term-...i understood a lot of it...really...

i do hope to read more from you...and...Good luck!...you can do it...even if its so hard to choose...

Aris said...

@al: friend, salamat uli. ikaw naman, pinag-blush mo ako sa comment mo. hehe! uy, i love your new pic. ang guwapo! :)

@kim: hello, kim. welcome to my blog. maraming salamat sa follow. i am so happy na nagustuhan mo ang mga sinusulat ko. take care always. :)

Al said...

marami nga ang nagkakamali.. hehehe..

Al said...

thank you...! At babasahin ko na yung bago mong post:-)

Angelo Rubio said...

Ang ganda naman ng mga entries mo dito. Lahat ba ng mga ito basi sa experience mo?
Benefits of Travel Insurance - Earn and Invest Money