We were all freshly-showered and bronzed up with rosy cheeks (dahil sa maghapong pagsu-swimming), naka-sando, shorts at tsinelas nang bumaba kami ng hotel para gumimik sa unang gabi namin sa Puerto Galera.
We went to Mikko’s Bar na kung saan parang itrinansplant ang Bed, O at Chelu, pati na rin ang Silya (dahil sa mga mesa at upuan na nakalatag sa beach). Jampacked ang lugar, overflowing ang mga tao pati na sa sidewalk na naging extension ng dancefloor. Ang daming familiar faces na parang nasa Malate lang ako. Ang kaibahan nga lang, au naturelle ang beauty ng lahat – walang naka-wax o gel, walang naka-funda o concealer, walang nakapampormang damit. Hubad-baro pa nga ang karamihan at naka-display ang magagandang katawan (nakakaakit in the same way na nakakainggit!). Sa gitna ng maingay na tugtog at masayang atmosphere, wild and carefree ang attitude ng lahat.
At dahil gusto muna naming uminom, naghanap kami ng mapupuwestuhan pagkaraang bumili ng Mindoro Sling sa bar. Walang bakante, okupado lahat. Chinika namin ang isang grupo ng mga cuties na pumayag namang maki-share kami sa kanilang mesa. (Nakatayo nga lang kami dahil wala nang silya.) Nagsimula kaming tumagay habang iginagala ang paningin sa buhay na buhay na kapaligiran.
“To friendship and good times!” we toasted. Ako, si Ace, si Axel at si Basil. (Nagpaiwan si Arnel sa hotel, kasama ang jowa. At si James naman, spending a quiet evening with someone special. Buti na lang, di sumama ang jowa ni Ace at nakipag-break naman sina Axel at Basil sa mga jowa nila bago ang excursion dahil kung hindi, baka mag-isa lang akong rumampa nang gabing iyon.)
Kaagad naming naubos ang isang pitcher kaya bumili kami ng isa pa. Ang sarap ng Mindoro Sling at kakaiba ang tama kaya sunud-sunod pa rin ang naging pag-inom namin. Ramdam ko na ang epekto dahil ang saya-saya ko na. Maingay na rin ako at magaslaw.
Sa kinaroroonan namin ay nagkatayuan na at nagkasayawan na sa beach. May mga sumampa na sa silya. May mga naghahalikan na habang tsini-cheer ng mga nagmamasid. Sumabay kami sa pakikisaya at pag-indayog sa “Tik Tok”.
Pero hindi pa rin kami nakuntento. Nagkayayaan kaming tunguhin ang dancefloor sa loob ng bar. Grabe sa siksikan. Halos hindi kami makadaan. Naki-excuse-excuse ako sabay ngiti sa bawat madaanan at makadikitan. Kasunod ko sina Ace at Axel. (Nagpaiwan si Basil dahil may kasayaw na siya.) Nagkaroon kami ng puwang sa dancefloor na kung saan shoulder-to-shoulder at elbow-to-elbow ang crowd sa sobrang sikip.
Parang alon ang galaw ng mga nagsasayaw. Hindi maiwasang magkatulakan at magkatapakan. Pero enjoy ang lahat. Sa kabila ng init at pagpapawis, hataw ang lahat at kahit nagkakagitgitan, walang nagsusungit.
Natagpuan ko ang aking sarili na face-to-face sa isang bagets. Nagkatitigan kami. Moreno ang kanyang kutis at pilyo ang mga mata. Nang ngumiti siya, nakita ko ang mapuputing ngipin niya. Ngumiti rin ako sabay “hi!”. Nagsayaw kami at dahil masikip nga, pressed kami sa isa’t isa. Sa sobrang lapit ng aming mga mukha, nagkalanghapan kami ng hininga. Spontaneously, nagtagpo ang aming mga labi. Ang pagkalango ko sa alak ay tila higit na pinatindi ng kanyang halik.
Maya-maya, may naramdaman akong nakadikit at nakahawak sa aking likod. Nilingon ko siya. Bagets din. Ngumiti sa akin sabay yakap. Napatingin ako sa aking kasayaw. Nakangiti rin siya sa bagets na nasa likod ko. Nagulat ako nang mag-high five sila.
“Magkakilala kayo?” ang tanong ko.
“Kaibigan ko,” ang sagot ng kasayaw ko.
Naramdaman ko ang paghalik ng pangalawang bagets sa leeg at balikat ko. At nang muli kong ibaling sa kanya ang mukha ko, idinampi niya ang mga labi niya sa labi ko.
Nang magbitiw kami, mga labi naman ng unang bagets ang muli ay dumampi sa akin. Sinandwich nila ako at hinalikan nang pasalit-salit. Frankly, I liked it. Ang sarap. Exciting. It gave me a different kind of high.
But wait, there’s more! May jumoin sa amin na isa pang bagets. Kaibigan din nila. Nakipagsayaw sa amin at nakipaghalikan din sa akin. Pinagsalikupan ako ng tatlo at hindi lang nagpalipat-lipat ang mga labi ko sa kanila kundi sabay-sabay pa kaming naghalikan habang entangled ang aming mga braso sa pagyayakapan. It was intoxicating. Parang lumulutang ang aking pakiramdam.
Nang kami ay magbitiw, all three bagets were giggling. First time siguro nilang ma-experience ang ganoon.
“Bakasyunista rin kayo?’ ang tanong ko in an awkward effort to make a conversation.
“Hindi,” ang sagot ni Bagets #1.
“Mga taga-rito kami,” ang sagot ni Bagets #2.
Oh, locals.
“Ikaw, taga-saan ka?” ang tanong ni Bagets #3.
“Manila,” ang sagot ko.
“Sama kami sa’yo,” ang pagbibiro ni Bagets #2.
“Sige, mag-impake na kayo.”
Natawa ang tatlo sa sagot ko.
Pinagmasdan ko sila. Pilyo ang bukas ng kanilang mga mukha pero naroroon ang innocence. They were all bright-eyed and dreamy.
Muli naming ipinagpatuloy ang aming ginagawa. Muli, ako ay nawala at nakalimot sa mga halik, yakap, hagod, himas at pisil ng tatlong island boys.
Na-interrupt ang aking moment nang biglang may kumurot sa akin. Pagtingin ko, si Ace na kanina pa pala kami pinagmamasdan. Hinawakan niya ang aking kamay at ako ay hinila. Napakalas tuloy ako sa mga bagets.
“What are you doing?” ang bulong niya sa akin, with emphasis on every syllable.
“Having fun,” ang sagot ko.
“You’re being… slutty,” ang sabi niya with disapproval on his face.
“I am just sampling the local delicacies.”
“What the f… Halika na. You’re drunk.”
“Wait. Nakakahiya sa mga kasayaw ko…”
“Just say goodbye because you have to go.”
At dahil determinado si Ace na ilayo ako, sumunod na lamang ako. “Bye, guys,” ang tanging nasabi ko na lang sa tatlo with matching kaway. “It was nice meeting you.”
At bago pa man sila nakapagsalita, tuluyan na akong hinila ni Ace pabalik sa mesang kinaroroonan namin kanina sa beach.
“Gurl, ano ba ang sabi mo sa akin kanina?” ang tanong niya.
“Anong sabi…?” ang clueless na sagot ko.
“Na bantayan kita lalo na kapag nalasing ka. At sawayin kita kapag medyo off na ang iyong ginagawa. Dahil ayaw mong umuwi na may pinagsisisihan ka.”
“Oh, yeah,” ang tanging nasambit ko.
Biglang umapir si Basil, may hawak na dalawang baso ng Sling. “Drink?” ang sabi.
“Lasing na siya, gurl,” ang sansala ni Ace sa alok ni Basil.
“Isang shot na lang,” ang sabi ni Basil na lasing na rin.
“Sure,” ang sagot ko sabay abot sa baso.
“Gurrrl!” ang saway ni Ace.
Mabilis kong tinungga ang alak. Sinabayan ako ni Basil.
“Hay naku,” ang tanging nasabi na lang ni Ace dahil wala siyang nagawa.
“Naiinggit ka lang,” ang sabi ko.
“E kung sinasampal kaya kita nang matauhan ka.”
Na-amuse ako sa sagot ni Ace at sa expression ng mukha niya. Bigla akong natawa.
Natawa rin si Ace. Pati si Basil, nakitawa na rin.
Maya-maya, lumapit sa amin si Axel.
“Friends, mauuna na ako,” ang sabi.
“Bakit?” ang sabay-sabay naming tanong.
“May booking ako.”
Saka lang namin napansin ang boylet sa likod niya. Shirtless, maganda ang katawan.
“Oh,” ang sabay-sabay din naming reaksiyon.
Ewan ko, but I started laughing again. Napatingin sa akin ang tatlo kong friends. Pati ang booking.
“Why? Hindi ba siya guwapo?” ang tanong ni Axel na may pagtataka.
“No. He’s cute,” ang sabi ko na pinipigil ang tawa. “Don’t mind me. I’m just happy for you.”
Tinampal ako ni Axel sa braso bago umalis, inis sa asal ko.
At pagtalikod nila ni boylet, hindi ko alam kung bakit jumoin sa aking pagtawa sina Ace at Basil. Nahawa na rin sila sa aking laughing trip. Para kaming mga sira.
Marami pa pala ang Mindoro Sling. (Hindi ko alam kung bumili ng panibago si Basil habang wala kami.) We decided to finish it. Wala nang pagtutol si Ace. Pati siya, nakiinom na rin.
Nang masaid namin ang laman ng pitsel, nagyaya si Ace na maglakad-lakad sa beach. Tumanggi si Basil at nagpaiwan dahil maghahanap din daw siya ng booking.
Kami na lang ni Ace ang umalis.
Napadaan kami sa isang bar na may mga nagsasayaw din pero hindi kasingsiksikan ng Mikko’s. Maganda rin ang music kaya naengganyo kaming dumaan muna saglit. Marami ring familiar faces sa loob, mga nakikita ko sa Malate. Nakipagngitian pa nga ako sa ilan.
Nagsimula kaming magsayaw ni Ace. At hindi nagtagal, may kanya-kanya na kaming kapareha. Mine was a fresh face na nang subukan kong i-kiss ay hindi tumanggi. Sa halip ay nakipagsabayan din. Ang tamis-tamis ng kanyang lips, parang Mindoro Sling. Sapat upang tila madagdagan ang aking pagkalasing.
Matagal kaming naglandian. Bukod sa halikan, kung saan-saan din gumawi ang aming mga kamay. Gusto ko na siya at sa aking isip ay naglalaro na ang mga possibilities. Naghihintay na lang akong magyaya siya ng sex at sasama ako.
But we were interrupted by his friends. Nilapitan siya at niyayang lumipat sa Mikko’s. Niyaya niya rin ako.
Nanghihinayang man, tumanggi ako. Ayoko na munang bumalik doon.
And so he left with his friends.
Hinanap ko si Ace. Nakita ko na cheek-to-cheek siya with a guy habang nagsasayaw. Sinipat ko ang kanyang kasayaw. Hindi masyadong maganda. Medyo on the heavy side pa. Nilapitan ko si Ace at binulungan. “Gurl, ready na ang banga.” It was a private joke or code sa aming magkakaibigan na ang ibig sabihin: Di ko type ang chorva mo.
Pinandilatan ako ni Ace. Tumingin ako sa kasayaw niya na kahit nakangiti sa akin, ang tingin ko talaga, pasok sa banga. O baka lasing lang ako at malabo ang mata.
“Stroll pa ba tayo o magpapaiwan ka na?” ang tanong ko kay Ace.
Siguro dahil may disapproval na ako sa ka-partner niya kaya hindi na siya nahirapang magdesisyon. Nagpaalam siya rito at sumama sa akin.
“Tara, punta tayo sa Jurassic,” ang yaya ko pagkalabas namin ng bar.
11 comments:
ohh.. Galera. It's been a while.
gawin bang malate ang galera? haha. sabagay..halos ganun din naman. :)
after reading your post, I think I should pack my bags and go to Galera now :)
linked you. :)
ayos. hehe. :)
yey, kailangan ko ng impromptu galera trip! :)
@bunwich: yup. enjoy naman. musta ka na, friend? :)
@caloy: naku, para talagang nalipat sa galera ang malate noong holy week. grabeh! :)
@arkin: you should. may paparating na long weekend. puwedeng-pwede. hehe! :)
@felipe: may karugtong pa ang kuwento. hehe! salamat sa pagdalaw at sa comment. tc. :)
@darc diarist: long weekend sa may 1-3. pwedeng-pwede. enjoy! kwentuhan mo rin kami ha? :)
di ako maka move-on sa tatlong bagets! haha ang kabtaan nga naman ngayon!! napaka-mapusok haha
@citybuoy: naku, nyl, para ka namang matanda kung magsalita. kayo talagang kabataan ngayon, napakamapupusok! haha! char lang. mwah! :)
what a night! Hehehe...
Nice code ah.. Ready na ang banga.. Hehehe... But you did have fun in Galera :-)
@al: yes, grabe, ang saya! may karugtong pa ang kuwento, friend. abangan mo na lang hehe! :)
sige sige.. Watch ko feeds :-)
Post a Comment