Nakita ko siyang nakatayo sa isang sulok ng club. A sweet, innocent face. He must be very young. Maybe it was his first time.
Hindi lumayo ang mga mata ko sa kanya. I willed him to look at me. And he did.
Tumitig ako sa kanya at tumugon siya. Matingkad ang ningning sa kanyang mga mata na nakikipagkumpetensiya sa kislap ng patay-sinding mga ilaw.
Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Matangkad siya subalit payat. May cute awkwardness siya which I found endearing. It was as if he was trying to fit in sa kapaligirang bago sa kanya.
Nginitian ko siya. Self-consciously, gumanti siya.
Sa pagpapalit ng music, I decided to ask him to dance. Nilapitan ko siya.
Subalit may maagap na humila sa kanya. Dinala siya sa dancefloor at nagsayaw sila.
Naiwan akong nakatingin.
Sa mga galaw niya na tila may alinlangan at nahihiya, natiyak kong baguhan nga siya at sa distansiya niya sa kasayaw niya, napagtanto ko na magkaibigan lang sila.
Pasulyap-sulyap siya sa akin.
Lihim akong nangiti. He was very promising.
Naghanda akong maghintay ng tamang pagkakataon.
***
Hindi ko alam kung bakit nawaglit siya sa paningin ko. Desidido pa naman ako na kilalanin siya. Umikot na ang mga mata ko sa paligid subalit hindi ko siya makita. Basta nawala na lang siya, naglahong parang bula.
Umusad ang mga sandali at nasa kainitan na ang mga kaganapan sa club. Pakiramdam ko, may kanya-kanya nang partner ang lahat at ako na lamang ang mag-isa. Masyado yata akong na-focus kay Innocent Face kaya napag-iwanan ako.
Bago pa maging huli ang lahat at umuwi akong zero, umakyat ako sa ledge. Doon, maraming mag-isang kagaya ko ang dumidispley at open hindi lang sa pakikipagkilala kundi pati sa paggawa ng kapilyuhan.
At hindi nga ako nagkamali.
Ilang sandali pa, may kasayaw na ako at nagsisimula nang makipaglandian.
“Hi.” Ginambala ako ng tinig na iyon na nagmula sa aking likuran.
Lumingon ako. Magkahalong tuwa ang naramdaman ko. Si Innocent Face.
“I want to dance with you.” Nakangiti siya. Wala ang pagkakiming nakita ko kanina sa mukha niya.
I was most willing to oblige. Kaagad akong nag-excuse sa kapartner ko at hinarap ko siya.
“Sure.” Ngiting-ngiti ako. Napansin ko, iba na ang damit niya. Siguro lumabas siya sandali at nagpalit sa kotse. Hindi ako nagtaka kasi may kaibigan ako na gumagawa ng ganun.
“What’s your name?” ang tanong niya sa akin. Nagsasayaw na kami.
“Aris. Ikaw?” I could not help but look into his eyes.
“Byron.”
“Ilang taon ka na?”
“Eighteen.”
“You’re so young. You should be dancing with guys your age.”
“I like older guys,” ang sagot niya.
“Really?” Napangiti ako. “May boyfriend ka na ba?”
“Wala. Single. Ikaw?”
“Single din.”
“Cool. Pwedeng maging tayo.”
That was so forward. Ang inakala ko kaninang mahiyaing bata ay palaban pala at diretsong magsalita.
“Can I kiss you?” ang walang kagatol-gatol niyang dugtong. I really underestimated him.
Hindi na ako sumagot. Sa halip, ako na mismo ang naglapit ng bibig ko sa bibig niya.
It was a sweet and gentle kiss. Yumakap siya sa akin at yumakap din ako sa kanya. Nawala kami sa tiyempo ng tugtog na sinasayawan namin at sandaling nakalimot.
Nasa mga mata namin ang pagkalango nang magbitiw ang aming mga labi. Kapwa kami nakangiti.
“I like you,” ang sabi niya.
“I like you, too,” ang sabi ko.
“Mag-isa ka lang ba?” ang tanong niya.
“I’m with friends. Ikaw, sino ang kasama mo?”
“Friends din. At saka ang kakambal ko.”
“Huh?” Hindi ako sigurado kung tama ang dinig ko. “Kakambal? As in, twin brother?”
“Yup,” sabay baling at muwestra sa bandang likuran ng ledge. “Ayun siya, o.”
Napanganga ako. Dahil naroroon, nakatayo ang sinasabi niyang kakambal. Matangkad, payat at awkwardly cute. Ang katitigan ko kanina na binalak kong karirin. I was sure dahil sa suot niyang damit.
Halos hindi ako makapaniwala. Magkamukhang-magkamukha sila. Identical twins. It was as if I was seeing double.
Nakatingin siya sa amin.
“Naku, siguradong pagagalitan na naman ako mamaya ng kakambal ko,” ang sabi ni Byron.
“Bakit?” ang tanong ko.
“Kasi nakikipag-kissing ako sa’yo.”
“Bakit, hindi ba siya… kagaya mo?”
“Pareho kami. Kaya lang ako, out na ako. Siya, hindi niya pa tanggap kung ano siya. Conservative siya.”
Muli kong sinulyapan ang kanyang kakambal. Nakatingin pa rin siya sa amin. Bukod sa disapproval, tila may nakita rin akong panibugho sa kanyang mga mata.
Ibinalik ko ang atensiyon ko kay Byron. “Ok lang ba sa inyo ng kakambal mo na magkasama kayo sa mga gimik na ganito?”
“Ok lang,” ang sagot niya.
“Hindi ba nakakailang? I mean, magkapatid kayo, tapos nagkakakitaan kayo at nagkakaalaman ng mga pinaggagagawa ninyo?”
“Open kami sa isa’t isa. Ever since, nagsasabihan na kami ng mga sikreto. Kahit magkaiba ang personality namin, pareho kami ng pagkatao. Wala kaming dapat itago.”
It was a refreshing insight for me.
“I think I want to meet your twin,” ang sabi ko.
“Sure. Para makita mo ang pagkakaiba namin.”
Hinila niya ako sa kinaroroonan ng kakambal niya.
“This is Aris,” ang pakilala ni Byron sa akin.
“Hi,” ang bati ko, nakangiti. “What’s your name?”
“Bryan.”
Reluctant pa siyang nakipagkamay sa akin. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. Kaagad siyang umiwas.
“Mag-usap muna kayo,” ang sabi ni Byron. “Punta muna ako sa CR.”
May naramdaman akong tensiyon sa pagitan namin ni Bryan nang maiwan kami.
***
“Akala ko, ikaw na ang kasayaw ko kanina,” ang sabi ko.
Hindi siya sumagot pero nakatingin siya sa akin.
“Ikaw talaga ang gusto kong makilala,” ang dugtong ko. Sinalubong ko ang kanyang mga mata. Hindi na siya umiwas.
“Ako rin sana. Kaya lang, naunahan na naman ako ng kakambal ko,” ang sabi niya.
“Magkamukhang-magkamukha kayo...”
“Pero magkaiba kami. We are opposites, actually. Lalo na sa pag-uugali.”
“Maybe na-sense ko na iyon kanina habang nagtititigan tayo. Na iba ka. Kaya siguro na-attract ako sa’yo.”
“How could you tell na specifically ako nga ang gusto mo? Iisa lang naman ang itsura namin.”
“Basta nararamdaman ko. There is something about you na mas gusto ko.”
“I am surprised dahil kadalasan, mas maraming may gusto sa kanya. Mas sociable siya. Mas friendly. Mas madaling mag-connect. Samantalang ako, tahimik. Shy. Hindi ako sanay to just walk up to a guy ang tell him I like him. Hindi ako basta-basta nakikipagkilala, nakikipag-kissing o nakikipagsayaw.”
Nag-play ang “Pyramid” ni Charice. My current favorite. Kaagad ko siyang niyayang sumayaw.
“I just told you… hindi ako basta-basta nakikipagsayaw unlike my twin.”
“Maybe I can be an exception?” I tried to charm him as much as I could with my smile and begging stare. “Please?”
He looked at me na parang pinag-aaralan niya ako. Then, he smiled. “Ok.”
Pumagitna kami sa ledge at sinabayan namin ang Dave Aude remix that was driving the crowd crazy.
He was moving gracefully, better than his brother.
“I like you.” Hindi ko napigilan ang aking sarili. I said it with all sincerity, hindi katulad kanina nang sinabi ko iyon sa kapatid niya na parang automatic reply lang.
He looked at me at kahit hindi siya nagsalita, nakita ko sa mga mata niya ang sagot.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nagpaubaya siya.
“Don’t make it hard for me,” ang sabi niya.
“Why?”
“I don’t want to get in the way sa inyo ng kapatid ko. I guess, I just have to give it up for my brother. It has always been that way, ang mga bagay na gusto ko, sa kanya lagi napupunta.”
“Dapat ba, lagi kang nagpaparaya?”
“Sanay na ako. At saka, isa akong mabuting kapatid.”
Napatingin ako sa kanya. Higit na nadagdagan ang admiration ko dahil sa tinuran niya. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha upang siya ay hagkan. Hindi siya tuminag. Sa halip ay pumikit siya na tila naghihintay sa dampi ng aking mga labi.
Subalit bago pa iyon natuloy, dumating si Byron at pumagitna sa amin. Sa mga labi niya dumapo ang halik ko. Yumakap siya sa akin. Kaagad kaming naglayo ni Bryan.
“Oh, you’re dancing with my brother,” ang sabi ni Byron. “Buti napapayag mo siya.”
I just smiled.
“Sorry, Bro. Babawiin ko na siya sa’yo,” ang sabi niya pa.
Tuluyan nang lumayo si Bryan. Sinundan ko siya ng tingin.
Nagsayaw kami ni Byron.
“I think he likes you,” ang sabi niya sa akin.
“Ha? Bakit naman?” ang tanong ko.
“Ipinanganak kaming magkadugtong ang pusod. I can almost read his mind… and even his heart.”
“Really?”
“At saka, magkaiba man ang personality namin, magkapareho kami ng taste. Especially sa guys.”
Patuloy kami sa pagsasayaw.
Maya-maya, humigpit ang yakap niya sa akin. Hinanap niya ang aking mga labi at naghalikan kami.
Hindi ko naiwasang mapasulyap kay Bryan. May hurt at longing akong nabasa sa kanyang mga mata.
Pumikit ako at inisip ko na siya ang kahalikan ko. Ibinuhos ko sa kakambal niya ang damdaming tinimpi ko para sa kanya.
Nang magbitiw kami, may ibinulong sa akin si Byron.
“Can I be your baby?”
Wednesday, May 26, 2010
Saturday, May 15, 2010
Hot Summer Night 2
Aaminin ko, libog ako.
Tinablan ako sa foreplay namin ng tatlong bagets at higit sa lahat, kay fresh face. Not to mention na tinamaan din ako ng Mindoro Sling.
Kaya nagyaya ako sa Jurassic.
Ang tinaguriang Jurassic Park ay nasa dulong bahagi ng white beach, bandang kanan kung ikaw ay nakaharap sa dagat. Ito ay kapirasong gubat na kung saan nagaganap ang mga makamundong kababalaghan. Ito ay paraiso ni Adan na tagpuan ng mga kaluluwang naghahanap at oasis ng mga uhaw sa paglingap.
Bumubungad pa lang kami ni Ace sa madilim na bahaging iyon ng beach, napansin na kaagad namin ang maraming kalalakihan. Akala namin overflowing na ang Jurassic pero iyon pala, bawal nang pumunta roon at may guwardiyadong harang pa. Kaya ang lahat ay nagkasya na lamang sa pagrampa sa bandang bukana.
Sa aming pagmamasid sa kilos ng mga naroroon, may nasilip pa rin kaming possibilities kaya nag-stay kami ni Ace. Naupo kami nang magkahiwalay. Siya, malapit sa dagat. Ako, malapit sa halamanan.
Mula sa aking kinaroroonan, nakita ko nang may lumapit kay Ace at umupo sa kanyang tabi. Maya-maya, nag-uusap na sila. Na-excite ako para sa kanya and at the same time, nainggit. Naunahan na naman ako ni friend.
Nagpalinga-linga ako sa aking paligid. Napansin ko ang iba pang mga pares-pares na nag-uusap.
Since mag-isa lang ako at walang nagkakamaling lumapit, nagpa-sober na lang ako at nagmuni-muni habang nakatanaw sa dagat.
And just when I was already in deep thought, may isang lalaki na tumayo sa aking tabi. Nakatingin siya sa akin na parang sinisipat ako. Tumingin din ako sa kanya at sinipat ko rin siya. Matangkad. Maskulado. Kalbo. Maya-maya, lumayo siya nang konti at pumuwesto sa di-kalayuan upang umihi.
Nakita ko ang mala-pilak na guhit ng tubig. Nabanaagan ko sa dilim at nasukat ang pinanggagalingan niyon. Habang umiihi, hindi lumalayo ang tingin niya sa akin at bahagya pa siyang humarap upang sadyang ipakita iyon. Lihim akong napangiti.
Nang makatapos, lumapit siya sa akin. Naupo sa aking tabi.
“You liked it?” ang tanong niya.
Hindi ako nagsinungaling. “Yeah.”
“You wanna have fun?” Nakangiti na siya.
Hindi siya nagfi-fit sa tipo ko pero hindi ko maikakaila na na-attract ako sa lakas ng kanyang appeal. Lalaking-lalaki at animalistic. Plus, meron pa siyang pasilip.
“Sure.” Nanaig ang aking libido.
Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kanyang harapan. Ipinadama niya sa akin ang kanyang ipinagmamalaki.
Dumako ang kamay niya sa aking hita. Hinaplos-haplos niya ito. Maya-maya, pilit niyang ipinapasok ang kanyang kamay sa aking shorts. Ginagap niya ako at nilaro-laro.
Sinimulan ko rin siyang himasin.
And when everything was too much to contain, nagyaya na siya na pumunta sa hotel niya.
I was so fired-up kaya nakahanda na akong sumama. Subalit natigilan ako sa sinabi niya.
“I have two friends with me. Game din sila. Orgy tayo.”
“Huh?”
“Mga maskulado rin. Magugustuhan mo.”
At sino naman ang may sabing gusto ko ng maskulado? Pinagmasdan ko siya. Sa laki ng katawan niya, magagawa niyang ipagbalibagan ako sa kama. Tapos, tatlo pa sila? Kapag pinagtulung-tulungan nila ako, siguradong hindi ako makakapalag.
At saka hindi ko rin type ang orgy. Takot ako.
“Magkakatotoo ang mga pantasya mo. Kami ang bahala sa’yo. Siguradong mag-e-enjoy ka. Hindi mo makakalimutan ang experience mo,” ang sabi niya pa.
Subalit sa halip na maengganyo, nawalan ako ng interes. Tama ang itinuturo sa salesmanship: kapag nakabenta ka na, dapat shut-up na.
Sa kabila ng aking pagkatangay kanina, nanaig sa akin ang rason. Pinangibabawan din ako ng pangamba sa maaaring kahinatnan ko sa mga palad ng tatlong maskulado.
Habang maaga pa, I bailed myself out.
“Sorry, ayoko ng orgy.”
“O, sige tayong dalawa na lang. Manonood na lang sila.”
Mas lalong ayoko nun. Ano ako, live sex performer? Mamaya kuhanan pa kami ng video, magka-scandal pa ako. “Hindi, ayoko na.”
“Anong ayaw mo na?”
“Ayoko nang makipag-sex. Nawala na ang libog ko.”
“Paano ako?”
“Hanap ka na lang ng iba.”
Tumayo na ako at lumayo. Buti na lang hindi na siya sumunod.
Naglakad-lakad ako. Inenjoy ko na lang ang dapyo ng hangin, ang pandama ng buhangin, ang tunog ng alon at ang mga going-ons sa beach. Hindi araw-araw na matatagpuan ko ang aking sarili sa ganoong kapaligiran.
Bago ko namalayan, malayo na pala ang aking nararating. Nakabalik na ako sa beachfront ng resort at sementadong sidewalk na ang nilalakaran ko. Hindi na rin masyadong matao ang bahaging iyon dahil siguro madaling araw na. Inisip kong bumalik sa Mikko’s subalit dahil madadaanan ko ang hotel namin, ipinagpasiya kong umuwi na lang.
Papaliko na ako sa entrance ng hotel nang may masalubong ako. Nagkatinginan kami. We held our glances at parang biglang nag-slow motion ang mga sandali.
Lumagpas kami sa isa’t isa subalit humabol ang aming mga tingin.
Tumayo muna ako sa kinaroroonan ko at siya naman ay huminto sa bandang unahan. Patuloy ang aming tinginan.
Nagsindi ako ng sigarilyo at siya ay aking pinagmasdan. Matangkad. Payat. Chinito. Exactly my type. Mula sa malayo, pinagmamasdan niya rin ako.
Obviously, nagkagustuhan kami.
Hindi na ako nakatiis. Pinitik ko ang nangangalahating sigarilyo at humakbang ako palapit sa kanya. Hindi siya tuminag na tila hinihintay ako.
Higit na naging intense ang aming pagtititigan nang makalapit ako sa kanya. I moved so close to him na amoy ko na ang mint sa bibig niya.
“Aris,” ang pakilala ko.
“Prince,” ang pakilala niya rin.
We both smiled.
I held his hand. And we kissed.
Sumilong kami sa lilim ng isang nakasaradong tindahan. At doon, we held and explored each other. Wala nang sali-salita.
His lips were soft. His body was smooth. And he was well-endowed.
Pareho kaming sabik at hindi maaaring doon na lamang iyon magtapos. Niyaya niya ako sa tinutuluyan niya.
“Mag-isa lang ako sa room,” ang sabi niya.
“Wala kang kasama?”
“Meron, pero sa beach na sila magpapaumaga.”
Muli akong ngumiti habang nakatingin sa kanya. He was so beautiful and perfect.
“Let’s go,” ang sabi ko.
Inabot niya ang aking kamay.
Naglakad kaming magka-holding hands.

Sunday, May 9, 2010
Jacket
I met this guy.
Trainor siya sa isang call center. Former print ad model.
Akala ko, simpleng pagkikilala lang iyon pero hiningi niya ang number ko.
Akala ko rin, kunwari lang na interesado siya but he actually texted.
Tinawagan niya rin ako. At nang magkita uli kami sa imbitasyon niya, sinabi niyang may gusto siya sa akin. Parang hindi ako makapaniwala. Masyado siyang guwapo at ang pakiramdam ko, he was too good for me.
Pero kinilig ako siyempre. At nang tinanong niya ako kung pwedeng maging kami, hindi na ako nagpakipot pa. Kailangan ko pa bang maging choosy?
And so, naging kami. I could not be happier. Feeling ko, ang suwerte-suwerte ko.
Idinispley ko siya sa Malate kasi proud ako sa kanya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko at nainggit sila.
Pinlano niya rin ang pagpapakilala sa akin sa mga kaibigan niya.
“But first, kailangan nating baguhin ang iyong pananamit,” ang sabi niya. “Tuturuan kitang maging stylish.”
Sinamahan niya akong mag-shopping. He picked-out clothes for me na sa palagay niya bagay sa akin. At kahit medyo may alinlangan ako, binili ko ang mga iyon to please him.
Pinagupitan niya rin ako sa isang salon at siya ang nagbigay ng instructions sa hairstylist.
Naiba ang itsura ko. At kahit parang nanibago ako, I went along. Inisip ko na lang, he just wanted me to look my best. And so I embraced the change.
Na-feel ko naman na proud siya sa akin nang finally, ipakilala niya ako sa mga kaibigan niya over dinner sa isang sosyal na restaurant.
Ok naman ang mga friends niya. Nice sila sa akin. Ok rin ang pakikipagkuwentuhan ko sa kanila. Everytime mapapatingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin.
It was not until pauwi na kami nang malaman ko na may displeasure pala siya. Pinagsabihan niya ako sa kotse.
“I think, masyado kang naging makuwento,” ang sabi. “You also laughed too much.”
“Huh?” Hindi ko yata napansin iyon. Sinagot ko lang naman ang mga tanong nila. Tumawa rin ako kasi nagjo-joke sila.
“And yes,” ang dugtong niya pa. “Kapag nagyoyosi ka, huwag mo nang hintaying maubos ang yosi mo. Halfway pa lang, patayin mo na. Hindi class yung halos umabot na sa filter ang sindi bago mo patayin.”
Napa-“Huh?’ uli ako. May ganoon? Noon ko lang yata narinig iyon.
“Inubos mo rin ang dessert mo. Hindi magandang tingnan. Mukha kang hindi health-conscious.”
Hindi ako sumagot. Hindi ako nag-defend. Inisip ko na lang, he just wanted to bring out the best in me. Kaya tinanggap ko na lang ang criticisms niya.
Kaya lang after that, napansin ko na sa tuwing nag-uusap kami, naging ugali niya rin na ikorek ako sa aking pagsasalita.
“Why do you keep on doing that?” Hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.
“I just want you to speak better. Trainor ako sa call center, remember?”
Alam ko na hindi naman mali ang mga pronunciation ko. Gusto niya lang akong mag-enunciate at magkaroon ng konting accent. Naisip ko, ok sige, wala namang masama kung gusto niyang pagandahin ang pagsasalita ko. Para sa ikabubuti ko rin naman iyon.
Kaya lang naging madalas iyon. Palagi niya akong kinokorek . Para tuloy ayaw ko nang magsalita. Parang hindi na rin kami makapag-communicate nang maayos dahil lagi na lang siyang may puna.
Nagsimula na akong mabahala. At mainis.
Minsan, isinama niya akong manood ng ballet sa CCP at hindi ko sinunod ang sabi niya na mag-jacket ako.
“You look so casual. Sinabi ko na kasing mag-jacket ka,” ang sabi niya pagkakita sa akin, may disapproval at annoyance sa tono ng boses niya.
“Medyo naiinitan kasi ako,” ang sagot ko.
“Malamig sa loob. It’s not your first time sa CCP, I assume.”
“Of course not.” Hindi nakaligtas sa akin ang sarcasm sa sinabi niya. Kahit parang medyo nainsulto ako, pinalampas ko iyon.
Habang nanonood, wala sa loob na napahalukipkip ako.
Bumulong siya sa akin, “See? I told you na mag-jacket ka. Nilalamig ka tuloy.”
Hindi naman ako nilalamig. Napahalukipkip lang ako kasi relaxed ang pakiramdam ko at nag-e-enjoy ako sa palabas. Hindi na lang ako kumibo.
Nang mag-intermission, we went to the lobby to drink something. Hindi pa rin siya tumigil.
“Tingnan mo, lahat maayos ang damit. Kung nag-jacket ka, e di hindi ka sana nagmukhang out-of-place.”
Sumagot na ako. “What’s wrong with what I am wearing? Maayos naman ang damit ko ah. Confident naman ako sa itsura ko.”
“Para kang gigimik. CCP ito, hindi Malate.”
Nagsimula na akong mabuwisit. Pero tinimpi ko pa rin ang sarili ko. I excused myself.
“I’ll just go to the comfort room,” ang paalam ko.
Hinawakan niya ako sa braso.
“Comfort room?” ang tanong niya.
“Yeah,” ang sagot ko.
May condescending look sa kanyang mga mata. “You should say restroom. Or washroom. Or loo.” Madiin ang bigkas niya sa bawat salita. “Comfort room is not a universal term.”
Hindi ko na napigilan ang sulak ng galit ko. Tinabig ko ang kamay niya.
“Putang ina, tigilan mo na ako. Kahit ano pa ang itawag mo diyan, kubeta pa rin yan!”
Sinabayan ko ng walk-out. Hindi niya ako hinabol.
***
Naisulat ko ito dahil noong isang araw, nagpunta ako sa mall upang bumili ng damit.
Pagpasok ko sa fitting room, I was surprised to see him. It has been years nang maghiwalay kami.
Nagkatinginan kami, matagal. Pero hindi kami nagbatian.
Bumukas ang pinto ng cubicle.
“Babe, what do you think?” ang tanong sa kanya ng boylet na nasa loob habang ipinapakita ang isinukat na jacket.
Pinagmasdan ko ang nagtatanong. Parang hindi siya sigurado sa suot niya, na napipilitan lamang siya dahil mayroong may gusto niyon para sa kanya. Nanghihingi siya ng approval, ng assurance na gusto hindi lamang ang damit niya kundi pati siya.
Parang ako. Noon.
“Looks good on you,” ang narinig kong sabi niya. “Try on the other one.”
Muli, may tinuturuan siyang maging stylish.
And I am sure, susunod na ang speech lessons.

Subscribe to:
Posts (Atom)