Saturday, May 15, 2010

Hot Summer Night 2

Aaminin ko, libog ako.

Tinablan ako sa foreplay namin ng tatlong bagets at higit sa lahat, kay fresh face. Not to mention na tinamaan din ako ng Mindoro Sling.

Kaya nagyaya ako sa Jurassic.

Ang tinaguriang Jurassic Park ay nasa dulong bahagi ng white beach, bandang kanan kung ikaw ay nakaharap sa dagat. Ito ay kapirasong gubat na kung saan nagaganap ang mga makamundong kababalaghan. Ito ay paraiso ni Adan na tagpuan ng mga kaluluwang naghahanap at oasis ng mga uhaw sa paglingap.

Bumubungad pa lang kami ni Ace sa madilim na bahaging iyon ng beach, napansin na kaagad namin ang maraming kalalakihan. Akala namin overflowing na ang Jurassic pero iyon pala, bawal nang pumunta roon at may guwardiyadong harang pa. Kaya ang lahat ay nagkasya na lamang sa pagrampa sa bandang bukana.

Sa aming pagmamasid sa kilos ng mga naroroon, may nasilip pa rin kaming possibilities kaya nag-stay kami ni Ace. Naupo kami nang magkahiwalay. Siya, malapit sa dagat. Ako, malapit sa halamanan.

Mula sa aking kinaroroonan, nakita ko nang may lumapit kay Ace at umupo sa kanyang tabi. Maya-maya, nag-uusap na sila. Na-excite ako para sa kanya and at the same time, nainggit. Naunahan na naman ako ni friend.

Nagpalinga-linga ako sa aking paligid. Napansin ko ang iba pang mga pares-pares na nag-uusap.

Since mag-isa lang ako at walang nagkakamaling lumapit, nagpa-sober na lang ako at nagmuni-muni habang nakatanaw sa dagat.

And just when I was already in deep thought, may isang lalaki na tumayo sa aking tabi. Nakatingin siya sa akin na parang sinisipat ako. Tumingin din ako sa kanya at sinipat ko rin siya. Matangkad. Maskulado. Kalbo. Maya-maya, lumayo siya nang konti at pumuwesto sa di-kalayuan upang umihi.

Nakita ko ang mala-pilak na guhit ng tubig. Nabanaagan ko sa dilim at nasukat ang pinanggagalingan niyon. Habang umiihi, hindi lumalayo ang tingin niya sa akin at bahagya pa siyang humarap upang sadyang ipakita iyon. Lihim akong napangiti.

Nang makatapos, lumapit siya sa akin. Naupo sa aking tabi.

“You liked it?” ang tanong niya.

Hindi ako nagsinungaling. “Yeah.”

“You wanna have fun?” Nakangiti na siya.

Hindi siya nagfi-fit sa tipo ko pero hindi ko maikakaila na na-attract ako sa lakas ng kanyang appeal. Lalaking-lalaki at animalistic. Plus, meron pa siyang pasilip.

“Sure.” Nanaig ang aking libido.

Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kanyang harapan. Ipinadama niya sa akin ang kanyang ipinagmamalaki.

Dumako ang kamay niya sa aking hita. Hinaplos-haplos niya ito. Maya-maya, pilit niyang ipinapasok ang kanyang kamay sa aking shorts. Ginagap niya ako at nilaro-laro.

Sinimulan ko rin siyang himasin.

And when everything was too much to contain, nagyaya na siya na pumunta sa hotel niya.

I was so fired-up kaya nakahanda na akong sumama. Subalit natigilan ako sa sinabi niya.

“I have two friends with me. Game din sila. Orgy tayo.”

“Huh?”

“Mga maskulado rin. Magugustuhan mo.”

At sino naman ang may sabing gusto ko ng maskulado? Pinagmasdan ko siya. Sa laki ng katawan niya, magagawa niyang ipagbalibagan ako sa kama. Tapos, tatlo pa sila? Kapag pinagtulung-tulungan nila ako, siguradong hindi ako makakapalag.

At saka hindi ko rin type ang orgy. Takot ako.

“Magkakatotoo ang mga pantasya mo. Kami ang bahala sa’yo. Siguradong mag-e-enjoy ka. Hindi mo makakalimutan ang experience mo,” ang sabi niya pa.

Subalit sa halip na maengganyo, nawalan ako ng interes. Tama ang itinuturo sa salesmanship: kapag nakabenta ka na, dapat shut-up na.

Sa kabila ng aking pagkatangay kanina, nanaig sa akin ang rason. Pinangibabawan din ako ng pangamba sa maaaring kahinatnan ko sa mga palad ng tatlong maskulado.

Habang maaga pa, I bailed myself out.

“Sorry, ayoko ng orgy.”

“O, sige tayong dalawa na lang. Manonood na lang sila.”

Mas lalong ayoko nun. Ano ako, live sex performer? Mamaya kuhanan pa kami ng video, magka-scandal pa ako. “Hindi, ayoko na.”

“Anong ayaw mo na?”

“Ayoko nang makipag-sex. Nawala na ang libog ko.”

“Paano ako?”

“Hanap ka na lang ng iba.”

Tumayo na ako at lumayo. Buti na lang hindi na siya sumunod.

Naglakad-lakad ako. Inenjoy ko na lang ang dapyo ng hangin, ang pandama ng buhangin, ang tunog ng alon at ang mga going-ons sa beach. Hindi araw-araw na matatagpuan ko ang aking sarili sa ganoong kapaligiran.

Bago ko namalayan, malayo na pala ang aking nararating. Nakabalik na ako sa beachfront ng resort at sementadong sidewalk na ang nilalakaran ko. Hindi na rin masyadong matao ang bahaging iyon dahil siguro madaling araw na. Inisip kong bumalik sa Mikko’s subalit dahil madadaanan ko ang hotel namin, ipinagpasiya kong umuwi na lang.

Papaliko na ako sa entrance ng hotel nang may masalubong ako. Nagkatinginan kami. We held our glances at parang biglang nag-slow motion ang mga sandali.

Lumagpas kami sa isa’t isa subalit humabol ang aming mga tingin.

Tumayo muna ako sa kinaroroonan ko at siya naman ay huminto sa bandang unahan. Patuloy ang aming tinginan.

Nagsindi ako ng sigarilyo at siya ay aking pinagmasdan. Matangkad. Payat. Chinito. Exactly my type. Mula sa malayo, pinagmamasdan niya rin ako.

Obviously, nagkagustuhan kami.

Hindi na ako nakatiis. Pinitik ko ang nangangalahating sigarilyo at humakbang ako palapit sa kanya. Hindi siya tuminag na tila hinihintay ako.

Higit na naging intense ang aming pagtititigan nang makalapit ako sa kanya. I moved so close to him na amoy ko na ang mint sa bibig niya.

“Aris,” ang pakilala ko.

“Prince,” ang pakilala niya rin.

We both smiled.

I held his hand. And we kissed.

Sumilong kami sa lilim ng isang nakasaradong tindahan. At doon, we held and explored each other. Wala nang sali-salita.

His lips were soft. His body was smooth. And he was well-endowed.

Pareho kaming sabik at hindi maaaring doon na lamang iyon magtapos. Niyaya niya ako sa tinutuluyan niya.

“Mag-isa lang ako sa room,” ang sabi niya.

“Wala kang kasama?”

“Meron, pero sa beach na sila magpapaumaga.”

Muli akong ngumiti habang nakatingin sa kanya. He was so beautiful and perfect.

“Let’s go,” ang sabi ko.

Inabot niya ang aking kamay.

Naglakad kaming magka-holding hands.

18 comments:

Mu[g]en said...

Nung isang araw ganyan din ginawa ko. May usapan akong SEB. Nung una balak rin ng kausap ko na manonood lang yung kasama niya na may-ari ng place. Sabi ko, dapat lahat participant. Pumayag siya sa 3sum.

So nagkaroon ng deal, pero sa totoo, one-on-one lang ang gusto ko. Isang oras before the call time narealize ko na hindi ko trip ang laro. Nag decide akong umuwi sa bahay at hindi makituloy sa bahay ninuman.

If I were a little younger, pangarap ko makipag bunuan sa dalawang top. Pero ngayon, parang wala na yung thrill.

Tumatanda na yata tayo.

Yj said...

last week, nag kuwento sa amin ang isang coffee baby, about this guy, at kung anong sinapit niya sa kamay ng tatlong lalakeng kampon ni satanas.... gusto kong maiyak.... naalala ko nanaman kasi....

Prince on the other hand.... hmmmmmmmmmm

arkin said...

offers like that, really tempting but scares the hell out of me. tama ka, freaky ang possibility that the other guy might be videotaping you or whatever. yay, instant porn star. bad thoughts.

SOLTERO said...

ang saya, buti naghintay ka at dumating din ang Prinsipe mo! ahahha, buti nagback out ka ke maskulado, ako din natakot for you!

jaypee | enjayneer.com said...

^___^ apir!

mel beckham said...

....and they lived happily ever after. hahaha

wanderingcommuter said...

hay galera... kaya lumilindol eh! hahaha!

Guyrony said...

An orgy party has always been a fantasy of mine when watching porn but what's funny is that I don't think I can stand orgies in real life.

Maybe it will remain a fantasy.

What's then number of the muscular guy??? :)

The Golden Man from Manila said...

The joys of youth ! miss ko na din ang mga ganyan eksena. But then, inyo ang oras ngayon. ako napagsawaan ko na. at hindi na bagay.

have stopped the quest but not the challenge.

haiz! lols

Mac Callister said...

grabe ka talaga walang kupas sa landi LOL!

kaka excite ang mangyayari

pyro said...

i'm just curious. halos lahat ba ng bloggers dito magkakakilala? these past few days mejo sinusubaybayan ko na blogs mo, aris. interesting din blogs nina arkin, closet medstud and soltero. lalo na kay BM.

Aris said...

@mugen: hindi ako magkakaila na naranasan ko na ito noon dala ng kapusukan. pero hindi ko talaga masasabing nagustuhan ko ito. :)

@yj: kailangan talagang mag-ingat. maaari kasing sa likod ng mala-anghel na mukha ay demonyo pala.

as for prince, natuklasan kong anghel siya inside and out. :)

@arkin: extra ingat talaga kasi mahirap nang mapahamak. :)

@soltero: buti na lang nagawa ko pang mag-isip sa kabila ng aking pagka-L. :)

@jaypee: hehehe! thanks for dropping by. :)

Aris said...

@mel beckham: feeling princess ako. hahaha! :)

@wandering commuter: mas katakot ang tsunami. hehehe! :)

@guyrony: mas masarap nga siyang maging laman na lamang ng pantasya. kakatakot kapag totoo na. hehe.

ay, di ko nakuha ang number. wala rin kasi akong dalang fone nang time na iyon. :)

@golden man: "have stopped the quest but not the challenge." hmmm... i like that, my friend. :)

@mccallister: huy, hindi naman. char. hahaha! :)

Aris said...

@pyro: nagkakila-kilala na lang kami dito. at yung iba, nagkita-kita na kami nang personal.

salamat sa pagsubaybay. sana hindi ka magsawa.

pareho tayo. enjoy din akong basahin ang blogs nina arkin, closet medstud, soltero at baklang maton. :)

pyro said...

na-inspire tuloy ako magsulat or gumawa ng blogs. kaya lang wala ako idea kung paano. hindi ko alam sisimulan ko.

Aris said...

@pyro: i encourage you to do it. just write from the heart, sabi nga ni laida kay miggy sa "a very special love". :)

Al said...

buti na lang at nanaig reasoning mo friend, baka nabugbog ka pa ng mga maskulado na yun.. hehehe.. scary!

Pero, pareho pala tayo ng type. hehehe

Aris said...

@al: apir! hehe. :)