Nakita ko siyang nakatayo sa isang sulok ng club. A sweet, innocent face. He must be very young. Maybe it was his first time.
Hindi lumayo ang mga mata ko sa kanya. I willed him to look at me. And he did.
Tumitig ako sa kanya at tumugon siya. Matingkad ang ningning sa kanyang mga mata na nakikipagkumpetensiya sa kislap ng patay-sinding mga ilaw.
Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Matangkad siya subalit payat. May cute awkwardness siya which I found endearing. It was as if he was trying to fit in sa kapaligirang bago sa kanya.
Nginitian ko siya. Self-consciously, gumanti siya.
Sa pagpapalit ng music, I decided to ask him to dance. Nilapitan ko siya.
Subalit may maagap na humila sa kanya. Dinala siya sa dancefloor at nagsayaw sila.
Naiwan akong nakatingin.
Sa mga galaw niya na tila may alinlangan at nahihiya, natiyak kong baguhan nga siya at sa distansiya niya sa kasayaw niya, napagtanto ko na magkaibigan lang sila.
Pasulyap-sulyap siya sa akin.
Lihim akong nangiti. He was very promising.
Naghanda akong maghintay ng tamang pagkakataon.
***
Hindi ko alam kung bakit nawaglit siya sa paningin ko. Desidido pa naman ako na kilalanin siya. Umikot na ang mga mata ko sa paligid subalit hindi ko siya makita. Basta nawala na lang siya, naglahong parang bula.
Umusad ang mga sandali at nasa kainitan na ang mga kaganapan sa club. Pakiramdam ko, may kanya-kanya nang partner ang lahat at ako na lamang ang mag-isa. Masyado yata akong na-focus kay Innocent Face kaya napag-iwanan ako.
Bago pa maging huli ang lahat at umuwi akong zero, umakyat ako sa ledge. Doon, maraming mag-isang kagaya ko ang dumidispley at open hindi lang sa pakikipagkilala kundi pati sa paggawa ng kapilyuhan.
At hindi nga ako nagkamali.
Ilang sandali pa, may kasayaw na ako at nagsisimula nang makipaglandian.
“Hi.” Ginambala ako ng tinig na iyon na nagmula sa aking likuran.
Lumingon ako. Magkahalong tuwa ang naramdaman ko. Si Innocent Face.
“I want to dance with you.” Nakangiti siya. Wala ang pagkakiming nakita ko kanina sa mukha niya.
I was most willing to oblige. Kaagad akong nag-excuse sa kapartner ko at hinarap ko siya.
“Sure.” Ngiting-ngiti ako. Napansin ko, iba na ang damit niya. Siguro lumabas siya sandali at nagpalit sa kotse. Hindi ako nagtaka kasi may kaibigan ako na gumagawa ng ganun.
“What’s your name?” ang tanong niya sa akin. Nagsasayaw na kami.
“Aris. Ikaw?” I could not help but look into his eyes.
“Byron.”
“Ilang taon ka na?”
“Eighteen.”
“You’re so young. You should be dancing with guys your age.”
“I like older guys,” ang sagot niya.
“Really?” Napangiti ako. “May boyfriend ka na ba?”
“Wala. Single. Ikaw?”
“Single din.”
“Cool. Pwedeng maging tayo.”
That was so forward. Ang inakala ko kaninang mahiyaing bata ay palaban pala at diretsong magsalita.
“Can I kiss you?” ang walang kagatol-gatol niyang dugtong. I really underestimated him.
Hindi na ako sumagot. Sa halip, ako na mismo ang naglapit ng bibig ko sa bibig niya.
It was a sweet and gentle kiss. Yumakap siya sa akin at yumakap din ako sa kanya. Nawala kami sa tiyempo ng tugtog na sinasayawan namin at sandaling nakalimot.
Nasa mga mata namin ang pagkalango nang magbitiw ang aming mga labi. Kapwa kami nakangiti.
“I like you,” ang sabi niya.
“I like you, too,” ang sabi ko.
“Mag-isa ka lang ba?” ang tanong niya.
“I’m with friends. Ikaw, sino ang kasama mo?”
“Friends din. At saka ang kakambal ko.”
“Huh?” Hindi ako sigurado kung tama ang dinig ko. “Kakambal? As in, twin brother?”
“Yup,” sabay baling at muwestra sa bandang likuran ng ledge. “Ayun siya, o.”
Napanganga ako. Dahil naroroon, nakatayo ang sinasabi niyang kakambal. Matangkad, payat at awkwardly cute. Ang katitigan ko kanina na binalak kong karirin. I was sure dahil sa suot niyang damit.
Halos hindi ako makapaniwala. Magkamukhang-magkamukha sila. Identical twins. It was as if I was seeing double.
Nakatingin siya sa amin.
“Naku, siguradong pagagalitan na naman ako mamaya ng kakambal ko,” ang sabi ni Byron.
“Bakit?” ang tanong ko.
“Kasi nakikipag-kissing ako sa’yo.”
“Bakit, hindi ba siya… kagaya mo?”
“Pareho kami. Kaya lang ako, out na ako. Siya, hindi niya pa tanggap kung ano siya. Conservative siya.”
Muli kong sinulyapan ang kanyang kakambal. Nakatingin pa rin siya sa amin. Bukod sa disapproval, tila may nakita rin akong panibugho sa kanyang mga mata.
Ibinalik ko ang atensiyon ko kay Byron. “Ok lang ba sa inyo ng kakambal mo na magkasama kayo sa mga gimik na ganito?”
“Ok lang,” ang sagot niya.
“Hindi ba nakakailang? I mean, magkapatid kayo, tapos nagkakakitaan kayo at nagkakaalaman ng mga pinaggagagawa ninyo?”
“Open kami sa isa’t isa. Ever since, nagsasabihan na kami ng mga sikreto. Kahit magkaiba ang personality namin, pareho kami ng pagkatao. Wala kaming dapat itago.”
It was a refreshing insight for me.
“I think I want to meet your twin,” ang sabi ko.
“Sure. Para makita mo ang pagkakaiba namin.”
Hinila niya ako sa kinaroroonan ng kakambal niya.
“This is Aris,” ang pakilala ni Byron sa akin.
“Hi,” ang bati ko, nakangiti. “What’s your name?”
“Bryan.”
Reluctant pa siyang nakipagkamay sa akin. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. Kaagad siyang umiwas.
“Mag-usap muna kayo,” ang sabi ni Byron. “Punta muna ako sa CR.”
May naramdaman akong tensiyon sa pagitan namin ni Bryan nang maiwan kami.
***
“Akala ko, ikaw na ang kasayaw ko kanina,” ang sabi ko.
Hindi siya sumagot pero nakatingin siya sa akin.
“Ikaw talaga ang gusto kong makilala,” ang dugtong ko. Sinalubong ko ang kanyang mga mata. Hindi na siya umiwas.
“Ako rin sana. Kaya lang, naunahan na naman ako ng kakambal ko,” ang sabi niya.
“Magkamukhang-magkamukha kayo...”
“Pero magkaiba kami. We are opposites, actually. Lalo na sa pag-uugali.”
“Maybe na-sense ko na iyon kanina habang nagtititigan tayo. Na iba ka. Kaya siguro na-attract ako sa’yo.”
“How could you tell na specifically ako nga ang gusto mo? Iisa lang naman ang itsura namin.”
“Basta nararamdaman ko. There is something about you na mas gusto ko.”
“I am surprised dahil kadalasan, mas maraming may gusto sa kanya. Mas sociable siya. Mas friendly. Mas madaling mag-connect. Samantalang ako, tahimik. Shy. Hindi ako sanay to just walk up to a guy ang tell him I like him. Hindi ako basta-basta nakikipagkilala, nakikipag-kissing o nakikipagsayaw.”
Nag-play ang “Pyramid” ni Charice. My current favorite. Kaagad ko siyang niyayang sumayaw.
“I just told you… hindi ako basta-basta nakikipagsayaw unlike my twin.”
“Maybe I can be an exception?” I tried to charm him as much as I could with my smile and begging stare. “Please?”
He looked at me na parang pinag-aaralan niya ako. Then, he smiled. “Ok.”
Pumagitna kami sa ledge at sinabayan namin ang Dave Aude remix that was driving the crowd crazy.
He was moving gracefully, better than his brother.
“I like you.” Hindi ko napigilan ang aking sarili. I said it with all sincerity, hindi katulad kanina nang sinabi ko iyon sa kapatid niya na parang automatic reply lang.
He looked at me at kahit hindi siya nagsalita, nakita ko sa mga mata niya ang sagot.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nagpaubaya siya.
“Don’t make it hard for me,” ang sabi niya.
“Why?”
“I don’t want to get in the way sa inyo ng kapatid ko. I guess, I just have to give it up for my brother. It has always been that way, ang mga bagay na gusto ko, sa kanya lagi napupunta.”
“Dapat ba, lagi kang nagpaparaya?”
“Sanay na ako. At saka, isa akong mabuting kapatid.”
Napatingin ako sa kanya. Higit na nadagdagan ang admiration ko dahil sa tinuran niya. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha upang siya ay hagkan. Hindi siya tuminag. Sa halip ay pumikit siya na tila naghihintay sa dampi ng aking mga labi.
Subalit bago pa iyon natuloy, dumating si Byron at pumagitna sa amin. Sa mga labi niya dumapo ang halik ko. Yumakap siya sa akin. Kaagad kaming naglayo ni Bryan.
“Oh, you’re dancing with my brother,” ang sabi ni Byron. “Buti napapayag mo siya.”
I just smiled.
“Sorry, Bro. Babawiin ko na siya sa’yo,” ang sabi niya pa.
Tuluyan nang lumayo si Bryan. Sinundan ko siya ng tingin.
Nagsayaw kami ni Byron.
“I think he likes you,” ang sabi niya sa akin.
“Ha? Bakit naman?” ang tanong ko.
“Ipinanganak kaming magkadugtong ang pusod. I can almost read his mind… and even his heart.”
“Really?”
“At saka, magkaiba man ang personality namin, magkapareho kami ng taste. Especially sa guys.”
Patuloy kami sa pagsasayaw.
Maya-maya, humigpit ang yakap niya sa akin. Hinanap niya ang aking mga labi at naghalikan kami.
Hindi ko naiwasang mapasulyap kay Bryan. May hurt at longing akong nabasa sa kanyang mga mata.
Pumikit ako at inisip ko na siya ang kahalikan ko. Ibinuhos ko sa kakambal niya ang damdaming tinimpi ko para sa kanya.
Nang magbitiw kami, may ibinulong sa akin si Byron.
“Can I be your baby?”
30 comments:
aw ang bait ni bryan! akin na lang siya..hahaha! =)
kuya enjoy talaga ako ako sa pagbabasa ng stories mo! bravo! =)
ayy affected ako. naiimagine ko tuloy ang sarili ko kay brian. parang ganun ako kashy ever ever nung first and only bed experience ko. tingin tingin lang. then inggit inggit sa mga may kasayaw. pero OMG, wala naman akong twin brother na inagaw ang prospect ko.
good read. :) super.
"teh, akin na lang yung isa... hehe
you're a merciless writer! kabitin!
by the way am new here in blogosphere...link you and follow din!
pakilala mo sakin yung byron, sipain ko crotch nun.
ang bad niya naman sa kapatid niya. :(( hahaha affected much? ay! bigla kitang na-miss aris, alam mo ba yun? :)
@jp_cardinale: sure. sige, pakilala kita hehe! salamat naman, nae-enjoy mo ang mga kuwento ko. :)
@arkin: darating ang panahon, masasanay ka rin sa bed hehe! salamat din sa'yo. uy, i like your new pic. wow ha! :)
@tristan tan: pwede. kaya lang baka wala tayong kamalay-malay, nagkapalit na pala tayo. haha! :)
@desole boy: hello there. welcome sa blog ko at sa blogosphere. salamat sa link and follow. bigay mo naman sa akin ang link ng blog mo, para mabisita ko. :)
@caloy: huwag naman, baka mabasag. ganetch? ikaw din, na-miss ko. :)
ikaw na talaga aris! at kambal pa talaga!
aww..double the flavor, double the fun!
(ang landi mo! hahaha):P
bkt kaya i dont like justin bieber?
@dhon: haha! hindi naman. :)
@soltero: hindi nga ako umubra dun sa isa eh. ayaw ng sabay. hahaha! :)
@imsonotconio: hindi ko rin masasabing gusto ko siya. :)
tama lang... kay byron ka... hindi bagay si bryan sa yo sasaktan mo lang sha! mwahahaha evil ko no?
It's been awhile A. But from the looks of it, nothing has changed. =)
Same script, different cast? Ma meet nga itong mga cast na ito. Hehe.
K
ang dame naman pala nameng maghahati kay bryan..hehe
@Aris..my newbie blog: http://desoleboy.blogspot.com/
nice kua aris natuhog mo yung twins ahehehe...
but take caution on your reply to Byron, you might see yourself in a very stressful situation afterwards, lalo na if mas attracted ka kay bryan.
Ingatan ang puso ha, both yours and the twins =) bata pa sila =)
wisik wisik ka naman ng kagandahan friend. hahaha
umabot ng iloilo buhok mo friend...;)
@luis batchoy: huy, hindi ah. hahaha! :)
@kane: kailangan ko nang magbago. at magpakabait. hehe! :)
@desole boy: oo nga. hehe! i visited na your blog. ang galing mong magsulat. follower mo na ako. linked you, too. :)
@kojin: you're right, masyado pa silang bata. ayoko ring i-complicate ang buhay ko. hehe! bigay mo naman sa akin ang link ng blog mo. gusto rin kitang basahin. tc. :)
@the geek: sinuwerte na naman lang. o minalas? hahaha! hayaan mo, minsan papasyal ako diyan sa iloilo. friend, na-miss kita. :)
Hi! Congratulations for being NUMBER ONE in this cycle's Hall of Fame! Mabuhay!! :)
@BNP: wow! i am so happy and honored. thank you, blogs ng pinoy! :)
sabi ko na may relevance yung justin bieber na soundtrack eh. lol iba ka talaga, aris. kambal na yan ha! hehe
team bryan ako!
@citybuoy: may ganon? hahaha! nyl, magsulat ka na uli. miss na kitang basahin. :)
ito na nga. medyo tuyo lang kasi busy sa work. hehe thanks aris!
Hi Aris.. im an avid follower.. :)
boring pa yung new blog ko..kahapon lang ako nagsimula magpost... hope you'll find time to make silip..hehehe
http://saisaandsaki.blogspot.com
@citybuoy: nabasa ko na. galing naman ng idea nyo. ako kaya, kanino makikipag-swap? :)
@nicos: hello, nicos. welcome sa blogging. i visited na your blog. i like. thank you sa follow. take care. :)
Just passing by. Excellent! Well written! ---- very un-bob ong, but I like your writing style!
@gardo: thank you very much. please visit often. :)
Thank you Aris sa pag-follow.. Ikaw ang una..hugs!
@nicos: surely. *hugs back* :)
ARIS SAMA MO NAMAN AKO MINSAN SA MG BAR NA YAN KASI DI PA AKO NAKAKAPUNTA JAN KAHIT MINSAN EH 09226378608
@jeticool: surely hehe! kaya lang nasunog na ang bed at lately hindi na ako masyadong nagpupunta sa malate. hayaan mo, kapag bumalik ako sa party scene. :)
talaga kuya ha salamat asahan ko po yanlam mo hanga ako sayo ganda ng mg story mo ,
Post a Comment