Sunday, May 9, 2010

Jacket

I met this guy.

Trainor siya sa isang call center. Former print ad model.

Akala ko, simpleng pagkikilala lang iyon pero hiningi niya ang number ko.

Akala ko rin, kunwari lang na interesado siya but he actually texted.

Tinawagan niya rin ako. At nang magkita uli kami sa imbitasyon niya, sinabi niyang may gusto siya sa akin. Parang hindi ako makapaniwala. Masyado siyang guwapo at ang pakiramdam ko, he was too good for me.

Pero kinilig ako siyempre. At nang tinanong niya ako kung pwedeng maging kami, hindi na ako nagpakipot pa. Kailangan ko pa bang maging choosy?

And so, naging kami. I could not be happier. Feeling ko, ang suwerte-suwerte ko.

Idinispley ko siya sa Malate kasi proud ako sa kanya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko at nainggit sila.

Pinlano niya rin ang pagpapakilala sa akin sa mga kaibigan niya.

“But first, kailangan nating baguhin ang iyong pananamit,” ang sabi niya. “Tuturuan kitang maging stylish.”

Sinamahan niya akong mag-shopping. He picked-out clothes for me na sa palagay niya bagay sa akin. At kahit medyo may alinlangan ako, binili ko ang mga iyon to please him.

Pinagupitan niya rin ako sa isang salon at siya ang nagbigay ng instructions sa hairstylist.

Naiba ang itsura ko. At kahit parang nanibago ako, I went along. Inisip ko na lang, he just wanted me to look my best. And so I embraced the change.

Na-feel ko naman na proud siya sa akin nang finally, ipakilala niya ako sa mga kaibigan niya over dinner sa isang sosyal na restaurant.

Ok naman ang mga friends niya. Nice sila sa akin. Ok rin ang pakikipagkuwentuhan ko sa kanila. Everytime mapapatingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin.

It was not until pauwi na kami nang malaman ko na may displeasure pala siya. Pinagsabihan niya ako sa kotse.

“I think, masyado kang naging makuwento,” ang sabi. “You also laughed too much.”

“Huh?” Hindi ko yata napansin iyon. Sinagot ko lang naman ang mga tanong nila. Tumawa rin ako kasi nagjo-joke sila.

“And yes,” ang dugtong niya pa. “Kapag nagyoyosi ka, huwag mo nang hintaying maubos ang yosi mo. Halfway pa lang, patayin mo na. Hindi class yung halos umabot na sa filter ang sindi bago mo patayin.”

Napa-“Huh?’ uli ako. May ganoon? Noon ko lang yata narinig iyon.

“Inubos mo rin ang dessert mo. Hindi magandang tingnan. Mukha kang hindi health-conscious.”

Hindi ako sumagot. Hindi ako nag-defend. Inisip ko na lang, he just wanted to bring out the best in me. Kaya tinanggap ko na lang ang criticisms niya.

Kaya lang after that, napansin ko na sa tuwing nag-uusap kami, naging ugali niya rin na ikorek ako sa aking pagsasalita.

“Why do you keep on doing that?” Hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.

“I just want you to speak better. Trainor ako sa call center, remember?”

Alam ko na hindi naman mali ang mga pronunciation ko. Gusto niya lang akong mag-enunciate at magkaroon ng konting accent. Naisip ko, ok sige, wala namang masama kung gusto niyang pagandahin ang pagsasalita ko. Para sa ikabubuti ko rin naman iyon.

Kaya lang naging madalas iyon. Palagi niya akong kinokorek . Para tuloy ayaw ko nang magsalita. Parang hindi na rin kami makapag-communicate nang maayos dahil lagi na lang siyang may puna.

Nagsimula na akong mabahala. At mainis.

Minsan, isinama niya akong manood ng ballet sa CCP at hindi ko sinunod ang sabi niya na mag-jacket ako.

“You look so casual. Sinabi ko na kasing mag-jacket ka,” ang sabi niya pagkakita sa akin, may disapproval at annoyance sa tono ng boses niya.

“Medyo naiinitan kasi ako,” ang sagot ko.

“Malamig sa loob. It’s not your first time sa CCP, I assume.”

“Of course not.” Hindi nakaligtas sa akin ang sarcasm sa sinabi niya. Kahit parang medyo nainsulto ako, pinalampas ko iyon.

Habang nanonood, wala sa loob na napahalukipkip ako.

Bumulong siya sa akin, “See? I told you na mag-jacket ka. Nilalamig ka tuloy.”

Hindi naman ako nilalamig. Napahalukipkip lang ako kasi relaxed ang pakiramdam ko at nag-e-enjoy ako sa palabas. Hindi na lang ako kumibo.

Nang mag-intermission, we went to the lobby to drink something. Hindi pa rin siya tumigil.

“Tingnan mo, lahat maayos ang damit. Kung nag-jacket ka, e di hindi ka sana nagmukhang out-of-place.”

Sumagot na ako. “What’s wrong with what I am wearing? Maayos naman ang damit ko ah. Confident naman ako sa itsura ko.”

“Para kang gigimik. CCP ito, hindi Malate.”

Nagsimula na akong mabuwisit. Pero tinimpi ko pa rin ang sarili ko. I excused myself.

“I’ll just go to the comfort room,” ang paalam ko.

Hinawakan niya ako sa braso.

“Comfort room?” ang tanong niya.

“Yeah,” ang sagot ko.

May condescending look sa kanyang mga mata. “You should say restroom. Or washroom. Or loo.” Madiin ang bigkas niya sa bawat salita. “Comfort room is not a universal term.”

Hindi ko na napigilan ang sulak ng galit ko. Tinabig ko ang kamay niya.

“Putang ina, tigilan mo na ako. Kahit ano pa ang itawag mo diyan, kubeta pa rin yan!”

Sinabayan ko ng walk-out. Hindi niya ako hinabol.

***

Naisulat ko ito dahil noong isang araw, nagpunta ako sa mall upang bumili ng damit.

Pagpasok ko sa fitting room, I was surprised to see him. It has been years nang maghiwalay kami.

Nagkatinginan kami, matagal. Pero hindi kami nagbatian.

Bumukas ang pinto ng cubicle.

“Babe, what do you think?” ang tanong sa kanya ng boylet na nasa loob habang ipinapakita ang isinukat na jacket.

Pinagmasdan ko ang nagtatanong. Parang hindi siya sigurado sa suot niya, na napipilitan lamang siya dahil mayroong may gusto niyon para sa kanya. Nanghihingi siya ng approval, ng assurance na gusto hindi lamang ang damit niya kundi pati siya.

Parang ako. Noon.

“Looks good on you,” ang narinig kong sabi niya. “Try on the other one.”

Muli, may tinuturuan siyang maging stylish.

And I am sure, susunod na ang speech lessons.

27 comments:

Guyrony said...

WTF?!

Mom, is datchu?

ʎonqʎʇıɔ said...

Naku, sakit na yan! Medyo naiintindihan ko yung sa speech. May ganyan din akong moments pero hangga't maiignore ko, di ko kinokorek. at sinisigurado kong nasa lugar.

as for the other weird things like the yosi, the dessert, the makeover ekek... sana minura mo ng malutong. haha tapos kantahan mo ng love me for what i am. :d

arkin said...

can't help but feel sorry for guys like him. guys should like you for who you are and not turn you to some monster trophy boylet.

Anonymous said...

Hey Aris, do you have Twitter?

Been reading your posts and I must say that I'm entertained. I would love to read what you have to say every single day in my Twitter feed.

Baklang Maton in the Suburbs said...

U were right walking out on him. Hay mare, pag puro imperfections ang nakikita ayo, naghahanap lang un ng trophy bowa na feeling nya eh makakasabay sa kanya. Sana mega korek ka rin sa mga eksena nya. Hmpf! Dalhin mo yan ditey sa iskwater, baka maloka sha...

Anonymous said...

Oh. my. gods.

Good thing you opened your eyes early in the game.

Otherwise, he would have told you about the correct positions in bed and the acceptable level of moans.

Hahaha.

Anonymous said...

hmmm that's one loony ex. perfect pa ang music mo sa ending. loved it!

Felipe said...

Magandang kwento. Panatiliin mo na lang na maging bahagi ng iyong alaala. Lesson learned ang chorva, da va.

SOLTERO said...

damn! ang arte arte nya! nag init ulo ko! hehe

simplethingsinmind said...

ang masasabe ko lang..may ganooooon???? wahaha! buti na lang at natauhan ka at naimulat mo ang iyong mga mata..hehe ^_^

sana yung new boylet nya ay matauhan din SOON :)

Luis Batchoy said...

Lola Karen wails at the back ground...

Don't love me for what you intend or hope that I will be..
And if you're only using me to feed your fantasy, you're really not in love so let me go.. I must be free!

Who the fuck does she think she is? Oprah Winfrey? Martha Stewart? Your Fucking Social Stylist? Miss Manners? GAWD!

He doesn't need a lover. What he needs is a Barbie Doll or a project!

DEYMN!

victor said...

Medyo danger zone na nga kapag may nangyayari nang coaching. LOL.

wanderingcommuter said...

pwede din JOHN. hahahaha!

hay naku, he should love you the way you are, not the way he wants you to be...

jake jakolero said...

tama nmn na kahit papano naging patient ka baka kasi siymrpe marealize pa niya na mali siya.. ayun ok naman na hiniwalayan mo pero not in a scandalous way hehehe ksi baka makuha nyo attention ng iba eh sympre kht papano nakakahiya nmn yun.. ayun... tungkol nmn sa ngaing ralasyon niyo tama ka din na trophy nga hanap niya di k niya mahal kasi kung mahal ka niya mamahalin niya hindi lang yung maganda pero pti imperfections ng tao.. siguro sa mga ibang bagay pwede ka niyang icorrect eh yun ay kung sa ikakabuti mo din pero yung lahatlahat eh panghimasukan n niya eh tinatanggalan k n niya ng pagkatao.. may sense ba tong pinagsasasabi ko? hehehe parang magulo

Darc Diarist said...

insecure much ang ex-boylet mo. bow :P

Dhon said...

Yikes! Control freak.. freak freak freak...

Yj said...

ang sad ng buhay niya.... nakakaawa.

Aris said...

@guyrony: oo nga. kaloka! :)

@citybuoy: friend, kahit naman trainor ka, never mo akong kinorek, di ba? :)

@arkin: actually. :)

@anonymous: hello there! ay, sorry wala akong twitter. maraming salamat sa appreciation. pinasaya mo naman ako. :)

@baklang maton: tama ka, mare. di ako barbie noh! sige, dalhin ko diyan tapos pabugbog mo. hahaha! :)

@anonymous: naku, may standards din siya dun. hahaha! :)

@anonymous: he drove me crazy talaga, walang biro. :)

Aris said...

@felipe: may natutunan talaga ako sa karanasang iyon. salamat. :)

@soltero: dinaig niya pa ako sa arte. hahaha! :)

@simplethingsinmind: di ko na kasi talaga matiis. naku, sana huwag niyang apihin yung bago niyang boylet. cute pa naman. haha! :)

@luis batchoy: type ko ang kanta ng lola mo. bagay! :)

dapat sa kanya magturo sa finishing school.

@victor: korekness! dahil siguradong magtutuluy-tuloy iyon. :)

Aris said...

@wandering commuter: tama ka, friend. ang tunay na nagmamahal ay tumitingin nang lagpas sa kapintasan. :)

@jake jakolero: iniintindi at tinitiis ko naman nung una kaya lang napuno na kasi talaga ako. hehe! :)

@darc diarist: i think so too. :)

@dhon: grabe, nakakasakal. :)

@yj: *sigh!* sana lang matagpuan niya pa rin yung perfect na taong hinahanap niya. :)

sakpin said...

hindi partner ang kelangan nya... trainee! at sa john robert powers sya nababagay.

Al said...

OMG! adik ata sya friend :-)...

Aris said...

@sakpin: korek! :)

@al: naku, friend, sinabi mo pa. :)

frederick said...

i can't help but to laughed at this one...i imagine it took you quite a while before you knew that it so hard to pretend to be of someone that you are not...you did hit me aris...i was deeply touched with "the love i lost" and here you made me laughed. Cheers!

Aris said...

@frederick: hello, frederick. welcome to my blog. it's nice to know that i made you laugh with this. maraming salamat sa appreciation. take care. :)

jeticool09226378608 said...

napaka pefectionist naman nun, which di na rin tama kasi he still standing on the land of filipinos hehehe galing mo kuya

ronaldvreyes said...

tumambling ako sa kanya. d ko kinaya. but good thing ex na cya. ekis ang ugali nya.