Saturday, June 26, 2010

Two Old Friends 2

It was the last flight out of Cebu. Magkalipad kami noon ni Ben at parehong naka-station sa likod ng eroplano. Minutes after take off, I felt something unusual. Parang ang init ng hangin at hirap akong huminga. Maya-maya, tumunog ang chime ng piloto na nagtatawag ng crew kahit naka-on pa ang seatbelt sign. Nakita kong dali-daling pumasok ang CA1 namin sa flight deck. Kaagad din siyang lumabas at tumawag sa amin. Si Ben ang sumagot.

“Decompression,” ang sabi niya sa akin pagkababa ng telepono.

Kaagad kaming nagtanggal ng seatbelt at tumayo. Nakita naming naglalaglagan na ang mga oxygen masks mula sa overhead bin. Nagsimulang mataranta ang mga pasahero.

Trained kami sa mga ganitong emergency kaya nagmamadali kaming pumunta ni Ben sa cabin (kasama ang dalawa pang stewardesses) upang payapain at asistehan ang mga pasahero sa pagsusuot ng mask. It was grace under pressure dahil bukod sa mabilisang pagsasaayos para sa kaligtasan ng mga pasahero, kailangan naming ngumiti at huwag magpakita ng anumang pagkabahala.

Nagsalita sa PA system ang piloto, informing everyone na dahil sa technical difficulty, muli kaming babalik sa paliparan ng Cebu. Tiniyak niya rin sa mga pasahero na under control ang sitwasyon kaya walang dapat ipangamba. Kasunod niyon ang paalala na panatilihing suot ang mask hanggang sa makapag-landing.

Medyo nahihilo na ako nang makabalik kami sa crew station. Kaagad kaming nagsuot ng oxygen mask. Tumingin ako kay Ben. Kalmante siya. Ako rin naman, wala akong takot na nararamdaman nang mga sandaling iyon. It was part of the risks in our job. Nanatili kami sa tahimik na pagkakaupo with our seatbelts fastened at hinintay namin ang paglapag ng eroplano.

Maayos kaming nakapag-landing. Pinababa ang mga pasahero at dinala sa holding area ng airport. Inatendihan sila ng ground personnel. Kami naman ay nagtungo sa crew lounge at doon naghintay habang inaayos ng maintenance ang eroplano.

Matagal ang naging paghihintay namin only to be informed later on na hindi kayang ayusin nang mabilisan ang sira ng eroplano. The flight was cancelled. We had to stay overnight in Cebu.

Nag-check in kami sa isang hotel. Roommates kami ni Ben.

Hindi talaga kami close ni Ben. We were not even friends. At dahil mas senior siya sa akin, medyo ilag pa ako sa kanya noon. But he was nice to me.

“Mauuna na akong mag-shower ha?” ang sabi niya.

He started to undress. Hinubad niya ang uniporme niya at brief lang ang itinira. Parang wala lang sa kanya na makita ko siya sa ganoong itsura. He even lingered for a while bago pumasok ng banyo dahil may tinawagan pa siya. Hindi ko naiwasang pagmasdan ang kanyang kabuuan. He had the body of male models I see on magazines. Lean. Toned. Defined. Ang lapad ng balikat niya, ang liit ng bewang, ang hahaba ng legs at ang kinis ng balat. Secretly, napabuntonghininga ako dahil sa paghanga. My appreciation for his beauty, however, was more artistic than carnal.

Nanood ako ng TV habang nagsa-shower siya. Paglabas niya, naka-brief pa rin siya. Nagsuot siya ng T-shirt.

“Wala pala akong dalang shorts,” ang sabi.

Naghalungkat ako sa Nav bag ko.

“May extra shorts ako. Eto o, hiramin mo muna,” ang alok ko.

Medyo nag-alinlangan pa siya. “Baka ikaw naman ang mawalan.”

“Hindi. Dalawa yan. Eto ang isa o,” ang sabi ko sabay pakita sa isa ko pang shorts.

Ngumiti siya at tinanggap ang ipinahihiram ko. Kaagad niya itong isinuot. Naupo siya sa kama at nakipanood ng TV.

“Ako naman ang maliligo,” ang sabi ko.

“Ok.”

Hindi ko siya ginaya. Hindi ako dumispley nang naka-brief sa harap niya. Nagtapi ako ng tuwalya pagkaraang magtanggal ng uniporme bago tumuloy sa banyo.

The hot water felt good. Nakakatanggal ng stress sa isang nakakapagod na araw. Not to mention the emergency situation we just had. Sinasabi lang na glamorous ang trabaho namin pero mahirap din at peligroso. I tried to clear my mind of negative thoughts habang nilalagaslasan ako ng tubig na nagmumula sa shower.

Medyo napatagal ako sa banyo. Nagtaka ako paglabas ko dahil nakabukas pa rin ang TV pero wala si Ben sa kuwarto. Nagbihis ako at nahiga.

Maya-maya, bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Ben.

Bumangon ako.

“Saan ka galing?” ang tanong ko.

“Diyan sa convenience store sa ibaba,” ang sagot niya.

Napansin ko ang plastic bag na bitbit niya.

“Ano’ng binili mo?”

Sa halip na sumagot, inilabas niya ang laman ng plastic bag.

Isang malaking Chippy. At apat na lata ng Red Horse.

Nagulat ako. “Hindi ba bawal?”

“Bawal kung may makakaalam.” Ngumiti siya, makahulugan.

Naunawaan ko ang ibig niyang sabihin. Ngumiti rin ako.

Binuksan niya ang isang lata ng beer at inabot sa akin. “Uminom tayo.”

Tinanggap ko ang beer. Nagbukas din siya ng para sa kanya.

“Cheers,” ang sabi ko.

Pinag-umpog namin ang aming mga lata at sabay kaming tumungga.

The beer loosened us up. Nawala ang junior-senior thing and we started talking.

Siya ang unang nagsiwalat ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya.

“I became a father at the age of 19,” ang pagtatapat ni Ben. “It was unplanned. I had to marry my girlfriend and it wasn’t really the smartest decision I’ve ever made.”

Nakikinig lang ako.

“Mahirap pagsabayin ang pag-aasawa at ang pag-aaral. Kinailangan kong magtrabaho kaagad. Mabuti na lang, college level lang ang requirement sa pagiging steward.”

“Ilang taon na ang anak mo?” ang tanong ko.

“Four years old.”

“Malaki na pala.”

Kinuha niya ang kanyang wallet at ipinakita sa akin ang picture. Nakita ko rin ang picture nilang mag-asawa.

“Your wife is very pretty,” ang sabi ko.

“Yeah, she is. But since we married early, I could not really say that ours is a perfect marriage.”

“Bakit, may problema ba?”

“Not really. It’s just that we both feel we've missed out on a lot of things. We are trying our best though to make our marriage work.”

I decided not to say anything dahil hindi ko naman intensyon na mag-pry sa kanyang private life. Tumahimik na lang ako sabay inom ng beer.

Uminom din siya.

“Ikaw, kumusta naman ang lovelife mo?” ang tanong niya pagkaraan.

I was not expecting that. Sandali akong nangapa ng isasagot.

“You would not want to know…” I managed to say na may karugtong na maiksing tawa to mask my discomfort.

“Bakit naman hindi?” ang sagot niya.

Nag-alinlangan ako. Ilalahad ko ba sa kanya ang totoo sa aking pagkatao?

“Siguro ayaw mo lang magkuwento,” ang dugtong pa niya. “But I think, I already know.”

Nabigla ako sa kanyang sinabi. “You know?”

“Yeah.” Muli siyang uminom ng beer.

Napainom din ako.

“Ano ang alam mo?” ang tanong ko.

“Ang tungkol sa inyo ni Kyle.” Ang tinutukoy niya ay steward din. So, alam niya na pala kung ano ako.

Hindi ako umimik. Tinungga ko ang beer hanggang sa masaid ito.

Sinaid din ni Ben ang kanyang beer. At pagkatapos, nagbukas uli siya ng panibago at ibinigay sa akin ang isa.

“Wala na kami,” ang sabi ko. “Hiwalay na.” Muli akong uminom.

Nakatingin lang sa akin si Ben, nakikinig.

“May drug problem siya. Mahal ko siya pero wala akong magawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para tulungan siya…”

At nagtuluy-tuloy na ang pagsasalaysay ko kay Ben tungkol sa amin ni Kyle. Sabay sa pagkalango sa Red Horse ay ang pagbubuhos ko ng mga kinikimkim na sama ng loob.

Hindi ko namalayan ang pagdaloy ng aking mga luha.

“Umiiyak ka…” ang sabi ni Ben.

Pinahid niya ang aking mga luha at ginagap niya ang aking pisngi.

Napatitig ako sa kanya.

Sinalubong niya ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung lasing lang ako at lasing din siya subalit kusa kaming tinangay ng mga sandali.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha.

Nalanghap ko ang mainit niyang hininga. Napapikit ako.

Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

(May Karugtong)

Part 3

Wednesday, June 23, 2010

Two Old Friends

Nang sumama ako sa pamilya ng kapatid ko sa pagbabakasyon nila sa Boracay, alam ko na magiging yayo lang ako ng mga bata. Ok lang, naisip ko, kasi ang tagal ko na rin namang hindi nakaka-bonding ang mga pamangkin ko na sina Jeric, 10, Cheri, 8 at Marc, 6.

Nang hapong iyon, habang nagpapamasahe sa hotel ang brother ko at ang wife niya, nasa beach kami ng mga bata. Nagsu-swimming sila habang ako ay nasa lilim ng isang puno ng niyog at binabantayan sila. Napapaligiran ako ng mga kung anu-anong kagamitan: tuwalya, tsinelas, sunblock, chips, tubig, libro. Nagsawa na ako sa kakukuha ng picture at video sa kanila kaya napagdiskitahan ko ang Harry Potter ni Jeric. Nagbasa-basa ako habang tinitingnan-tingnan sila.

Medyo na-engross ako sa binabasa ko kaya hindi ko napansin ang paglapit ng isang batang lalaki sa akin.

“That’s a good book,” ang sabi.

Nag-angat ako ng paningin. Pamilyar ang mukhang nasa harap ko. Mga onse o dose anyos siya, sa tantiya ko.

“Yeah, it is,” ang sagot ko. Pilit kong inalala kung saan ko siya unang nakita.

“I’ve read it na,” ang sabi pa.

“Really? Now, don’t tell me the story. I wouldn’t enjoy it anymore.” Luminga-linga ako upang hanapin kung sino ang kasama ng batang ito. Subalit, wala akong makitang ibang tao. Although sa di kalayuan, may mga gamit na nakalagak sa buhangin, katulad ng mga nakapalibot sa akin.

“Sinong kasama mo?” ang tanong ko sa bata.

“My Dad,” ang sagot niya.

“Where is he?”

“Ayun siya, o,” sabay turo sa isang lalaking lumalangoy malapit sa kinaroroonan ng mga pamangkin ko. Dahil sa layo, di ko masyadong maaninag ang mukha nito.

“Why don’t you go and swim with him?”

“Ok, I will. But will you please look after our things?”

Ngumiti ako. “Sure, no problem.”

“Thank you.”

At nagtatakbo na ang bata patungo sa kinaroroonan ng kanyang ama.

Maya-maya, napansin ko, kalaro niya na ang mga pamangkin ko. Dinig ko ang kanilang mga tawanan habang naglalaro sa tubig. Nakita ko rin na naroroon, nakabantay sa kanila ang tatay ng bata.

Binalikan ko ang pagbabasa ng Harry Potter. Medyo nakampante ako na kahit paano, may adult na tumitingin-tingin sa mga bata.

Hindi nagtagal, nakita kong umaahon na ang mga pamangkin ko at naglalakad na patungo sa kinaroroonan ko. Kasunod nila ang bata at ang tatay nito.

“Hi Tito,” ang bati sa akin ni Cheri nang makalapit na. “We have a new friend,” ang sabi na ang tinutukoy ay ang batang kausap ko kanina.

“His name is Patrick,” ang sabi naman ni Marc.

Dumiretso ang tingin ko hindi kay Patrick kundi sa tatay nito.

Nagulat ako. OMG, kilala ko siya!

Nagulat din ang tatay pagkakita sa akin.

“Ben!” ang bulalas ko.

“Aris!” ang bulalas niya rin.

Tumayo ako at sinalubong ko siya. Kaagad kaming nagkamay, mahigpit. Ngiting-ngiti kami pareho, hindi maikubli ang labis na tuwa sa aming pagkikita.

“You know my Dad?” ang tanong ni Patrick.

“Yeah,” ang sagot ko.

“We’re old friends,” ang sagot naman ni Ben.

“Small world,” ang hirit pa ng anak niya.

“Kumusta ka na?” ang tanong ko kay Ben habang pinagmamasdan siya. Halos hindi siya nagbago. He was still very good looking. Sa suot niyang trunks, litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan niya na alam kong alagang-alaga niya sa pagdyi-gym. Dapat lang, dahil hanggang ngayon aktibo pa rin siya sa paggawa ng commercials. Commercial model siya at kaya pamilyar sa akin ang anak niya dahil kagaya niya, may mga commercial na rin ito na napapanood sa TV.

“Are you still with the airline?” Dati kaming magkatrabaho ni Ben bilang flight steward noon.

“Yeah.”

Kaya naman looking good pa rin siya. Kailangan kasi iyon sa trabaho, bukod sa nagmomodelo rin siya. Although ang tingin ko sa kanya, medyo nag-mature na. Sabagay, ilang taon na rin ba ang nakakaraan nang huli kaming magkita?

“Kelan ka pa rito?” ang tanong ko.

“Kanina lang,” ang sagot niya. “But we are flying back tomorrow.”

“Ang bilis naman.”

“Ipinasyal ko lang ang anak ko.”

“Kayong dalawa lang ang magkasama? Nasaan si Misis?”

May lambong akong nakita sa kanyang mga mata.

“We’ve separated,” ang sagot niya sa malumanay na tinig.

“Oh, I’m sorry.”

He shrugged his shoulders at pilit siyang ngumiti.

“I presume, pamangkin mo ang mga batang ito?” ang tanong niya na tila pag-iwas na rin sa topic.

“Yeah. Dahil hindi puwedeng maging anak ko sila. You know.” Bahagya akong tumawa.

“Yeah, I know.” Tumawa rin siya, maiksi. “Hanggang kelan kayo rito?”

“We’re leaving Monday morning.”

“Well, then, maybe we can see each other tonight?”

“Sure. The kids may be tagging along, though. Ako kasi ang yayo habang nasa honeymoon ang mga magulang nila.”

“It’s ok. My kid will be with me also.”

Nag-set kami ng time and place.

At pagkatapos, nagpaalam na siya. Nagpaalam na rin ang anak niya sa mga pamangkin ko.

Habang pinagmamasdan ko ang paglayo ni Ben, nagbalik sa akin ang alaala ng isang nakaraan. Siya at ako. Isang gabi iyon na nangyari sa amin ang hindi inaasahan.

(May Karugtong)

Part 2

Friday, June 18, 2010

Dumating Ka Na Pala

Parte na ng weekly chores ko ang paggo-grocery.

Dati-rati, may nadarama akong loneliness kapag ginagawa ko ito. Naaalala ko kasi yung time na may jowa ako at kasama ko siya palagi sa pamimili.

Pero sa tinagal-tagal, nasanay na rin ako. I just stopped missing him. Wala nang emosyon habang tulak-tulak ko ang cart at nililibot ko ang mga shelves nang mag-isa.

It was a Thursday afternoon and I was going through my usual routine sa supermarket nang biglang… BLAG! Papaliko ako papunta sa kabilang aisle nang may makabanggaan ako.

Natulala ako. Hindi dahil na-shock ako sa collision kundi dahil nagulat ako pagkakita sa lalaking nagtutulak ng cart na nakabanggaan ko.

Napatda ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala.

Jeff,” ang halos pabulong na banggit ko sa pangalan niya.

“Aris,” ang tawag niya rin sa pangalan ko.

In my mind, sumugod ako sa kanya at yumakap. Niyakap niya rin ako at binuhat. Tapos, nagpaikot-ikot kami in slow motion.

But in reality, hindi ako makakilos. Nakatingin lang ako sa kanya.

Siya ang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. Para akong nahimasmasan nang maramdaman ko ang dantay ng kanyang palad.

“Kumusta?” I managed to say. Nagsimulang umahon ang tuwa sa aking dibdib.

“Heto, ok lang.”

“Kelan ka dumating?”

“Kahapon lang.”

Pinagmasdan ko siya. Dati pa rin ang itsura niya kung hindi man higit na gumuwapo siya. Muling nagbalik sa akin ang mga alaala ng pag-angkas-angkas ko noon sa motorsiklo niya.

“Miss ko na ang motorsiklo mo.” Now, where did that come from?

“Motorsiklo ko lang?” ang tila nanunukso niyang balik. “Ako, hindi mo na-miss?”

“Siyempre, ikaw rin,” ang pag-amin ko sa totoo.

“Na-miss din kita,” ang sagot niya.

Napangiti ako at napatitig sa kanyang mga mata. Pilit kong hinanapan ng mas malalim na kahulugan ang sinabi niya.

“Kumusta ka na?” ang tanong niya.

“Mabuti,” ang sagot ko.

“Mag-isa ka lang ba?”

“Walang makasama eh.”

“Maghanap ka na kasi.”

Ikaw, puwede ka ba?

“Mahirap makahanap.”

“Bakit naman?”

Wala akong makitang katulad mo eh.

I just shrugged my shoulders sabay waksi sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

“Hanggang kelan ka?” ang tanong ko na lang.

“Indefinite. Hindi ko pa alam. Depende.”

“Depende saan?”

Bago niya nagawang sagutin ang tanong ko, isang babae ang biglang umapir. Sabay kaming napatingin.

Pretty ang girl. Maaliwalas ang kanyang mukha and there was air in her hair habang naglalakad patungo sa direksiyon namin. Her floral summer dress was hugging her curvaceous body with graceful fluidity.

Nang makalapit, may inilagay siyang grocery items sa cart ni Jeff.

Taka ako. Sino ang babaing ito?

Tumingin sa akin ang babae at ngumiti. Inakbayan siya ni Jeff.

“Siyanga pala, Aris. Si Janine. Misis ko. Kasama ko siyang umuwi.”

As if in a movie, biglang nawalan ng sound ang buong supermarket. Huminto ang mga galaw sa paligid.

Nilabanan ko ang pagkagulat. Sinikap kong magpaka-casual.

“Hi,” ang sabi ko.

“Hello,” ang sagot ni wifey, nakangiti pa rin.

Nagkamay kami sandali.

“Naging kaibigan ko si Aris nang huling umuwi ako,” ang sabi ni Jeff. “Taga-village din siya.”

“Siya ba yung ikinukuwento mo sa akin?” ang tanong ni Janine.

Really? Ikinuwento niya ako sa’yo?

“Yeah, siya yung napilit kong samahan akong mag-celebrate noong birthday ko.”

“Minsan, imbitahin mo siyang mag-dinner sa bahay. Ipagluluto ko kayo.”

“Naku, huwag na,” ang sabi ko. “Maaabala ka pa.”

“Naku, walang kaso yun. Gusto ko ngang maging busy kasi medyo magtatagal kami dito.”

“You’re staying for good?” ang tanong ko.

“Depende.” Si Jeff ang sumagot. “Kung makakabuo.” Bahagya siyang tumawa tapos sumeryoso. “Napagdesisyunan na kasi naming magkaanak.”

Ouch. “Talaga? Mabuti naman.”

“At kapag nagkaanak na kami, ninong ka.”

Pinilit kong magmukhang delighted sa kabila ng hindi maipaliwanag na damdamin. “Sure.”

“Kaya kailangan mong pumasyal sa bahay,” ang sabi ni Janine. “Kailangan nating maging close.”

“Sige. Sabihan n’yo lang ako.”

Pinagmasdan ko sila. Nakaakbay pa rin si Jeff kay Janine. They were a picture of a perfect, happy couple. Effort ang pagkukunwari ko at hirap akong manhirin ang pakiramdam ko.

I felt it was time for me to go.

“Mauuna na ako,” ang paalam ko.

“Magmeryenda muna tayo,” ang alok ni Jeff.

“Naku, huwag na,” ang tanggi ko. “Marami pa akong bibilhin.”

“Sige, ikaw ang bahala,” ang sagot niya.

“Janine, it was nice meeting you,” ang sabi ko.

“Same here, Aris,” ang sagot ni Janine.

“Jeff, nice to see you again.” Pahapyaw akong tumingin sa kanyang mga mata.

“Kita na lang uli tayo,” ang sabi ni Jeff.

Ngumiti ako at itinulak ko na ang cart palayo sa kanila.

Suddenly, the supermarket seemed cold and empty.

May nanumbalik sa akin na familiar feeling of loneliness.

Saturday, June 12, 2010

The Love I Lost

Reunion iyon ng mga flight attendants, ng mga nag-resign na at mga aktibo pa.

Bilang isa sa mga resigned, excited ako. Limang taon ko ring hindi nakita ang aking mga kasamahan. Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang kanilang mga itsura?

At higit sa lahat, kumusta na kaya si Kyle?

Pagdating ko sa venue na isang bar sa Makati, nag-uumapaw ako sa tuwa pagkakita ko sa mga dati kong katrabaho. Mahihigpit ang naging yakapan namin kasabay ng mga beso-beso at kumustahan.

Hindi ko inaasahan na ganoon kalaki ang pagtitipong iyon. Lahat ng Training Class noong year na pumasok ako sa airline, kasali sa reunion. Ang dami kaya naming batches nang taong iyon! Kaya ipinasara ang buong bar at exclusive lang ang party para sa aming lahat. (Although marami pa rin ang hindi nakadalo sa mga aktibo pa dahil may flight sila.)

Todo ang pakikipag-sosyalan ko. I missed everyone and there was a lot of catching up to do. Kuwentuhan. Tawanan. Inuman. Very rare ang ganoong nagkakasama-sama kami sa isang okasyon kahit noong magkakatrabaho pa kami dahil sa conflicts of schedule.

At nang ako ay masyado nang immersed sa kasiyahan, I saw him standing in one corner with beer in hand. Mag-isa na tila umiiwas sa lahat. Nakatingin sa akin.

Si Kyle.

At first, hindi ko kaagad siya namukhaan. He was so thin. Humpak ang kanyang pisngi at nanlalalim ang mga mata. Subalit hindi ko maipagkakamali ang mga matang iyon. They were still beautiful sa kabila ng weariness na naroroon. Madamdamin pa rin ang mga titig na tumatagos sa akin.

Tinalikuran ko ang umpukang kinabibilangan ko at parang may sariling isip na humakbang ang aking mga paa patungo sa kinaroroonan niya. Tinatambol ng kaba ang aking dibdib. Pigil ang aking hininga.

Dahan-dahan, humakbang din siya at sinalubong niya ang aking paglapit. Hindi naglalayo ang aming mga titig.

At nang kami ay magtagpo, nagyakapan kami nang mahigpit.

Matagal. Puno ng pananabik na parang ayaw naming magbitiw.

Napapikit ako habang nilalanghap ang kanyang amoy at dinadama ang kanyang init. Muling humapdi ang sugat sa aking puso na akala ko ay pinaghilom na ng panahon.

Na-realize ko na wala pa ring nagbabago. Mahal ko pa rin si Kyle. At masakit pa rin sa akin na kami ay nagkahiwalay.

***

He was Mr. Popular sa Inflight Headquarters. Kakaiba ang kanyang karisma. Magaan ang dating at laging kaaya-aya. Lahat na lang yata gusto siyang makalipad at maging malapit sa kanya. And I was not an exception.

Pero hindi katulad ng iba, patingin-tingin lang ako sa kanya. Masyado siyang maganda at feeling ko, hindi ako nababagay sa kanya. Even if he was nice to me, ayokong mag-ilusyon na magugustuhan niya ako. Sa dami ng nagkakandarapa sa kanyang babae at lalaki, bakit niya naman pag-aaksayahan ng panahon ang isang katulad ko?

But I was wrong. Pinasinungalingan niya ang paniniwala ko nang magkalipad kami sa unang pagkakataon. Magka-galley pa kami and he was extra friendly. Kausap siya nang kausap sa akin. Noong una medyo ilang ako kasi nga crush ko siya at ayokong ma-obvious.

Pero noong return flight habang naghihintay kami sa paglapag, hindi ko na siya na-resist. Hinayaan ko ang aking sarili na ma-mesmerize sa kanya at sa mga kuwento niya. Halos hindi nagre-register sa akin ang mga sinasabi niya dahil abala ako sa pag-aappreciate sa kung gaano siya kaguwapo.

Hindi ko maiwasang mapabuntonghininga habang nakatitig sa kanya at iniisa-isa ang mga katangian niya. Silky black hair. Smooth skin. Big, bright, brown eyes. Luscious lips. Perfect teeth.

“Hey, Aris,” ang pukaw niya sa akin.

“Huh?” ang sagot ko na tila naalimpungatan.

“I was asking you…”

“W-What?”

“If you’re free Saturday night?”

“Why?”

“Maybe you’d like to go out with me?”

Nang mag-touchdown ang eroplano sa NAIA, parang nag-touchdown din siya sa puso ko.

Habang nagta-taxi ang eroplano, parang hindi ako makapaghintay sa disembarkation. Excited kasi akong tahakin ang isang bagong destinasyon.

Kasama si Kyle.

***

“Bakit ako?” Hindi ko alam kung insecure ba ako or what at hindi ko napigilang magtanong.

“Bakit hindi ikaw?” ang sagot niya. Naghahapunan kami noon sa isang diner.

“Ang dami-daming nagkakagusto sa’yo. Mga sosyal. Mayayaman. Kung sila ang kasama mo, malamang na hindi kayo sa ganitong lugar lang pupunta.”

“Why, what’s wrong with this place? At saka hindi ako sosyal. Simple lang ako. Kaya nga ikaw ang nagustuhan ko kasi simple ka rin lang.”

Deep inside, nagsimula akong balutin ng warm feeling. I knew it was wrong but I fished for more. “Yun lang?”

Bahagya siyang natawa bago muling nagsalita. “At saka mabait ka. Masipag. Matalino. Hindi mayabang.” He looked straight into my eyes sabay seryoso. “Hindi mo na kailangang itanong sa akin kung bakit kita minahal. Maaaring may mga bagay na hindi nakikita sa’yo ang iba -- at maaaring ikaw mismo, hindi mo makita sa sarili mo -- pero ako, nakikita ko. Mahirap ipaliwanag kung ano iyon. Puso ko lang ang nakakaintindi.”

I broke into a smile, pigil ang pagkakilig. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya nang mga sandaling iyon at nagsasabi sa akin ng mga ganoon. Para akong nananaginip. I really felt so lucky dahil parang sa isang iglap, biglang kami na. Boyfriend ko na siya. And so far, maayos sa amin ang lahat.

Sa trabaho namin na magkakasalisi ang mga schedule at madalas nasa magkabilang panig kami ng Pilipinas, we made it a point na palagi kaming may komunikasyon. We would leave notes in each other’s mailbox. At sa mga pagkakataong pareho kaming libre, magkasama kami. Kung hindi man kami lumalabas, nasa bahay lang kami. Nanonood ng video, nagbabasa o nagkukuwentuhan habang magkatabi sa kama giving each other hugs and kisses.

We started planning our life together. Kapag nag-uusap kami, hindi na lang “I” kundi “we”. We will have our own business. We will build our own house. We will have a library of movies and books we like. Agree kami sa mga plano dahil magkakatugma ang mga hilig at pangarap namin sa buhay. Marami kaming pagkakapareho – favorite food, choice of music, preferred activities – kaya magkasundong-magkasundo kami at halos walang pinag-aawayan. Compatible din kami sa sex. Everything seemed perfect sa aming relasyon.

Pero sa likod ng kaligayahan ko, may kaba ako. Everything about us was just too good to be true.

At hindi nga nagtagal, nangyari ang kinatatakutan ko.

***

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng imbitasyon kay Kyle.

Birthday daw ni Edwin, isang senior steward. Hindi ako imbitado dahil hindi ko naman ka-close iyon. Mr. Popular that he was, marami talagang kaibigan si Kyle na hindi ko kaibigan. Kahit may lakad sana kami ng gabing iyon, pinayagan ko siya. I also wanted him to have time with his friends. Hindi naman maaaring sa akin na lang uminog ang mundo niya. Iniiwasan ko rin kasing masakal siya.

Subalit naging madalas iyon, ang pagsama-sama niya kay Edwin. Inuman daw, minsan overnight pa. Nakabawas iyon sa panahon na dapat sana ay pagsasama at pagkikita naming dalawa.

Kinausap ko siya tungkol doon. Nag-sorry siya at nag-effort naman na bumawi sa akin.

Subalit hindi iyon natigil. Pagkaraan ng ilang araw, balik na naman siya sa pakikipagbarkada kay Edwin. There was even a time na hinintay ko ang pagdating ng flight niya kahit gabing-gabi na. Monthsary namin and I was hoping we could have a late dinner together. Pero hindi raw siya puwede. Kalipad niya pala si Edwin at naka-“oo” na siya sa lakad nila. Hurt ako na mas pinili niyang sumama sa kaibigan niya sa kabila ng okasyon na dapat naming i-celebrate.

Inaway ko siya dahil doon. Hindi niya ako pinatulan. Ni hindi siya nagsalita o nag-defend sa sarili. Hindi rin siya nag-sorry.

Then I started hearing things about Edwin. Mga bagay na ayaw ko sanang paniwalaan noong una. Adik daw ito. Pusher.

Kinabahan ako. Naisip ko ang pagiging malapit ni Kyle kay Edwin.

Muli kong kinausap si Kyle. Sinabi ko sa kanya ang narinig ko tungkol kay Edwin. In-express ko sa kanya ang fear ko.

“Nagda- drugs ka ba?” ang pointblank na tanong ko.

Gulat siya sa tanong ko. Pero kaagad din siyang tumawa. At nag-deny. “Of course not. Ano ka ba?”

“Please. Don’t ever touch the stuff. Sisirain niyan ang buhay mo. At sisirain din niyan tayo.”

“I won’t. Trust me, ok?” At niyakap niya ako.

I wanted to believe him. But deep inside, matindi ang aking pangamba.

Hindi ko siya nasaway kay Edwin. At parang naging paulit-ulit lang ang pag-aaway namin dahil doon. Mahal ko siya kaya pilit ko siyang inuunawa. Subalit alam ko, may problema na kami. Disturbed ako pero in denial ako dahil hindi ko alam kung paano lulutasin iyon.

Then unusual things started to happen. Pumapasok siya na gusot ang uniporme (I didn’t have the time to iron), gulu-gulo ang buhok (Naubusan ako ng gel) at unshaven (Nakalimutan ko lang). Mukha na siyang madungis. He had dark circles. And he has been loosing weight. Naging madalas din ang kanyang pag-aabsent.

“What’s wrong with you?” I confronted him.

“Nothing.” May harshness sa timbre ng kanyang boses.

“Things haven’t been normal with you lately. Look at yourself. Napapabayaan mo na ang sarili mo. Pati ang trabaho mo.”

“Will you stop nagging me?”

“Boyfriend mo ako. Obligasyon ko na tulungan ka sa problema mo.”

“Just shut up, ok?” He snapped at me.

Nagulat ako sa asal niya. Nanibago ako kung paano siya sumagot.

Matalim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagtataka dahil parang hindi ko na kilala ang Kyle na kaharap ko.

Nag-sleep over ako sa bahay niya nang gabing iyon.

Nagising ako na wala siya sa tabi ko. Nakita ko na nakasindi ang ilaw sa banyo. Kinutuban ako.

Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang banyo. Itinulak ko ang pinto.

At nasindak ako sa aking nabungaran.

***

Things just turned ugly.

I grabbed the stuff and threw it away. He was so angry, he hit me. PAK!

Nagdilim ang aking kamalayan. Nakakita ako ng mga bituin.

I was so shocked and shaken. I was even afraid.

Then he started crying and saying sorry. I was crying too. He tried to hug me but I pushed him away. Right there and then, I knew we were over.

Nag-AWOL na siya sa trabaho. Nagsimulang kumalat ang tsismis tungkol sa pagiging adik niya.

We had one last chance to talk.

“I screwed it up,” ang kanyang sabi. “I am sorry.”

“I don’t think we can still go on like this. I just can’t anymore.”

“We could have been perfect. I take responsibility for what happened to us.”

Tahimik ako.

“Mahal na mahal pa rin kita. Walang nababago sa nararamdman ko sa’yo. Kaya lang sinira ko na ang sarili ko. Pati tayo, sinira ko na rin. I am not anymore worthy of your love.

Nagsimulang magbara ang lalamunan ko.

“I am not asking you to love me back,” ang dugtong niya pa. “Ang hinihingi ko lang, sana patawarin mo ako.”

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Niyakap niya ako. At iniiyak ko na lang sa mga bisig niya ang mga bagay na hindi ko masabi sa kanya.

Tuluyan na siyang nag-resign sa trabaho. At narinig ko ang tsismis na nasa rehab na siya pero hindi ko na-confirm.

Pinilit ko siyang kalimutan. Itinuon ko ang aking atensiyon sa trabaho at sa goal ko sa buhay. Nang makaipon na ako nang sapat, nag-resign na rin ako.

At habang abala ako sa itinayong business, manaka-manaka pa rin akong nakakasagap ng balita tungkol sa kanya.

May sariling business na siya.

May bago nang boyfriend.

Adik pa rin.


Lahat nang iyon, hindi ko na inalam kung totoo. Bakit pa? Para ano pa?

I just decided to move on with my life.

***

“You look great,” ang sabi niya nang magbitiw kami sa aming pagkakayakap.

“Kumusta ka na?” ang tanong ko.

“Still a mess.” Pinilit niyang tumawa subalit nakita ko ang pangingibabaw ng lungkot sa kanyang mga mata.

“Hindi na ako nakawala,” ang patuloy niya. “I tried but I failed.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Obvious sa itsura niya. So, totoo ang balita.

“Buti na lang nandito ka,” ang sabi niya. “Everybody’s ignoring me.” Nasaktan ako para sa kanya. He was Mr. Popular no more. To the others, he was now just a junkie.

“So, what do you do now?” I was trying to sound light and lively. “I heard, may business ka na raw.”

“A franchised restaurant. But it’s not really mine. It is my boyfriend’s.”

“Oh.” Hindi ko alam kung bakit parang may sundot iyon sa aking puso. “So, you are in a relationship now.”

“Yup. He’s rich. Basically, he’s the one who’s taking care of me. Di ba sabi mo noon, dapat mayaman ang maging boyfriend ko? So there, naghanap ako ng mayaman.”

Hindi ako sumagot. Patuloy ang kirot na nararamdaman ko sa aking puso.

“Ikaw, may boyfriend ka ba?”

“Wala.”

“Why?”

“Masyadong busy.” Ang hindi ko masabi sa kanya, kasi mahal pa rin kita. Hindi iyon nawala. At umaasa pa rin sana ako...

“Aris!” Na-interrupt ang pag-uusap namin sa paglapit ng isang kaibigang stewardess. “Hinahanap ka nina Yasmien. Halika, they’re over there. Kyle, excuse ha.” At hinila na niya ako palayo kay Kyle.

Balik ako sa pakikichika sa iba ko pang mga katrabaho dati. Pasulyap-sulyap ako kay Kyle. Nakita kong patuloy siya sa pag-inom.

Nang balikan ko siya, lasing na lasing na siya.

“Oh, you’re back.” He was slurring his words. “Ibig bang sabihin, tayo na uli?”

“What are you talking about?”

Tumawa siya tapos biglang nagseryoso. “Alam mo ba na hanggang ngayon, I still think about you? I still wish na sana magkabalikan pa rin tayo.”

“Hindi mo alam ang sinasabi mo. Lasing ka na, Kyle.”

“Aris, I still love you. I still do. Napatawad mo na ba ako?”

“Matagal na.”

“Mahal mo pa rin ba ako?”

“It doesn’t matter now. May kanya-kanya na tayong buhay.”

“I’m sorry.”

“For what?”

“For being a big disappointment to you. I tried. I really tried na magbago para sa iyo. Pero hindi ko nagawa. Mahina ako.”

Pinagmasdan ko siya, he really was a mess subalit sa puso ko naroroon, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko lang maamin. Kung sana lang hindi siya napariwara… Kung sana lang may nagawa ako noon upang iligtas siya…

“Paano ka uuwi?” ang tanong ko.

“I can call my boyfriend to pick me up. But I won’t do that. Ayokong magkaharap kayo.”

“Ok. So, magka-cab ka na lang?”

“Yeah. Will you help me out?”

Tumayo siya at inalalayan ko.

Umakbay siya sa akin at humilig sa aking balikat. Mahigpit ko siyang hinawakan sa baywang. Humakbang kami papalabas ng bar. Halos hindi siya makagulapay. Pinanood kami ng iba pang mga naroroon subalit wala ni isa mang tumulong.

Pagdating sa labas, pilit niyang ibinuka ang namimigat na talukap ng kanyang mga mata. Tinitigan niya ako nang matagal. I saw tears well up in his eyes.

“Bakit ka umiiyak?”

“Wala. Masaya lang ako. At nalulungkot.”

Sinapo niya ang aking mga pisngi. At hinagkan niya ako sa labi.

“I love you,” ang sambit niya habang dumadaloy ang kanyang mga luha. “I will always love you.”

I just stood there, frozen.

Maya-maya pa, pumara na ako ng taksi.

Pinasakay ko siya. Binawi ko ang aking kamay na halos ayaw niyang bitiwan.

Ipininid ko ang pinto ng taksi na parang pagpipinid na rin sa aking puso.

Tinanaw ko ang kanyang paglayo.

I love you, Kyle. Goodbye.



Wednesday, June 2, 2010

Bikini Open

Dahil malamig ang aircon, hirap siyang magpatigas.

Kailangang may bumakat sa suot niyang kapirasong tela upang magkaroon siya ng impact sa mga manonood at mapansin ng mga judge.

Pumikit siya at inalala ang pinakamasarap niyang karanasan. Hinimas niya ang kanyang katawan na hinubog ng pagkakargador niya noon sa palengke.

Pinaglaruan niya ang sarili na parang ang buhay niya ay nakasalalay sa kanyang erection.

Tumugtog ang “I’m Too Sexy” at nagsayaw ang mga ilaw. Isa-isa na silang lumabas. Labindalawang matitipuno, matatangkad at mga guwapong lalaki.

Naglakad siya sa entablado na nakabilad ang katawan at nakabukol ang harapan. Nakangiti siya na tila inaakit hindi lamang ang mga manonood kundi pati na ang suwerte na mailap pa rin sa kanya hanggang ngayon.

Katulad ng bikining suot niya, kakapiraso lang naman ang pangarap niya.

***

Mula pagkabata sa probinsiya, marami na ang nagsasabing artistahin siya kaya lumuwas siya.

Subalit pagdating niya sa Maynila, tagabuhat sa palengke ang binagsakan niya.

Kinupkop siya ng isang parlorista na nagsali sa kanya sa mga patakbuhing male pageant.

Dito niya nakilala ang isang stand-up comedian na nag-introduce sa kanya sa bikini open sa mga comedy bars.

Sinalihan niya lahat ng pa-contest mula Novaliches hanggang Las Piñas subalit hindi pa rin siya na-discover.

Napagod siya at nagpagarahe sa isang mayamang executive. Inalagaan siya nito, pinatira sa magandang bahay, binilhan ng mga damit at binigyan ng allowance kapalit ng kanyang pagiging sex slave.

Subalit isang araw, na-realize niya na napaglilipasan na siya ng panahon. At bago pa malaspag ang katawan niya, kailangan niya nang kumilos upang maabot ang pangarap niya.

Kaya muli niyang binalikan ang bikini open.

***

Para sa kanya, iyon na ang huli niyang pagrampa.

Ang venue ay hindi comedy bar kundi isang sosyal na gay bar. Magandang exposure iyon para sa kanya. At higit sa lahat, isang indie film director ang Chairman ng Board of Judges.

Habang naglalakad siya at pinapalakpakan ng audience, sinulyapan niya si direk at buong tamis niya itong nginitian. Ngumiti rin si direk at tumango-tango pa. Kumpiyansa siya na sa pagkakataong iyon, matutupad na ang kanyang pangarap.

Lingid sa kaalaman ng iba, ginapang niya na si direk. Bago ang gabing iyon ng kumpetisyon, nakipagkilala na siya rito at nagpa-take home. Ginawa niya ang lahat nang ipinagawa nito. Kinuhanan pa siya ng video. Screen test daw.

Nangako si direk na papanalunin siya. Edge daw kasi ang titulo sa pagsabak niya sa gay indie.

***

“And the winner is…”

Hinintay niyang i-anunsiyo ang kanyang numero subalit ibang numero ang narinig niya.

Anong nangyari? Nasaan ang ipinangako sa akin? Muli, ang pamilyar na pakiramdam ng pagkabigo.

Nang kumprontahin niya si direk, ito ang naging paliwanag sa kanya: “Pinaboran ng ibang judges ang winner kasi mas bata at sariwa. Na-outvote nila ako.”

“Gagawin mo pa rin ba akong artista?” ang tanong niya.

“Tatawagan na lang kita,” ang sagot at tinalikuran na siya.

Nakita niya itong lumapit sa nanalo at dinig na dinig niya ang sabi: “Congratulations. Here’s my card. Call me. May bagong project ako. Beautiful Boys. Gagawin kitang bida.”

***

“Pare, pinangakuan ka rin ba ni direk?” ang tanong sa kanya ng isa pang contestant habang nagbibihis sila.

“Oo,” ang sagot niya, hindi maikubli ang panlulumo.

“Ako rin. Nagpagamit pa nga ako pero wala ring nangyari.”

Isa pang contestant ang sumabad sa usapan nila.

“Niloko niya rin ako. Kinuhanan pa ako ng video habang gumagawa ng mga kalaswaan.”

Nagkatinginan na lamang silang tatlo at sabay-sabay na napailing. Doble-talo ang nangyari sa kanila nang gabing iyon.

Paglabas nila ng dressing room, nilapitan sila ng manager ng bar.

“Hello, boys,” ang buong ningning na bati nito. “May trabaho ako para sa inyo. Kung interesado kayo.”

At dahil wala na siyang pera, kumagat siya sa offer nito.

***

Kinabukasan nang gabi, ipinakilala siya bilang pinakabagong star dancer ng sosyal na gay bar.

Pagkaraan ng ilang linggo, lumabas sa mga bangketa ng Quiapo ang isang DVD na naging “box-office hit” sa mga bading.

Siya ang bida at ang iba pang mga talunang kandidato.

The Bikini Open Scandal.