Reunion iyon ng mga flight attendants, ng mga nag-resign na at mga aktibo pa.
Bilang isa sa mga resigned, excited ako. Limang taon ko ring hindi nakita ang aking mga kasamahan. Kumusta na kaya sila? Ano na kaya ang kanilang mga itsura?
At higit sa lahat, kumusta na kaya si Kyle?
Pagdating ko sa venue na isang bar sa Makati, nag-uumapaw ako sa tuwa pagkakita ko sa mga dati kong katrabaho. Mahihigpit ang naging yakapan namin kasabay ng mga beso-beso at kumustahan.
Hindi ko inaasahan na ganoon kalaki ang pagtitipong iyon. Lahat ng Training Class noong year na pumasok ako sa airline, kasali sa reunion. Ang dami kaya naming batches nang taong iyon! Kaya ipinasara ang buong bar at exclusive lang ang party para sa aming lahat. (Although marami pa rin ang hindi nakadalo sa mga aktibo pa dahil may flight sila.)
Todo ang pakikipag-sosyalan ko. I missed everyone and there was a lot of catching up to do. Kuwentuhan. Tawanan. Inuman. Very rare ang ganoong nagkakasama-sama kami sa isang okasyon kahit noong magkakatrabaho pa kami dahil sa conflicts of schedule.
At nang ako ay masyado nang immersed sa kasiyahan, I saw him standing in one corner with beer in hand. Mag-isa na tila umiiwas sa lahat. Nakatingin sa akin.
Si Kyle.
At first, hindi ko kaagad siya namukhaan. He was so thin. Humpak ang kanyang pisngi at nanlalalim ang mga mata. Subalit hindi ko maipagkakamali ang mga matang iyon. They were still beautiful sa kabila ng weariness na naroroon. Madamdamin pa rin ang mga titig na tumatagos sa akin.
Tinalikuran ko ang umpukang kinabibilangan ko at parang may sariling isip na humakbang ang aking mga paa patungo sa kinaroroonan niya. Tinatambol ng kaba ang aking dibdib. Pigil ang aking hininga.
Dahan-dahan, humakbang din siya at sinalubong niya ang aking paglapit. Hindi naglalayo ang aming mga titig.
At nang kami ay magtagpo, nagyakapan kami nang mahigpit.
Matagal. Puno ng pananabik na parang ayaw naming magbitiw.
Napapikit ako habang nilalanghap ang kanyang amoy at dinadama ang kanyang init. Muling humapdi ang sugat sa aking puso na akala ko ay pinaghilom na ng panahon.
Na-realize ko na wala pa ring nagbabago. Mahal ko pa rin si Kyle. At masakit pa rin sa akin na kami ay nagkahiwalay.
***
He was Mr. Popular sa Inflight Headquarters. Kakaiba ang kanyang karisma. Magaan ang dating at laging kaaya-aya. Lahat na lang yata gusto siyang makalipad at maging malapit sa kanya. And I was not an exception.
Pero hindi katulad ng iba, patingin-tingin lang ako sa kanya. Masyado siyang maganda at feeling ko, hindi ako nababagay sa kanya. Even if he was nice to me, ayokong mag-ilusyon na magugustuhan niya ako. Sa dami ng nagkakandarapa sa kanyang babae at lalaki, bakit niya naman pag-aaksayahan ng panahon ang isang katulad ko?
But I was wrong. Pinasinungalingan niya ang paniniwala ko nang magkalipad kami sa unang pagkakataon. Magka-galley pa kami and he was extra friendly. Kausap siya nang kausap sa akin. Noong una medyo ilang ako kasi nga crush ko siya at ayokong ma-obvious.
Pero noong return flight habang naghihintay kami sa paglapag, hindi ko na siya na-resist. Hinayaan ko ang aking sarili na ma-mesmerize sa kanya at sa mga kuwento niya. Halos hindi nagre-register sa akin ang mga sinasabi niya dahil abala ako sa pag-aappreciate sa kung gaano siya kaguwapo.
Hindi ko maiwasang mapabuntonghininga habang nakatitig sa kanya at iniisa-isa ang mga katangian niya. Silky black hair. Smooth skin. Big, bright, brown eyes. Luscious lips. Perfect teeth.
“Hey, Aris,” ang pukaw niya sa akin.
“Huh?” ang sagot ko na tila naalimpungatan.
“I was asking you…”
“W-What?”
“If you’re free Saturday night?”
“Why?”
“Maybe you’d like to go out with me?”
Nang mag-touchdown ang eroplano sa NAIA, parang nag-touchdown din siya sa puso ko.
Habang nagta-taxi ang eroplano, parang hindi ako makapaghintay sa disembarkation. Excited kasi akong tahakin ang isang bagong destinasyon.
Kasama si Kyle.
***
“Bakit ako?” Hindi ko alam kung insecure ba ako or what at hindi ko napigilang magtanong.
“Bakit hindi ikaw?” ang sagot niya. Naghahapunan kami noon sa isang diner.
“Ang dami-daming nagkakagusto sa’yo. Mga sosyal. Mayayaman. Kung sila ang kasama mo, malamang na hindi kayo sa ganitong lugar lang pupunta.”
“Why, what’s wrong with this place? At saka hindi ako sosyal. Simple lang ako. Kaya nga ikaw ang nagustuhan ko kasi simple ka rin lang.”
Deep inside, nagsimula akong balutin ng warm feeling. I knew it was wrong but I fished for more. “Yun lang?”
Bahagya siyang natawa bago muling nagsalita. “At saka mabait ka. Masipag. Matalino. Hindi mayabang.” He looked straight into my eyes sabay seryoso. “Hindi mo na kailangang itanong sa akin kung bakit kita minahal. Maaaring may mga bagay na hindi nakikita sa’yo ang iba -- at maaaring ikaw mismo, hindi mo makita sa sarili mo -- pero ako, nakikita ko. Mahirap ipaliwanag kung ano iyon. Puso ko lang ang nakakaintindi.”
I broke into a smile, pigil ang pagkakilig. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya nang mga sandaling iyon at nagsasabi sa akin ng mga ganoon. Para akong nananaginip. I really felt so lucky dahil parang sa isang iglap, biglang kami na. Boyfriend ko na siya. And so far, maayos sa amin ang lahat.
Sa trabaho namin na magkakasalisi ang mga schedule at madalas nasa magkabilang panig kami ng Pilipinas, we made it a point na palagi kaming may komunikasyon. We would leave notes in each other’s mailbox. At sa mga pagkakataong pareho kaming libre, magkasama kami. Kung hindi man kami lumalabas, nasa bahay lang kami. Nanonood ng video, nagbabasa o nagkukuwentuhan habang magkatabi sa kama giving each other hugs and kisses.
We started planning our life together. Kapag nag-uusap kami, hindi na lang “I” kundi “we”. We will have our own business. We will build our own house. We will have a library of movies and books we like. Agree kami sa mga plano dahil magkakatugma ang mga hilig at pangarap namin sa buhay. Marami kaming pagkakapareho – favorite food, choice of music, preferred activities – kaya magkasundong-magkasundo kami at halos walang pinag-aawayan. Compatible din kami sa sex. Everything seemed perfect sa aming relasyon.
Pero sa likod ng kaligayahan ko, may kaba ako. Everything about us was just too good to be true.
At hindi nga nagtagal, nangyari ang kinatatakutan ko.
***
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng imbitasyon kay Kyle.
Birthday daw ni Edwin, isang senior steward. Hindi ako imbitado dahil hindi ko naman ka-close iyon. Mr. Popular that he was, marami talagang kaibigan si Kyle na hindi ko kaibigan. Kahit may lakad sana kami ng gabing iyon, pinayagan ko siya. I also wanted him to have time with his friends. Hindi naman maaaring sa akin na lang uminog ang mundo niya. Iniiwasan ko rin kasing masakal siya.
Subalit naging madalas iyon, ang pagsama-sama niya kay Edwin. Inuman daw, minsan overnight pa. Nakabawas iyon sa panahon na dapat sana ay pagsasama at pagkikita naming dalawa.
Kinausap ko siya tungkol doon. Nag-sorry siya at nag-effort naman na bumawi sa akin.
Subalit hindi iyon natigil. Pagkaraan ng ilang araw, balik na naman siya sa pakikipagbarkada kay Edwin. There was even a time na hinintay ko ang pagdating ng flight niya kahit gabing-gabi na. Monthsary namin and I was hoping we could have a late dinner together. Pero hindi raw siya puwede. Kalipad niya pala si Edwin at naka-“oo” na siya sa lakad nila. Hurt ako na mas pinili niyang sumama sa kaibigan niya sa kabila ng okasyon na dapat naming i-celebrate.
Inaway ko siya dahil doon. Hindi niya ako pinatulan. Ni hindi siya nagsalita o nag-defend sa sarili. Hindi rin siya nag-sorry.
Then I started hearing things about Edwin. Mga bagay na ayaw ko sanang paniwalaan noong una. Adik daw ito. Pusher.
Kinabahan ako. Naisip ko ang pagiging malapit ni Kyle kay Edwin.
Muli kong kinausap si Kyle. Sinabi ko sa kanya ang narinig ko tungkol kay Edwin. In-express ko sa kanya ang fear ko.
“Nagda- drugs ka ba?” ang pointblank na tanong ko.
Gulat siya sa tanong ko. Pero kaagad din siyang tumawa. At nag-deny. “Of course not. Ano ka ba?”
“Please. Don’t ever touch the stuff. Sisirain niyan ang buhay mo. At sisirain din niyan tayo.”
“I won’t. Trust me, ok?” At niyakap niya ako.
I wanted to believe him. But deep inside, matindi ang aking pangamba.
Hindi ko siya nasaway kay Edwin. At parang naging paulit-ulit lang ang pag-aaway namin dahil doon. Mahal ko siya kaya pilit ko siyang inuunawa. Subalit alam ko, may problema na kami. Disturbed ako pero in denial ako dahil hindi ko alam kung paano lulutasin iyon.
Then unusual things started to happen. Pumapasok siya na gusot ang uniporme (I didn’t have the time to iron), gulu-gulo ang buhok (Naubusan ako ng gel) at unshaven (Nakalimutan ko lang). Mukha na siyang madungis. He had dark circles. And he has been loosing weight. Naging madalas din ang kanyang pag-aabsent.
“What’s wrong with you?” I confronted him.
“Nothing.” May harshness sa timbre ng kanyang boses.
“Things haven’t been normal with you lately. Look at yourself. Napapabayaan mo na ang sarili mo. Pati ang trabaho mo.”
“Will you stop nagging me?”
“Boyfriend mo ako. Obligasyon ko na tulungan ka sa problema mo.”
“Just shut up, ok?” He snapped at me.
Nagulat ako sa asal niya. Nanibago ako kung paano siya sumagot.
Matalim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagtataka dahil parang hindi ko na kilala ang Kyle na kaharap ko.
Nag-sleep over ako sa bahay niya nang gabing iyon.
Nagising ako na wala siya sa tabi ko. Nakita ko na nakasindi ang ilaw sa banyo. Kinutuban ako.
Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang banyo. Itinulak ko ang pinto.
At nasindak ako sa aking nabungaran.
***
Things just turned ugly.
I grabbed the stuff and threw it away. He was so angry, he hit me. PAK!
Nagdilim ang aking kamalayan. Nakakita ako ng mga bituin.
I was so shocked and shaken. I was even afraid.
Then he started crying and saying sorry. I was crying too. He tried to hug me but I pushed him away. Right there and then, I knew we were over.
Nag-AWOL na siya sa trabaho. Nagsimulang kumalat ang tsismis tungkol sa pagiging adik niya.
We had one last chance to talk.
“I screwed it up,” ang kanyang sabi. “I am sorry.”
“I don’t think we can still go on like this. I just can’t anymore.”
“We could have been perfect. I take responsibility for what happened to us.”
Tahimik ako.
“Mahal na mahal pa rin kita. Walang nababago sa nararamdman ko sa’yo. Kaya lang sinira ko na ang sarili ko. Pati tayo, sinira ko na rin. I am not anymore worthy of your love.
Nagsimulang magbara ang lalamunan ko.
“I am not asking you to love me back,” ang dugtong niya pa. “Ang hinihingi ko lang, sana patawarin mo ako.”
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Niyakap niya ako. At iniiyak ko na lang sa mga bisig niya ang mga bagay na hindi ko masabi sa kanya.
Tuluyan na siyang nag-resign sa trabaho. At narinig ko ang tsismis na nasa rehab na siya pero hindi ko na-confirm.
Pinilit ko siyang kalimutan. Itinuon ko ang aking atensiyon sa trabaho at sa goal ko sa buhay. Nang makaipon na ako nang sapat, nag-resign na rin ako.
At habang abala ako sa itinayong business, manaka-manaka pa rin akong nakakasagap ng balita tungkol sa kanya.
May sariling business na siya.
May bago nang boyfriend.
Adik pa rin.
Lahat nang iyon, hindi ko na inalam kung totoo. Bakit pa? Para ano pa?
I just decided to move on with my life.
***
“You look great,” ang sabi niya nang magbitiw kami sa aming pagkakayakap.
“Kumusta ka na?” ang tanong ko.
“Still a mess.” Pinilit niyang tumawa subalit nakita ko ang pangingibabaw ng lungkot sa kanyang mga mata.
“Hindi na ako nakawala,” ang patuloy niya. “I tried but I failed.”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Obvious sa itsura niya. So, totoo ang balita.
“Buti na lang nandito ka,” ang sabi niya. “Everybody’s ignoring me.” Nasaktan ako para sa kanya. He was Mr. Popular no more. To the others, he was now just a junkie.
“So, what do you do now?” I was trying to sound light and lively. “I heard, may business ka na raw.”
“A franchised restaurant. But it’s not really mine. It is my boyfriend’s.”
“Oh.” Hindi ko alam kung bakit parang may sundot iyon sa aking puso. “So, you are in a relationship now.”
“Yup. He’s rich. Basically, he’s the one who’s taking care of me. Di ba sabi mo noon, dapat mayaman ang maging boyfriend ko? So there, naghanap ako ng mayaman.”
Hindi ako sumagot. Patuloy ang kirot na nararamdaman ko sa aking puso.
“Ikaw, may boyfriend ka ba?”
“Wala.”
“Why?”
“Masyadong busy.” Ang hindi ko masabi sa kanya, kasi mahal pa rin kita. Hindi iyon nawala. At umaasa pa rin sana ako...
“Aris!” Na-interrupt ang pag-uusap namin sa paglapit ng isang kaibigang stewardess. “Hinahanap ka nina Yasmien. Halika, they’re over there. Kyle, excuse ha.” At hinila na niya ako palayo kay Kyle.
Balik ako sa pakikichika sa iba ko pang mga katrabaho dati. Pasulyap-sulyap ako kay Kyle. Nakita kong patuloy siya sa pag-inom.
Nang balikan ko siya, lasing na lasing na siya.
“Oh, you’re back.” He was slurring his words. “Ibig bang sabihin, tayo na uli?”
“What are you talking about?”
Tumawa siya tapos biglang nagseryoso. “Alam mo ba na hanggang ngayon, I still think about you? I still wish na sana magkabalikan pa rin tayo.”
“Hindi mo alam ang sinasabi mo. Lasing ka na, Kyle.”
“Aris, I still love you. I still do. Napatawad mo na ba ako?”
“Matagal na.”
“Mahal mo pa rin ba ako?”
“It doesn’t matter now. May kanya-kanya na tayong buhay.”
“I’m sorry.”
“For what?”
“For being a big disappointment to you. I tried. I really tried na magbago para sa iyo. Pero hindi ko nagawa. Mahina ako.”
Pinagmasdan ko siya, he really was a mess subalit sa puso ko naroroon, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko lang maamin. Kung sana lang hindi siya napariwara… Kung sana lang may nagawa ako noon upang iligtas siya…
“Paano ka uuwi?” ang tanong ko.
“I can call my boyfriend to pick me up. But I won’t do that. Ayokong magkaharap kayo.”
“Ok. So, magka-cab ka na lang?”
“Yeah. Will you help me out?”
Tumayo siya at inalalayan ko.
Umakbay siya sa akin at humilig sa aking balikat. Mahigpit ko siyang hinawakan sa baywang. Humakbang kami papalabas ng bar. Halos hindi siya makagulapay. Pinanood kami ng iba pang mga naroroon subalit wala ni isa mang tumulong.
Pagdating sa labas, pilit niyang ibinuka ang namimigat na talukap ng kanyang mga mata. Tinitigan niya ako nang matagal. I saw tears well up in his eyes.
“Bakit ka umiiyak?”
“Wala. Masaya lang ako. At nalulungkot.”
Sinapo niya ang aking mga pisngi. At hinagkan niya ako sa labi.
“I love you,” ang sambit niya habang dumadaloy ang kanyang mga luha. “I will always love you.”
I just stood there, frozen.
Maya-maya pa, pumara na ako ng taksi.
Pinasakay ko siya. Binawi ko ang aking kamay na halos ayaw niyang bitiwan.
Ipininid ko ang pinto ng taksi na parang pagpipinid na rin sa aking puso.
Tinanaw ko ang kanyang paglayo.
I love you, Kyle. Goodbye.
61 comments:
'Teh, FA ka pala kaya pala may kakaiba akong naramdaman nung nakilala kita... para kong nasa langit. Choz.
@tristan tan: echosera ka, gurl. haha! :)
ang bigat sa puso te. hindi ko kinaya. haha
@arkin: i wrote this from the heart. ang bigat ding balikan ng nakaraan. :)
Nang mag-touchdown ang eroplano sa NAIA, parang nag-touchdown din siya sa puso ko.
saan ka pa makakakuha ng linyang ganito kaganda..saan?
very very nice aris..really nice. ganun talaga minsan ang past...mahirap balikan or totally kinalimutan
ang sad.. alam mo ba kuya ung friend ko (ung tinutukoy ko rin sa IMY post) katulad din siya ni kyle maraming nagkakagusto sa knya and marami siyang friends na mayaman at sosyal.. minsan pagmagkasama kami nung friend ko na yon sobrang ang dami kong insecurities. wala lang.
Aris...I do not know if this is a fiction or a true story... but all i know is that, you're a good writer. After I read you articles, I always want to finish my story "Paraiso" that I am having a hard time to finish...you inspire me and never failed...ever.
Ilang taon ka na? 52? You have so many experiences to share... and siguro..simple lang ung mga experiences na yun, but you make it special the way write it.
I am a fan!
Sorry Aris but this is really a Fuck You story. Not because I'm mad or disappointed but because you captured that bitterness and longing in my heart.
Fuck You because you made me cry.
Damn.
I badly need a hug right now, I swear.
is this true? sad...
-Bewired
is a ka na sa mga favorite writers ko!!! hindi lang blogger--- writer talaga!
aris, nasa malate kb? Parang kamuka mo nkta ko. Haha kamuka mo lng ata sa kagustuhan kong makilala ka. Lahat nlng kamuka mo. Hehe -jake jakolero
Beautiful, beautiful.
sushal flight attendant!
i admire [and envy] your conviction.
kung ako siguro ikaw go na ulit ako sa kanya..hehe
@dabo: malaking bagay sa akin na galing sa'yo ang ganitong papuri. thanks, coco martin. ganda ng bagong pic ha! :)
@elay: o bunso, wag ka nang malungkot. ilabas mo na lang sa pamamagitan ng pagsusulat ang mga nararamdaman. looking forward to read more posts from you. :)
@mark joefer: wow naman, nakaka-inspire ka. oo, 52 na ako. hahaha! thank you for the kind words. iisipin ko lagi ang sinabi mo kapag nagsusulat ako. :)
@guyrony: wow, salamat. napakalaking compliment naman. now, let me hug you. *hugs* :)
@bewired: hello to you, my friend. Yup, totoo. :)
@wandering commuter: friend naman, i am not worthy. anuvey?! :)
@jake: last night, oo, nasa malate ako. party party hehe! magkikita rin tayo sa takdang panahon. :)
@anonymous: salamat po nang marami. :)
@imsonotconio: hindi naman. glamourized waiter lang. hehe! :)
@desole boy: mind over heart. mahirap at masakit pero kailangan. hehe! :)
congratulations for being NUMBER THREE in this cycle's Hall of Fame! KUDOS!!!
@bnp: thank you once again, blogs ng pinoy. :)
Haaay Aris, pinaluha mo nanaman ako. Feeling ko close na kami ni Kyle kahit di ko naman siya kilala.
I guess we can't save everybody. Sa kanila parin manggagaling if they'll pull themselves out or not.
I'm sure this must've taken a lot of effort to recall the events and to write about it. I commend you for doing a fantastic job.
naku kuya kung ako one more chance ulit ang drama ko! hahaha! :)
another great post, hipong hipo ako habang nagbabasa.
"Hindi ako sumagot. Patuloy ang kirot na nararamdaman ko sa aking puso."
Ang bigat ng sinusulat mo kuya.
Bagong blogger po, sana maging ganyan din ako kagaling sumulat.
pa-link exchange naman po.
http://www.panulat.co.cc
nakakainis ka...pinalungkot mo ko...hayssstt...
naawa ako kay kyle,sa naging treatment sa kanya dun sa party. i guess he went there just to see you.
@citybuoy: minsan kasi, ang hirap mag-isip ng dapat gawin kapag nahaharap ka na sa isang magulong sitwasyon. at may mga pagkakataon din na kahit alam mo kung ano ang dapat gawin, hindi mo lang talaga magawa. thanks, nyl. :)
@jp_cardinale: kahit gusto ko, wala na rin kasi kaming patutunguhan. salamat, jp. :)
@munting bisiro: naks naman, ako ang na-touch sa sinabi mo. sure, nasa link na kita. :)
@soltero: hindi ko inisip na ako ang dahilan ng kanyang pagpunta. but now that you've said it, gosh, nalungkot ako bigla!
i love this line
"“Mahal na mahal pa rin kita. Walang nababago sa nararamdman ko sa’yo. Kaya lang sinira ko na ang sarili ko. Pati tayo, sinira ko na rin. I am not anymore worthy of your love."
huhuhuh.. love love it..
Time heals all wounds and there are some wounds that should just be left alone. :)
I guess that's what makes your posts beautiful. They present a question na not everyone can answer. And you go through each scenario with as much grace as you can but at the same time with your heart on your sleeve. :)
“I love you,” ang sambit niya habang dumadaloy ang kanyang mga luha. “I will always love you.”
I just stood there, frozen.
Aris - sa tutoo lang kung ako nasabihan ng ganito. sasapakin ko ng todong todong. those words are biggest hurt that I can ever hear. I lost him to drugs? It is just like saying you are nothing compared to drugs. He is weak? It is just like saying - I cannot make things good? Yes, all the hurt that I can feel.
Subukan lang akong masabihan ng ganyan - makakalimutan kong bading ako na malakas ang control Lalabas ang pagiging kanto boy ko.
seriously (as if hindi pa ako serious sa mga nasulat ko! LOLS), I feel. I know. I commiserate. Magka-iba lang situation. And I have replaced it with anger. That anger made me strong. I am not angry anymore but I have totally expunge the memories, and the very existence that it did happen. My heart became frozen. So beating stopped. And I never looked back. My heart is now beating, but now with warmth. Because I have learned to love again. For 13 years already.
That guy-who almost made my life miserable, had been cast in hell for as long as I know and believe. May he continue to rot there, whereever he is or was, for all i care.
sorry - i got carried away.
I saw a glimpse of a similar scenario from your story. And the anger stirred quietly.
haizzzzz.. ang emo ko ngayon!
ang sad ng ending :-( pero ang galing mo mag sulat - tumatagos, dumugo tuloy hahaha
So sad...Pero Aris, hanga ako sa'yo. nakaya mong i let-go si Kyle kahit mahal na mahal mo pa sya.
Ansakit...=(
@dhon: sorry naman, friend, pinaiyak kita. hehe! korek, gumagaling naman ang sugat. huwag lang galawin nang galawin. :)
@citybuoy: hayyy, nyl. nalulunod na ako sa mga praises mo haha! thanks. mwah! :)
@the golden man: actually, kaya rin siguro ako pilit nagpakamanhid at nagmatigas kasi deep inside, galit din ako. disappointed. i tried to understand but i just can't. at hindi ko matanggap. in the end, i just gave up. pero hindi ko masasabing wala akong naramdaman, na hindi ako nasaktan.
friend, sorry kung may nabulabog akong natutulog na emosyon. hehe! :)
@jr: salamat. ay, sorry, napalakas ba ang ulos? hahaha! :)
@nicos: minsan kasi, kailangan. thanks, nicos. :)
One always has to know when a stage comes to an end. If we insist on staying longer than the necessary time, we lose the happiness and the meaning of the other stages we have to go through. Closing cycles, shutting doors, ending chapters – whatever name we give it, what matters is to leave in the past the moments of life that have finished.
~Closing Cycles by Paulo Coelho
I can so relate... I'm living my life with someone right now but I can't help but think of someone from my past... I guess, there is still some bitterness in me...
@barakong pinoy: welcome to my blog. oh, i love the quote. how relevant and insightful.
minsan kailangan lang ng panahon para tuluyang mawala ang pait.
salamat sa pagdaan. sana pasyal ka lagi. :)
Ang lungkot naman. T_T
I think, in some ways, we always want the best for our exes kahit sinaktan tayo noon.
@ruby: totoo. kung maaari rin lang, gusto ko friends pa rin kami para walang negative vibes. :)
nakakalungkot, friend. :( may naalala ko bigla.
@caloy: ganon? sorry naman. kuwento mo na lang sa akin, friend. :)
jun12 o jun 13 nagstarbucks ka ba? hehe
@jake: jun 12 saturday evening nasa silya at bed ako. :)
ahh... i was in starbucks nun baka hindi kaw yun.. ingat na lang pag gumigimik.. ge
*still longing to meet you and hope to be your friend to
Love your stories. :D
@jake: we will meet one day. you take care too. :)
@sheen: thank you, sheen. nice to hear from you again. :)
i believe you...galing talaga sa puso tumitiim...nanunusok...nanghahawa ng lungkot..ng panghihinayang...ilan pa lang to sa mga nabasa ko and im not bored.. nararamdaman ko ang nais mong iparating..nakikita ko ang mga sandali ng pangyayari...only those who are so sensible and sensitive enough could relate to the deep emotions you felt while writing these...keep up.. you really have a talent i writing...
@frederick: natutuwa ako na nadama mo rin ang mga emosyong binuhay ko habang isinusulat ito. nagpapasalamat din ako na nagustuhan mo ang pagkakakuwento ko. ang mga sinabi mo ay tunay na nakakapagbigay-inspirasyon sa akin. :)
hmm sarap basahin ah :)
@anonymous: salamat, nagustuhan mo. :)
Another great story. Ramdam na ramdam ko ang emosyon sa post na to. Im a fan na. I've read about half of all your posts na. Konti nalang tapos ko na.
@adam: i hope you are having a great time. thanks. :)
aris... pwede bang umiyak?
@wasted: oo naman. pwede ba kitang sabayan? :)
After reading this post, Regine sings "I'd rather leave (while I'm in love) on my music player. I cried a river! sheyt!
@danique: hello, danique. please check "chances" also. sana ma-enjoy mo rin. thanks. :)
Galing.. Two thumbsup.. Full of emotions.. -Jm villar
..sayang ang kyle...kung ako siguro kakaibiganin ko na lang sya at i'll see to it na magiging busy kami ng madalas para meju ma lessen ang pag kalulong nya sa drugs...
@jm villar: maraming salamat, jm. :)
@sweetjhon: ginusto ko rin na siya ay tulungan kaya lang mahirap na kalaban ang drugs.
I like your stories. I can say that no one is perfect, but that imperfection, can be perfected by to people; who are perfect for each other. sayang yung relationship nyo. sana naagapan noong nagsisimula pa lang sha mag drugs, I could have end up with a happy ending
@kent: i agree about the imperfection thing. yun nga lang, maybe we were both too young then kaya na-overwhelm kami ng sitwasyon, lalo na ako, kaya na-mishandle namin iyon.
thanks, kent, for reading my stories and taking the time to post your thoughts. :)
True to life ba ito? Graveh! First time kong mapaluha (actually, humahagulgol ako) sa pagbabasa ng online stories. so sad!
@anonymous: yes, it is. sana kahit napaiyak ka, nag-enjoy ka pa rin sa pagbabasa. thank you for taking the time to post a comment. :)
Kuya Aris! Another great story from you. Naramdaman ko talaga yung emosyon. Actually, dati ko na siyang nabasa kaso ngayon lang ako nakapagcomment. Inulit ko basahin kasi alam kong isa 'to sa mga unang nakaapekto sa akin. Salamat sa stories kuya!
@denzhel: thank you, denzhel. alam mo, very special sa akin ang kuwentong ito at ilang ulit ko na rin siyang binasa. :)
Napakaganda ng story. Sobrang may kurot sa puso. Parang sasabog ang puso ko kung di ako iiyak. So that's what I did....
Sobrang sad ng naging katapusan.
Maybe he's not yet the one :)
http://www.youtube.com/watch?v=WOKI_tIBWVI
Post a Comment