Wednesday, June 23, 2010

Two Old Friends

Nang sumama ako sa pamilya ng kapatid ko sa pagbabakasyon nila sa Boracay, alam ko na magiging yayo lang ako ng mga bata. Ok lang, naisip ko, kasi ang tagal ko na rin namang hindi nakaka-bonding ang mga pamangkin ko na sina Jeric, 10, Cheri, 8 at Marc, 6.

Nang hapong iyon, habang nagpapamasahe sa hotel ang brother ko at ang wife niya, nasa beach kami ng mga bata. Nagsu-swimming sila habang ako ay nasa lilim ng isang puno ng niyog at binabantayan sila. Napapaligiran ako ng mga kung anu-anong kagamitan: tuwalya, tsinelas, sunblock, chips, tubig, libro. Nagsawa na ako sa kakukuha ng picture at video sa kanila kaya napagdiskitahan ko ang Harry Potter ni Jeric. Nagbasa-basa ako habang tinitingnan-tingnan sila.

Medyo na-engross ako sa binabasa ko kaya hindi ko napansin ang paglapit ng isang batang lalaki sa akin.

“That’s a good book,” ang sabi.

Nag-angat ako ng paningin. Pamilyar ang mukhang nasa harap ko. Mga onse o dose anyos siya, sa tantiya ko.

“Yeah, it is,” ang sagot ko. Pilit kong inalala kung saan ko siya unang nakita.

“I’ve read it na,” ang sabi pa.

“Really? Now, don’t tell me the story. I wouldn’t enjoy it anymore.” Luminga-linga ako upang hanapin kung sino ang kasama ng batang ito. Subalit, wala akong makitang ibang tao. Although sa di kalayuan, may mga gamit na nakalagak sa buhangin, katulad ng mga nakapalibot sa akin.

“Sinong kasama mo?” ang tanong ko sa bata.

“My Dad,” ang sagot niya.

“Where is he?”

“Ayun siya, o,” sabay turo sa isang lalaking lumalangoy malapit sa kinaroroonan ng mga pamangkin ko. Dahil sa layo, di ko masyadong maaninag ang mukha nito.

“Why don’t you go and swim with him?”

“Ok, I will. But will you please look after our things?”

Ngumiti ako. “Sure, no problem.”

“Thank you.”

At nagtatakbo na ang bata patungo sa kinaroroonan ng kanyang ama.

Maya-maya, napansin ko, kalaro niya na ang mga pamangkin ko. Dinig ko ang kanilang mga tawanan habang naglalaro sa tubig. Nakita ko rin na naroroon, nakabantay sa kanila ang tatay ng bata.

Binalikan ko ang pagbabasa ng Harry Potter. Medyo nakampante ako na kahit paano, may adult na tumitingin-tingin sa mga bata.

Hindi nagtagal, nakita kong umaahon na ang mga pamangkin ko at naglalakad na patungo sa kinaroroonan ko. Kasunod nila ang bata at ang tatay nito.

“Hi Tito,” ang bati sa akin ni Cheri nang makalapit na. “We have a new friend,” ang sabi na ang tinutukoy ay ang batang kausap ko kanina.

“His name is Patrick,” ang sabi naman ni Marc.

Dumiretso ang tingin ko hindi kay Patrick kundi sa tatay nito.

Nagulat ako. OMG, kilala ko siya!

Nagulat din ang tatay pagkakita sa akin.

“Ben!” ang bulalas ko.

“Aris!” ang bulalas niya rin.

Tumayo ako at sinalubong ko siya. Kaagad kaming nagkamay, mahigpit. Ngiting-ngiti kami pareho, hindi maikubli ang labis na tuwa sa aming pagkikita.

“You know my Dad?” ang tanong ni Patrick.

“Yeah,” ang sagot ko.

“We’re old friends,” ang sagot naman ni Ben.

“Small world,” ang hirit pa ng anak niya.

“Kumusta ka na?” ang tanong ko kay Ben habang pinagmamasdan siya. Halos hindi siya nagbago. He was still very good looking. Sa suot niyang trunks, litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan niya na alam kong alagang-alaga niya sa pagdyi-gym. Dapat lang, dahil hanggang ngayon aktibo pa rin siya sa paggawa ng commercials. Commercial model siya at kaya pamilyar sa akin ang anak niya dahil kagaya niya, may mga commercial na rin ito na napapanood sa TV.

“Are you still with the airline?” Dati kaming magkatrabaho ni Ben bilang flight steward noon.

“Yeah.”

Kaya naman looking good pa rin siya. Kailangan kasi iyon sa trabaho, bukod sa nagmomodelo rin siya. Although ang tingin ko sa kanya, medyo nag-mature na. Sabagay, ilang taon na rin ba ang nakakaraan nang huli kaming magkita?

“Kelan ka pa rito?” ang tanong ko.

“Kanina lang,” ang sagot niya. “But we are flying back tomorrow.”

“Ang bilis naman.”

“Ipinasyal ko lang ang anak ko.”

“Kayong dalawa lang ang magkasama? Nasaan si Misis?”

May lambong akong nakita sa kanyang mga mata.

“We’ve separated,” ang sagot niya sa malumanay na tinig.

“Oh, I’m sorry.”

He shrugged his shoulders at pilit siyang ngumiti.

“I presume, pamangkin mo ang mga batang ito?” ang tanong niya na tila pag-iwas na rin sa topic.

“Yeah. Dahil hindi puwedeng maging anak ko sila. You know.” Bahagya akong tumawa.

“Yeah, I know.” Tumawa rin siya, maiksi. “Hanggang kelan kayo rito?”

“We’re leaving Monday morning.”

“Well, then, maybe we can see each other tonight?”

“Sure. The kids may be tagging along, though. Ako kasi ang yayo habang nasa honeymoon ang mga magulang nila.”

“It’s ok. My kid will be with me also.”

Nag-set kami ng time and place.

At pagkatapos, nagpaalam na siya. Nagpaalam na rin ang anak niya sa mga pamangkin ko.

Habang pinagmamasdan ko ang paglayo ni Ben, nagbalik sa akin ang alaala ng isang nakaraan. Siya at ako. Isang gabi iyon na nangyari sa amin ang hindi inaasahan.

(May Karugtong)

Part 2

13 comments:

arkin said...

ben. pangalan palang ulam na. charot. haha

Anonymous said...

dalian mo nang i-post yung karugtong ...excited ba masyado?

caloy said...

friend, ang landi ng post. kung saang lupalop ka pumupunta, may ex ka. ganda mo! hahaha! go na sa karugtong! :)

imsonotconio said...

kelan ang kadugtong? lol

Mac Callister said...

mambitin ba daw! aabangan namin ang nakaraan sa inyo!

Anonymous said...

i-post na agad ang sequel! excited much? lol.

casado said...

alam k na karygtong..after a few months, naging kayo nung anak nya! bwhahaha :P

lol jk..looking 4ward sa kontinuasyon :P

... said...

sana hindi abutin ng 48 years ang karugtong. LOL

Aris said...

@arkin: korek. ang yummy lang ng tunog. hehe! :)

@anonymous: wag po mainip. lapit na. hehe! :)

@caloy: uy, hindi ah. haha! post ko kaagad, friend. wag ka mainip. your new pic, i like. so virginal. haha! :)

@imsonotconio: lapit na. :)

Aris said...

@mac callister: thanks. in the works. :)

@john stanley: friend, i will. immediately. hehe! :)

@soltero: anuvey?! kalurkey ka. haha! :)

@mel beckham: haha! soon, mare. soon. pinapaganda ko na lang. :)

Jake said...

These commercial airline steward tales of yours trigger something in me.

I'll never look at male flight attendants the same way before hehehe

(which reminds me of a "close encounter" with a ground attendant of a major airline many years ago) :p

Kokoi said...

what happened na? what happened na? what happened na!!!

Aris said...

@jake: hello jake. thanks for the visit. sana ikuwento mo rin sa blog mo ang naging encounter mo. hehe! :)

@kokoi: my friend, hayan na! hayan na! hayan na ang karugtong! hahaha! :)