Maingay, magulo, madumi ang Quiapo. Pero sanay na ako. Minsan ko na rin itong naging tambayan.
Habang binabagtas ko ang kahabaan ng Avenida, nadaanan ko ang bulok na sinehan na kung saan una akong nabinyagan. Naalala ko ang mga surot, ang maingay na industrial fan at ang sahig na malagkit at amoy clorox.
Naalala ko rin ang mga misteryong nagaganap sa loob.
At si Richard.
Kasasalta ko lang noon. Tipid na tipid sa pera kaya doon ako napadpad. Mura na ang bayad, doble pa ang palabas.
Pag-akyat ko sa balcony, nakita ko siya sa lobby. Nakasandal sa barandilya, nakatingin sa akin. Halos kasing-edad ko siya. Guwapo, matangkad, maputi. Naka-sleeveless na itim, hapit na maong at rubber shoes.
Napatingin din ako sa kanya at napansin ko, kakaiba siya kung sumipat. Parang nang-aakit. Inarko niya ang kanyang payat na katawan upang ipangalandakan ang namumukol niyang harapan.
Nilagpasan ko siya pagkaraang saglit na makipagtitigan. Dama ko na sinundan niya ako ng tingin.
Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng dilim. Sandaling nag-adjust ang aking mga mata bago ko nabanaagan ang mga kakaiba. Pulos lalaki ang nasa loob. Marami ang nakatayo at palakad-lakad. May mga nagkukumpulan.
At sa liwanag na nagmumula sa telon, tuluyan kong napagmasdan ang mga nagaganap na aking ikinagulat.
Ang mga nakatayo ay nagdudukutan at naghahawakan.
Ang mga nagkukumpulan ay nakikinood at nakikisali sa group sex.
Ang mga nakaupo ay may mga kamay o ulong nagtataas-baba sa harapan.
Wala talagang nanonood. Ang buong sinehan ay bulwagan ng kamunduhan. Lahat ay naghahanap at tinutugunan ang tawag ng laman.
Nagulat ako nang bigla akong pagsalikupan ng dalawang lalaki. At bago pa ako nakaiwas, pinigilan na nila ako at pinaghihipuan.
Kumawala ako at nagmamadaling lumabas.
Muli ko siyang nakita. Naroroon, nakatambay pa rin sa lobby. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng aking mga paa sa kanyang tabi. Napatingin siya sa akin at ako ay muli niyang sinipat.
“Bago ka?” ang kanyang sabi.
Hindi ko man lubusang nauunawan ang kanyang tanong, napatango ako.
“Richard, pare,” ang pakilala niya sa sarili. “Ikaw, ano’ng pangalan mo?”
“Anton,” ang sagot ko.
Tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay.
Maya-maya, lumabas ang dalawang lalaki na nanghipo sa akin sa loob. Lumapit sila sa amin.
“Puwede ba kayo?” ang tanong ng isa.
Bago pa ako nakahuma, sumagot na si Richard. “Sure.”
“Magkano?” ang tanong naman ng isa.
“Five hundred. Buy one, take one. BJ lang. Kayo ang gagawa. Walang halik.”
“Mahal naman.”
“Hindi kayo lugi sa amin. Malaki. Sariwa.”
Napatingin ako kay Richard, sanay na sanay siyang makipag-negosasyon. Parang normal lang.
Gayunpaman, nagkatawaran pa rin. Pumayag si Richard sa four hundred.
“Saan?” ang tanong ng isa. “Sa loob ba natin gagawin?”
“Hindi,” ang sagot ni Richard. “Sumunod kayo sa akin.”
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatanggi gayong ibinenta niya na ako. Nang mga sandaling iyon, hindi ko alam kung curious lang ako, pero parang na-excite ako sa mangyayari.
Dinala kami ni Richard sa Ladies CR.
“Bakit dito?” ang tanong ko.
“Walang babaeng nanonood sa sinehang ito kaya walang pumapasok dito,” ang sagot niya.
“Baka mahuli tayo ng guwardiya.”
“Walang guwardiya rito.”
“E janitor?”
“Walang pakialam ang janitor dito.”
Pagkapasok namin, kaagad niyang ini-lock ang pinto.
“Ano nga pala ang mga pangalan n’yo?” ang tanong ng isa sa mga lalaki.
“Ako si Eric. Siya si Mark,” ang sagot ni Richard. Nagtaka ako kung bakit binago niya ang mga pangalan namin. “Kailangan ang alias sa ganitong trabaho,” ang sabi niya sa akin later on.
Walang kaabog-abog, niluhuran na kami ng dalawang lalaki. Ibinaba ang aming mga pantalon at brief.
“Ang laki nga,” ang halos sabay pang sambit ng dalawa. Hindi pa matigas ang akin. Gayundin ang kay Richard.
Hindi na nagsalita pa ang dalawa at pinuno na ang kanilang mga bibig. Sinimulan nila kaming kainin.
Ginapangan ako ng kakaibang kiliti at mabilis na tinayuan. Halos mabulunan ang lalaking tumatrabaho sa akin pero tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa.
Napatingin ako kay Richard. Nakatingin din siya sa akin. Bakas sa kanyang mukha na siya ay nasasarapan na rin.
Ewan ko pero parang higit akong nalibugan habang pinagmamasdan ko si Richard. Ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha. Ang bawat galaw ng kanyang katawan. Higit lalo nang magsimula na siyang mag-pump sa bibig ng lalaking nakayupyop sa kanyang harapan. Hawak ang ulo nito na halos kanyang ipagdiinan.
Napahawak na rin ako sa ulo ng lalaking nagpapasasa sa akin at nagsimula na ring umindayog ang aking balakang. Pabilis nang pabilis habang hindi lumalayo ang mga mata ko kay Richard.
Ilang sandali pa, sabay kaming napapikit at napa-“aaahhh!” Nanginig ang aming mga katawan at sabay kaming nilabasan.
Hindi bumitiw ang dalawang lalaki. Sinaid nila at nilunok ang aming mga katas.
Pagkatapos magkabayaran, ibinigay sa akin ni Richard ang dalawang daan. Nakaramdam ako ng tuwa nang mahawakan ko ang pera. Ang bilis palang kumita sa ganoong paraan.
Niyaya niya akong kumain sa Jollibee. Umorder ako ng Chickenjoy.
“Magkita uli tayo sa Sabado,” ang sabi niya.
“Sige,” ang sagot ko habang sarap na sarap sa kinakain ko. (First time ko kasing matikman iyon.)
Inalok niya ako ng kanyang french fries.
Kumuha ako at sumubo ng ilang piraso.
Ngumiti siya. Lumabas ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi.
Ngumiti rin ako. “Salamat.”
Hindi ko maitago ang saya habang nakatingin sa kanya.
***
Bago ko namalayan, nakarating na pala ako ng Recto na siya talagang sadya ko. Inignore ko ang mga barker na nag-aalok ng diploma at thesis habang naglalakad ako sa bangketa.
Inisa-isa ko ang mga nagtitinda ng segunda-manong libro. Muli kong naalala si Richard dahil minsan niya na rin kasi akong sinamahan noon dito.
“Nag-aaral ka pala,” ang sabi niya.
“Oo. Yun talaga ang dahilan kung bakit nandito ako sa Maynila,” ang sagot ko.
“Mahirap ba?”
“Medyo. Lalo na kung laging kapos sa panggastos.”
“Kailangan mo ngang rumaket.”
“Pero kulang pa rin.”
“Barya-barya lang kasi talaga ang maaari nating kitain sa sinehan.”
Sandali siyang natigilan.
“Alam mo, Anton,” ang sabi niya sa akin pagkaraan. “Matagal ko na itong pinag-iisipan.”
“Ang alin?”
“Ang umiba tayo ng puwesto.”
Napatingin ako sa kanya, interesado sa sinasabi niya.
“Alam mo, para kumita tayo ng malaki, kailangan sa mga sosyal na lugar tayo tumambay. Sa mga mall. O kaya sa Malate.”
“Saang mall? At saan sa Malate?”
“Basta sumama ka lang sa akin. Ako ang bahala. Tuturuan na rin kita kung paano dumiskarte at magpresyo.”
Dinala niya ako sa Shangri-La at sa Galleria. Gayundin sa Nakpil-Orosa. Successful ang plano niya dahil nadagdagan ang kita namin. Para kaming na-promote. Kinailangan nga lang naming magbihis nang maayos at maging pino ang kilos. Pero kaagad din naman kaming nakapag-adapt.
Isang araw, bigla na lang nagpaalam sa akin si Richard. May naging customer siyang mayaman na inalok siyang maging boyfriend. Pumayag siya dahil may gusto na rin siya rito. At dahil pinangakuan siyang aalagaan, ipinagpasya niyang iwan na ang trabaho namin.
Nalungkot ako pero wala akong magawa. Kailangan kong tanggapin iyon dahil alam kong kahit paano aayos na rin ang kanyang buhay. Ikukuha raw siya ng sariling matitirahan. Matatakasan niya na rin ang kahirapan ng kanilang pamilya at maaaring makatulong pa siya.
Bago umalis si Richard, niyakap niya ako.
“Ingatan mo ang sarili mo. Mag-isa ka na lang.”
“Ikaw rin, mag-iingat ka.”
“Mahal kita, pare.”
“Mahal din kita.”
Umiyak ako pero alam kong hangggang doon na lang kami.
***
Natagpuan ko rin ang librong hinahanap ko. Kahit medyo luma na, binili ko pa rin. Nanganganib na kasi akong bumagsak sa subject na kung saan kailangan iyon.
Buti na lang malaki ang ibinigay sa akin ni Gilbert. Bukod sa nakabawas sa utang ko sa boarding house, nagkaroon pa ako ng pambili ng libro. Sa wakas, hindi na ako mahihirapang kumopya sa library. Makakapag-aral na ako nang maayos kahit nasa bahay. Sana magawa ko ring bilhin sa mga darating na araw ang iba pang mga libro na kailangan ko.
At sana muli kaming magkita ni Gilbert.
Hindi ko alam kung bakit na-wish ko iyon. Siguro dahil naging napaka-memorable ng encounter namin. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng pagtatangi sa isang customer. At nag-enjoy ako sa pakikipag-sex. Ibig sabihin, tao pa rin ako na may damdamin.
Hindi naman siguro masamang mangarap. At ma-in love. Kahit isa akong bayaran. Si Richard nga na katulad ko, nakahanap ng kaligayahan. Baka maaari ring mangyari sa akin ang nangyari sa kanya.
At kung mangyayari man iyon, sana kay Gilbert.
Maisip ko lang siya, nai-inspire na akong pagbutihin ang aking pag-aaral. Magsikap pang lalo at ayusin ang aking buhay.
Gusto kong gawin ang lahat upang maging karapat-dapat sa kanya.
***
Dumiretso ako sa Isetann pagkatapos. Naghapunan ako ng budget meal sa foodcourt.
Tapos, naglakad-lakad ako. Napagmasdan ko ang mga pa-pick-up na nakapuwesto sa bawat palapag. Patingin-tingin sa mga nagdaraan. Nakikipagtitigan. Nagpapapansin.
Alam ko ang pakiramdam. Alam ko kung paano maghanap ng prospect.
Kung noon iyon, baka ka-join pa nila ako sa mga ganitong pagkakataon. Pero in-upgrade na nga namin ni Richard ang aming mga sarili. Hindi na kami dumidispley sa ganitong mga lugar. At kahit iniwan niya na ako, ayaw ko nang balikan ang pinaggalingan namin noon.
Papalabas na ako ng mall nang marinig ko ang alias ko.
“Mark!”
Hindi ko iyon pinansin subalit umulit pa, gamit ang tunay na pangalan ko.
“Anton!”
Pamilyar ang tinig. Napahinto ako at napalingon.
Hindi ako makapaniwala nang mapagsino ko ang tumatawag sa akin.
(Itutuloy)
Part 5
12 comments:
ayyyy..i lovet!!! everytime na nababasa ko yung stories mo, parang gusto ko talagang maging isa sa mga characters nito, iniimagine ko..:))
mind-blowing. i wince at some parts and remind myself that this isn't autobiographical. but it's so damn real! ang husay mo magsulat!
@toffer: huwaw naman! parang gusto ko tuloy gumawa ng character na ikaw ang inspirasyon. :)
@john chen: masyado mo naman akong pinasaya sa comment mo, john. salamat. members na tayo ngayon ng mutual admiration society. hehe!:)
sino yun si Gilbert or si Richard? nakaka inspire story mo dude.. keep it up! thanks('',)
-shanejosh-
@shanejosh: alamin sa susunod na kabanata. hehe! thanks. sana lagi kang mag-enjoy. :)
i love the story.... nagbabasa ako ng blog mo pag wala na akong ginagwa sa ofiz. i really like the way you presented the story... keep it up!
--vhynez
@vhynez: hello. thank you. your comment inspires me to keep this blog going. take care always. :)
sigurado ka bang ficiton 'to? hahaha nde, ang galing kasi eh!
gling gling talaga… medyo matagal ako di nakasunod at namiz ko talaga blog mo. :-)
@c.c.: oo, fiction ito. pramis. hehe! thanks, gurl. :)
@rex: salamat, rex, sa patuloy na pagsubaybay. na-miss ko rin ang comment mo. :)
ganyan na ba ang mga sinehan na may double showing?
parang gusto kong pumunta sa ganyang sinehan at magpahada hahahahahahaah.
sumakit ang puson ko kay anton at richard.
@pilyo: ni-research ko ang location ng kuwento ko. pinuntahan ko talaga. hehe! naku, papa p., siguradong pagkakaguluhan ka roon! :)
Post a Comment