Dinala niya ako sa Bed, ang pinakasikat at pinaka-in na dance club sa Malate.
Nginitian niya lang ang receptionist, tuluy-tuloy na kami sa loob. VIP pala siya roon.
First time kong makapasok sa lugar na iyon at namangha ako kung gaano kasaya at kasigla sa loob.
Nagsasalimbayan ang makukulay na ilaw sabay sa tiyempo ng mabilis na tugtog. Siksikan ang mga kalalakihan sa dancefloor, gayundin sa ledge.
Ang daming guwapo. May mga hubad-baro na nagbibilad ng magagandang katawan. May mga nagyayakapan at naghahalikan. Malaya at walang pag-aalinlangan ang mga naroroon sa paghahayag at pagdiriwang ng kanilang kasarian.
Nakangiti at may kislap sa mga mata na pinagmasdan ko ang aking kapaligiran. Nakadama ako ng excitement, ng kakaibang tuwa. Para akong bata na napasok sa Enchanted Kingdom.
Napatingin ako kay Gilbert. Nakangiti rin siya habang pinagmamasdan ang aking reaksiyon. Hinawakan niya ang aking kamay at giniyahan niya ako papunta sa bar. Medyo gitgitan kaya nahirapan kaming makiraan. Mahigpit ang kapit ko sa kanya na parang takot akong mawalay.
“Hey, Gilbert!” ang bati sa kanya ng isa sa mga nakasalubong namin.
“Justin!” ang bati niya rin.
Nagyakapan sila.
“This is Mark,” ang pakilala niya sa akin. “Mark, Justin.”
Kinamayan ako ni Justin. “Nice meeting you, Mark.”
“Nice meeting you, too.” Nakangiti ako kahit medyo nahihiya. Deep inside natuwa ako sa pagpapahalaga sa akin ni Gilbert. Gayundin sa magiliw na tugon ni Justin. Parang nakalimutan ko ang tunay kong katayuan dahil sa munting respetong natanggap ko mula sa kanila.
Saglit silang nagkumustahan bago kami nagpatuloy. At bago namin narating ang bar, isa pang kaibigan ni Gilbert ang bumati sa kanya. Humalik pa ito sa pisngi niya. Sandali silang nag-usap.
“Si Mark nga pala,” ang baling ni Gilbert sa akin pagkatapos. “Mark, this is Brandon.”
Hinagod ako ng tingin ni Brandon.
“Is he your new boyfriend?” ang tanong niya kay Gilbert.
“What do you think?” ang sagot ni Gilbert.
Ngumiti si Brandon at niyakap ako. Dama ko ang mainit niyang pagtanggap sa akin. Hindi ko inaasahan iyon pero natuwa ako.
“Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko,” ang sabi pa.
Sumakay ako sa assumption niya. “Baka ako ang saktan niya,” ang sagot ko.
“I don’t think so. Mabait siya,” ang sagot niya. Na kaagad kong pinaniwalaan. At pinanghawakan dahil kung mayroon man akong pinangangambahan, iyon ay ang masaktan dahil sa namumuong damdamin ko kay Gilbert.
“Sikat ka pala rito,” ang sabi ko kay Gilbert nang nasa bar na kami.
“Marami lang kaibigan,” ang mapagkumbaba niyang sagot.
Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong inumin.
“Bahala ka na,” ang sagot ko. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang puwede kong orderin.
“Blue frog,” ang sabi niya sa bartender.
Isinilbi iyon sa amin na nasa pitsel at may dalawang straw. Ibig sabihin, magsasalo kami.
“Ito ang famous cocktail ng Bed,” ang pagbibigay-impormasyon niya. “It’s like no other and they do it best here. Kakaiba rin ang tama nito.”
Hindi ako pamilyar sa inuming iyon pero nang matikman ko, nasarapan ako. Manamis-namis at suwabe ang pasok. Nag-share kami sa drink at may mga pagkakataong nagkakatinginan kami at nagkakangitian habang nagsi-sip.
At dahil nagustuhan ko ang drink, naging sunud-sunod ang aking pag-inom at hindi nagtagal, naramdaman ko na ang sipa niyon. Kakaiba pala talaga. Dahil nawala ang inhibitions ko at lumakas ang loob ko. Naging madaldal din ako.
“Alam mo, Gilbert, ang saya-saya ko ngayon,” ang sabi ko.
“Bakit naman?” ang tanong niya.
“Dahil kasama kita.”
Ngumiti lang siya. Muli kong napagmasdan ang kaakit-akit na facial features niya.
“Ngayon ko lang uli naramdaman ang ganito,” ang patuloy ko. “Parang nakalimutan ko kung ano ako dahil sa ipinapakita mo sa akin. Na sa kabila ng pagiging mababa ko, tinatrato mo ako nang mabuti.”
“Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan. Mabuti kang tao and you deserve it.”
Parang haplos iyon sa aking puso. Gusto ko siyang yakapin bilang pasasalamat subalit parang hindi proper.
Muli, isang kaibigan ang bumati sa kanya.
At nang ipakilala niya ako, ako na mismo ang nag-volunteer ng pangalan ko.
“Anton. Ako si Anton,” ang sabi ko.
Kinamayan ako ng kaibigan niya. “Nice meeting you, Anton.”
May pagtatanong sa mga mata ni Gilbert habang nakatingin sa akin.
Pagkaalis ng kaibigan niya, nagpaliwanag ako. “Anton ang totoong pangalan ko. Alias ko lang ang Mark dahil sa trabaho. Habang maaga, puputulin ko na ang pagkukunwari at magpapakatotoo na ako. Ako si Anton Alvarez. Gusto ko uling magpakilala sa’yo. At sana tanggapin mo ako bilang ako at hindi bilang si Mark.”
Tumitig siya sa akin na parang pinag-aaralan ako. Saglit akong nawala sa softness ng kanyang mga mata. Maya-maya, ngumiti siya at inabot ang kamay ko.
“Ako si Gilbert Garcia,” ang sabi niya. “Ikinagagalak kitang makilala, Anton.”
Ngumiti rin ako at mahigpit na nakipagkamay sa kanya. “Salamat.”
Tumugtog ang “I Will Go With You”. Nakita kong nagliwanag ang kanyang mukha.
Hindi ako nakatanggi nang hilahin niya ako sa dancefloor upang magsayaw. Sabagay, wala naman akong dapat ipag-alala dahil isa iyon sa mga strengths ko. Bata pa ako mahilig na akong sumayaw at alam kong magaling ako.
Nagsimula kaming umindak. Hindi naglalayo ang mga mata namin sa isa’t isa. Siguro dahil sa makahulugang musika o dahil sa aking pagkalasing kung kaya ako na mismo ang naglapit ng aking mukha at nag-initiate ng halik.
Malugod niyang tinanggap ang aking bibig. At sa paglalapat ng aming mga labi, napapikit ako. Niyakap niya ako at para akong idinuyan. Nawala ang mga pangamba ko at agam-agam. Nakadama ako ng kapanatagan… ng comfort… ng proteksyon. Para akong naging invincible na walang maaaring manakit sa akin nang mga sandaling iyon. Parang nabura ang aking mga takot.
Nagpalit na ang tugtog, hindi pa rin ako bumibitiw sa kanya.
Maya-maya, bumulong siya sa akin.
“Halika, iuuwi na kita.”
***
Inuwi niya ako sa bahay niya.
Isang condominium iyon sa Makati. Masculine ang interior, minimalist ang dekorasyon at essentials lang ang mga gamit.
Napansin ko ang drafting table sa isang gilid. May nakapatong na blueprint ng plano ng bahay doon. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na ang kanyang propesyon. Isa siyang arkitekto.
Pagpasok namin sa kanyang silid, muli isang bagay ang napansin ko sa kanyang bedside table. Hindi ko naiwasang mapatitig doon.
Isang picture frame na may larawan niya kasama ang isang lalaki. Magkaakbay sila at parehong nakangiti.
Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ng lalaki. Guwapo. Mestisuhin. Maputi. Bagay na bagay sila. Sabi nga, a picture paints a thousand words. Parang nahulaan ko na kung sino ang lalaking iyon.
“My ex,” ang kanyang pagkumpirma.
Obviously, mahalaga pa rin ito sa kanya dahil sa larawang iyon sa tabi ng kanyang kama. Mahal niya pa rin kaya ito? May selos akong naramdaman kahit alam kong wala akong karapatan.
Kaagad na dinampot ni Gilbert ang picture frame at ipinasok iyon sa drawer.
“Tapos na ang lahat sa amin. It’s time for me to move on,” ang kanyang sabi.
Nilapitan niya ako. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok, ang aking mukha. Sapat upang pawiin ang anumang pagdaramdam sa aking dibdib.
Wala akong naging pagtutol nang hubaran niya ako.
Naghubad din siya at dinala niya ako sa banyo. Binuksan niya ang dutsa ng shower at dinaluyan kami ng masaganang tubig.
Sinalat namin ang depinisyon ng aming mga katawan. Gayundin ang hugis ng aming mga kaangkinan. Appreciatively, hinaplos-haplos namin ang mga sensitibong bahagi at nilaro-laro ang mga iyon.
Maya-maya, para akong bata na kanyang sinabon. Napapikit ako habang hinahagod ng kanyang mga palad. Pakiramdam ko, hindi lang dumi ng aking katawan ang kanyang tinatanggal kundi pati na ang unworthiness na nasa aking isip.
At dahil grateful ako, ginawa ko rin iyon sa kanya. Sinabon ko siya mula ulo hanggang paa. Subalit hindi iyon paglilinis kundi pagsamba.
Paglabas namin ng banyo, dumiretso kami sa kama. Humiga kami nang magkatabi. Humarap kami sa isa't isa at nag-usap ang aming mga mata.
Nagyakap kami at naghalikan. Nag-ugnayan ang aming mga katawan.
Nilasap namin nang walang pagmamadali ang tamis ng bawat sandali.
(Itutuloy)
Part 7
20 comments:
tagal na ako di nakakadaan. just want to say binabasa ko to sa google reader nalang dahil blocked na sa office magcomment. :c as always, wala ka paring kupas. idol!
@citybuoy: nilalagnat ako nang sulatin ko ito. pinilit kong tapusin kasi ayokong ma-disappoint ang mga nagbabasa. nahirapan akong mag-emote kaya medyo unsure ako kung maganda ba. pero dahil sa comment mo, confident na ako. salamat, nyl. :)
hope you are ok na...
bluefrog ! marami na ang nagpatunay sa tapang na dulot ng bluefrog!
see you at BED in December !
@the golden man: i'm feeling better now. sinabi mo pa. naging biktima na rin ako ng blue frog na yan. hehe! hope to see you when bed opens, my friend. :)
haaayss..sana matagpuan ko na rin si "Gilbert" ko..nice story po kuya..
hehehe...:D...masugid mo akong tagahanga..
@boytoy: pareho tayo ng wish. hehe! sulit ang effort ko sa pagsusulat dahil sa comment mo. thank you. :)
Naalala ko ang unang pagpasok ko sa Bed. Trauma, Trauma. Namolestiya ako! hahahaha.. I can't stop reading yer posts! At ang iyong mga adventures! :]
:) eto, eto ung blog na hinahanap KO!
Sana happy ending ah! Nag request hahaha
@iprovoked: talaga? haha! ingat next time o kaya iwas na lang. salamat sa patuloy na pagbabasa. masaya akong malaman na enjoy ka. :)
@ar-ar malalis: wow naman! maraming salamat. hayaan mo, gagandahan ko pa ang mga posts ko para sa'yo. :)
@jr: ako rin, gusto ko ng happy ending. hehe! :)
kua ang ganda pnalo kng mgsulat..sarap basahin.graduate k b ng journalism?
@arcee busy: hello. welcome sa blog ko. salamat sa nakaka-inspire na comment. lit grad ako. :)
you are so good. your writing is so sincere i can't help but be drawn to it emotionally.
@hidden mark: wow, para naman akong nag-levitate sa sinabi mo. you've made me so happy. thank you. at dahil diyan, higit ko pang pagbubutihin ang pagsusulat ko. promise. :)
Nice series! Di ko na mahintay yung susunod!
Kampai!
@m2mtripper: thanks. nice to hear from you again. kumusta ka na? :)
kuya aris, musta ka na namis ko mga kwento mo matagl na ko d nakapagbasa, xa nga pala ask ko may bed pa ba?
@jeticool: hello. mabuti naman ako. nag-close ang bed nang masunog pero magre-reopen daw this month. :)
Thought I would comment and say neat theme, did you make it for yourself? It’s really awesome!
grabe someone posted ur URL sa isang group page at para akong addict na di ko na tinantanang basahin ang mga stories mo malaman may sense at talagang nakaka addict....
Post a Comment