Nagkakilala tayo sa gym. Tapos, nag-coffee tayo. Usap-usap. Getting-to-know-you lang.
Nag-exchange numbers din tayo. At pagkatapos, tinext mo ako. Lumabas tayo uli.
Tatlong ulit iyon. At naipahatid mo ang mensahe na interesado ka sa akin. Good, dahil interesado rin ako sa’yo. Tagal ko na ring naghahanap ng serious relationship at pagkaraang mabigo nang ilang beses, nagkaroon uli ako ng pag-asa dahil sa’yo.
Kahit wala kang sinasabi, in-assume ko na doon tayo papunta. Mukha ka namang pursigido kasi. Seryoso at maalaga pa.
Ipinagpasya kong ipakilala ka sa mga kaibigan ko. Importante kasi sa akin ang approval nila. At saka, proud ako sa’yo. Gusto kitang ipagmalaki kasi guwapo ka, matangkad, maykaya. Good catch, kumbaga.
Winelcome ka naman nang maayos ng mga kaibigan ko. At masasabi kong na-charm mo sila. Umorder ka pa nga ng sisig for everybody and you paid for one round of drinks. Na-appreciate ko yung effort mo na magpalakas sa kanila.
But not until nagkaroon ako ng honest mistake. I don’t know, must have been the beer. Out of the blue, nag-text sa akin ang ex ko (na aaminin ko, may pitak pa rin hanggang ngayon sa puso ko). Ewan ko naman kung bakit sa’yo ko naipadala ang reply ko. Madamdamin pa naman ang mga sinabi ko. At dahil nag-I miss you siya, nag-I miss you too din ako.
At biglang naiba na nga ang timpla mo. Nagselos ka. Kinausap mo ako. Actually, kinumpronta. Quietly lang.
Kahit pasimple tayo, nakahalata ang mga kaibigan ko. At na-shock sila nang pagtaasan mo ako ng boses. Siguro dahil lasing ka na kung kaya nakalimutan mo na nasa harap nila tayo. Maaari ring galit ka na at frustrated dahil hirap na hirap akong mag-explain.
Bago pa lumala ang “away” natin at tuluyan tayong mapahiya, nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at niyaya na kitang umalis.
Napatunayan kong galit ka nga (offended, ang term mo) dahil hindi mo ako tinantanan habang naglalakad tayo. Ang lakas pa ng boses mo. Tahimik lang ako.
Subalit nang nasa taksi na tayo, nag-sorry ka. Bigla, para kang naging maamong tupa. Nag-sorry din ako dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nasira ang gabi natin. Sabi mo pa, gusto mo ring mag-sorry sa mga friends ko dahil sa inasal mo. I texted them na nagso-sorry ka pero wala isa man sa kanila ang nag-reply. Alam ko na ang ibig sabihin niyon, bagsak na ang ratings mo sa kanila. Pero hindi na ako nagkaroon ng panahong alalahanin iyon dahil hinawakan mo na ang kamay ko, dinala iyon sa iyong mga labi at hinagkan.
Nagulat ako nang utusan mo ang driver sa biglang-liko.
Naging sunud-sunuran ako sa’yo. At pagkaraan ng halos tatlong linggo na wala tayong ginawa kundi ang magbolahan at magpa-cute, isinuko ko sa iyo ang sarili ko.
Hindi lang pagsuko kundi pagbibigay nang buong-buo. Ginawa ko ang lahat upang paligayahin ka. I did my best to satisfy you.
I was feeling good afterwards. Dahil na-satisfy mo rin ako. Magaling ka pala sa kama. At kahit parang niluray mo ako, may napunuan ka na pangangailangan ko.
At inisip ko na pagkatapos niyon, mababago na sa atin ang lahat. Inasahan ko na magiging tayo na, na magiging pormal na ang relasyon natin. Handang-handa na akong makipag-commit sa’yo. Dedma na kung nakitaan kita ng masamang ugali dahil sa pagseselos mo. Dedma na kung ayaw sa’yo ng friends ko. Maaari pa namang maituwid ang mga pagkakamali.
But the morning after, hindi ka nag-text. Ako pa ang gumawa ng way upang magkaroon tayo ng komunikasyon.
At ang sabi mo: “You’re very special to me. Nahihiya ako sa inasal ko. Siguro kailangan ko muna ng time upang mapagsisihan ang ginawa ko kasi hiyang-hiya ako sa’yo at sa mga friends mo. Ayoko ring i-pressure ka na mahalin ako because, honestly, right now I don’t feel I am worthy of your love.”
Medyo dumugo ang utak ko sa pag-aanalisa sa tunay na kahulugan ng sinabi mo. At nang hindi ko na makayanan, I forwarded your message to my friends at hiningi ko ang opinyon nila.
Ang kanilang consensus: Ayaw mo na. Hindi mo lang ako madiretso.
Pero ayokong maniwala. Biglang-bigla naman yata. Bakit, na-disappoint ka ba sa performance ko? Ganoon ka ba talaga katinding magselos at hindi mo mapatawad ang wrong send ko. Sinabi ko naman sa’yo, ex ko na yun. May bago na siya. Gusto ko na ring mag-move on at ikaw na ang gusto ko.
Or masyado ba akong naging madaldal sa pag-e-explain ng sarili ko? Masyado ko bang ibinilad sa’yo ang damdamin ko at nakita mo na ang mga kahinaan ko? Nawala na ba ang misteryo ko nang magpakatotoo ako?
Nagpursige pa rin ako. Tinanong kita kung kailan uli tayo magkikita. (Siguro, isa rin ito sa naka-turn off sayo, ang pagiging makulit ko.)
Ang sagot mo, baka hindi muna kasi medyo magiging busy ka next week. Kailangan mong tulungan ang iyong Tita sa kanyang business, mag-a-out of town ka, etc. etc., yada-yada.
Alam kong alibi na lang ang lahat nang iyon. At unti-unti, nakita kong nag-crumble ang hopes ko na ikaw na nga ang hinahanap ko. Katulad ka rin pala ng iba. Paasa.
Masakit man, tinanggap ko iyon. At sino pa nga ba ang magiging refuge ko, kundi ang mga kaibigan ko.
They were very consoling. May mga “I knew it” and “I told you so” sila sa akin pero dama ko ang kanilang concern. Na nasasaktan din sila para sa akin. Hindi na kasi ako natuto, lagi na lang akong nahuhulog sa mga kagaya mo. Minsan, kulang na lang sabihin nila sa akin na ang tanga-tanga ko.
Ang speaking of sabi, huwag mo nang itanong kung ano ang sabi nila tungkol sa iyo. You wouldn’t want to know.
And so, tuloy ang ikot ng mundo. Sinimulan na kitang kalimutan. Pati ang gym na kung saan una tayong nagtagpo, iniwasan ko na. Marami naman silang branch.
Pero kung kailan okay na ako saka ka naman muling nagparamdam. (Karma ko yata talaga na hindi ako tinitigilan ng aking mga nakaraan.) Akala ko ba, ayaw mo na.
Initially, nangungumusta ka. Na sinagot ko naman nang maayos dahil polite ako.
Pero nauwi iyon sa pag-iimbita mo na manood tayo ng sine. Hindi ako makapaniwala. Bakit, na-miss mo ba ako? Na-realize mo ba na mahal mo na ako? Inisip ko rin na baka nalilibugan ka lang. Kung sakali man, okay lang dahil parang gusto ko ring makipag-do sa'yo.
Muli, pinairal ko na naman ang aking katangahan. O baka likas lang talaga akong romantiko at patuloy na naniniwala sa posibilidad ng love.
Nagkita tayo at nag-sine. Wow, it was like the first time. You were very nice. Nag-holding hands pa tayo. And, yes, we kissed.
Natunaw na naman ang puso ko. Nabura lahat ng mga hinampo ko. Para uli akong teen-ager na na-in love for the first time.
Nag-dinner pa tayo. And you were the sweetest. Nakinig ako at tumawa sa mga kuwento at jokes mo. Ang tingin ko sa’yo, ikaw na uli ang perfect guy for me.
At hindi tayo nag-sex. After dinner, you drove me home. Inuwi mo ako sa bahay ko na katulad ng isang nirerespetong babae.
Higit akong nagulat nang kinabukasan, Sabado, tumawag ka. Iniimbita mo naman akong gumimik. Hindi ako nagdalawang isip. Pumayag kaagad ako. Actually, may lakad na kami ng barkada nang gabing iyon. At nang sinabi ko sa kanila na kasama kita, isa-isa silang nag-cancel out. Alam ko, naiinis na naman sila sa akin. But no worries, lagi naman nila akong naiintindihan. Ang sabi ko na lang sa kanila: “Please, mga ate, gusto ko lang namang maging masaya.”
And so, nag-clubbing tayo na tayong dalawa lang. Ang sweet-sweet natin, para tayong mag-jowa. Buong gabi mo akong isinayaw, niyakap at hinalikan. Ang saya-saya ko. Sabi ko sa sarili ko, this is it. Ito na talaga. Buti na lang pinayagan ko na magkaroon tayo ng second chance.
That night, pinatulog kita sa bahay ko. Mas naging maalab tayo sa kama. Sinaid talaga natin ang lakas ng isa’t isa.
Nakatulog ako sa mga bisig mo na may ngiti sa mga labi.
Sabay tayong nagising. We looked into each other’s eyes. Hindi na natin kailangang magsalita. Naroroon na, nababasa na ang mga mensaheng gusto nating sabihin.
Nag-breakfast pa tayo together. At bago ka umalis, niyakap mo ako nang mahigpit.
Heaven ang pakiramdam ko nang bumalik ako sa pagkakahiga sa kama. Ang saya-saya ko. Sinasabi ko na nga ba, mali na hinusgahan kita noong una. I was tempted to text my friends. Gusto kong sabihin sa kanila: “Gurls, buti na lang binigyan ko uli siya ng pagkakataon dahil kung hindi, hindi ko sana mae-experience ang ganito kasaya.” But I decided against it. Ayokong muli ay magtaasan ang mga kilay nila. Sa akin na lang muna ang masarap na feeling na ipinagkaloob mo sa akin.
I was almost sure na pagdating mo sa bahay, magte-text ka kaagad sa akin o tatawag. Ina-anticipate ko na iyon.
Naghintay ako. Tik tak. Tik tak.
Subalit nakatulog na ako at nagising… nakapagsimba na ako at nakapag-gym… tahimik ka pa rin.
Hindi na ako mapakali. Tinawagan ko ang pinaka-close ko sa barkada. Kumonsulta na ako.
Nakikinig lang siya habang naglilitanya ako tungkol sa confusion ko sa behavior mo. I was just hoping na sana hindi nadagdagan ang dislike niya sa’yo.
“Call him,” ang sabi niya. “Once and for all, kailangan malaman mo, ano ba talaga?”
And so I did.
Ang tagal nag-ring ng phone mo, parang ayaw mong sagutin. At nang mag-hello ka, parang may alinlangan pa. Gayunpaman, lumukso pa rin ang puso ko pagkarinig sa boses mo.
“Hi,” ang sabi ko. Unsure pa ako kung paano sisimulan ang pagtatanong tungkol sa ating dalawa. “Hindi ka na tumawag or nag-text…”
“Uhm, nakatulog kasi ako,” ang sabi mo. “Tapos, inutusan ako ng Tita ko. May ipinagawa siya sa aking trabaho.”
“On a Sunday?” ang tanong ko.
“Yeah. Sa computer lang naman. Dito sa bahay. Pressure nga eh kasi minamadali niya ako.”
“Oh, I see.”
Pause sandali.
“About last night…” ang sabi ko pagkaraan, wanting to go straight to the point.
“Yeah, it was great,” you interrupted me.
Diniretso na kita. “ May ibig na bang sabihin iyon? Ano na ba tayo ngayon? Ano na ang status natin?”
Saglit kang natigilan. You cleared your throat bago ka sumagot.
“You are very special to me.” Mukhang narinig ko na yata ang linya mong yan. “You are a great person and I am not really sure if I deserve you. Natatakot ako na baka masaktan lang kita. Ayokong mangyari yun. You see, in six months time, I will be leaving for the States. Na-approve na kasi ang petition ko. If we are going to have a relationship now, masasaktan lang kita pag-alis ko.”
“Mahal mo ba ako?” Alam ko, hindi ko dapat itinanong iyon pero hindi ko na kasi mapigilan ang damdamin ko. I just had to know.
“Uhm, yeah. Precisely the reason why it is hard for me. Gustuhin ko mang makipagrelasyon, I really cannot kasi nga I am leaving. We can be really good friends, though. The love will always be there kahit magkalayo tayo. Yun na lang ang consolation natin. You get what I mean?”
No, I don’t.
“Nasa akin talaga ang problema. Magulo ang buhay ko. Hindi ako stable.” Blah blah blah.
The classic “It’s not you, it’s me.”
Pinatay ko ang telepono. Ayoko nang makinig sa mga bullshit mo.
Napayupyop na lamang ako at napaiyak. Ang sakit-sakit lang kasi ng loob ko. Feeling ko, pinaglaruan mo lang ako. Pinaasa. Twice over.
Isa kang malaking palaisipan. Higit lang akong mahihirapan at masasaktan kung iso-solve pa kita. I am giving up on you.
At bago pa ako muling bumigay dahil sadya nga akong tanga at mahina, just get out of my life, will you?
15 comments:
sa isang kaibigan ang kuwentong ito. isinulat ko lang. :)
ano na lang ang gagawin natin kung wala ang ating mga kaibigan...
PAPA ARIS, kala ko sarili mong kwento!
at least hindi sya fiction hehehe.
heartbreaking.. syet.. ganyan ang mga gusto kong kwento hahahaha. may umaalis, lumilipad, sinasaksak, naaaksidente, namamatay hahahaha. bad ko.
haayyy..akala ko pa naman sayo... bubugbugin ko sana eh..chos!:)
as usual..i super like it! :)
friend!!! hayyymisshhhhuuuuu! magbubukas na daw ulit ang ating playground ;)
napaisip ako sa ilang punto.
.
.
tulad nung pagbibilad ng sarili. karamihan yata sa nagkakagusto saken ang nagugustuhan lang nila yung misteryo ng pagkatao ko.
.
.
na pag nakuha na nila, nag-iiba na ang lahat.
@the geek: korek, my friend. mahirap ang walang karamay lalo na when we are hurting. :)
@pilyo: mas exciting kasi kung maraming twists and turns ang buhay, papa p.! haha! :)
@nicos: what can i say, my dear nicos. thank you thank you at patuloy mong nae-enjoy ang mga kuwento ko. :)
@mksurf8: i miss you too, my friend!!! at sa muling pagbubukas ng ating tahanan, looking forward ako na tayo ay muling magkakadaupang-palad. naks! hehe! see you very, very soon! :)
@anonymous: thanks. :)
@desole boy: minsan kasi parang challenge lang sa kanila na mapaamo ka. kapag nakuha na ang loob mo, nawawalan na sila ng interes. bakit kaya marami ang sadyang mapaglaro lang? *sigh!*
thanks again, db. by the way, ganda ng pic mo. sexy back! inggit ako. hehe! :)
Waah. I had my share of this kind of affair and I really hate the feeling. Sana maka-move on sya kaagad. Wish you well! :]
ang mga friends, nandyan lang yan parati. salamat sa kanila. pero ang boylet na type na type mo, minsan lang dumarating. kaya naiintindihan ko ang friend mo
*libog over friends*
@iprovoked: hello, bien. medyo ok na siya ngayon. hindi nga lang namin mapigilan sa paglalalabas. yun siguro ang kanyang paraan para makalimot agad. thanks for dropping by. tc. :)
@orally: oo nga. patay na patay siya dun sa boylet. wala siya halos makitang kapintasan noong una. pero, natauhan na siya. sabi ko nga, hanap na lang siya ng iba. dami diyan sa tabi-tabi. mas guwapo pa. :)
nagpakatanga nmn ang friend mo sa boylet nya.... sana ok na sya at nakapag move on sa ginawa nung boylet... pero i can t blame him ganyan din ako pag minsan hehehehe...
--vhynez
again... kudos.
You floored me. Are we living parallel lives? or is it na talagang similar ang mga situation.
I share the sentiments. Minsan, hinayaan kong maging isang malaking tanga! and I enjoyed it. Masochist siguro ako, pero aware na aware ako sa mga consequences pero hinayaan ko na lang at pinabayaan kong patuloy na saktan ako, pero wala sa akin. Kase sa letcheng dahilan that time na mahal ko nga.
At ang mismong katangahan na yan ang gumising din sa akin sa katotohanan. It took me 15 minutes to realize and 3 months crying accepting. But I got there. the hard way.
I am still referring to that person. Sa lahat ng hinanaing ko. sa isang taong ngayon ko lang narealize that despite na sakit ang natanggap ko, ay natutuhan ko ng kalimutan. Sa galit. sa isang matinding galit na naging depensa ko para hindi na ako masaktan.
at hindi ko ikinahihiya yun. Why? kase gusto ko tumalbog sa kanya ang lahat at ako ay nagdiwang. lols
on a less serious note, what is it that we always find ourselves in a very obvious situation and yet we find happiness in it? does not compute, pero we just accept. And realize the mistake later. with much cost.
You really nailed it here, Aris.
Congratulations.
kung masusulat ko lang mga ganyan stories, isa lang ang magiging common denonimator ko - anger.
have a nice weekend!
ay naku aris reresbakan ko sana kung sino tong hinayupak na toh eh... sabihin mo sa kaibigan mo, punta sha sa iskwater papabugbog ko yung kupal na bowa nya... ahihihi galet?
@desole kaw na! kaw na misterious at yummy at kanasa-nasa ahihihi...
so sad naman.. pero dont you think its the best for the both of them..
Post a Comment