Dumating si Richard sa takdang oras upang sunduin ako. Nakakotse siya. Mag-isa.
Hinanap ko ang sinasabi niyang makakapareha ko.
“Nag-back-out ang gago,” ang sagot. “Nag-bridal shower kagabi. Kinuyog ng mga babae. Nanlalata hanggang ngayon.”
“So, paano? Mag-isa na lang ako?” Naisip ko, mabuti. Sayaw-sayaw na lang ang gagawin ko. Wala nang sex.
“Nagawan ko na ng paraan. Meron nang kapalit.”
Wala talaga akong kawala. Tutol man ang kalooban ko, kailangan kong gawin ang ayon sa napag-usapan namin.
Nag-drive na kami papunta sa bahay ni Dan. Nasa isang exclusive subdivision iyon. Kinawayan lang ni Richard ang guwardiya sa gate, pinapasok na kami.
“Hindi ko pa nga pala nababanggit sa’yo,” ang sabi ni Richard. “Pinalipat na ako ni Dan sa bahay niya. Dito na ako nakatira.”
Pagdating namin sa bahay, isang mestisuhing lalaki ang nagbukas ng pinto.
Natigilan ako at napatitig sa lalaki.
Kilala ko siya! Hindi ako maaaring magkamali.
“Dan, si Anton.”
Pigil ang aking pagkagulantang.
“Anton, si Dan.”
Nagkamay kami. Nanginginig ang kamay ko dahil sa sorpresang hindi ko inaasahan.
Si Dan ang lalaking nasa larawan sa tabi ng kama ni Gilbert!
“Hi, Anton. Sa wakas, nakilala rin kita. O, bakit parang kinakabahan ka?”
Si Dan ang ex ni Gilbert. At si Richard ang dahilan ng kanilang paghihiwalay!
Hindi ako makapaniwala na napakaliit ng mundo naming apat. Sino ang mag-aakalang magkakadugtong pa pala kami?
Pilit kong pinagtakpan ang aking reaksiyon. “Ninenerbiyos lang ako sa gagawin ko.”
Ngumiti si Dan. “Huwag kang mag-alala. Hindi ka pababayaan ni Richard.”
Kunot-noo akong napatingin kay Richard. Tapos kay Dan.
“Hindi pa ba niya sinasabi sa’yo?” ang tanong ni Dan.
“Sasabihin ko pa lang sana,” ang sagot ni Richard. “Ayoko siyang mabigla.”
“Ang alin?” ang tanong ko.
“Pumasok nga muna kayo at dito na tayo sa loob mag-usap,” ang sabi ni Dan.
Tumuloy kami sa bahay. Kahit distracted ako, hindi ko naiwasang ma-impress sa interior ng bahay. Maluwag. Maaliwalas. Mamahalin ang mga kasangkapan. Kita mo kaagad na mayaman ang naninirahan.
Napansin ko rin ang mga pagkaing nakahanda na sa hapag.
“Dumating na ang catering?” ang tanong ni Richard.
“Oo. At pinag-off ko na rin ang mga maid,” ang sagot ni Dan.
Kaagad na nagsalin ng wine sa kopita si Dan at inabutan niya kami ng tig-isa ni Richard. Magkakasabay kaming tumungga.
“Ano ang dapat kong malaman?” ang ulit kong tanong pagkaraan.
Diretso ang sagot ni Dan. “Dahil nag-back-out ang macho dancer, si Richard na ang makakapareha mo.”
Napatingin ako kay Richard, gulat. “Sabi mo, may kapalit. Hindi mo sinabing ikaw.”
Nagpaliwanag si Richard. “Naghanap ako ng kapalit pero wala akong makuha. Ayokong masira ang plano ni Dan kaya naisipan kong mag-volunteer. Tayong dalawa na lang ang magpapareha. Itinawag ko kanina kay Dan at pumayag naman siya.”
Napatingin ako kay Dan, may pagtataka. “Okay lang sa’yo yun?”
“Hindi sana,” ang kanyang sagot. “Pero mapilit si Richard.”
“Wala naman kasi akong nakikitang masama,” ang sabi ni Richard. “Magkaibigan tayo. Trabaho lang ang gagawin natin, walang malisya. Mas mabuti na yung ako ang makapareha mo kesa yung hindi mo kilala.”
Touched ako. Sa loob-loob ko, pinairal na naman ni Richard ang pagiging protective niya sa akin.
“At saka wala na akong choice,” si Dan uli. “Gahol na sa panahon. Kaya nag-isip na lang ako ng paraan upang maitago ang identity niya.”
“Paano?” ang tanong ko.
“Maskara. Magmamaskara siya para hindi makilala.”
“Pati ba ako, magmamaskara rin?”
“Gusto mo rin bang itago ang iyong mukha?”
“Mas maganda siguro kung pareho kaming nakamaskara ni Anton,” ang sabad ni Richard. “Para uniform.”
“Okay. Sige,” ang sang-ayon ni Dan. “Mabuti na lang may naitabi akong mga maskara noong nagpa-masquerade party ako.”
“Nakatakip ba ang buong mukha namin?”
“Hindi. Mata lang. Dahil paano n’yo gagamitin ang inyong mga bibig?”
***
Mula sa silid na kinaroroonan namin ni Richard, aware kami sa isa-isang pagdating ng mga bisita. Hindi lang dahil natatanaw namin mula sa bintana ang pagparada ng kanilang mga sasakyan kundi dahil nauulinigan din namin ang mga usapan at tawanan nila.
Maya-maya pa, narinig na namin ang kalansing ng mga kubyertos. Ibig sabihin, naghahapunan na sila. Kami ni Richard ay tapos nang kumain (nag-akyat kami ng pagkain sa silid) at naghihintay na lamang na tawagin ni Dan.
Uneasy ako na hindi ko maintindihan. Bagay na napansin ni Richard.
“Bakit, may problema ba?” ang tanong niya.
“Wala naman,” ang sagot ko. “Kinakabahan lang ako.”
“Huwag kang kabahan. Kasama mo ako. Parang katulad lang ito noon na sabay tayong nagpapagamit.”
“Pero tayong dalawa ang maggagamitan ngayon.”
“May pagkakaiba ba yun?”
“Oo. Dahil kahit minsan hindi tayo nagdukutan. Kahit nga maghalikan, never nating ginawa.”
Tumingin siya sa akin nang mataman.
“Kahit minsan ba, hindi ka nakaramdam ng pagnanasa sa akin?” ang tanong niya.
Sinalubong ko ang kanyang tingin. Hindi ako makapagsalita.
Lumapit siya sa akin.
Nagbaba ako ng paningin dahil hindi ko magawang umamin na, oo, pinagnasaan ko siya unang kita ko pa lang sa kanya.
Hinawakan niya ako sa balikat. Itinaas niya ang aking mukha at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.
Hinalikan niya ako sa labi.
Sa halip na umiwas, tumugon ako. Napapikit ako at napakapit sa kanya.
May certain degree ng pagkauhaw na nagtunggalian ang aming mga labi. Matagal.
Nagkatitigan kami matapos naming magbitiw. Masasal ang tibok ng aking puso.
“Ako, aaminin ko,” ang sabi niya. “Hindi lang kita pinagnasaan kundi minahal pa.”
Hindi pa rin ako makapagsalita. Parang hindi ma-process ng utak ko ang rebelasyon niya.
“Pero noon yun,” ang dugtong niya. “Mahal pa rin kita pero hindi na sa paraang romantiko. Na kay Dan na ang damdaming iyon.”
Nanatili akong nakikinig.
“Mahirap ipaliwanag. Pero kung anuman ang gagawin natin ngayon, mapaghihiwalay nito ang libog sa pagmamahal. Parang closure para tuluyan nang makapag-move on. Huwag kang mag-alala, pagkatapos nito, mamahalin pa rin kita pero sa ibang lebel na. Wala nang pagnanasa. Kaibigan na lang talaga. Wala nang mga pagdududa at pagtatanong.”
Kahit medyo malabo, parang naunawaan ko ang pinupunto niya. Ngumiti ako.
Ngumiti rin siya. “Siguro naman, kalmado ka na ngayon dahil sa halik ko,” ang biro pa niya.
“Oo na.” Tumawa ako.
Ilang sandali pa, kumatok na sa pinto ng silid si Dan.
“It’s showtime!” ang sabi ni Richard. “Ready ka na?”
(Itutuloy)
Part 10
24 comments:
nakakabitin =)
may aabangan.
isa sa reason para bumalik-balik dito sa blog. hehe!
next please... =)
Wah! Kuya Aris bitin na bitin talaga ako antagal kong hinintay yung episode na ito! Ba't konti lang? Ahaha masyado naman yata po ako demanding hehe, pero galing ng connection nilang tatlo! C dan anton at richard. Well I can smell something fishy, ahahaha, akala ko ako na yung naunang makabasa meron pa pala. Hehe anyways I can't wait for the next one po! Pakaabangan, now na!
@nath: promise, ipo-post ko kaagad ang karugtong para hindi ka mabitin. salamat sa pagsubaybay. :)
@angel: wow, love your pic! ganyang-ganyan ang maskarang isusuot nina anton at richard. haha! :)
@xtremesolitude: salamat sa patuloy na pag-aabang. bibilisan kong sulatin ang next chapter para hindi ka mainip. :)
show time!
Nice one. :) Thanks sa pagbati. :)
@uno: huwag kang mawawala sa araw ng pagtatanghal. hehe! :)
@dalisay: maraming salamat din. :)
Can I share my stories here? ahihi... at ikaw din, pwede ka bang mainimbitahan na maging contributor sa FILWD? :)
naku kailan ang next installment? :) pag natapos na lahat, babasahin ko ulit ang mga kabanata ng tuluy-tuloy.
hala ka aabangan talaga 'to! =)
oo nga, aris. nakakabitin. pero parang may idea ako sa mga susunod na mangyayari (excited!). buti na lang may access na kame ulet sa office namen sa mga blogs. nakaka-miss yung mga kuwento mo.
How many chapters more?
Sundan mo na please!!!
=)
As usual, nakakabitin.
As usual, nag enjoy parin ako.
hehe
bumabalik na ang seryeng inaabangan ko! idol talaga kita aris. i smell something convuluted coming up! excited much! more! more!
@dalisay: sige, email kita. :)
@sean: hindi magtatagal ang karugtong. bibilisan ko, pramis. thanks, sean. :)
@paci: excited din nga ako sa karugtong. hehe! :)
@pyro: abangan! basta, may mga surprises pa. hehe! salamat, pyro. :)
@ms. chuniverse: baka tatlong chapters pa. pramis, post ko kaagad ang chapter 10. :)
@adam: salamat naman kahit nabitin ka, nag-enjoy pa rin. hehe! :)
@dsm: wow naman. salamat. excited din akong ituloy ang kuwento. may mga kaabang-abang pa. :)
ganda ng wento! puno ng wenta! hahaha ...next please bago ko makalimutan ang story ;-) galing ng talent mo, ano kelangan mo ba ng manager?
i like your stories aris... new reader lng ako ng blog mo.. i am usually reading MSOB and BOL pero ngaun lng ako d2...
Masakit sa Puso ang Chances..umiyak tlaga ako..:(
eto namang DOve, maganda xa,.... enjoy ako..hehehe
next na agad tol..tanx..
-JOSH
Antagal ko tong inabangan. Nagvacation kase ang blog mo. Hahaha. Exciting. Sana naman hindi tragic ang ending. Keep it up Aris. Idol! Hahaha. :-)
cant wait sa susunod na kabanata!
@jr: hahaha! ikaw, pwede ka ba? :)
@josh: hello. welcome to my blog. ang sarap namang malaman na nagustuhan mo ang mga pinagpaguran ko. nakaka-inspire! salamat, josh, at sana hindi ka magsawa. :)
@marvin: oo nga, sumabay din sa bakasyon ko. hehe! salamat sa patuloy na pagsubaybay. malapit na ang kasunod. ingat always. :)
@melovesflying: surely. done! :)
@ewan: lapit na. please, huwag mainip. hehe! :)
Hmm! interesting, I wonder why your blog is one of the highest rated blogs. Autobiographical? lol! I really don't know. Sorry ^_^
asan na ang kasunod? dali!
@gelovsky: hello, welcome to my blog. fiction ang series na ito. pero marami akong entries na totoo. thanks for dropping by. sana dalaw ka uli. tc. :)
@ester yaje: andiyan na po! (parang si trudis liit lang hehe!) :)
Post a Comment