“Thank you for calling CT Bank. This is Anton. How may I help you?”
Parang hindi pa rin ako makapaniwala kapag binibigkas ko ang mga salitang iyon. Gayundin kapag pinagmamasdan ko ang aking sarili at ang bago kong kapaligiran. Maayos. Malinis. Disente. Malayong-malayo sa kung ano ako at kung nasaan ako four months ago.
Four months. Maiksing panahon pero mahabang biyahe para maitawid ko ang aking sarili sa desperasyon. At hindi iyon naging madali dahil sa hopelessness at broken heart.
Pero nagawa ko. Sa tulong nina Richard at Dan. Lalong-lalo na ni Dan na hinayaan muna akong mag-wallow sa lungkot bago hinimok na bigyan ng bagong direksiyon ang aking buhay. Ang sabi nga, when you are down, there’s no other way to go but up. Kaya nang masaid at masagad ako, I just decided to pick myself up and do a turn-around.
Una kong ginawa, nag-quit muna ako sa pag-aaral. Mas makabubuting wala akong extra baggage. Trabaho. Iyon ang kailangan ko upang makapagsimulang muli. Trabahong ang pupuhunanin ko ay kakayahan, hindi katawan.
Ideya ni Richard ang call center. College level naman daw ako at mahilig mag-english. At dahil pareho silang naniniwala ni Dan na kaya ko, iyon ang pinagpursigihan ko.
Nag-apply ako at natanggap. Sumailalim ako sa training at napagtagumpayan kong i-overcome ang self-doubts. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa at tiwala sa sarili. Natuwa ako na malaki ang suweldo. Makakapamuhay ako nang maayos. Makakapag-ipon. Maa-afford ko pa rin ang single room sa boarding house. In time, muli kong maipagpapatuloy ang aking pag-aaral.
Nagmistulang isang pangit na panaginip na lamang ang aking nakaraan na gusto kong kalimutan. Subalit hindi ang mga alaala ni Gilbert. Masakit man ang aming kinahinatnan, gusto ko pa ring manatili iyon sa aking puso upang bigyang-saysay ang pagharap ko sa bagong kabanata ng aking buhay. Patuloy ko pa rin siyang iniibig at hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, muli siyang magbabalik. Ipinangako ko sa aking sarili ang maghintay. No matter how long it takes.
Nang araw na iyon, walang-wala sa aking hinuha na doon na pala magtatapos ang aking paghihintay.
“I would just like to clarify a few things regarding my account,” ang sabi ng nasa kabilang linya.
“Yes, sir. Can I have your name please?”
“Gilbert. Gilbert Garcia.”
Parang biglang huminto ang aking puso. Para akong nabingi at napipi. Parang nag-shut-off ang lahat sa paligid ko.
“Hello? Are you still there?”
Ang tinig na iyon. Hindi ako maaring magkamali.
After four months… ang pinakaasam kong pagkakataon…
“Gilbert…” ang nagawa kong sabihin pagkaraan ng ilang segundo. “Ako ito… si Anton.”
***
Isang pagtitiyap ng tadhana. A one in a million chance. Okay, exaggeration. Pero parang ganoon na rin ang kahulugan niyon sa akin dahil sa dinami-dami ng agents na nasa floor nang mga sandaling iyon, sa akin pumasok ang kanyang call. Isang mapagpalang kamay ang tiyak na nag-guide ng pangyayaring iyon.
“Ako si Anton,” ang ulit ko. “Si Mark.”
Hindi man siya tumugon, naulinigan ko ang pigil na singhap ng pagkagulat at rekognisyon.
“Dito na ako nagtatrabaho,” ang patuloy ko, kesehodang naka-record ang conversation namin. “Hindi nasayang ang mga ginawa mo para sa akin noon. Kahit nawala ka, naituwid ko pa rin ang buhay ko. Ginawa ko ito hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa’yo.”
Tahimik siya.
“Gilbert, I need to see you. Kailangan nating mag-usap.”
I was half-expecting na ibababa niya ang telepono subalit nanatiling nakabukas ang linya. Nakikinig lang siya sa akin, dinig ko ang kanyang paghinga.
“Kailangan kong magpaliwanag sa’yo at humingi ng tawad.”
Tahimik pa rin siya.
“Gilbert, please…” ang samo ko. “Galit ka pa ba sa akin?”
Walang tugon maliban sa isang buntonghininga.
Nawawalan na ako ng pag-asa at parang gusto ko nang gumive-up at maiyak nang siya ay magsalita.
“Hanggang anong oras ang shift mo?”
***
Sa liwanag ng sumisikat na araw habang ako ay nasa isang sulok ng coffee shop, nakita ko siyang paparating. Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan habang papalapit sa akin. Mas matindi ang pananabik na aking nadama kaysa tuwa. Pinigil ko ang aking sarili upang siya ay salubungin at yakapin. Nanatili akong nakaupo, nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung nakangiti ako pero ang tiyak ko, mangha ako. Noon ko lang lubusang napagtanto kung gaano siya kakisig, higit sa imahe na nanatili sa aking isip.
Naupo siya sa harapan ko. Sinubukan kong salubungin ang kanyang mga mata subalit labis na makapangyarihan ang kanyang titig. Para akong whipped cream na nagsimulang matunaw sa iniinom kong frappe. Nagbaba ako ng paningin.
“Kumusta ka na?” ang narinig kong sabi niya.
Nag-angat ako ng mukha at nakita kong nakangiti siya.
Ngumiti rin ako sabay sa pagbalong ng luha sa aking mga mata. Nag-uumapaw ang emosyon sa aking dibdib na hindi ko mapigil.
“Bakit ka umiiyak?” ang kanyang tanong.
“Hindi ko alam. Masyado lang siguro akong overwhelmed,” ang aking sagot.
Pinahid niya ang luhang dumaloy sa aking pisngi.
“Huwag ka nang umiyak,” ang sabi niya.
Napasigok ako dahil sa pagpipigil. Nakakahiya subalit nagsisikip talaga ang aking dibdib.
“Gilbert, I’m sorry,” ang sabi ko pagkaraan ng ilang sandali matapos kong i-compose ang aking sarili.
Nakatingin lang siya sa akin.
“Pinagsisisihan ko ang aking ginawa dahil alam kong nasaktan kita. I just didn’t want to burden you with…”
Dinala niya sa aking mga labi ang kanyang daliri.
“Ssshh. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Sinabi na sa akin ni Dan ang lahat. Naiintindihan ko na.”
Muling namasa sa luha ang aking mga mata.
“Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Napatunayan mo na kung ano ang iyong hangarin.”
“Gilbert…”
Hinawakan niya ang aking kamay. Nadama ko ang init ng kanyang palad na kaagad dumaloy sa aking braso at tumuloy sa aking puso.
“Ako ang patawarin mo dahil hinusgahan kita,” ang sabi niya. “Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon dahil hindi ko kayang mawala ka sa akin.”
***
Pagkaraan ng mahabang panahon, muli akong tumapak sa Malate. Habang naglalakad sa kahabaan ng Nakpil, nanumbalik ang mga alaala ng aking nakaraan. Subalit wala akong pait na naramdaman o pagwawaksi man, dahil bahagi lahat iyon ng pagkatao ko ngayon.
Halos walang ipinagbago ang lugar. Masaya pa rin, sa kabila ng pagkukubli sa mga drama at personal na pakikihamok sa buhay ng bawat taong naroroon.
Nakapuwesto pa rin sa kanto ng Orosa ang suki kong vendor. Bumili ako ng isang stick ng Winston Lights at nakisindi. Nanigarilyo ako at muling pinagmasdan ang aking kapaligiran.
Patuloy ang hugos ng mga tao sa bar sa tapat. Sabay sa beat ng music ay ang mga tawanan at pingkian ng mga baso at bote ng alak. It was all too familiar. Katulad na katulad noong una kong makita si Gilbert.
“Excuse me, pwede ka ba?” Isang tinig mula sa aking likuran.
Pumihit ako at hinarap ang nagmamay-ari niyon.
“Sorry, hindi na ako nagpapa-booking,” ang sagot ko.
“Bakit? Ang guwapo mo pa naman.”
“Booked na kasi ako for life.”
“Kanino? Ang swerte naman niya.”
“Sa iyo.”
Ngumiti ako at yumakap sa kanya. Niyakap niya rin ako. Si Gilbert.
Hinawakan niya ang aking kamay. At naglakad kami patungo sa direksiyon ng Bed.
Mahaba ang pila pero sa VIP entrance kami tumuloy. Kaka-resurrect lang ng Bed pagkaraang masunog. Higit na maaliwas at maluwag sa loob.
Nagulat ako at natuwa nang makita ko sina Richard at Dan. Niyakap nila ako nang mahigpit.
Naroroon din sina Justin at Brandon na malugod din akong binati.
Dinala ako ni Gilbert sa dancefloor. He held me close, like he was afraid to lose me in the crowd.
“I love you,” ang bulong niya sa akin.
Sa tanglaw ng aandap-andap na ilaw, hinanap niya ang aking mga labi.
At pagkatapos, kami ay nagsayaw.
84 comments:
weee... panalo ang ending.. buti naman at maganda ang ending..
thanks for a nice story..
at kailangan sa CT bank talaga sha ngtatrabaho? hehehehe
*Applause*
Heartwarming... :)
@virex: happy ako na nagustuhan mo. salamat din sa pagbabasa. :)
@luis batchoy: why not? hehe! :)
@pipay: wow, thanks a lot. sana abangan mo rin ang susunod na series. :)
OH EM GEE!!! Now i will read everything all over again. =)
what an awesome journey Aris, i love the ending, inspiring. thanks for weaving this story and sharing it to us.
touching!
i cannotwait for more stories aris.
@ms. chuniverse: thank you, mare, for appreciating. :)
@dsm: thank you also for allowing me to share this story with you. :)
@ewan: salamat. may binubuo na akong bagong series sa aking isip ngayon. sana magustuhan mo rin. :)
yay! happy ending. pero naiyak pa rin ako. at tulad ni ms. chuni, babasahin ko ang lahat ng tuloy tuloy! thanks aris!!! mwah!
awwwness that's cute! =)
haaaaaaay tapos na... wala na yung pagaabang ko araw araw ng susunod na kabanata haaaaaay pero ang galing! :D
next! :D
nice.
ano pla ngyari after? hehe
nakapag-aral sya? patuloy parin syang nagwowork?
-kokey
Para akong whipped cream na nagsimulang matunaw sa iniinom kong frappe.
(cute ng line na ito)
thanks sa magandang ending... kisses to gilbert and anton, most esp to ARIS...
@sean: salamat din. sana ma-enjoy mo uli ang rereading. mwah! :)
@paci: napa-smile ako sa comment mo. thank you. :)
@rygel: sana magustuhan mo rin ang bagong kuwento na binubuo ko ngayon. soon! salamat, rygel. sana huwag kang magsawa. :)
@kokey: sasagutin ang mga tanong mo ng sequel. perhaps? hehe! :)
@wasted: kisses to you, too. and tight hug na rin. salamat. :)
kudos sayo aris!
what a great series...
keep up the good work!
never stop writing!
@sivrej: with comments like yours, how can i not be so inspired to keep on writing? :)
"“I love you,” ang bulong niya sa akin.
Sa tanglaw ng aandap-andap na ilaw, hinanap niya ang aking mga labi.
At pagkatapos, kami ay nagsayaw."
three simple words that could forever change a lifetime.
yun may next pa..
update mo agad :)
keep it up.
-kokey
@the golden man: you are so very right, my friend. :)
@kokey: we'll see kung magkaka-sequel pa. hehe! :)
All's well that ends well! Ang galing ng ending ^_^ Yay!
akalain mo nga naman, sa dami ng agents sa floor, kaw nakasagot! destiny na siguro un...
napaadaan lang ako, pero nagustuhan ko ung story moh... more power! ^^
haaaay *u* someday, may ganito rin ako. i always love reading your stories.
awwww....
kakilig naman..
laging mo talaga aris :))
ang ganda ng ending!!! sobrang inaabangan ko 'to!
:)
Nakakakilig yung ending. Hahaha. Grabe! Akala ko matagal ko pa tong hihintayin! Buti naman nandyan na. :-)
makes us hope. beautifully written. as always. a story about picking up the shattered pieces of one's self after a devastating break up next time aris. a sort of self-help guide. for sure many need it. oh, i almost forgot. thank you...
esf
thank you. thank you. =)
panalo ang ganda ng ending...so precise that it amazes me much to the point of capturing my being...
i admired (envied...just kidding)...your talent in writing
such a beautiful mind to create a such...
good luck and more stories soon Aris....
racerboi
love is not an easy game to play..we dont know if win or loss in this game called love...nkarelate ako sa kwento...almost the same fate ang nangyari but the ending is not the same..he passd away two years now..ako ung buhay nya..lahat at everything..pero naiwan ako...living together for 15 years as couple...well, thank you for making this story that serves as my sedatives in time of my depression...keep up the good work.. aries....
at nagkatuluyan din sila. I like. :)
Aris, eto na ba yung last chapter. Parang nabitin pa ako. parang gusto ko pa makabasa ng next chapter. hehehe
cute ng ending :)
new lang po here :P
ang ganda ng ending.. :)
Salamat aris! :)
@gelovsky: ang saya, di ba? natutuwa ako na nagustuhan mo. :)
@leonrap: would you believe na kaya ginamit ko ang scenario na ito dahil nangyari sa akin ito? nang minsang tumawag ako sa credit card company ko, ex ko ang nakasagot!
thanks sa follow. :)
@c.c.: thank you, girl. sure ako, darating din sa'yo ang ganitong happiness. :)
@jay: ay ako rin, kinilig. hehe! salamat. :)
@anonymous: salamat sa pagsubaybay. sana abangan mo rin ang susunod na kuwento. :)
@marvin: medyo naabala pa rin nga eh. pero natutuwa ako na hindi ka nainip sa paghihintay. thanks, marvin. :)
@esf: sabi nga, to love is to hope.
about the self-help guide, maybe one day, kapag confident na ako sa wisdom na naibigay sa akin ng mga napagdaanan ko. hehe!
salamat din sa pag-appreciate sa mga pinaghihirapan ko. :)
@rising mark: salamt din sa iyong pakikibahagi. :)
@racerboi: dahil sa sinabi mo, para tuloy gustung-gusto ko na uling magsulat ng bagong series. salamat. sana patuloy mong ma-enjoy ang mga susunod pang kuwento. :)
@anonymous: i am sorry to hear about your loss. i am thankful, though, that in my own little way, i am able to ease your pain. i hope you will still find it in your heart to love again. :)
@james-m.i.: for now, hanggang dito na lang muna ang kuwento nina anton at gilbert. pero malay natin, baka maisipan kong gawan ng sequel para malaman natin kung ano ang nangyari after. hehe! :)
@retained_21: welcome to my blog. salamat sa follow. sana lagi kang dumalaw. :)
@nicos: salamat din sa'yo sa patuloy mong pagbabasa. :)
This will be my story <3
@mharean: thanks for dropping by. :)
:)
This is my first to comment here in your blog Aris. I have to say...
CONGRATULATIONS!!!!!
Dove is one of the stories I never expected that I could read. That I could encounter. Not even in my dreams.
Thank you Much Aris.
Dove is really a thoughtful and inspiring story.
God Bless.
-jd_bi402
@jd_bi402: wow, thank you, thank you! alam mo, medyo nilalagnat ako ngayon. pero dahil sa comment mo, bumuti ang pakiramdam ko. :)
*sigh*
when do i get to meet my gilbert. pero di ko feel name niya. hehe
*super like!!!*
@icarusboytoy: masaya ako na nagustuhan mo. maraming salamat. :)
Aris you're such a remarkable writer.... It's been months since I last read a post from your blog and I must say you are still one of the best.... Hope to see this publish in time.... Kudos to you!!!
@ivarro: thank you very much for your kind words. sana nga, one day, maisalibro ang mga isinusulat ko. :)
its very natural! hinango mo ba sa totoong buhay e2 frend? nice story at may aral na mapupulot. keep up d good work. tnx po.
@zrmo60: salamat din. yup, may pinaghanguan sa totoong buhay. sana patuloy kang mag-enjoy sa mga kuwento ko. :)
omg friend hongondo! naiyak ako ng todo todo.
hay ngayon lang ako nagbackread ng bonggang bongga!
*clap* *clap* *clap*
@mike: friend, salamat sa pagtitiyaga. i am so happy na nagustuhan mo kahit na naiyak ka. dahil sa comment mo, inspired na uli akong gumawa ng next series. :)
As per by ur suggestion my Aris, Binasa ko to. Waaaahhh.. its already 2:20am. Natapos ko din basahin.. Tsk tsk tsk. Two Thumbs up! Galing mo talaga... Flawless ang pagka.sulat. Mahal ko na ang mga characters. Hehehe.. Esp. Anton and Gilbert. Syempre, mahal na rin kita my Aris. Wink :)
Looking forward sa mga susunod na mga stories. Madami pa akong dapat basahin sa mga post mo. Hehe.. Regards. :)
@adventure: wow naman, talaga lang ha? hehe!
buti na lang hindi ako napahiya sa pagrerekomenda. salamat uli sa pagbabasa. at sana patuloy mong ma-enjoy ang iba ko pang mga istorya.
ingat always. :)
bravo...super ganda ng kwento...
@sweetjhon: maraming salamat sa patuloy na pagbabasa. :)
ive read it from a friend on fb, at sa totoo lang nagandahan ako the flow of the story was effortless every bit of it is worth reading, nakicomment lang ako to personally thank the author, aries this one, was one of my personal favorites sa category ng M2M love story, pati ung plantation resort inaantabayanan ko rin (",)
@josh: talaga? may nag-post nito sa fb? thank you for your message, for letting me know how much you appreciate the story. happy ako na naging favorite mo ito. at sana rin magustuhan mo ang plantation resort. hope to hear from you again soon. tc. :)
Opened new doors for me. Thanks :)
Kababasa ko lang nito kagabi, hehe... Pasensiya naman sa late comment. Hmm... After I read it, ang weird ng feeling. I don't know. :)
Aww ... Aris! Ano ba? Nakakakilig lang. Haha! 1:19 na ng umaga at nandito parin ako sa harap ng computer para lang matapos 'tong kwento mo. Aww! Kasi naman eh. Haha! Nakakainspire ka talaga. Sana, magkaroon din ako ng love story na tulad nito. Kaso 16 palang ako at feeling ko, pang 20 pataas yung mga ganyan kaya kailangan ko pa maghintay. Kaso problema ko din kung mangyayari nga sakin yan, ang hirap lang kasi magtago kung ano talaga ako. Ang daming matang nakatingin, hindi ko alam kung kelan ako aamin o kung aamin pa ba ako. Basta Aris, salamat talaga. Alam mo bang madalas na akong mawalan ng pag-asa sa love life pero kapag nakakabasa ako ng kwento mo, parang nabubuo ulit yung pag-asa sakin. Ano ka ba Aris, may exam pa ako bukas pero dahil sa kwento mo, mas pinili ko 'to basahin kesa magreview. Haha! Salamat Aris! More stories to read :D
@anonymous: salamat din. :)
@orange: i hope inspite of the weird feeling, na-enjoy mo pa rin ang story. :)
@7th: thank you. thank you. i'm so happy na napasaya kita. pero ang studies mo ha? huwag pababayaan. you're still very young. marami pang happy surprises sa'yo ang buhay. huwag ka lang maiinip, tiyak na darating sa'yo ang nakalaan. ingat always. :)
wahhhh.... nakakakilig ang mga bawat pahina ng DOVE.... hay so amazing and full of love.... its a very very beatiful story.... ramy
@anonymous: favorite ko rin ito. would you believe na binabasa-basa ko rin ito kapag medyo sad ako. patronizing my own. haha! thanks, ramy. :)
ang ganda. the best ang dove sa laht. :)
CLAP CLAP CLAP!!!
Applause to the writter ang galing lumuha ako kinilig ngumiti at nangarap magmahal ulit....
wow... galeng! IDOL na talaga kita, galing mo sumulat..
@anonymous, anonymous and lotharjohn: wow naman. salamat sa inyo. sana patuloy kayong masiyahan sa mga kuwento ko. ingat always. :)
aries,thank you for a the nice ending,sa wakas natapos din ang pagbabasa q and i was inspired hopefully it will happen to me..sna kung gaano kaganda ang kwnto mo ganun din ang lovelife mo(my wish for you.tc)....
@bongjay: salamat din sa pagbabasa at sa wish mo para sa lovelife ko. hehe! masaya ako na nag-enjoy ka sa kuwento ko. you take care too. :)
hey aris... just dropping by.. and i just now finish reading this story,, it was gud and inspiring.. no matter what you are.. time will come for you to be happy.. just wait until it comes..
@rokai: sana patuloy mong ma-enjoy ang iba ko pang mga kuwento. salamat, rokai. :)
ang ganda naman ng story.. nakaka'inspire para mainlab ulit... wew!!! hehehe
I just saw this sa facebook. first time kong magbasa ng blog mo and I must say, nadala ako. I can't stop my tears from falling. Ang ganda ng story and the comments are very true... there are lessons that I've got and ang sarap nyang basahin. Thanks and congratulations to you Aries for coming up with this great story. Now, mukhang magiging fan mo na din ako. hahaha. keep it up! :)
-Kharlo
@haroldjhake: maraming salamat. at dahil sa comment mo, na-inspire din akong magpatuloy sa pagsusulat. :)
@kharlo: wow, pinasaya mo naman ako sa comment mo. i hope you'll enjoy my other stories as well. :)
i recomended your stories to my friends sobrang galing kasi ng pagkakahabi ng mga istorya...
U'r the best talaga aris keep on writing!!!
@choie: thank you for spreading the word. surely i will keep on writing for your enjoyment. :)
Panalo! Ikaw na Aris! ikaw na ang makapagpapatumba sa Precious Hearts Romances..haha!
You made me believe that love does exist in same sex relationships. Na-inspire ako sa kuwentong to!
@torn.prince: wow. haha! it feels good na nagustuhan mo at na-inspire ka sa kuwento ko. maraming salamat. :)
It was so nice aris... i've been here just yesterday. Napakahusay mong magsulat.
@almondz: thanks, almondz. sana patuloy kang mag-enjoy sa pagbabasa. :)
Ang ganda naman. :-)
@pink 5ive: thank you. sana ma-enjoy mo rin ang iba ko pang mga kuwento. :)
Bravo! Ang ganda po nitong kwento niyo, medyo Memoirs of a geisha. Gustong gusto ko po talaga ang style niyo at ang mood ng mga stories, demystifying at medyo pessimistic (Buti happy ending 'to!) Salamat Po Amiel
Ang lupet ng kwento...how i wish i have the same love story...thnx for publishing this inspiring m2m story...
Well written story, Aris! Kudos. This is totally inspiring! :)
Post a Comment