Sunday, February 20, 2011

Closure

“Smoke muna ako,” ang paalam ko. May tama na ako at kailangan kong magpa-sober.

It was a Saturday night at nasa Bed ang barkada. Lumabas kami upang ipagdiwang ang Valentines at i-cheer up ang mga walang jowa.

“Tara, samahan ka na namin,” ang sabi nila.

Umakyat kami sa rooftop sa pangunguna ko kahit na medyo umeekis ang lakad ko.

Daming tao sa itaas. I inched my way patungo sa may barandilya, nakayuko at hindi masyadong tumitingin. At dahil medyo lasing na nga ako, nabangga ako sa isang lalaking nakatayo.

Nag-angat ako ng paningin at natigilan ako.

It was him.

Nagtama ang aming mga mata at sandaling tumigil ang aking paghinga. Kadalasan kapag ganitong lasing ako, ang lakas ng loob ko at walang hiya-hiya. Pero sa hindi inaasahang paghaharap naming iyon, natameme ako.

I knew I should say hello, o kahit ngumiti man lang, pero nanatili akong blangko.

At bago ko pa nagawa ang anumang dapat, nahila na ako ng aking mga kaibigan palayo sa kanya.

He was somebody from my past. And I used to call him Mr. Perfect.

***

Nagsindi ako ng sigarilyo, humithit at bumuga ng usok sabay sa pagdama sa ihip ng hangin. I was still holding a bottle of beer na kaagad kong tinungga. Parang nawala ang aking pagkalasing dahil sa nangyari.

Sumulyap ako sa kanya, panakaw. At saka ko lang napansin, hindi siya nag-iisa.

Nakahawak sa baywang niya ang lalaking kausap niya at masyadong malapit ang mukha nila sa isa’t isa. Tumawa siya bilang reaksyon sa sinasabi ng lalaki at may kirot akong nadama.

Nakatingin sa akin ang best friend kong si Ace, very much aware sa pagkaligalig ko. Sa barkada, siya lang ang tanging nakakaalam tungkol sa amin ni Mr. Perfect.

Iniwas ko ang aking mga mata at nagkunwari akong nakikinig sa kuwentuhan ng barkada. Subalit hindi ko pa rin siya maiwaksi sa aking isip. Tila tumatak ang kanyang itsura sa aking hinagap sa maiksing sandaling iyon na napatitig ako sa kanya.

I was trying to concentrate on what one of my friends was saying nang bumulong sa akin si Ace.

“He’s looking at you.”

“Huh?”

“Yeah.”

“Shut up.” Ayokong maniwala. At lalong ayokong tumingin sa direksiyon niya.

Nagpatuloy ako sa pag-inom at pagyoyosi. Nakisali pa ako sa usapan ng mga kaibigan ko. But at the back of my mind, I was actually wondering: tumitingin nga ba siya talaga?

At hindi ko natiis. Tinapunan ko siya ng sulyap, halos palihim, upang kumpirmahin.

Tama si Ace. Tumitingin nga siya. At huling-huli ko siya.

Sa kabila ng distansiya, hindi ko alam kung bakit kitang-kita ko pa rin ang pagiging maningning ng kanyang mga mata. Sandali lang iyon subalit may kakaibang epekto sa akin kaya kaagad akong naglayo ng tingin.

“I told you so,” ang sabi ni Ace na pinagmamasdan pa rin pala ako.

***

Nakilala ko siya isang panahong hindi ako naghahanap. Nagtagpo ang aming landas sa bar na kung saan madalas kaming uminom ng barkada. Pareho kaming mag-isa at may hinihintay, nakaupo sa magkatabing mesa. At dahil hindi nga ako naghahanap, hindi ako masyadong tumitingin kaya hindi ko siya napansin.

Nang lumapit siya para makisindi, saka ako parang nagulantang. Kakaiba ang ningning na nakita ko sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Para akong nataranta sa pag-aabot sa kanya ng aking lighter. At nang bumalik na siya sa kanyang kinauupuan, hindi ko na naiwasan ang pagsulyap-sulyap sa kanya.

At nang mahuli niya ako, ngumiti siya at na-take note ko ang mapupula niyang labi at mapuputing ngipin. Ngumiti rin ako.

“Are you alone?” Nagkasabay pa kami sa pagtatanong.

Nagsimula kaming mag-usap. Nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan siya nang mataman at hindi ko naiwasang humanga sa kanyang kaguwapuhan.

At dahil medyo awkward ang space na nakapagitan sa amin, tumayo siya upang lumipat sa mesa ko.

“Okay lang?” ang tanong niya pa bago naupo.

“Sure. Sure.” Magagawa ko bang tumanggi gayong attracted na ako sa kanya?

Nagpatuloy kami sa aming pag-uusap. Honestly, hindi ko na maalala kung anu-ano ang mga napag-usapan namin basta kinalaunan, tawa na kami nang tawa dahil nagkatugma ang sense of humor namin.

Maya-maya, dumating na ang hinihintay niya. Ipinakilala niya sa akin. Best friend niya raw.

Dumating na rin si Ace at ipinakilala ko rin.

“Siyanga pala, ako si Johann,” ang sabi niya.

“Aris,” ang sabi ko naman.

“Gorgeous,” ang comment ni Ace pagkaalis nila.

“Yeah, he’s perfect,” ang sang-ayon ko.

“Did you get his number?”

“No. I didn’t.”

***

Akala ko hanggang doon na lang iyon. Subalit isang araw na namasyal kami ni Ace sa mall, muling nagkrus ang landas namin ni Johann.

Naisipan naming magkape muna bago umuwi. Pagpasok namin sa coffee shop, siya ang nabungaran namin. Nagkakape rin kasama ang kanyang best friend.

Ngiting-ngiti kami sa aming pagkikita. Kumaway pa kami sa isa’t isa.

Inimbita niya kaming jumoin sa table nila. Medyo alinlangan si Ace pero napilit ko rin.

Buti na lang dahil naging napakasaya ng kuwentuhan namin. Hindi ko naiwasang higit na humanga sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang nagsasalita, nagmumuwestra at tumatawa. There was something about him na totoong kaiga-igaya – must be his easy manner or his being exceptionally good looking.

Just before we said our goodbyes, nagpalitan kami ng number.

And that same evening, nagtawagan kami at nag-usap hanggang 2 a.m.

***

Tila hindi pa naging sapat iyon dahil kinabukasan, nagkita kami.

Over dinner, I learned more about him.

Nalaman ko na nagtapos siya sa isang top school… Na nagtatrabaho siya sa isang financial institution, sort of a bank (or investment company) na may international operations… Na madalas siyang bumibiyahe abroad dahil parte iyon ng trabaho niya… Na twenty-two years old lang siya!

Medyo nagulat ako sa age niya. I knew he was young but I was not expecting that he was that young! May resolve pa naman ako to stay away from the likes of him dahil medyo nadala na ako sa aking mga naging karelasyon na kasing-edad niya.

But he seemed mature. Click kami at nagkakatugma ang aming isip. Wala naman akong nakikitang problema sa age gap namin. So far.

Habang nag-uusap, may mga pagkakataong basta na lang kami mapapahinto and we would just stare at each other. Ayoko mang mag-assume, obvious at nararamdaman ko ang mutual attraction na namamagitan sa amin.

Over coffee, we started getting serious. Openly, we admitted to liking each other. Nang mga sandaling iyon, my heart was soaring. I could not be happier na mangyayari ang bagay na iyon sa akin kung kailan hindi ako naghahanap, hindi umaasa at hindi nangangarap na makatagpo ng katulad niya. Pakiramdam ko he was too beautiful – too perfect – for me and I just could not believe my luck.

Inakala ko pang nananaginip lang ako.

But when he held my hand, saka ako naniwalang totoo nga ang lahat nang iyon. Higit lalo nang tumitig siya sa aking mga mata at seryosong magtanong.

“Puwede bang maging tayo?”

***

Maiksi man ang panahong iyon, naging napakasaya ko nang maging kami.

He was the sweetest, the most thoughtful and the most caring boyfriend I have ever known. Kakaibang high ang hatid niya sa akin. Lagi akong masigla at puno ng inspirasyon.

If ever may mga pagkakataong hindi namin nagagawang magkita, trabaho ang dahilan. Madalas sa panig niya dahil ako, puwedeng maging flexible. Nevertheless, it was one thing na tanggap namin – lalo na ako – dahil parte talaga ng buhay ang career. Hindi naman kami maaaring mabuhay sa pag-ibig lang. Kaya naging understanding ako. Kapag sinasabi niyang hindi siya puwede, ok lang sa akin. Hindi ko kailanman hinadlangan ang kagustuhan niyang maging successful.

Katulad ng Sabadong iyon na nakatakda kaming magkita.

“Hon, I’m sorry. Hindi tayo matutuloy mamaya. There’s this important account I need to work on. Kailangan kong mag-overtime,” ang paalam niya sa akin over the phone.

Kahit disappointed, I just shrugged it off. “Okay lang, no problem,” ang sabi ko kahit na last week ay hindi rin kami natuloy dahil sa pareho ring rason.

“May back-up plan ka ba tonight? Bakit hindi ka lumabas with your friends?” ang tanong niya.

“Okay lang ako. I’ll just catch up on my reading,” ang sagot ko.

“I miss you.”

“I miss you too.”

“Gotta go. I love you.”

At bago pa ako nakapag-“I love you too”, ibinaba na niya ang telepono. Napabuntonghininga na lamang ako.

Bandang alas-onse nang gabi, naging restless ako. I wasn’t enjoying the book I was reading at hindi rin ako inaantok. Naisipan kong i-text si Ace.

Bored din pala ang aking best friend dahil out-of-town ang kanyang boyfriend. Biglaan siyang nagyayang lumabas.

“There’s this bar in Ortigas you need to see,” ang kanyang sabi.

Pasado alas-dose, nasa taxi na ako papunta sa meeting place namin.

Excited akong makipagkita kay Ace dahil ang dami kong kuwento. Mula kasi nang maging kami ni Johann, hindi pa ako lubusang nakakapag-share sa kanya kung gaano ako ka-happy.

Pero nang gabing iyon, nangyari ang hindi inaasahan.

Pagpasok namin sa bar, napansin ko kaagad ang isang umpukan ng mga bata pang kalalakihan. Pulos guwapo, well-dressed, sosyal. Masaya silang nagkukuwentuhan with a smattering of English habang nag-iinuman.

Parang biglang tinambol ang aking dibdib at napakapit ako kay Ace.

Dahil isa sa mga nasa umpukang iyon ay si Johann.

Tatalikod na sana ako upang lumabas ng bar subalit nakita niya ako.

Our eyes met and we both froze.

***

“Akala ko, may trabaho ka,” ang kumpronta ko nang lumapit siya sa akin.

“Yeah. Pero natapos din kaagad. Dito na ako tumuloy pagkagaling sa office.”

Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo dahil hindi pang-opisina ang suot siya. “Johann, kung gusto mong gumimik with your friends, hindi mo kailangang magsinungaling. Papayagan naman kita.”

Naging defensive siya. “I am not lying. At kung payag ka na gumimik ako with my friends, bakit ka nagagalit?”

“Alam mo kung bakit and it is not because you went out with your friends.”

Nakainom na siya kaya siguro nakalimutan niyang maging maingat sa pagsasalita. “Aris, I’m still young, ok? Kailangan ko pang mag-enjoy. Huwag mo naman akong sakalin. Mag-adjust ka naman sa akin katulad ng ginagawa kong pag-aadjust sa’yo. Hindi porke’t mas matanda ka sa akin, ikaw na lang palagi ang masusunod.”

Nabigla ako. It was harsh at hindi ko naiwasang masaktan. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon dahil wala naman akong ginagawa upang magkaroon siya ng ganoong saloobin.

Tumalikod ako at nagmamadaling lumabas ng bar.

Hinabol niya ako.

“Aris, I’m sorry,” ang kanyang sabi.

Huminto ako at hinarap ko siya. Tumitig ako sa kanyang mga mata.

“Tama ka,” ang sabi ko. “Pero sana naisip mo ‘yan before you made me fall for you.”

***

Simpleng tampuhan lang iyon na pinalala ng pride. Ang supposedly ay pagpapalipas lang ng sama ng loob ay nauwi sa hiwalayan. Hiwalayang walang pormalidad.

Basta hindi na lang siya nakipag-communicate at nakipagkita sa akin.

Naghintay ako hanggang sa mainip at mapagod. At sa paglipas ng panahon, natutunan ko ring tanggapin ang tuluyan niyang pagkawala sa akin. Kahit hindi ko lubos na maunawaan ang nangyari sa amin, nagdesisyon akong mag-move on.

Isang araw, excited na tumawag si Ace sa akin.

“Guess kung sino ang nakasabay ko kanina sa gym,” ang sabi.

“Sino?” ang tanong ko.

“Si Josef.”

“Sinong Josef?”

“Yung bestfriend ng ex mong si Johann.”

“Siya ba ‘yung nakasama nating magkape noon?”

“Exactly. Siyempre, nag-usap kami.”

“Ano ang napag-usapan ninyo?”

“Naroroon pala siya sa bar nang gabing mag-away kayo ni Johann.”

“Hindi ko siya napansin. And please, hindi kami nag-away. Nag-usap lang.”

“Whatever. Siyempre, kinumusta ko si Mr. Perfect.”

“Anong sabi?”

“Noon palang gabing iyon, nawala yung celfone niya.”

“Ganoon ba?”

“Tapos, ipinadala pala siya sa ibang bansa ng office nila.”

“Uhuh.”

“Kaya siguro hindi na niya nagawang makipag-communicate sa’yo.”

“Siguro nga.” Pero sa isip-isip ko, maraming paraan kung gusto niya talagang makipag-communicate sa akin.

“Nasaan na siya ngayon?” Hindi ko napigilang magtanong.

“Sino? Si Josef?”

“Hindi. Si Johann. Ano ba?!”

“Ay, hindi ko naitanong.”

Napabuntonghininga na lamang ako.

Iyon ang naging huling balita ko sa kanya.

***

Muli akong umakyat sa rooftop upang manigarilyo. This time, mag-isa na lang ako dahil nasa dancefloor ang mga kaibigan ko. Luminga-linga ako pero hindi ko na siya makita. O sadyang iniwasan ko lang na mahagip siya ng aking mga mata.

Muli akong nagtungo sa may barandilya at dumungaw sa ibaba. Malamig ang hangin na bahagyang pumayapa sa damdaming hindi ko maipaliwanag – nasa gitna ako ng kasiyahan subalit may lungkot na namamayani sa aking kalooban.

Magkasalit ang ginawa kong paghithit sa sigarilyo at pagtungga sa beer. Pilit kong kinaklaro ang aking isip dahil apektado pa rin ako ng muli naming pagkikita ni Johann kanina.

Valentines na naman at muli, single ako. I refuse to feel sorry for myself kaya pilit kong binubura iyon sa aking isip. Hopefully next year, things will be different.

I was in deep thought nang mula sa aking likuran ay marinig ko ang kanyang tinig.

“Aris...”

Pumihit ako at naroroon siya, nakatayo, nakatingin sa akin.

“Johann…” ang sambit ko.

Saglit kaming nagkatitigan.

“Kumusta ka na?” ang tanong niya.

“Mabuti,” ang sagot ko. “Ikaw?”

“Mabuti rin.”

Pinagmasdan ko siya. He looked taller dahil pumayat siya. Nagkalaman din ang dibdib niya. Siguro nagdyi-gym na siya. I wondered kung ano na kaya ang pakiramdam sakaling mabibilanggo akong muli sa kanyang mga bisig.

Nakamasid din siya sa akin at naroroon sa kanyang mukha ang tender expression na pamilyar sa akin dahil nakita ko na iyon nang una niya akong sinabihan ng “I love you”. Tila higit na pinatingkad ng ekspresyong iyon ang kanyang kaguwapuhan na naghatid ng magkahalong kirot at pananabik sa akin.

It took me awhile bago ko naisatinig ang tanong na matagal ko ring kinimkim mula nang mawala siya sa akin.

“What happened to us?”

“I… I don’t know…”

“Hindi ko inakala na sa unang pagsubok, bibigay tayo.”

“Naguluhan lang ako.”

“Saan?”

“Sa’yo. Sa akin. Sa biglaang naging relasyon natin.”

“Ano ang naging magulo roon? Dahil nag-away tayo? Parte yun ng pakikipagrelasyon.”

“Nagkaroon ako ng mga tanong... ng confusion. Hanggang hindi ko na alam kung paano i-handle.”

“We could have at least talked about it.”

“I know. But it took me some time bago ko naintindihan. And it was already too late.”

“Naghintay ako. At kahit natanggap ko na, hindi ako nawalan ng pag-asa.”

“As I’ve said, huli na ang lahat.”

“Why, because you realized that you don’t love me anymore?”

“No, because I realized that I was still in love with you but I have already lost you.”

“Iyon ba ang naisip mo?”

“Oo. Kaya tuluyan na akong lumayo at hinanap na lamang kita sa katauhan ng iba.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“May bago na akong boyfriend. Parang kagaya mo rin siya kaya hindi naging mahirap sa akin na siya ay mahalin.”

Ang lalaking kayakap niya kanina. Natahimik ako habang dinadama ang masidhing kirot sa aking puso. Sana hindi niya iyon nakita sa aking mga mata.

“Aris, have I really lost you?”

“Johann, it was I who have lost you. But let’s not talk about that anymore dahil sabi mo nga, huli na ang lahat.”

“I’m sorry… for the pain I’ve caused you.”

“I’m sorry, too.”

“I hope we can still be friends.”

“Sure.”

Suddenly, there was nothing more to say.

“I have to go,” ang sabi niya. “Hinihintay na niya ako.”

“Sige.”

Tumalikod na siya subalit muling humarap sa akin.

“Aris…”

“Yes?”

“By the way, happy valentines.”

“Oh yes, happy valentines.”

Iyon ang naging closure namin.



30 comments:

egG. said...

nalungkot naman ako dito... :(

pero at least sa milyong milyong tao na nag-aasam ng pag-ibig eh at least eh naranasan mo yun...

wala lang.. napacomment lang.. hay

Rap said...

whew! ang haba.... pero ok lnag kasi ang ganda ng story ng buhay mo. malungkot nga lang, pero ganun talaga ang buhay - hindi laging masaya. maganda sana sa una, kasi para kayong pinagtatagpo ng tadhana sa mga lugar na pinupuntahan mo, kaya lang nalungkot din ako for you nung nasa ending part na ako.... at least may ngyaring closure between the 2 of you.... :(

russ said...

huhuhu..pengeng tissue.. ok lang yan aris at least may closure..

Rygel said...

isang malaking buntong hininga :D

Anonymous said...

do we really need some closure sa isang relasyon? ala lang tanong lang but its a nice story.

Aris said...

@egg: actually, kahit nasaktan, ok pa rin kasi nga kahit sandali naranasan ko pa ring mahalin. :)

@leonrap: malungkot nga ang ending. pero ganoon talaga ang buhay. ang mahalaga, lagi kang hopeful na matatagpuan mo rin sa tamang panahon ang taong karapat-dapat sa'yo. :)

@russ: sorry, naiyak ka. actually tama ka para talagang tapos na at tuluyan nang makapag-move on. :)

@rygel: sasabayan kita. :)

@anonymous: not necessarily. pero mas makabubuti rin kung mayroon para wala nang umaasa sa wala. :)

Anonymous said...

kung pede lang mas mabuti kung may closure....
para walang panghihinayang, walang iisipin...

at higit sa lahat malinaw, maaliwalas ang landas na tatahakin tungo sa panibagong hamon sa buhay sa larangan ng pagibig...

racerboi_x

Anonymous said...

pasensya na kasi alam ko na closure na ito. pero di ko maiwasang manghinayang at umasang may pag-asa pa. sorry.

Aris said...

@racerboi: korekness. para pareho kayong walang baggage. :)

@rising mark: nakakapanghinayang nga pero ganoon talaga. ang mahalaga, di nawawalan ng pag-asa. maaaring hindi na sa kanya kundi sa ibang tao na. :)

Sean said...

ang lungkot naman aris. pero ako rin, i prefer na may closure. pero gusto ko pa rin siyang yugyugin para magising hehe sori.

Anonymous said...

Grabi you touch my heart, wala akong masabi :D

Luis Batchoy said...

kaloka ang sound track! yun lang!

Anonymous said...

sna mg post kyo ulit ng mga stories like " DOVE" OR "CHANCES". galing ng pagkawa nyo non.... ganda ng pagkatagpi-tagpi ng stoya mo...yun mga twist specially non ending...


marlon

Steph Degamo said...

i wanna cry. nakakainis naman tong post na to

Aris said...

@sean: actually. kung pwede nga lang baguhin ang kanyang isip. hehe! :)

@anonymous: salamat. sana ma-touch ka rin ng iba ko pang mga kuwento. :)

@luis batchoy: friend, ang haba-haba ng isinulat ko tapos sa soundtrack ka lang nag-comment. kalokah ka. hahaha! :)

@marlon: sure. medyo nagpapahinga lang ako sandali sa series pero may sinisimulan na akong gawin. watch for it! thank you. :)

Luis Batchoy said...

as usual kasi... wala ako masabi... ikaw na ang reyna ng mga gani ganitong bagay. Wala ako masabi kasi di ko pa naeexperience ang mga ganyan ganyan eh. Chos! Heheheheh lam mo naman ako. Promdi poet bum!

VICTOR said...

Hindi na rin siguro masama ang "Happy Valentines" bilang closure.

Aris said...

@ester yaje: friend, sorry naman. hamo sa susunod, masaya naman. :)

@luis batchoy: echosera ka. hahaha! :)

@victor: mas happy sana kung continuation instead of closure. char! :)

The Golden Man from Manila said...

Anonymous said...
do we really need some closure sa isang relasyon? ala lang tanong lang but its a nice story....

Anonymous said...
kung pede lang mas mabuti kung may closure....
para walang panghihinayang, walang iisipin...

at higit sa lahat malinaw, maaliwalas ang landas na tatahakin tungo sa panibagong hamon sa buhay sa larangan ng pagibig...

racerboi_x...

----------------------------

the same questions I have asked myself many years ago. Looking back, it took a while for me to understand what happened. na bakit hindi nagtapos. na walang pagtatapos. And suddenly, I woke and faced reality. Yes, sometimes we do not need closure. because we can let the memories fade away forever...

Aris, again if this is fictional, I admire the depth of your talent. You have put the angst amongst us, because we might have experienced the same in some parts of our lives.

and if i were to be in a similar plight, I would not have the courage to be humble and accepting because the memory that faded away remained a memory best forgotten. I have moved far enough to totally forget the existence of one folly... not a dream nor a nightmare... but an experiment which almost ruined my life.

you never fail to amaze me. You are indeed one hell of a talent !

Kudos and congratulations as usual !

SilverwingX said...

another good one aris! good job! You and Tristan inspired me in launching my own blog.

Aris said...

@the golden man: friend, as always, your comment inspires me to keep on writing at patuloy na himay-himayin ang mga bagay na nagpalungkot sa atin, nagpasaya, nagbigay-aral, at nagpahusay sa ating pagkatao. natutuwa ako na nakaka-relate ka, na nakikita mo at nauunawaan ang mga emosyong nakapaloob sa aking mga kuwento. salamat sa iyong walang sawang pakikibahagi sa aking mga karanasan. :)

@silverwingx: hello there. masaya ako na nakapagbigay-inspirasyon sa'yo upang maglunsad ng iyong blog. maraming salamat sa iyong pagkalugod at pagpapahalaga. for sure, bibisitahin din kita. ingat always. :)

icarusboytoy said...

Ugh I hate him!

hehe affected.

Aris said...

@icarusboytoy: i hate him, too. hehe! :)

deus_ex_machina said...

Grabe love this particular post. Similar circumstance, similar lines! Hate him! haha nakikibitter lang nakakarelate e.

Aris said...

@deus_ex_machina: malamang hindi lang tayo ang may ganitong karanasan. hehe! salamat sa pagbisita. sana maulit muli. tc. :)

deus_ex_machina said...

Yeah makes me feel better knowing na di lang pala ako yung nakakafeel ng ganito. Thanks for this post. It really helped me move on. Babalik balik ako dito hehe. take care!

Arnel said...

Aris, im just a new follower here, natuwa ako how the way you write dama ko ang bawat binibitawan mong kataga... lam mo ba? sobrang nagandahan me sa story kaya naishare ko sa officemates and natuwa din sila... Iba ka kumonek sa reader tagos... sana magtuloy tuloy pa ang angking galing mo sa pagsulat. Kudos!

Arnel said...

one of the best write up i ever read! Galing mo kumonek.. Kudos to you Aris!

Arnel said...

Kudos! for the way you write it

Aris said...

@arnel: wow naman! maraming maraming salamat. hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya. at dahil diyan, higit ko pang pagbubutihin ang mga posts ko at sana patuloy ninyong magustuhan ng mga officemates mo. take care always and god bless. :)