Wednesday, October 12, 2011

Don’t Cha

Kasagsagan iyon ng pamumukadkad ko sa Malate.

Pupunta akong mag-isa. Iinom sa NYC.

At pagkatapos kapag may tama na, didiretso sa alinman sa mga bar na may darkroom.

Nang gabing iyon pinili ko ang Biology.

Pagpasok ko, in full swing na ang party. Nakipagsayaw muna ako sa ibaba. Nakipaglandian sa kung sinu-sino. Balak ko nang umakyat sa itaas upang makipaglaro nang makita ko siya.

Kapapasok lang niya. At hindi lang ako ang nakapansin. Marami sa dancefloor ang napalingon din sa kanyang pagdating.

Paano’y napakatangkad niya. 6 footer yata kung hindi man 5’11. Maputi. Makisig. May maamong mukha na luminous sa malamlam na ilaw. Para siyang isang diyoso na naligaw sa daigdig ng mga mortal.

Titig na titig ako sa kanya. Gayundin ang iba pa while he inched his way patungo sa bar. At ilang sandali pa, pinutakti na siya. Marami na ang lumapit at nakipagkilala.

From a distance, patuloy ang pagmamasid ko sa kanya. He seemed friendly dahil habang umiinom patuloy siya sa pag-e-entertain sa mga admirers niya.

Naghanap ako ng sapat na lakas ng loob upang lapitan din siya subalit nang matagpuan ko iyon ay paalis na siya sa bar, patungo na sa may hagdan upang umakyat sa darkroom. Nakasunod sa kanya ang mga makakating higad.

Dumaan siya sa harap ko at pahapyaw kaming nagkatinginan. Sandaling-sandali lang iyon subalit parang hinigop ako ng kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. At nang malanghap ko ang pabango niya, nag-init ako.

Sinundan ko siya ng tingin habang papaakyat sa hagdan. Nakita ko ang outline ng kanyang V-shape na katawan at na-take note ko ang kanyang bubble butt. Higit na nag-init ang aking pakiramdam.

At nang mawala siya sa aking paningin, mabilis akong nagdesisyon sabay sa mabilis na paghakbang.

“I am going to get him,” ang pangako ko sa sarili.

Natalisod ako sa paghabol at muntik pang mahulog sa hagdan.

***

Hindi ako nahirapang maghanap dahil namumukod-tangi pa rin siya kahit sa dilim. Napapaligiran siya ng mga nagnanasa at nagbabakasakaling maangkin siya.

Lumapit ako at tumayo sa harap niya. Sa naglalagos na liwanag mula sa dancefloor sa ibaba, nagsalubong ang aming mga mata. I was thinking Nora Aunor and Tyra Banks while I was trying to communicate with my eyes. And I thought it was effective dahil nakuha ko ang kanyang atensiyon at hindi siya naglayo ng tingin.

I edged closer to him. Ibinalot ko ang aking mga bisig sa kanyang baywang at buong kapangahasan na siya ay hinalikan. Una, marahan na kinalaunan ay naging marahas. Kinailangan ko pang tumingkayad subalit unti-unti siyang nag-adjust, yumuko sabay sa pagtugon ng kanyang mga labi.

Ang mga bisig ko ay lumipat sa kanyang leeg at sinapo ko ang kanyang ulo upang higit na ipagdiinan ang kanyang bibig.

Bumalot din sa akin ang kanyang mga bisig at ako ay kanyang kinabig upang madiin naman sa kanyang dibdib.

Naramdaman kong may kumurot sa akin – isa sa mga nakapaligid na nainggit o nagalit – at may mga nagtangka ring makisali subalit naging manhid ako at maramot siya. Itinaboy namin ang mga gustong makibahagi subalit higit silang nagsumiksik.

Kaya bumitiw ako sa kanya. Hinagilap ko ang kanyang kamay at kaagad siyang hinila palayo sa mga piranha. Muli, may kumurot sa akin, higit na masakit kaysa una. But it was a small price to pay sa pang-aagaw sa kanya dahil nagtagumpay ako at akin na siya.

“Ako nga pala si Aris,” ang pakilala ko sa kanya pagkalabas namin ng Biology.

“Ako si Jasper,” ang pakilala rin niya.

Hindi na namin kinailangang magkamay dahil magka-holding hands pa rin kami.

Sinipat namin ng tingin ang isa’t isa sa liwanag ng poste.

I think we both liked what we saw dahil sabay kaming napangiti.

***

Dinala ko siya sa NYC. At doon habang umiinom, higit kong napagmasdan ang exceptional niyang kaguwapuhan. Na kinumpirma ng mga sulyap ng paghanga na natanggap niya mula sa iba pang mga naroroon. I felt so lucky and proud.

Nagsimula kaming mag-usap. Getting-to- know-you stuff.

Napag-alaman ko na 21 lang siya. Graduating. Psychology ang kurso. Taga-Bataan. Mag-isang namumuhay sa Maynila.

“Bakit wala kang kasama ngayon?” ang tanong ko.

“I am new to the scene,” ang kanyang sagot. “Wala akong kaibigan na maaari kong makasama sa ganitong lugar. Lahat sila straight at wala pang nakakaalam. Ikaw, bakit mag-isa ka rin?”

“Pareho siguro tayo. Although, hindi na ako bago. Pero sa ngayon, wala pa talaga akong masasabing friend dito. Pulos acquaintances lang.”

“First time ko sa Biology.”

“Buti hindi ka nagulat.”

“Nagulat. Pero na-excite.”

“Pinagkaguluhan ka kasi.”

“Oo nga. Di ko akalain.” Bahagya siyang tumawa.

“Buti hindi ka nagalit…”

“Nagalit?”

“Nung nilapitan kita at hinalikan.”

“Bakit naman ako magagalit?”

Hindi ako sumagot. Sa halip, tinitigan ko siya.

Sinalubong niya ang aking mga mata. Palaban siya at hindi pai-intimidate.

“Bakit mo ginawa iyon?” ang tanong niya.

“Dahil gusto kita,” ang walang gatol kong sagot.

Siya naman ang napatitig sa akin. At pagkatapos ay napangiti.

“Okay lang,” ang sabi niya. “I like it.”

Ako naman ang napangiti.

“In fact, I want more.”

Tumingin siya sa akin na parang nanghahamon. Bagay na hindi ko inurungan dahil right there and then, walang kaabog-abog, siya ay aking hinalikan. Sa lips. Dedma na sa mga naroroon.

Mabilis lang iyon at hindi siya nakatugon.

Pagkatapos niyon, tahimik kami. Pero hindi ang aming mga mata na patuloy na nag-usap.

Tinungga namin ang aming mga bote at sinaid ang laman niyon.

“Tara,” ang kanyang sabi pagkatapos.

“Saan?” ang tanong ko.

“Sa bahay. Iuuwi kita.”

“Ha?” Saglit na pagkabigla na sinundan ng pagguhit ng ngiti sa aking mga labi. Hindi ko inaasahan na tatapatan niya at hihigitan pa ang pagka-agresibo ko.

Tumayo siya at hinila ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Nagtaksi kami. At habang bumibiyahe, gumapang ang mga kamay namin at humimas sa maseselang bahagi, lingid sa kaalaman ng drayber.

Ang inaasahan ko, boarding house o room-for-rent ang bahay na sinasabi niya. Subalit pinahinto niya ang taksi sa tapat ng isang condominium.

Bumaba kami.

“Dito ka nakatira?” ang tanong ko na tila hindi makapaniwala.

“Yup,” ang sagot niya.

Mangha ang ekspresyon sa aking mukha.

“Binili ng Dad ko para may matirhan ako habang nag-aaral dito sa Maynila.”

Hindi na ako nagsalita – wala akong masabi – habang papasok kami sa lobby.

***

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kanyang unit, agad na nagtagpo ang aming mga labi. Naghalikan kami, may sense of urgency. Hinubaran niya ako at hinubaran ko siya. At nang kami ay pareho nang talop at brief na lamang ang suot, dinala niya ako sa kanyang silid.

Makalat ang kanyang silid. But it didn’t matter dahil kalat-mayaman iyon. Laptop. Pringles. Wireless phone. Men’s Health. Cadbury. Belt. Shoes. Dumbells. Hindi ko na naimbentaryo ang iba pa dahil nahiga na siya sa kama.

He stretched out his long legs and torso. Napasinghap ako. Sa backdrop ng powder blue niyang bedsheet at sa tama ng soft white na ilaw ng lampshade, nagmistula siyang isang buhay na imahe sa pornography. I mean, photography.

He wiggled his forefinger signalling me to come over with a “fuck me” look in his eyes.

I could feel myself straining in my briefs as I moved closer to him.

(May Karugtong)

21 comments:

JJ Roa Rodriguez said...

kainis naman nabitin ako ha... but it was nicely written... hahaha....

JJRod'z

waiting for the next...

RoNRoNTuRoN said...

“I am going to get him,” ang pangako ko sa sarili.- yun yon eh! ahehehe, What Aris wants, Aris gets!

citybuoy said...

Oh aris, if you write it, we'll devour it. alam mo yan. lol

gusto ko yung dynamic ng newbie at ng seasoned malate goer. and the fact na di siya ganun kaaware of his own beauty just adds to the charm.

tanong lang is, do the jaspers in the world really exist? lol

That Fat Gay Guy said...

Is his name really Jasper? Or is it 'Christian'?

gelovsky said...

Welcome back Aris! It's been a while ^^

I hope you're perfectly fine... medyo bothering ung note mo at the end of the post....

Just take your time,rest if you want but don't quit..

More stories to tell right? ^^

koro said...

I'm confused.

Is this real or fiction?

It seems very real O.o

Anonymous said...

kabitin naman kelan ba kasunod nito???

Anonymous said...

dont quit.... we love you stories.

Anonymous said...

Ang galing galing mo mambitin hmmmp!hahaha

Abanga ko kasunod. Sana maganda ang ending nito....

Anonymous said...

your creative juices is overflowing and we thirst for more... we can't wait for the conclusions of your previous stories and now this.

Anonymous said...

nabitinnnnnnnnnnnnn akooooo!!

Angel said...

ayan na naman po tayo sa pambibitin...

Hey Aris, we'll wait, just don't close this. :)

Hope you're doing ok, whatever it is that you're having right now.

Keep smiling. :)

Anonymous said...

Sana totoong buhay to. Rawr! ;)

Désolé Boy said...

Oh Aris, tell me this story is real and I would once again believe in a fairy tale they called love. Please?

Jhamy whoops! said...

sana mawala na kung ano mang naka block sayo.. nakakamiss ang mga blogaserye mo! :)

Luis Batchoy said...

The payanig queen does it again!

matt said...

aheytchu!!!sakit na pantog namin..parati kaming naiihi sa pananabik ng bawat yugto...
still aylabeeet!!more power!! (para bawas lazyness) harhar..

BUJOY said...

Intense naman yun! Haha. Kabitin naman, when is the next episode? :) I miss reading your blogs Aris, it's been a while din.

Lasher said...

Ganda!

Adventure said...

welcome back my aris :) sa wakas, ur back na! hehe.. na miss kita! wink :)

looking forward sa karugtong.. wala ka pa ring kupas! ur the man!

ingat ka lage. cheers :)

ewa said...

Always the best from Aris.

Pwede magrequest? Dalasan mo naman yung update. Kakabitin kc...