“I met somebody last night,” ang excited na pagbabalita sa akin ni Ace. “He is so gorgeous!”
“I hate you. Isang gabi lang akong umabsent sa gimik, napunta na sa’yo ang dapat para sa akin,” I joked.
“Shut up. He’s meant to be mine,” he asserted.
“So tell me about him.” Excited din ako to know about the guy. “What’s his name?”
“Anthony.”
“Age?”
“Twenty-two.”
“Height?”
“5’8 or maybe 5’9”
Hmmm… young and tall. “Guwapo ba talaga?”
“Of course. And guess what, panay ang text niya sa akin ngayon.”
“Ano’ng sabi?”
“He misses me. And he wants to see me again.”
***
“We talked on the phone last night,” ang kuwento ni Ace sa akin nang sumunod na araw. “Ang tagal naming nag-usap.”
“Ano’ng pinag-usapan ninyo?” ang tanong ko.
“Marami. Tungkol sa kanya. Tungkol sa akin. Masyado akong nag-enjoy. Hindi ko namalayan, madaling araw na pala.”
“Hmmm…”
“There’s something about him I really like. Ang sarap niyang kausap. Napapatawa niya ako sa mga jokes niya. Malambing siya. He makes me feel so special.”
“Gurl, mukhang iba na yan…”
“Kinikilig ako sa kanya. Para akong high school uli na nagsisimulang ma-in love.”
“I am happy for you.”
“And guess what. Gusto niya akong sunduin mamaya paglabas ko sa office.”
“Go!” ang encouragement ko .
Sandaling natahimik si Ace, tila nag-isip. “I’m not sure. I think I am not yet ready.”
“So kelan kayo uli magkikita?”
“Soon. Basta huwag muna ngayon.”
***
After two days, nagkausap uli kami ni Ace.
“I think I am falling for him,” ang sabi niya.
“Sigurado ka ba sa nararamdaman mo?”
“Siya lagi ang laman ng isip ko. I have never felt like this in a long time. I don’t know what’s happening to me.”
Tahimik lang ako at hinayaan ko siyang magpatuloy.
“Kagabi, naging seryoso ang aming pag-uusap. Naging honest siya sa feelings niya para sa akin. At nang tinanong niya ako tungkol sa feelings ko sa kanya, hindi ako nakasagot. At ngayon, parang hindi ako matahimik dahil alam ko kung ano ang totoong nararamdaman ko. May pumipigil lang sa akin. At alam mo kung ano yun.”
“Dahil may boyfriend ka na?”
Napabuntonghininga siya. “Yeah. And I am so confused.”
“Balak mo bang magtaksil sa boyfriend mo… kay Teddy?”
“I don’t know.”
“Balak mo na ba siyang hiwalayan?”
“No!” Maagap at tiyak ang sagot niya. “Mahal ko si Teddy.”
“So anong balak mo kay Anthony?”
“Hindi ko alam. Hindi ko siya kayang i-give-up ngayon. Malulungkot ako kapag nawala siya.”
“Alam ba niya?”
“Ang alin?”
“Ang tungkol kay Teddy.”
“Siyempre hindi.”
“Balak mo bang sabihin?”
“Oo naman. Pero hindi muna ngayon.”
***
“Magkikita kami mamaya,” ang kaagad na bungad ni Ace pagkatapos kong mag-hello sa phone. “Susunduin niya ako sa office.”
“Good,” ang pangungunsinti ko. “So, ano ang mangyayari sa pagkikita ninyo?”
“Mag-uusap lang kami.”
“So, sasabihin mo na sa kanya ang totoong status mo?”
“Maybe. Bahala na.”
***
“Pass muna ako tonight,” ang text ni Ace sa akin kinabukasan. It was a Saturday at may gimik ang barkada. “May obligasyon ako ngayon sa asawa ko.”
“Sinong asawa? Si Anthony?” ang pagbibiro ko.
“Loka. Si Teddy, siyempre,” ang sagot.
“Ano nga pala ang nangyari sa pagkikita ninyo kahapon ni Anthony?”
“Saka na ako magkukuwento.”
“Akala ko pa naman, pupunta ka at isasama mo siya. Excited pa naman akong makilala siya.”
Sa pagkikita-kita namin ng mga friends ko nang gabing iyon sa Malate, hopeful ako na may ma-meet din na kagaya ng na-meet ni Ace. In my mind, “I Gotta Feeling” was playing bilang bahagi ng aking mental conditioning.
Habang umiinom sa Silya, nagpaalam ako sandali para mag-restroom. May nakapila at na-take note ko kaagad ang itsura niya. Hmmm… puwede. Matangkad. Bata. Guwapo. No, gorgeous! Hindi lang puwede kundi puwedeng-puwede.
Hindi ako masyadong nagpahalata na tinitingnan ko siya. Pero naramdaman niya yata dahil tumingin din siya sa akin. Gusto ko sanang umiwas nang magtama ang aming mga mata subalit nginitian niya ako. Ngumiti rin ako sa kabila ng tila biglaang panghihina ng tuhod ko.
“Hi,” ang sabi niya.
“Hey,” ang sagot ko habang may kaba sa dibdib. Subalit bago ko pa madugtungan ang bati ko, bumukas na ang pinto ng restroom at turn niya nang gumamit.
Nagkaroon ako ng time to compose myself habang nasa loob siya.
Paglabas niya, nagngitian uli kami subalit hindi na ako nakapagsalita. It was an awkward moment kaya kaagad na rin akong pumasok sa banyo. Panay ang buntonghininga ko sa loob.
Paglabas ko, wala na siya.
Bumalik ako sa mesa namin. Habang umiinom, nasa isip ko siya. Gumagala ang aking mga mata sa pag-asang nasa paligid lang siya. Pero wala, hindi ko siya makita. Sayang naman.
Nagpatuloy na lang ako sa pag-inom hanggang sa ako ay malasing.
***
Kahit madilim at aandap-andap ang mga ilaw sa Bed, parang hinila ang atensyon ko papunta sa kanya. The restroom guy at Silya. Nakita ko siyang nakatayo sa isang sulok.
Bumilis ang tibok ng puso ko as I slowly edged my way patungo sa kinaroroonan niya. Habang papalapit ako, nagmistula siyang isang pangarap na gusto kong abutin.
“Hi,” ang maagap kong bati, diretso ang tingin ko sa kanya.
Sinalubong niya ang aking mga mata. Ngumiti siya.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at kaagad akong nagpakilala. “Ako si Aris.”
“Mark.”
Nagkamay kami at hindi na nagbitiw. We stood close to each other at nag-communicate sa pamamagitan ng mga titig.
Hindi nagtagal, nagtagpo ang aming mga labi.
Napapikit ako habang nilalasap ang tamis ng kanyang halik.
Niyaya ko siyang magsayaw sa ledge.
“Nahihiya ako,” ang sabi niya. “Maraming nakatingin.”
“Feeling mo lang yan. But everybody is minding their own business. Nobody really cares,” ang giit ko.
Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Hinila ko na siya. At kusa na rin siyang sumama.
Nang nasa ledge na kami, hindi ko inakala na magiging agresibo siya. Siya na mismo ang nag-initiate na maghalikan kami.
Magkayakap pa kami habang sinasayawan ang “Good Girls Go Bad”.
***
Kinabukasan, ako naman ang excited sa pagbabalita kay Ace tungkol kay Mark.
“I met somebody last night. He is so gorgeous!” ang sabi ko.
“Gaya-gaya ka,” ang sagot niya.
“Nainggit ako sa’yo kaya ginaya kita.”
“Ano’ng name niya?”
“Mark. Young and tall. With the face of an angel.”
“I am happy for you, friend.”
“And guess what, panay ang text niya sa akin ngayon.”
“Ano’ng sabi?”
“He misses me. And he wants to see me again.”
“Ako naman ang inggit sa’yo…”
“Why?”
“Friend, I have to tell you something…”
“What?”
“Pinutol ko na ang ugnayan namin ni Anthony nang magkita kami noong Friday.”
“Ha?”
“Sinabi ko na sa kanya ang totoo… na may boyfriend na ako. Nasaktan siya. Inisip niya na niloko ko siya… pinaasa. I can’t blame him. Parang ganon naman talaga ang ginawa ko sa kanya. At para huwag ko na siyang masaktan pa, wala man kaming relasyon, nakipag-break ako sa kanya. Which he accepted. Friend, malungkot ako hanggang ngayon dahil doon. Pero ang iniisip ko na lang, it was the right thing to do, di ba? Ituwid ang lahat kasi isang pagkakamali iyon na may boyfriend na ako, I still entertain yung mga ganoon.”
“Korek ka diyan. Kinunsinti lang kita pero from the very start, gusto ko nang sabihin sa’yo na mali ang ginagawa mo. Siguro naghahanap lang ako ng timing because I don’t want to burst your bubble.”
“Oh, well, nagawa ko na ang dapat gawin. Mawawala rin naman ang lungkot na nararamdaman ko. Ang mahalaga, bumawi ako kay Teddy. More than ever, ngayon ko na-realize na siya pa rin pala ang pinaka-importante sa buhay ko.”
“Sige, hindi na muna kita kukuwentuhan tungkol kay Mark. Hindi tama na magkuwento ako ng masaya habang nalulungkot ka.”
“Ok lang. It’s your turn naman para maramdaman ang naramdaman ko last week. Ganyan naman talaga ang buhay, parang gulong.”
“Saka na lang. Huwag muna ngayon. Wala pa namang masyadong nangyayari sa amin. Basta, friend, next Saturday, huwag ka nang mawawala sa gimik. Ngayon pa lang, magpaalam ka na kay Teddy.”
“Oo, sige.”
“Malay mo, baka sa Saturday, isama ko si Mark. Ipapakilala ko sa barkada. I am sure, you would not want to miss that.”
***
Nang mga sumunod na araw, naging maganda ang development sa amin ni Mark.
Bukod sa text exchanges namin araw-araw, nag-uusap din kami sa phone gabi-gabi.
“Matagal na akong single,” ang kanyang sabi. “At palagi ring broken-hearted.”
“Bakit naman?” ang tanong ko.
“I always fall for the wrong guy. And I always end up hurt. Ikaw, sasaktan mo rin ba ako?”
“Bakit kailangan mong itanong yan?”
“Because I think I am falling for you.”
Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi pero dama ko ang pag-uumapaw ng saya sa puso ko.
“Ikaw, may nararamdaman ka ba para sa akin?”
I stammered kahit alam ko ang sagot sa tanong niya. “Uhm, yeah, I think, I am falling for you, too.”
“Talaga? Baka naman may boyfriend ka na at niloloko mo lang ako. Ayokong maging kabit. Ayoko ng part-time love.”
“Single din ako at kagaya mo, palagi ring nabo-broken heart.”
“So, ano na tayo? Tayo na ba?”
“Kailangan ba nating magmadali?”
“Hindi naman. Kaya lang kung sigurado naman tayo, bakit kailangan pang patagalin?”
“Ok…”
“Anong ok? Tayo na?”
“Ang ibig kong sabihin, magkita tayo. Mag-dinner. Mag-usap tayo. At saka natin i-formalize ang ating relasyon. Mas magiging sigurado tayo kung face-to-face nating gagawin yun.”
“Kelan?”
“Sa Friday.”
“Sure.”
Pero bago pa man sumapit ang Friday, nag-on na kami sa phone. Masyado nang overwhelming ang feelings namin sa isa’t isa kaya hindi na kami nakapaghintay.
Sabado na kami nakapag-dinner. Wala nang kailangang i-formalize dahil officially, kami na. Ang saya-saya namin pareho and we could not be more sure about our feelings for each other.
Tumuloy kami sa Malate after dinner upang i-meet ang aking mga kaibigan.
***
I was aiming for a complete attendance kaya maaga pa lang tinext ko na ang aking mga kaibigan.
“Kitakits tonight. Ipakikilala ko ang bago kong boyfriend.”
Everybody was excited. Naroroon na sila pagdating namin.
Ngiting-ngiti sila nang i-introduce ko si Mark. I could tell by the look on their faces na aprub ito sa kanila. Bumulong pa sa akin si Axel: “Winner, mare.” I felt so proud.
Napansin ko na wala si Ace. Hinanap ko kaagad ito.
“Nag-CR lang,” ang sabi ni Arnel.
Naupo kami ni Mark at umorder ng drinks.
With fondness, kaagad siyang kinausap ng mga friends. Feeling ko, welcome na welcome sa kanila si Mark. I could not be happier.
Maya-maya, nakita ko si Ace na paparating. Ngiting-ngiti siya habang papalapit sa amin.
Subalit pagsapit niya sa table namin, kaagad na napawi ang kanyang ngiti. Kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat nang makita si Mark.
Nagulat din si Mark pagkakita kay Ace.
Pinagkilala ko sila. “Ace… Mark. Mark… Ace.”
Hindi sila nagkamay. Nagpalitan lang ng makahulugang tingin.
“You know each other?” ang tanong ko.
“Yeah,” ang sagot ni Ace. “Nagkakilala na kami before.”
“Talaga? Paano? Saan?” Addressed iyon kay Mark.
Hindi siya sumagot. Sa halip, iniwas ang kanyang mga mata.
Then Ace dropped the bombshell.
“Si Mark at si Anthony ay iisa.”
15 comments:
deleted. revised. reposted. :)
Ay! Ang liit talaga ng mundo.
Wow! What a scene?
JJRod'z
what happened next??? kainis naman, cliff hanger ule!
small world. anuvah!
btw, i like the song haha
bang! baka Mark Anthony talaga ang tunay nyang name..*kamot noo*
akward moment.. amft!
galing mo talaga Aris! :) apir!
anyare na? sabi ko na nga ba parang may something! hahaha mygawd.
un lng un tapos n po, parang bitin naman eh,ganda n sana ng simula...
sana may karugtong pa...
love @ 1st sight b!!!!!!!!
ok n din pareho nman n sila single db, ska moment n aris un, dapat mag give way narin c ace,for his friend hopefully.
thanks ARIS, i always follow up ur, new story.more power & goodluck.
i knew it hhhehehhe!
Bitin.. wow kaingit naman sana ako makakilala rin ng gwapo soon! : )
I had a feeling siya yun! Ugh! Ang sticky ng situation. So what's it gonna be, Aris?
Alam ko lang saan ako pupunta for my dose of love-drunk characters. :)
like a novel...
good..
i wait yout coming to my blog...
aris... nasaan na ang mga kwento mo? araw araw ko po itong binibisita ang site mo para malaman kung merong bago. Sana sasusunod na bukas may bago nanaman kaming aabangan....
Kaya lang bago pa amg second half naanticipate ko na ending.. =(
kaloka naman yun.
Post a Comment