Tuesday, January 31, 2012

Fuchsia

Pagkaraang mag-hibernate sa tag-lamig, namumulaklak na naman ang mga bogambilya, hudyat ng paparating na tag-init.

Tag-init na panahon din ng aking pamumukadkad, kung kailan muli akong makikipagharutan sa mga paru-paro.

Muling magbubukas ang aking mga talulot, magpapapupog sa tukso kahit ilang ulit na akong nabigo, iniwan sa hangin pagkatapos ng laro.

Dahil katulad ng bogambilya, walang tamis ang aking nektar, walang bango ang aking halimuyak.

Fuchsia lang ang aking kulay na mapang-akit kahit sa mga insektong color blind.

Saturday, January 28, 2012

Ang Kolboy

Tuwing Sabado, lagi ko siyang nakikita sa bar.

Kagaya ko, mag-isa, umiinom, naghihintay.

Ang kaibahan nga lang, boyfriend ko ang hinihintay ko at siya ay customer.

Habang naghihintay, nagkakatinginan kami, nagkakatitigan.

Pero never kaming nagkangitian o naging friendly.

Ang tahimik naming pagmamasiran ay mapuputol sa pagdating ng aking boyfriend.

Maya-maya pa, darating na rin ang kanyang customer – bago na naman.

At pagkatapos, sila ay aalis.

Hahabulin ko siya ng tingin.

***

Sabado na naman at muli, naroroon kami sa bar.

Dating gawi, pinagmamasdan ang isa’t isa habang nagpapatay ng oras.

Nakakatatlong bote na ako, wala pa rin ang aking boyfriend.

Dumating ang kanyang customer.

Nag-usap sila, nag-tig-isang bote muna.

At bago umalis, sumulyap siya sa akin.

Naiwan akong mag-isa, nakatanaw sa kanya.

***

Nang sumunod na Sabado, muli akong nagtungo sa bar. Hindi upang maghintay kundi upang magpakalasing.

Hiwalay na kami ng aking boyfriend. Iyon ang naging bunga ng paghihintay ko sa wala.

Muli, naroroon siya, nasa kalapit-mesa, nakatingin sa akin.

At dahil nakakarami na ako ng beer, naging mapangahas akong tawirin ang katahimikang matagal nang namamagitan sa amin.

“Hi,” ang bati ko sa kanya. At kahit parang nagulat, ngumiti siya.

Tumayo ako, bitbit ang iniinom, at lumapit sa kanya.

“Can I join you?” ang sabi ko sabay muwestra sa bakanteng upuan sa harap niya.

“Sure.”

Nagpakilala ako. Nagpakilala rin siya.

“Hinihintay mo ba siya?” ang tanong niya.

“Hindi siya darating,” ang sagot ko.

“Bakit?”

“May iba na siya.”

Napatingin siya sa akin, mataman, subalit hindi nagsalita.

“Ikaw, may hinihintay ka?” ang tanong ko.

“Wala,” ang sagot niya.

“Bakit naririto ka?”

“Nagbabakasakaling makahanap ng booking.”

Hindi ako umimik.

“At saka…” Sandali siyang tumigil.

Na-curious ako. “At saka ano?”

“Gusto rin kitang makita.”

***

Nang yayain niya ako sa motel, hindi na ako nag-isip.

Malungkot ako at kailangan kong makalimot.

Subalit nang maghubad na siya, na-realize ko na hindi iyon ang rason kung bakit ako sumama.

Attracted ako sa kanya at may pagnanasa. Hindi iyon maitatanggi ng aking erection.

Lumapit siya sa akin, nagyakap kami at naglapat ang mga labi. Nagkiskisan din ang aming mga ari.

Pinahiga niya ako at pumatong siya sa akin. Nagsimula niya akong paligayahin.

Sa mirrored ceiling, pinanood ko ang nagaganap sa amin.

Maya-maya pa, naglililiyad na ako at nagkikikislot.

Sa eksperto niyang pag-angkin, lumutang ako sa ulap at narating ko ang langit.

***

“Magkano?” ang tanong ko pagkatapos.

“Hindi mo ako kailangang bayaran.”

“Bakit?” Kumunot ang noo ko.

“Dahil kusa ang naging pagbibigay ko sa’yo. Hindi pagseserbisyo.”

Hindi ako sumagot pero nagtatanong pa rin ang mga mata ko.

“Matagal na kitang gusto,” ang dugtong pa niya.

Bahagya akong natawa. Hindi ako naniwala.

Dumukot ako ng pera sa wallet at iniabot sa kanya. Hindi siya tuminag, nanatiling nakatayo at nakatingin sa akin.

Inilapag ko ang pera sa side table at nagtungo ako sa banyo upang mag-shower.

Paglabas ko, wala na siya.

Naroroon pa rin ang pera.

***

Nang sumunod na Sabado, muli akong nagtungo sa bar.

Kaagad ko siyang hinanap.

Wala siya, bakante ang kanyang mesa.

Buong gabi akong naghintay.

Subalit hindi siya dumating.

Saturday, January 21, 2012

Alaala Ng Mapanglaw Kong Sinta

Kahit madilim ang kabuuan ng silid, batid kong umaga na nang ako ay magising dahil sa kapirasong liwanag na lumulusot sa siwang ng nakasarang kurtina. Bukas ang bintana na kung saan nanggagaling ang marahang hihip ng hangin. Sa labas, patuloy ang mahinang tikatik ng ulan, ang ritmo ay himig na naghehele sa akin. Kaya sa halip na bumangon, ako ay muling nagsumiksik sa pagitan ng mga unan.

Subalit hindi unan ang nadama ko sa aking likuran kundi isang mainit, humihinga at buhay na katawan. Dahan-dahang gumapang ang aking kamay at nadama ng aking palad ang makinis, malasutlang balat. Nasalat ko rin ang kanyang matigas na kalamnan at lubos na kahubdan.

At ako ay muling dumilat at napakurap. Paano ko nalimutan na ako ay may kinaulayaw sa magdamag at natulog nang may kasiping? Ito ba ay pahiwatig na ako ay unfeeling at siya, bilang nagmamahal sa akin, ay matagal nang taken for granted?

Unti-unti akong bumaling at siya ay aking hinarap. Sa gitna ng kulimlim, pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Nahihimbing siya na parang isang anghel. Inisa-isa ko ang kanyang features – makapal na kilay, mga matang napapalamutian ng malalago at mahahabang pilik, matangos na ilong, mga labing natural na maga at mapula. Napakapino ng kanyang kutis, halos walang pores, na bagama’t maitim ay makrema na parang milk chocolate, lapat na lapat sa pagkakahigit ng kanyang mataas na cheekbones at squarish na panga.

Dumako ang aking mga mata sa kanyang leeg na sa kabila ng pagiging mahaba at “swan-like” ay may katangiang maskulino dahil sa prominenteng adam’s apple at matatag na pagkakaluklok sa kanyang malapad na balikat. Ang kanyang dibdib na bagama’t manipis ay malaman at siksik, gayundin ang kanyang mga braso na payat man ay may matitigas na masel. Mababakas ang mga tadyang sa kanyang tagiliran na nakikipagtagpo sa washboard abs na kung saan mula sa pusod ay gumagapang ang manipis na balahibo patungo sa kanyang kaselanan.

Na kahit malambot ay hindi matatawaran ang sukat.

Sandaling humimpil doon ang aking paningin hindi lamang upang iyon ay purihin kundi upang sariwain ang mga ligayang idinulot niyon sa akin. Sa pagkakahimlay na parang ibon sa pugad ay muli nitong ginising ang aking damdamin – hindi lamang ang pagnanasa kundi gayundin ang pagkabagabag ng isip. Kung bakit sa kabila ng kanyang kakisigan at kakayahang ako ay iduyan sa mga panaginip, hindi ko siya magawang lubos na mahalin. Na ang lahat ng aming mga pagniniig ay panandalian – gaano man kadalas; pangkasalukuyan – gaano man ang paghahangad sa isang stable na hinaharap.

Hanggang ngayon, pagkalipas ng mahabang panahon, kami ay nagsisiping hindi dahil sa commitment kundi dahil sa basic human need – sex. Na kung mayroon man kaming mga damdaming lihis doon, iyon ay inililihim namin at hindi na binabanggit.

Minsan na siyang nagtanong kung mahal ko siya na hindi ko nagawang sagutin. “Mahal na kasi kita,” ang dugtong pa niya na higit na umumid sa akin. Inapuhap niya ang aking mga mata. Nangusap, nagmakaawa ang kanyang mga titig. Subalit hindi ko nagawang magsinungaling. Niyakap ko na lamang siya at hinagkan, mahigpit at maalab, upang payapain hindi ang kanyang pagdaramdam kundi ang aking mga agam-agam. Nang gabing iyon, nagpaalipin ako nang kami ay magtalik, hinayaan kong hanapin niya sa aking kaibuturan ang sagot na hindi ko maisatinig. Minatamis ko ang marahas niyang pag-angkin upang kahit paano ay mabigyan siya ng assurance na hindi ko man maipagkaloob ang aking sarili, may mga bahagi nito na saklaw niya at pag-aari.

Sa labas, patuloy ang mahinang ulan. Ang salitan ng mga patak ay parang tibok ng aking puso at oyayi naman sa kanyang pagkakahimbing, na bagama’t iisa ang pinagmumulan ay magkasalungat ang epekto sa amin.

Ginagap ko ang kanyang kamay, dinala ko iyon sa aking bibig at hinagkan. Pinagmasdan ko ang mahahabang daliri, ang manipis na palad at hindi ko naiwasang muling masalat ang bakas ng isang masakit na nakaraan. Ang pilat sa kanyang pulso na naiwan nang minsan niyang pagtangkaan ang kanyang buhay dahil sa pagkabigo sa isang lalaking nangako ng pagmamahal subalit siya ay iniwan.

Pilat na balantukan, sanhi marahil ng malalim na sugat.

Hindi ko alam kung magagawa ko siyang papaghilumin. Natatakot ako na tugunin ang kanyang pag-ibig dahil baka ako naman ang magbulid sa kanya sa kapahamakan.



Wednesday, January 11, 2012

Round Trip

At dahil nainip na ako sa paghihintay at naubusan na ng excuses…

At dahil ang mga tanong ay wala nang tugon at ang katahimikan ay nakabibingi na…

Tuluyan na akong napagod at nawalan ng pag-asa.

Ipinagpasya ko ang lumimot.

Nilisan ko ang selda ng mga alaala upang tumakas at lumaya.

Ipinagpasya ko ang maging masaya.

***

Bitbit ang isang handcarry, sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa airport.

Sabi sa anunsiyo, sa kabila ng maaliwalas na panahon, may namumuong unos sa aking destinasyon at maaaring maging maalog ang flight.

Lumipad pa rin ako nang buong tapang at pag-asam na ako ay makararating nang maayos sa paroroonan. Sa aking isip, nakalarawan ang kariktan ng paraisong hinahanap-hanap at laging laman ng pangarap. It’s worth the trip kahit maging bumpy ang ride.

Habang naglalagos ang eroplano sa himpapawid, nagsimulang kumulimlim ang langit. Hindi ko iyon pinansin, sa halip ibinaba ko ang window shade at pinilit kong maidlip. Subalit anumang pilit, nanatiling gising ang aking isip at paulit-ulit na tumakbo ang isang malungkot-masayang panaginip. Isang fantasy movie na batay sa aking karanasan, na hindi man nakalilibang ay aking tinunghayan, hinayaang ako ay saktan dahil alam kong sa aking pagmulat, ito ay maglalaho at magpapatuloy ang aking realidad.

Ginulantang ako ng turbulence sabay sa tunog-hudyat ng “fasten seatbelt” signs. Parang idinuyan ang aking tiyan sa rising-falling-rocking motions ng aircraft. Napakapit ako sa armrest at napag-isip. Ganoon talaga ang pagbibiyahe, hindi lahat ng kalye ay pantay. Kahit patag sa simula, maaaring maging malubak kinalaunan. Mabuti na lang, sa biyahe kong ito, naging maagap ang pagsisindi ng mga warning signs.

Naramdaman ko ang descent. Kasunod niyon ang anunsiyo ng napipintong paglapag.

“Sa loob ng ilang sandali, tayo ay lalapag na sa paliparan ng ___. Mangyari po lamang na ituwid na ang inyong mga upuan, tiklupin ang mga mesa at ikabit ang sinturong pangkaligtasan…”

Itinaas ko ang window shade at sumilip ako sa labas. Maulap at wala akong makita. Wala ang lupa at karagatang karaniwang matatanaw sa ibaba.

Muli akong pumikit, binilang ang mga sandali habang hinihintay ang pagdiit ng mga gulong ng eroplano sa lupa. Subalit naging napakatagal niyon. Nakaramdam ako ng inip, dumilat at muling dumungaw. Para pa rin kaming nakalutang sa bulak.

Nagtaka ako dahil natigil ang aming descent. Sa halip, kami ay mistulang nagpapaikot-ikot na lamang.

The captain came through the PA system.

“I am sorry to inform you that due to zero visibility brought about by the weather condition, we cannot land in ___. We will be going back to Manila…”

Nanlumo ako subalit wala akong magawa. Abot kamay na kumbaga, ipinagkait pa. Isang hakbang na lang sana, nadapa pa. Napapikit na lamang ako at muling napag-isip. Ganoon yata talaga, kahit naglakbay ka na, hindi pa rin iyon garantiyang makararating ka. Kailangang bumalik sa pinanggalingan upang muling makapagsimula.

Pagdating sa airport, nagpa-rebook ako ng flight. Muli akong sasakay kinabukasan. Muli akong makikipagsapalaran. May mga bagay talaga na kailangang ulitin at muling subukan upang mapagtagumpayan.

***

“Akala ko pa naman, natagpuan mo na ang the one.”

May disappointment sa tinig ng aking best friend nang ibalita ko sa kanya ang pagkakasira namin ng aking boyfriend. Kausap ko siya sa cellphone habang nakapahingalay sa lounge chair, nakatanaw sa dagat. Dito sa balkonahe ng aking rented cottage, pagkaraang makapagpahinga at makapagmuni-muni, ipinagpasya kong basagin ang katahimikan at muling kumonekta sa outside world.

“Akala ko rin,” ang aking sagot.

“Sabi ko na nga ba, something was wrong noong lumabas tayo bago mag-Pasko.”

“Bakit mo naman naisip ‘yun?”

“Dahil masyado kang masaya… na parang hindi totoo.”

“Akala ko, maitatago ko ang lungkot. Pero mas na-obvious ba?”

“Oo, dahil pagkaraan ng mahabang absence, muli kang umapir. Uminom nang walang tigil. Umakyat at sumayaw sa ledge. I can’t even remember the last time na ginawa mo iyon. And you connected with somebody. Akala mo, hindi ko ‘yun napansin?”

“Best friend nga kita. You can read me like a book.”

“And so, how are you?”

“I’m fine.”

“Baka naman nag-e-emote ka lang diyan.”

“Hindi ah. Nagbabakasyon lang.”

“Diyan ka ba magba-bagong taon?”

“Maybe. Maybe not. You know me, madalas hindi ako nagpaplano. Bahala na. Depende sa mood.”

“Friend, you have to move on.”

“I already did. Kaya nga naririto ako.”

Nagdadapithapon nang maglakad-lakad ako sa beach. Dinama ko ang hangin. May cleansing effect iyon sa akin. Pinanood ko ang sunset. I wondered kung bakit sa pagkakataong iyon pinakamakulay ang langit gayong ang kasunod ay dilim. Inisip ko na lang na kailangan ang magandang alaala sa pag-idlip upang hindi mawalan ng pag-asa sa darating na silahis.

Nilingon ko ang aking nilakaran. Humahalik ang mga alon sa dalampasigan at binubura ang aking mga bakas.

***

Nagtanggal siya ng damit at nalantad sa akin ang matipuno niyang katawan. Maihahalintulad sa tsokolate ang kanyang balat na bagama’t maitim ay makinis. I wondered kung ano ba ang lasa niyon kung aking didilaan. Mapait ba o matamis?

Natagpuan ko siya sa dulo ng beach, malapit sa batuhan. Hindi na kinailangan ang paliwanag nang kami ay magkatitigan. Nginitian niya ako at dahil sa pangakong sumilay sa kanyang mga labi, hindi ako nakatanggi sa alok niyang serbisyo. Kasunod ko na siya nang ako ay maglakad pabalik sa aking cottage.

Naghubad na rin ako – tanging underwear ang itinira – at dumapa sa kama. Pumikit ako at nagpaubaya. Nalanghap ko ang halimuyak ng latik. Afterall, lehitimo siyang masahista dahil may dala siyang langis ng niyog na nasa maliit na botelya.

Ginapangan ako ng magkahalong kiliti at kilabot nang dumampi ang kanyang mga palad sa aking likod, dala marahil ng pananabik at antisipasyon. Higit na umigting iyon nang ikalat niya ang langis at maramdaman ko sa aking balat ang madulas at malagkit na sensasyon.

Hinanap niya ang aking mga “lamig” – mga tension bulges na nabuo dahil sa stress. Nagsimula siyang dumama sa aking balikat, malapit sa puno ng leeg, at nang may masalat na matigas ay dumiin ang kanyang mga daliri at nagpaikot-ikot. Masakit na masarap kaya ako ay napaungol. Matagal siyang nanatili roon hanggang sa guminhawa ang aking mga himaymay.

Pagkaraan ay dumako siya sa aking mga “pakpak”. Gayundin ang kanyang ginawa: hinanap at nang matagpuan, hinagod at dinurog ang naninigas na mga masel. Nanatili akong nakayupyop at nakapikit, mala-masokistang in-enjoy ang sakit.

At pagkatapos, tinrabaho niya ang magkabilang gilid ng aking spine. Diin, pisil, himas. Pababa hanggang sapitin niya ang aking lumbar. At doon ay nagpaikot-ikot din siya upang papagluwagin ang tila pagkakabuhul-buhol ng mga litid.

Nagulat ako nang haklitin niya at hubuin ang aking brief subalit hindi ako tumutol. Nadama ko ang lamig sa na-expose kong puwet na kaagad din namang nahalinhan ng init nang pahiran niya iyon ng langis at marahang hagurin. Muli, ang kanyang mga pagdiin na may kasamang pagpisil at ang kanyang mga ligaw na himas sa ilalim na bahagi ng aking bayag.

Na nagpalibog sa akin.

Ang kiliti, ang kilabot, ang masakit-masarap na sensasyon, ang feel at amoy ng madulas na oil at ang kanyang mga hagod ay nagpahugos sa aking dugo at nagpabigat sa aking puson.

Nagkaroon ako ng erection.

Na hindi ko naitago nang ako ay kanyang patihayain. Nagmulat ako. Pinagmasdan ko siya, ang kabuuan niya, at nakita kong hubo’t hubad na rin siya. Ang shorts na suot niya kanina ay hindi ko namalayan nang alisin niya. At doon sa kanyang ari, napatitig ako, dahil namumukod-tangi iyon, sa sukat, sa itsura. Nasa estado rin siya ng matinding pagkaantig, kagaya ko.

Pinatakan niya ng langis ang aking dibdib, ang aking tiyan, ang aking kaselanan. At siya ay pumaibabaw sa akin. Nadama ko ang kanyang bigat, gayundin ang kanyang paninigas. Nagpatuloy ang kanyang pagmamasahe gamit ang kanyang katawan. Taas-baba siyang nagpadulas at kumiskis, nagparoo’t parito sa aking kabuuan.

At pagkatapos, inapuhap niya ang pinakamalaki kong tension bulge. Binalot niya iyon sa kanyang palad at urong-sulong na hinimas. Maingat, matiyaga, halos may pagmamahal. Napabiling-biling ako sa sarap at nagsimulang lumutang. Naramdaman ko ang build-up ng aking katas.

At sabay sa aking pagsambulat ay ang pagtakas ng aking mga dinaramdam, ang paglalaho ng aking mga lungkot, ng aking mga galit. Ang pagkatuto at pagkatanto na ang buhay ay isang round trip, na ang pinanggalingan ay siya ring babalikan upang muling makapaglakbay.

Kasunod niyon ang kapanatagan na higit na masarap kaysa orgasm.

***

Sa kabila ng panganib ng mga paputok at ligaw na bala, sumuong kami sa war zone ng Metro Manila. Buong tapang naming hinarap ang pagsalubong sa bagong taon.

At sa pagpatak ng alas-dose, magkakasama kaming nanood ng fireworks. Masigla at masaya, limot na ang mga malulungkot at masasakit na alaala.

Simula na naman ng panibagong paglalakbay para sa aming lahat. At bilang magkakaibigan na sinubok na ng panahon, naroroon at travel companion pa rin namin ang bawat isa.

Nagbatian kami ng “Happy New Year!”. Nagbeso-beso at nagyakap-yakap.

We toasted that this year, we may be prettier, richer, happier and wiser.