Tuesday, January 31, 2012

Fuchsia

Pagkaraang mag-hibernate sa tag-lamig, namumulaklak na naman ang mga bogambilya, hudyat ng paparating na tag-init.

Tag-init na panahon din ng aking pamumukadkad, kung kailan muli akong makikipagharutan sa mga paru-paro.

Muling magbubukas ang aking mga talulot, magpapapupog sa tukso kahit ilang ulit na akong nabigo, iniwan sa hangin pagkatapos ng laro.

Dahil katulad ng bogambilya, walang tamis ang aking nektar, walang bango ang aking halimuyak.

Fuchsia lang ang aking kulay na mapang-akit kahit sa mga insektong color blind.

12 comments:

bien said...

Niceeee

Gawa ka rin about Caerulean and Periwinkle haha

citybuoy said...

I never gave much thought about the bougainvillea. How enlightening.

paci said...

hindi lang bogambilya kundi BONGGAMBILYA. =)

Leo said...

Ang galing! :)

JJ Roa Rodriguez said...

Ay! Gusto ko siya!..

JJRod'z

Steph Degamo said...

yun yun oh! nakakatuwang basahin kasi maraming simbolo. nice one!

john chen hui long said...

nice one about flowers! speaking of which, my favourite is the peony, the flower of concubines. hehehe

Joaqui said...

Bogambilya! Dami nyan sa Malate! :P

Adventure said...

naks! abangan si aris.. magiging bogambilya na. hehe.. wink :))

Anonymous said...

fuchsia naman friend...ikaw na ang matalinghaga...

hahaha

-the geek

Anonymous said...

ikaw na ikaw na talaga aris. ur da best. so makata! ehehehe!

aphrodite said...

impressed :)