Wednesday, January 11, 2012

Round Trip

At dahil nainip na ako sa paghihintay at naubusan na ng excuses…

At dahil ang mga tanong ay wala nang tugon at ang katahimikan ay nakabibingi na…

Tuluyan na akong napagod at nawalan ng pag-asa.

Ipinagpasya ko ang lumimot.

Nilisan ko ang selda ng mga alaala upang tumakas at lumaya.

Ipinagpasya ko ang maging masaya.

***

Bitbit ang isang handcarry, sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa airport.

Sabi sa anunsiyo, sa kabila ng maaliwalas na panahon, may namumuong unos sa aking destinasyon at maaaring maging maalog ang flight.

Lumipad pa rin ako nang buong tapang at pag-asam na ako ay makararating nang maayos sa paroroonan. Sa aking isip, nakalarawan ang kariktan ng paraisong hinahanap-hanap at laging laman ng pangarap. It’s worth the trip kahit maging bumpy ang ride.

Habang naglalagos ang eroplano sa himpapawid, nagsimulang kumulimlim ang langit. Hindi ko iyon pinansin, sa halip ibinaba ko ang window shade at pinilit kong maidlip. Subalit anumang pilit, nanatiling gising ang aking isip at paulit-ulit na tumakbo ang isang malungkot-masayang panaginip. Isang fantasy movie na batay sa aking karanasan, na hindi man nakalilibang ay aking tinunghayan, hinayaang ako ay saktan dahil alam kong sa aking pagmulat, ito ay maglalaho at magpapatuloy ang aking realidad.

Ginulantang ako ng turbulence sabay sa tunog-hudyat ng “fasten seatbelt” signs. Parang idinuyan ang aking tiyan sa rising-falling-rocking motions ng aircraft. Napakapit ako sa armrest at napag-isip. Ganoon talaga ang pagbibiyahe, hindi lahat ng kalye ay pantay. Kahit patag sa simula, maaaring maging malubak kinalaunan. Mabuti na lang, sa biyahe kong ito, naging maagap ang pagsisindi ng mga warning signs.

Naramdaman ko ang descent. Kasunod niyon ang anunsiyo ng napipintong paglapag.

“Sa loob ng ilang sandali, tayo ay lalapag na sa paliparan ng ___. Mangyari po lamang na ituwid na ang inyong mga upuan, tiklupin ang mga mesa at ikabit ang sinturong pangkaligtasan…”

Itinaas ko ang window shade at sumilip ako sa labas. Maulap at wala akong makita. Wala ang lupa at karagatang karaniwang matatanaw sa ibaba.

Muli akong pumikit, binilang ang mga sandali habang hinihintay ang pagdiit ng mga gulong ng eroplano sa lupa. Subalit naging napakatagal niyon. Nakaramdam ako ng inip, dumilat at muling dumungaw. Para pa rin kaming nakalutang sa bulak.

Nagtaka ako dahil natigil ang aming descent. Sa halip, kami ay mistulang nagpapaikot-ikot na lamang.

The captain came through the PA system.

“I am sorry to inform you that due to zero visibility brought about by the weather condition, we cannot land in ___. We will be going back to Manila…”

Nanlumo ako subalit wala akong magawa. Abot kamay na kumbaga, ipinagkait pa. Isang hakbang na lang sana, nadapa pa. Napapikit na lamang ako at muling napag-isip. Ganoon yata talaga, kahit naglakbay ka na, hindi pa rin iyon garantiyang makararating ka. Kailangang bumalik sa pinanggalingan upang muling makapagsimula.

Pagdating sa airport, nagpa-rebook ako ng flight. Muli akong sasakay kinabukasan. Muli akong makikipagsapalaran. May mga bagay talaga na kailangang ulitin at muling subukan upang mapagtagumpayan.

***

“Akala ko pa naman, natagpuan mo na ang the one.”

May disappointment sa tinig ng aking best friend nang ibalita ko sa kanya ang pagkakasira namin ng aking boyfriend. Kausap ko siya sa cellphone habang nakapahingalay sa lounge chair, nakatanaw sa dagat. Dito sa balkonahe ng aking rented cottage, pagkaraang makapagpahinga at makapagmuni-muni, ipinagpasya kong basagin ang katahimikan at muling kumonekta sa outside world.

“Akala ko rin,” ang aking sagot.

“Sabi ko na nga ba, something was wrong noong lumabas tayo bago mag-Pasko.”

“Bakit mo naman naisip ‘yun?”

“Dahil masyado kang masaya… na parang hindi totoo.”

“Akala ko, maitatago ko ang lungkot. Pero mas na-obvious ba?”

“Oo, dahil pagkaraan ng mahabang absence, muli kang umapir. Uminom nang walang tigil. Umakyat at sumayaw sa ledge. I can’t even remember the last time na ginawa mo iyon. And you connected with somebody. Akala mo, hindi ko ‘yun napansin?”

“Best friend nga kita. You can read me like a book.”

“And so, how are you?”

“I’m fine.”

“Baka naman nag-e-emote ka lang diyan.”

“Hindi ah. Nagbabakasyon lang.”

“Diyan ka ba magba-bagong taon?”

“Maybe. Maybe not. You know me, madalas hindi ako nagpaplano. Bahala na. Depende sa mood.”

“Friend, you have to move on.”

“I already did. Kaya nga naririto ako.”

Nagdadapithapon nang maglakad-lakad ako sa beach. Dinama ko ang hangin. May cleansing effect iyon sa akin. Pinanood ko ang sunset. I wondered kung bakit sa pagkakataong iyon pinakamakulay ang langit gayong ang kasunod ay dilim. Inisip ko na lang na kailangan ang magandang alaala sa pag-idlip upang hindi mawalan ng pag-asa sa darating na silahis.

Nilingon ko ang aking nilakaran. Humahalik ang mga alon sa dalampasigan at binubura ang aking mga bakas.

***

Nagtanggal siya ng damit at nalantad sa akin ang matipuno niyang katawan. Maihahalintulad sa tsokolate ang kanyang balat na bagama’t maitim ay makinis. I wondered kung ano ba ang lasa niyon kung aking didilaan. Mapait ba o matamis?

Natagpuan ko siya sa dulo ng beach, malapit sa batuhan. Hindi na kinailangan ang paliwanag nang kami ay magkatitigan. Nginitian niya ako at dahil sa pangakong sumilay sa kanyang mga labi, hindi ako nakatanggi sa alok niyang serbisyo. Kasunod ko na siya nang ako ay maglakad pabalik sa aking cottage.

Naghubad na rin ako – tanging underwear ang itinira – at dumapa sa kama. Pumikit ako at nagpaubaya. Nalanghap ko ang halimuyak ng latik. Afterall, lehitimo siyang masahista dahil may dala siyang langis ng niyog na nasa maliit na botelya.

Ginapangan ako ng magkahalong kiliti at kilabot nang dumampi ang kanyang mga palad sa aking likod, dala marahil ng pananabik at antisipasyon. Higit na umigting iyon nang ikalat niya ang langis at maramdaman ko sa aking balat ang madulas at malagkit na sensasyon.

Hinanap niya ang aking mga “lamig” – mga tension bulges na nabuo dahil sa stress. Nagsimula siyang dumama sa aking balikat, malapit sa puno ng leeg, at nang may masalat na matigas ay dumiin ang kanyang mga daliri at nagpaikot-ikot. Masakit na masarap kaya ako ay napaungol. Matagal siyang nanatili roon hanggang sa guminhawa ang aking mga himaymay.

Pagkaraan ay dumako siya sa aking mga “pakpak”. Gayundin ang kanyang ginawa: hinanap at nang matagpuan, hinagod at dinurog ang naninigas na mga masel. Nanatili akong nakayupyop at nakapikit, mala-masokistang in-enjoy ang sakit.

At pagkatapos, tinrabaho niya ang magkabilang gilid ng aking spine. Diin, pisil, himas. Pababa hanggang sapitin niya ang aking lumbar. At doon ay nagpaikot-ikot din siya upang papagluwagin ang tila pagkakabuhul-buhol ng mga litid.

Nagulat ako nang haklitin niya at hubuin ang aking brief subalit hindi ako tumutol. Nadama ko ang lamig sa na-expose kong puwet na kaagad din namang nahalinhan ng init nang pahiran niya iyon ng langis at marahang hagurin. Muli, ang kanyang mga pagdiin na may kasamang pagpisil at ang kanyang mga ligaw na himas sa ilalim na bahagi ng aking bayag.

Na nagpalibog sa akin.

Ang kiliti, ang kilabot, ang masakit-masarap na sensasyon, ang feel at amoy ng madulas na oil at ang kanyang mga hagod ay nagpahugos sa aking dugo at nagpabigat sa aking puson.

Nagkaroon ako ng erection.

Na hindi ko naitago nang ako ay kanyang patihayain. Nagmulat ako. Pinagmasdan ko siya, ang kabuuan niya, at nakita kong hubo’t hubad na rin siya. Ang shorts na suot niya kanina ay hindi ko namalayan nang alisin niya. At doon sa kanyang ari, napatitig ako, dahil namumukod-tangi iyon, sa sukat, sa itsura. Nasa estado rin siya ng matinding pagkaantig, kagaya ko.

Pinatakan niya ng langis ang aking dibdib, ang aking tiyan, ang aking kaselanan. At siya ay pumaibabaw sa akin. Nadama ko ang kanyang bigat, gayundin ang kanyang paninigas. Nagpatuloy ang kanyang pagmamasahe gamit ang kanyang katawan. Taas-baba siyang nagpadulas at kumiskis, nagparoo’t parito sa aking kabuuan.

At pagkatapos, inapuhap niya ang pinakamalaki kong tension bulge. Binalot niya iyon sa kanyang palad at urong-sulong na hinimas. Maingat, matiyaga, halos may pagmamahal. Napabiling-biling ako sa sarap at nagsimulang lumutang. Naramdaman ko ang build-up ng aking katas.

At sabay sa aking pagsambulat ay ang pagtakas ng aking mga dinaramdam, ang paglalaho ng aking mga lungkot, ng aking mga galit. Ang pagkatuto at pagkatanto na ang buhay ay isang round trip, na ang pinanggalingan ay siya ring babalikan upang muling makapaglakbay.

Kasunod niyon ang kapanatagan na higit na masarap kaysa orgasm.

***

Sa kabila ng panganib ng mga paputok at ligaw na bala, sumuong kami sa war zone ng Metro Manila. Buong tapang naming hinarap ang pagsalubong sa bagong taon.

At sa pagpatak ng alas-dose, magkakasama kaming nanood ng fireworks. Masigla at masaya, limot na ang mga malulungkot at masasakit na alaala.

Simula na naman ng panibagong paglalakbay para sa aming lahat. At bilang magkakaibigan na sinubok na ng panahon, naroroon at travel companion pa rin namin ang bawat isa.

Nagbatian kami ng “Happy New Year!”. Nagbeso-beso at nagyakap-yakap.

We toasted that this year, we may be prettier, richer, happier and wiser.



9 comments:

Rygel said...

Galing talaga magsulat

Aris said...

@rygel: salamat na-appreciate mo kahit medyo experimental. :)

gArdo said...

Napadaan lang ako. Curious sa blog mo. Ang galeng! Fan mo na ko from this day on!

Aris said...

@gardo: wow, thank you very much. sana palagi kang pumasyal. :)

john chen hui long said...

another gem! i'm so happy to read this entry - what a treat for the new year. i hope the happy parts are real and that you're having great sex. ;-)

always,
hui long

Kane said...

How are you, Aris? =) It has been awhile. Kaya pala. Nagka boyfriend ka pala.

It seems you feel better. Gusto ko yung ending mo, i remember a similar ending not so long ago.

Kane

Aris said...

@john chen hui long: i'm feeling great right now. siguro dahil sa masahe hehe! thanks, john. :)

@kane: i'm doing fine. you know naman how resilient i am. love your new profile pic. gorgeous! :)

Leomer Apolonio said...

Wow. I'm spell-bound. Talagang binasa ko from start to finish. I hope you feel better Aris!

Aris said...

@leomer apolonio: hi leo. yup, feeling better now. very optimistic for the new year. thanks a lot. :)