Saturday, January 28, 2012

Ang Kolboy

Tuwing Sabado, lagi ko siyang nakikita sa bar.

Kagaya ko, mag-isa, umiinom, naghihintay.

Ang kaibahan nga lang, boyfriend ko ang hinihintay ko at siya ay customer.

Habang naghihintay, nagkakatinginan kami, nagkakatitigan.

Pero never kaming nagkangitian o naging friendly.

Ang tahimik naming pagmamasiran ay mapuputol sa pagdating ng aking boyfriend.

Maya-maya pa, darating na rin ang kanyang customer – bago na naman.

At pagkatapos, sila ay aalis.

Hahabulin ko siya ng tingin.

***

Sabado na naman at muli, naroroon kami sa bar.

Dating gawi, pinagmamasdan ang isa’t isa habang nagpapatay ng oras.

Nakakatatlong bote na ako, wala pa rin ang aking boyfriend.

Dumating ang kanyang customer.

Nag-usap sila, nag-tig-isang bote muna.

At bago umalis, sumulyap siya sa akin.

Naiwan akong mag-isa, nakatanaw sa kanya.

***

Nang sumunod na Sabado, muli akong nagtungo sa bar. Hindi upang maghintay kundi upang magpakalasing.

Hiwalay na kami ng aking boyfriend. Iyon ang naging bunga ng paghihintay ko sa wala.

Muli, naroroon siya, nasa kalapit-mesa, nakatingin sa akin.

At dahil nakakarami na ako ng beer, naging mapangahas akong tawirin ang katahimikang matagal nang namamagitan sa amin.

“Hi,” ang bati ko sa kanya. At kahit parang nagulat, ngumiti siya.

Tumayo ako, bitbit ang iniinom, at lumapit sa kanya.

“Can I join you?” ang sabi ko sabay muwestra sa bakanteng upuan sa harap niya.

“Sure.”

Nagpakilala ako. Nagpakilala rin siya.

“Hinihintay mo ba siya?” ang tanong niya.

“Hindi siya darating,” ang sagot ko.

“Bakit?”

“May iba na siya.”

Napatingin siya sa akin, mataman, subalit hindi nagsalita.

“Ikaw, may hinihintay ka?” ang tanong ko.

“Wala,” ang sagot niya.

“Bakit naririto ka?”

“Nagbabakasakaling makahanap ng booking.”

Hindi ako umimik.

“At saka…” Sandali siyang tumigil.

Na-curious ako. “At saka ano?”

“Gusto rin kitang makita.”

***

Nang yayain niya ako sa motel, hindi na ako nag-isip.

Malungkot ako at kailangan kong makalimot.

Subalit nang maghubad na siya, na-realize ko na hindi iyon ang rason kung bakit ako sumama.

Attracted ako sa kanya at may pagnanasa. Hindi iyon maitatanggi ng aking erection.

Lumapit siya sa akin, nagyakap kami at naglapat ang mga labi. Nagkiskisan din ang aming mga ari.

Pinahiga niya ako at pumatong siya sa akin. Nagsimula niya akong paligayahin.

Sa mirrored ceiling, pinanood ko ang nagaganap sa amin.

Maya-maya pa, naglililiyad na ako at nagkikikislot.

Sa eksperto niyang pag-angkin, lumutang ako sa ulap at narating ko ang langit.

***

“Magkano?” ang tanong ko pagkatapos.

“Hindi mo ako kailangang bayaran.”

“Bakit?” Kumunot ang noo ko.

“Dahil kusa ang naging pagbibigay ko sa’yo. Hindi pagseserbisyo.”

Hindi ako sumagot pero nagtatanong pa rin ang mga mata ko.

“Matagal na kitang gusto,” ang dugtong pa niya.

Bahagya akong natawa. Hindi ako naniwala.

Dumukot ako ng pera sa wallet at iniabot sa kanya. Hindi siya tuminag, nanatiling nakatayo at nakatingin sa akin.

Inilapag ko ang pera sa side table at nagtungo ako sa banyo upang mag-shower.

Paglabas ko, wala na siya.

Naroroon pa rin ang pera.

***

Nang sumunod na Sabado, muli akong nagtungo sa bar.

Kaagad ko siyang hinanap.

Wala siya, bakante ang kanyang mesa.

Buong gabi akong naghintay.

Subalit hindi siya dumating.

23 comments:

Mark said...

sad=(

Rygel said...

Waaaaaah tagal ng posts bitin pa! : D

The Golden Man from Manila said...

tama lang ang ginawa mo. sa isang scenario na pagkalimot.

Paid sex is just like saying... hanggang diyan ka lang. at tama lang.

maybe he is not the one. Maybe he maybe the one. but one thing is sure, when, as the cliche goes, the opportunity presents itself and it is the right time, then you would know. pag naputol yun, wala yun. isang eksena lang sa buhay yun.

efrenefren said...

magkakaroon ba ito ng happy ending? or kahit part 2 man lang?

aboutambot said...

sayang kundi kayo uli magkikita. baka siya na...

Midnytdanzer said...

I guess that would be the end. It's up to us readers on how we may end it. It may be sad nor happy.

Mamon said...

sa palagay ko d'yan nagsisimula ang pagsisisi. pa'no matatapos ang kwento? :D

Eli said...

hindi ako napapadpad sa mga bar kuya pero the words used in your little story are so vivid, I could watch the scenes happening.

citybuoy said...

Hindi ba't kolboy man, may karapatan din naman magmahal? :(

Adventure said...

naks.. i love this kind of story.. sana, may part 2. hehe... cheers aris! wink :))

Anonymous said...

Nice post.

Are you just testing the callboy if he would accept the money or not?

caloy said...

minsan, nahaharang ng judgement ang totoong feelings.

Anonymous said...

i know you did not mean to do it, but you insulted him, unwittingly...

sayang ang pagkakataon to develop something ... like friendship perhaps

Arnel said...

love the superb ending... atleast naginging active aming malikhaing isip sa mga maaring mangyari...

im_a_mortal said...

tapos ano nang nangyare??? ttaapooosss??? sundan na yan... atat na ako mabasa ang susunod na kabanata! :D

rowell said...

gusto kong magwala!!!! ano baaaa.

sana me part 2!!!!!! huhuhuhu

ian said...

sad nga :(

Anonymous said...

Galing mo talagang magsulat Aris " Sa eksperto niyang pag-angkin, lumutang ako sa ulap at narating ko ang langit". Gumuhit ang kilig sa aking kalamnan. Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr

MakoyMeister said...

Good read! Im a sucker for sad endings!

Kampai!

Anonymous said...

napakagaling mo magsulat.

sana magkita kayo kung kayo talaga. pero kung hindi ahahahaha!~

theMYRRHtheMERRIER said...

ang sad naman! but this so nice!

promking said...

na-offend yun.

biruin mo, gusto ka na niya pero ang tingin mo sa kanya, isang bayarang puta lang.

denggoy said...

ayos! may part 2 ba? hehe