Saturday, April 21, 2012

Reasons

Bakit matagal akong hindi nakapag-post?

1. Nag-crash ang computer ko. Nabura ang mga files ko, pati na ang mga blog drafts ko.

2. Nagkasakit ako after Galera. Nagkaroon ako ng severe allergies dahil hindi ako nag-ingat sa pagkain. Hilaw na mangga with bagoong, ensaladang talong with bagoong, ensaladang itlog na maalat, tortang talong, lahat ng silog (tapsilog, longsilog, tosilog). Nang mangati at mamantal ako sa huling araw, saka ko lang naalala: bawal nga pala sa akin ang bagoong at itlog, lalo na kung sobra. Pauwi ng Maynila, lumantak pa kami ni best friend ng nilagang itlog na hindi namin na-resist nang may maglako sa bus.

3. Nalulong ako sa pagbabasa. I finally got the books from UP Press na ipinabili ko sa friend kong taga-UP. Beautiful Accidents by Ian Rosales Casocot, Paghuhunos by Ellen Sicat, NagueƱos by Carlos Ojeda Aureus. Jumoin uli ako sa Reading Challenge ng Goodreads. Ang goal ko: 100 books this year as opposed to my 60 last year.

4. Na-intimidate ako sa bagong Blogger interface. At dahil kailangan ko pa itong kabisahin, panay ang paliban ko sa pagpo-post. Nakakatakot na baka may mapindot akong mali, may masira o mabura sa aking mga entries. Ewan ko naman kasi kung bakit kailangan pang gawing kumplikado at mahirap ang dati nang simple at madali.

5. At higit sa lahat… in love uli ako. Yes, as in taken. In a relationship. Inspired. Happy. Again.

***

Hindi ko inaasahan na sa Galera muling magku-krus ang landas namin ng isang dating pag-ibig.

“Aris,” ang tawag niya.

Lumingon ako. Sa gulat pagkakita sa kanya, natapunan ako ng scramble na iniinom ko. Agad kaming nagyakap at natapunan ko rin siya pero hindi siya nagbitiw.

Si Ramon. Walong taon na ang nakalilipas nang kami ay magkakilala at lumabas-labas. Okay na kami noon, nagkakamabutihan na, subalit sa kung anong kadahilanan, naudlot kami at hindi natuloy.

“Iniwan mo ako noon dahil ayaw mo sa bata,” ang tila pagpapaalala niya sa aming nakaraan. Eight years din kasi ang aming age difference. Nakaupo na kami sa lilim ng isang higanteng payong sa tapat ng Pacific Divers, nagma-mango juice siya at ako, nagko-Coke. Papaalis na siya ng isla nang hapong iyon at naghihintay sa pagdating ng bangkang “Golden Hawk”.

“Hindi,” ang sagot ko. “Hindi ako sigurado sa feelings ko dahil kaka-break ko lang noon.”

“Unsure ka pa rin ba sa feelings mo hanggang ngayon?”

Tiyak na ang damdamin ko pero hindi ko alam kung paano sasabihin iyon. Ngumiti na lamang ako at hinayaang makita niya roon ang sagot.

“Ako, from the very start, sigurado ako sa nararamdaman ko,” ang sabi niya. “Walang nababago.”

Tumindi ang ngiti ko at napatitig sa kanya. Sinalubong niya ang aking mga mata at doon, nabasa ko ang sinseridad niya.

“Hanggang ngayon, naaalala pa rin kita. Naaalala ko pa rin ang masasayang pinagsamahan natin.”

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko at nanatili akong nakatingin sa kanya, nakikinig sa mga sinasabi niya.

“Hindi ko pa rin nalilimutan ang mga pagkakapareho natin. Magkasundong-magkasundo tayo noon. Sa hilig, sa pagkain, sa bisyo. Pati na sa kabaduyan.” Tumigil siya at saglit na natawa. “Remember ‘yung ‘Til There Was You’ na pinanood natin on our first date?”

Natawa na rin ako at napa-reminisce. Sa movie na iyon ni Juday kami unang nag-holding hands, nagyakap at nag-kiss.

“Gayon pa rin ba ang mga gusto mo ngayon?” ang tanong niya.

“Oo, wala pa ring nababago,” ang sagot ko. “Dati pa rin, pati mga pangarap ko.”

“Pangarap mo pa rin bang tumira sa farmhouse malapit sa beach?”

“Iyan pa rin ang inaasam ko kapag nag-retire na ako. Ikaw, nagbago na ba?”

“Hindi, pareho pa rin tayo.” Naglayo siya ng tingin, saglit na tinanaw ang dagat na tila may inaapuhap sa isip.

May ningning sa kanyang mga mata nang muling bumaling sa akin. “Ilang ulit ko nang inilarawan sa isip ang farmhouse na iyon. Kung gaano kalawak ang lupang kinatitirikan niyon, kung anu-anong mga halaman ang nakatanim doon. Kung ano ang itsura ng kusina, kung ilang silid, kung gaano kalaki ang porch, pati na ang mga muwebles at tumba-tumbang naroroon.”

Hindi ko naiwasang mapangiti. Lumarawan din sa aking isip ang imahe ng pangarap kong farmhouse.

Nagpatuloy siya. “Alam mo ba kung ilang tumba-tumba ang nasa porch?”

“Dalawa?” Hindi iyon hula kundi batay sa sarili kong imahinasyon.

“At alam mo ba kung sino ang nakikita kong nakaupo roon, nagpapahangin, nagkukuwentuhan, nagtatawanan tuwing hapon?”

Hindi ako sumagot. Bumilis ang tibok ng puso ko sa antisipasyon.

“Ikaw at ako,” ang kanyang tugon, sabay sa matamang pag-apuhap ng aking reaksiyon.

Hirap man sa paghinga dahil sa mabilis na tibok ng puso, nagawa ko pa ring magsalita. “Bakit ako? Bakit tayo?”

“Dahil alam kong ikaw lang ang makaka-appreciate nang ganoon. Dahil alam kong iyon din ang pangarap mo.”

Magkahalong saya at lungkot ang nadama ko. Saya dahil magkatulad pa rin ang gusto namin sa future. At lungkot dahil binalewala ko iyon at hindi pinahalagahan sa nagdaang panahon. Kasunod niyon ang pangamba na baka kuwento-kuwento na lamang iyon, na tuluyan na siyang gumive-up sa akin, at ang totoong nakatakda sa hinaharap ay ang umupo ako nang mag-isa sa tumba-tumba sa porch ng farmhouse.

“After nung nangyari sa atin, nagkaroon ka ba ng serious relationships?” I had to fish.

“Relationships, yes. But serious, no.” ang kanyang sagot. “Ikaw?”

“Wala rin akong masasabing serious dahil karamihan sa mga iyon ay hindi nagtagal.”

“Nitong huli, I dated somebody. He reminded me so much of you. But I found out he’s all wrong for me. Hindi siya mabubuhay sa farmhouse. Hindi siya kumakain ng tuyo at sardinas. Hindi niya type si Juday. After him, ayoko na. Parang gumive-up na ako sa paghahanap. Nakakadala na.”

“Ako rin, parang nadala na. Kaya kapag may nakikilala ako, hindi ko na sineseryoso. Nakikipaglandian na lang ako tapos, wala na.” Sa kabila ng Dalisay water na pinag-iinom ko sa isla, hindi na ako nagpakadalisay pa. Ayaw kong magkunwari. Gusto kong magpakatotoo.

“Walang masama, single ka. Ginawa ko na rin ‘yan pero napagod lang ako. Hindi ka pa rin ba napapagod?”

“I haven’t been in Malate for a while. I consider myself semi-retired na. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko, hindi na ako pupunta.”

“But you were in Mikko’s last night?”

“Umm, yeah.”

“Buti na lang hindi ako nagpunta roon kagabi. Dahil kahit walang masama, maaapektuhan pa rin ako kung makikita kitang nakikipaglandian sa iba. Masasaktan ako.”

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata.

“Aris, mahal pa rin kita. Hanggang ngayon.”

Natigilan ako sa sinabi niya.

Binulabog kami ng megaphone ng Minolo Shipping. Nagtatawag na para sa pagsakay sa “Golden Hawk”. Kanina pa pala ito nakadaong. Naghuhugusan na ang mga pasahero.

“Puwede ba uling maging tayo? Ang haba na ng nalakbay natin, nakakapagod na. Ang dami nang naaksayang panahon, hindi pa rin ba tayo nakatitiyak sa ating damdamin? Ilang ulit na ba tayong naghanap, nabigo at nasaktan? Bakit patuloy nating ipinagkakait sa ating sarili ang kaligayahang matagal na nating natagpuan?”

Hindi ako makasagot. Hindi ako makahinga. Patuloy ang mabilis na tibok ng aking puso na parang nag-uunahan na.

“After all these years, connected pa rin tayo at walang nababago. Maybe because we’re really meant for each other. We’re soulmates and we just didn’t know.”

Muli, ang anunsiyo sa megaphone ng pagsakay sa bangka.

Tumayo ako at tumayo siya. Subalit sa halip na tunguhin ang pila, nanatili kaming nakatayo at nakatingin sa isa’t isa.

“Hindi na ako bata,” ang patuloy niya. “May maayos na akong trabaho. May sarili na akong condo. Handa na akong mag-asawa.”

Tila napagkit ang mga paa ko sa buhangin, gayundin ang mga mata ko sa kanyang mukha.

“Aris, will you marry me now?”

Huling tawag sa pagsakay.

Napasinghap ako. Nakalulunod ang galak sa aking puso.

Niyakap ko siya, mahigpit.

At nang ulitin niya ang tanong, ibinulong ko ang sagot.



30 comments:

Mamon said...

Pwedeng chick flick to. gusto ko yung sinabi niyang "Bakit patuloy nating ipinagkakait sa ating sarili ang kaligayahang matagal na nating natagpuan?" wala ng sagot-sagot. halikan na agad :D

Rygel said...

ganun lang? wala man lang pakipot ng kaunti? haha! ikaw na! congrats! pero sana madami pang blog posts kahit "in a relationship na" :D

Lasher said...

Congrats, Aris!

So happy for you!

Parang gusto ko ring sumali sa Reading Challenge mo. Gusto mo bang pa-autograph ko book mong Beautiful Accidents? Teacher ko yang si Casocot eh. ;-)

Kane said...

Hayyy... ang saya ng may boyfriend =) Hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy

Here's wishing you the best honey.

Kane

john chen hui long said...

i'm so thrilled for you, aris! xxx

Anonymous said...

Aris, Sabi nga pagnauukol ay bubukol. Sa hinahaba ng panahon ay muling nagcruz ang inyong landas. Sana ito'y maging simula ng isang mahaba, masaya, makulay at matatag na relasyon. Masaya ako para sa inyong dalawa.

jelai said...

weeee.hehehe.ang saya! I''m on goodreads too. isa rin ang goodreads kung bakit hindi ako nakakapagblog minsan. at yun ay dahil sa 100-book challenge ko! hehe.

caloy said...

friend, ang lakas maka-they live happily ever after. im happy for you :)

Aris said...

@justin: chick flick talaga? julia roberts and richard gere? haha! :)

@rygel: wala nang pakipot, baka magbago pa isip nya. haha! promise, will do my best to post regularly. :)

@lasherations: thanks, my friend. talaga, teacher mo si casocot? wow! got his other book "heartbreak and magic". he's good. so, dumaguete-based ka rin? :)

Aris said...

@kane: sinabi mo pa, lakas maka-teenager! haha! am sure, you'll agree kasi in love ka rin. thanks, sweetie. :)

@john chen hui long: sabi ko sa'yo, may espesyal na kuwento akong pasalubong. ito na yun! haha! :)

@anonymous: maraming salamat. tama ka. imagine, after 8 years saka mangyayari ang ganito. hindi ko rin akalain. but i feel so happy right now. :)

Aris said...

@jelai: uy, pareho tayo, 100 books ang goal this year. nakaka-sidetrack lang. imbes na magsulat, magbabasa na lang. kailangan kong mag-schedule ng time para makapag-post pa rin nang regular. :)

@caloy: hay naku, friend. nainggit lang ako sa'yo kaya naghanap din ako. haha! :)

Lasher said...

I'm currently based in the outskirts of Dumaguete, not really sa sentro. But when you're in the provinces, 1 hour bus rides can just seem like 5 minutes. ;-)

Mac Callister said...

oh my god aries! im so happy reading this post! finally!

kinilig ako grabe yang guy na yan ha!!!

kakaexcite!

Latest OPM Song Guide said...

dahil sa hindi mo pagpost nakagawa ka naman ng bagong post eh! much interesting...

Aris said...

@lasherations: i've been to dumaguete before. nice place. friendly people. :)

@mac callister: who would ever think, di ba? ang tagal kong naghanap, yun pala nandiyan lang siya, naghihintay. :)

@latest opm: tama. post as in poste ng isang matatag na lovelife. hehe! :)

Anonymous said...

namiss kita aris...namiss ko post mo..at ito nga kinilig naman ako...nakikita ko ang similarity sa kwento sa totoong buhay ko...10years kasi ang gap...haha..

happy ako for u aris..at sana wag mo kalimutan magpost kahit nagbabasa ka..pwde sabayin mo nalang..xD..GOD speed


<3 L.R.O <3

JJ Roa Rodriguez said...

i love the way you tell this story... cheers for the two of you... sana kayo na nga for life... ang sweet and super romantic...

JJRod'z

Aris said...

@anonymous (l.r.o.): sarap naman sa pakiramdam na may nakaka-miss sa'yo. hehe! am glad na nakaka-relate ka sa mga kuwento ko. don't worry, patuloy pa rin akong magpo-post at sisikapin kong maging madalas. thank you and god bless. :)

@jj roa rodriguez: thanks again, jj. i am hoping so too. eight years in the making and things are looking great. :)

Angel said...

waaaahhhh... super kinilig ako... happy for you. :)

Aris said...

@angel: thank you, angel. :)

Anonymous said...

wag mo sikapin kundi gawin mo talga..nawawala ng sama ng loob ko kapag ngbabasa ako sa mga post mo..huhuhu..ganda mo kasi mgdeliver ng story..

namiss nga kita..tagal mo kasi..yun pala..kaya masaya ako for u..

dito parin ako magaabang sa mga story mo..masa-sad ako pag wala

<3 L.R.O <3

Aris said...

@anonymous (l.r.o.): surely i will. :)

Anonymous said...

Wow! Finally! Best wishes, my friend! Here's wishing all the best for you both!

-Bewired

Aris said...

@bewired: thank you, my friend. finding him again was like finding my way back home. :)

koro said...

Wow. I'm so happy for you. I think sa mga pinagdaanan nyo, both of you had learned a lot and for sure, this time will be a relationship that is a lot more mature and one that can last for many many years. =)

Aris said...

@koro: you are so right. we have a deeper understanding of each other kaya wala nang drama at pressure. no more excuses for this relationship not to work. :)

Ian Rosales Casocot said...

Whoa. Thanks for reading. :)

Aris said...

@ian casocot: wow! hello, ian. i love your book! kabibili ko lang din ng "heartbreak and magic". i am a fan. i also follow your blog. it's an honor na napadalaw ka sa blog ko. :)

sin at work said...

alam kong late na ito pero still, gusto ko pa din mag-react!
oh my!!!!! yiiiiiii kinikilig akoooooo!!!!!!! malamig ang skrambol!!!! hehe :D
happy for you!

Aris said...

@sin at work: thanks, carlo. hehe! :)