Subsob ako ngayon sa trabaho dahil ang dami kong dapat tapusin bago mag-Holy Week. At katulad ng dati, magbabakasyon kami ng mga kaibigan ko sa beach. Sa kabila ng napapabalitang “paghihigpit”, Puerto Galera pa rin ang pinili naming destinasyon. “E ano?” ang sabi nila. “Hindi lang naman hada ang ipinupunta natin doon.”
Kumbaga, bonus na lang ang thrills ng “Jurassic” at ang good chances na ikaw ay makahagip. Subalit kahit wala iyon, garantisado pa rin naman ang enjoyment dahil out-of-town trip iyon na once a year lang namin kung gawin. Magkakasama kami for four days and three nights sa iisang bubong, sa pagtulog at sa pagkain, sa paliligo sa dagat at sa bar-hopping. Ito yung super bonding moment na kung saan higit kaming nagkakalapit at nagkakaroon ng pagpapahalaga sa totoong pagkatao ng bawat isa.
Tatlong taon na namin itong ginagawa at sa bawat pagkakataon ay higit na pinatatatag nito ang aming samahan. Kahit binalak namin ngayong summer ang mangibang-lugar, Galera pa rin ang nanalo sa botohan. Siguro dahil na rin sa pagka-sentimental kung kaya hindi namin magawang basta na lamang itong talikuran. Dito kasi higit na nagkaroon ng lalim ang aming pagkakaibigan sa pamamagitan ng mga kulitan, tawanan, tapatan at iyakan habang lumalaklak ng pitsel-pitsel na The Bar.
At ang dalampasigan, makasaysayan din, dahil doon namin nilitanya ang mga pangarap at ikinumpisal ang mga lihim habang kami ay tabi-tabing nakahiga sa buhangin (na maya’t maya ay may babangon upang sumuka) dahil sa pagkalasing.
17 comments:
sana maalala mo na uwian ako ng kwento...
@john chen hui long: sure. meron kang espesyal na pasalubong. :)
Hay Aris ... brings back memories doesn't it? =) I love the song. Reminds me of the sun and the sea and much more.
Kane
@kane: oh yes, kane. i still remember, two summers ago, we were on the same island. we were even waving at each other from our balconies. will I see you again this year? :)
Wow, buti ka pa paps, may bakasyon!! Kaingget. And whenever I see Galera it means something different apart from bitch. Este, beach. Ingats!
@the green breaker: kailangan lang talagang magbakasyon. sobrang nakakapagod na sa work. true, galera could mean a lot of other things. naughty ones, included. haha! ingat din. :)
Hi Aris! Hopped here from BNP.
I've been to Puerto Galera twice a few years ago. We enjoyed our holiday but the boat transfers and walk on a narrow wooden plank scared me to death!
Have a happy and meaningful Holy Week!
@geca franco: hello geca. welcome to my blog. i also dread the boat transfer. Not the boat ride itself but the disorder at the port. kailangang magbaon ng maraming pasensiya. thank you for dropping by and for the comment. Sana dalaw ka lagi. may you also have a memorable and enjoyable holy week. take care. :)
hahaha panalo ang ending! may babangon para sumuka!naiiimagine ko na seryoso kayo sa pag uusap ang biglang may magtatawag ng uwak!
@mac callister: ganoon nga ang nangyari. haha! at palitan pa. :)
Enjoy your vacay, Aris! At mag-isip ka na ng plot for our collab. lolz
@citybuoy: thanks, nyl, i will. gustung-gusto ko na rin masimulan ang project natin. after holy week, go na tayo. sorry, masyado kasing naging busy. enjoy the holidays, too. :)
awwww!!!! kung napa-leave ko ang thursday at friday, at kung hindi holy week eh dapat nasa galera na ako right this moment!! :(
bukod sa ayaw ako paglanguyin ng mudrax ko dahil holy week, eh may nangangailangan din ng pera na ipapang-galera ko :(
oh well, buti ka pa!! anyway enjoy your vay-kay ah :)
aaaaand aabangan ko ang collaboration ninyo ni citybuoy! i'm sooo looking forward to it! :)
sarap... puerto Galera! hope all went well!:)
@sin at work: di bale, may next year pa naman. hopefully, i will see you there.
and yes, ako rin, excited na sa collab namin ni nyl. ang hirap lang simulan. hehe! :)
@tndcallphilippines: yup. it was fun. :)
nice blog again.. never pa ko nakakpunta ng galera.. kung saan saan isla na ko napadpad .. ito lang ang di ko madayo dayo.. sana next blog ko all about galera na rin (Inggitera lang!) :P
@arvy creencia: punta ka, friend. it's not much but it will be an experience. will be thrilled to read about it in your blog. :)
Post a Comment