Bago mag-Sabado, ini-imagine ko na: darating ako kasama siya. Maglalakad kami sa kahabaan ng Nakpil papunta sa Silya na nakaakbay siya sa akin at nakakapit ako sa kanya. Parang sina Demi Moore at Ashton Kutcher lang na naglalakad sa red carpet. Obviously so in love, parehong glowing at hindi halata ang age difference.
But he said “No, I can’t go with you. Sa ordinaryong Sabado nga, uncomfortable na ako. Sa White Party pa kaya na sobrang dami ng tao.” Isa ito sa mga issues na hindi pa rin namin nare-resolve hanggang ngayon.
Pero pinayagan niya ako. And so I went kahit medyo may disappointment.
Dumating akong mag-isa (glowing pa rin, I suppose) sa oras na usapan namin ng barkada. Pero nang makita ko sila, gusto ko silang sabunutan isa-isa. Dahil naka-T-shirt lang sila - yellow, pink, blue, gray, black. Ako lang ang naka-white at long-sleeves pa! Whatever happened sa usapan namin na magpuputi kami lahat? Though appropriately dressed, I felt overdressed at ako ay naasiwa.
Hindi naman iyon nagtagal dahil nang nagsimula na kaming uminom, nakalimutan ko na. Sa pamamagitan ng mga kuwentuhan at biruan namin, nagsimula kong ma-feel ang gabi. Pinanood namin ang mga nagsisidating at in-appreciate ang mga may dating. May lumapit sa aming promo boy na nagbebenta ng aliw, este, condom at dahil ang kapal ng kanyang dibdib, ang liit ng kanyang baywang at ang tambok ng kanyang puwet, napabili tuloy kami kahit di kailangan.
Napansin ko lang, konti ang naka-white. Mas marami pa ang naka-black. Siguro dahil kanina pa nagbabadya ang ulan. Nevertheless, nakisama naman ang weather at naging mapresko pa nga ang hangin sa labas.
But inside Bed, it was hot! Jampacked ang club sa kabila ng jacked-up entrance. Pumasok kami bandang 1:30. Buti na lang nakapagpa-stamp na kami earlier dahil ang pila, susme, napakahaba.
Nang nasa loob na kami, i felt the usual high. Drink and dance pa rin, nag-ledge pa nga kami. But after a while, I just felt strange na parang sa gitna ng kasiyahan, bigla akong nalungkot. Na parang may mali, may kulang, at ako ay nagkukunwari lamang.
Naisip ko, siguro lasing na ako kaya ganoon. Ipinagpasya kong umakyat muna sa rooftop upang magpahangin at magpa-sober.
Subalit doon, habang mag-isa akong naninigarilyo at pinagmamasdan ang crowd, nag-ibayo ang aking lungkot na nauwi sa pagmumuni-muni. Hindi ko iyon mapigilan kaya ako ay nagpatianod na lamang. At na-realize ko na kaya gayon ang aking nararamdaman dahil nagbago na ako, dahil hindi na iyon ang aking gusto, dahil may mga bagay na mas mahalaga na ngayon sa buhay ko. Na ang kaligayahan ko ay hindi na naidudulot ng mga panandaliang pakikipagharutan at walang katuturang pakikipag-ulayaw. Dahil ang gusto ko ngayon ay ang mga bagay na mayroon nang kahulugan, mas matatag at magtatagal. Dahil pagod na rin ako sa dati kong buhay na walang pakundangan, na sa kabila ng kaliwa't kanang pakikipaglandian, umuuwi akong naghahanap pa rin, may kakulangan pa rin na hindi mapunuan sa pagkatao at pakiramdam.
Wow, ang heavy! Nag-mature na rin ako, sa wakas?
Muli kong pinagmasdan ang mga taong nakapaligid sa akin. All fresh and young and eager. Ito na ang bagong henerasyon ng Malate-goers. So what am I still doing here? Earlier I was wondering, asan na kaya ang mga naging kaibigan ko noon? Bakit hindi ko na sila nakikita? Bakit nandito pa rin ako samantalang sila, hindi na nagpupunta? Okay, I still have my present barkada, but they are all younger than I am and lately, parang hindi na ako masyadong maka-relate sa enthusiasm at excitement nila.
Panahon pa ng NYC, Bath, Red Banana at Biology nang magsimula akong pumunta sa Malate. I just feel so ancient na kapag binabanggit ko ang mga ito sa mga nakakasalamuha ko ngayon, halos di na nila maalala or worse, totally wala silang idea. So magkukuwento ako at sila ay makikinig, parang si Lola Basyang lang sa kanyang mga apo. At sila ay mamamangha sa mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ko at magtataka dahil punumpuno ng mahika ang panahon namin noon. Noong panahon namin, mas masaya ang Malate, mas matao, mas maingay, mas wild. Opps, there goes. Kapag nagsimula ka na raw magsalita ng “Noong panahon namin...”, isa lang ang ibig sabihin niyon: matanda ka na.
Well, the mere fact na parang menopausal ang mood ko ngayon, sige na, matanda na kung matanda. And so? Ang mahalaga, may nagmamahal sa akin ngayon.
Yeah, that’s right. May nagmamahal sa akin at hindi ko dapat kalimutan iyon.
Masuwerte ako na naririyan siya at patuloy na umuunawa sa akin. Na sa kabila ng mga kabaliwan ko, naniniwala pa rin siyang karapat-dapat akong maging kabahagi sa isang magandang future.
So, ano ang ginagawa ko rito? Bakit imbes na kasama ko siya, nakabilad ako ngayon sa tukso?
Na-guilty ako. Subalit dahil sa pagkatanto, gumaan din ang pakiramdam ko.
Bumaba ako at saglit na nag-stay para walang masabi ang mga kaibigan ko. Maya-maya, habang sumasabog ang confetti at sumasayaw sila sa "Call Me Maybe", nagpaalam ako at iniwan ang dancefloor.
Pagod na pagod na ako.
I just wanna be home.
I just wanna be with him.
12 comments:
Aww! Ang sweet! it only shows how faithful and contented you are.. :)
ganyan din ang feeling ko ngayon: ang matanda na ako. pero ang importante ay may nagmamahal sa atin. sa tingin ko di tayo nagkakalayo ng age hehe. in love ang idol ko!
in love.. hehehe...
wala na bang biology ngayon? san ba may mga dark rooms ala red banana now?
@sweetish: oo nga. buti na lang natukoy ko kaagad kung ano ang tunay na magpapasaya sa akin. thanks, ish. :)
@aboutambot: alam mo yung feeling na pagod ka na at sawa na at parang hindi ka na masaya, na parang hinahanapan mo na ng mas malalim na kahulugan ang mga bagay-bagay. well, it's not bad at all. okay lang tumanda basta't may pinagkakatandaan naman, di ba?
palagay ko nga, di nagkakalayo ang age natin.
tama ka, in love nga ako ngayon. hehe! :)
@jessica: korek ka, gurl. sure na ako. hehe! :)
@anonymous: matagal nang nagsara ang biology at wala na rin ngayong bar or club sa malate na may darkroom.
Sweet! I'm really happy for you my friend. Now, we can compare notes about being 'married'. Haha
Cheers!
-Bewired
@bewired: oo nga. haha! thank you, my friend. cheers! :)
ahahha talag ayou're in bed nung white party? actually i was there too... and a part of hopes that i can see you there... sayang hindi kita nakita dun..
well so what with the age? sa tingin ko naman there is no rule stated that only the young ones have the right to party...
ganun nga siguro kapag nakita mo na ung totoong happiness, kahit naglalandian pa ang mga tao sa paligid mo, you will not be tempted to dance with the groove..
masaya ako for you.... stay in love... and GLOWING hahaha god bless
ako i felt i was a relic that night. napagod ako kaya lumamon na lang kami sa ... saan pa? cafe adriatico. di ba pati choice ng resto so retro. hahhha
but great to see you there friend.
@amver: talaga? andun ka rin. sayang, di pa tayo nagkakilala.
yes, i'm in love and hopefully, glowing nga. haha!
god bless you too and take care. :)
@mksurf8: friend!!! i was so happy to see you again after a long, long time! sana isinama n'yo ako sa adriatico. haha! miss ko na rin yun. next time, sa penguin naman. kaya lang, bukas pa ba 'yun?
you take care, my friend and see you again soon. give my regards to your honey. :)
Hi.. kuya aris :D
Di ko akalain n naninigarilyo po pla kau xD
hmm..
Gusto ko po makipag partner sa inyu kung ok lng po :D
Tutulungan ko po kau sa blog nyu..
kasi po nakikita ko ung mga story nyu s ibang site ei..
at iba n rin ung name nung author..
lagyan lang po nating ng security para po di po kau manakawan ng story.
kung pde po message mo po ako s skype.. plss
el.ramansa
or email nyu po ako
iloveindiefilm@yahoo.com
@santino8bro: yup. naninigarilyo nga ako and i've been meaning to quit. about your offer, let me think about it first. thanks, santino. :)
Post a Comment