Top 4 random listing muna tayo tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagba-blog ko:
BAKIT AKO NAGBA-BLOG
1. May hilig ako sa pagsusulat.
2. Masaya akong nakapagbibigay kasiyahan sa pamamagitan ng mga kuwento ko.
3. Gusto kong binabalikan ang nakaraan sa pamamagitan ng aking mga isinusulat.
4. Dahil sang-ayon ako sa sinabi ni Anais Nin: “We write to taste life twice, in the moment and in retrospect.”
PAANO AKO MAGSULAT
1. Madalas installment, hindi nakukumpleto sa isang upuan lang.
2. Palakad-lakad ako, payosi-yosi, pakape-kape habang nag-iisip.
3. Minsan ayokong mag-computer. Gumagamit ako ng ballpen at pad paper.
4. Madalas nagko-compose muna ako sa aking isip bago ang aktuwal na pagsusulat.
MGA INSPIRASYON KO
1. My favorite authors at ang kanilang mga libro.
2. Mga nami-meet kong tao, of course.
3. Mga naging karanasan ko -- masaya man o malungkot.
4. Mga kaibigan ko at kayo, mga mambabasa ko.
MGA INIIWASAN KONG ISULAT
1. Opinyon tungkol sa pulitika.
2. Opinyon tungkol sa relihiyon.
3. Panlalait, Pamimintas.
4. Pakikialam sa away ng iba.
Unless kathang isip ang isinusulat ko.
MGA NAGPAPASAYA SA AKIN SA BLOGGING
1. Comments. Can I have more of them please? :)
2. Followers. Sana mag-member lahat ng aking mambabasa. Mas marami, mas masaya.
3. New friends.
4. Blogs ng mga kapwa blogger.
BAKIT DAPAT BASAHIN ANG BLOG KO
1. Bawat post ay pinaghihirapan ko. Pinagpupuyatan, pinagbubuhusan ng panahon. Ang pagsusulat ng isang post ay ilang araw at gabi rin inaabot.
2. Dahil ang enjoyment ng babasa ang nasa isip ko kapag nagsusulat ako.
3. Dahil ang blog ko ay pagbabahagi ng sarili, at hindi ko man layunin ang magbigay ng leksiyon, maaaring may matutunan kayo sa mga naging karanasan ko.
4. Dahil libre ito at walang bayad.
MGA NATUTUNAN KO
1. Magsulat muna at kapag tapos na, saka mag-edit. Hindi dapat pinagsasabay ang dalawa dahil makagugulo lang sa daloy ng diwa. Sabi nga ni Ray Bradbury: “Your intuition knows what to write, so get out of the way.”
2. Basta’t magsulat lang ako with sincerity, siguradong may magbabasa at makaka-appreciate sa mga isinusulat ko.
3. Kailangan universal ang tema ng mga isinusulat ko para maka-relate ang readers.
4. Keep it simple. Sabi nga ni Ernest Hemingway: “My aim is to put down on paper what I see and what I feel in the best and simplest way.”
RESOLUTIONS / PLANO
1. Write more. Not just blog entries but a novel maybe.
2. Post often. Mas marami ang magbabasa at magko-comment kapag regular ang aking updates.
3. Maglabas pa ng maraming ebook.
4. Maglabas din ng aktuwal na libro.
Ano ang saysay ng random listing na ito? Wala lang, sharing lang. At bakit apat-apat? Dahil ngayong araw na ito, APAT NA TAON na ang blog ko! Yehey!
Kaya sa inyong lahat, maraming salamat! Atin ang pagdiriwang na ito dahil malaking bahagi kayo ng blog ko. Sana patuloy ko kayong makasama sa susunod pang mga taon at sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa ng aking mga akda. :)
29 comments:
Maligayang pagbati sa ika-apat na taon ng iyong blog, Aris! Nawa'y hindi ka manawa sa kakasulat!
congrats sa 4 years!
Totyal, Barnes and Noble. Happy 4th anniversary to your blog! :D
maligayang ikaaapat na taon!!
dapat marami pang apat na taon ang pagbabasa namin sa blog mo. demanding yata ako a haha!
@rudeboy: thanks, rudie. hindi ako magsasawa. basta't may nagbabasa, patuloy akong magsusulat. :)
@mksurf8: friend, salamat. buhayin na uli ang blog! :)
@justin: nagulat nga ako nang makita ko ang ebook sa kanilang website. affiliate pala kasi sila ng smashwords. thanks, justin. :)
@jessica: maraming salamat, mare. :)
@aboutambot: hindi naman haha! sana nga, umabot pa ng maraming taon. thanks a lot. :)
Congrats, Meym Aris! Cheers to more wonderful years of blogging!
Happy 4th anniversary, akosiaris!
-Bewired
@nimmy: meym talaga? haha! thanks, nimmy. tagal mong nawala ah. :)
@bewired: thank you, my friend. tc always. :)
Happy 4 years of Blogging! :) More powers!
bravo!
mabrouk!
@sweetish: maraming salamat. just followed your blog. :)
@robin: thanks, robin, for dropping by.
i just chanced upon your blog recently...i've been drawn to read almost all your posts. thanks to your blog and your "malilikot na pag-iisip" LOL i hope you find time to read my blog too, though medyo tinatamad ako na i-update sya minsan. but i'm inspired by your blog to continue writing posts. more power to you aris!
@dencio padilla: hi dencio. thank you. binisita ko ang blog mo at nag-enjoy ako. i followed you na. :)
Congrats! Don't ever get tired of writing. Isa ka sa mga original bloggers na naabutan ko. Cheers to more years!
naks 4 years na! wih congrats idol :D di kami magsasawa sumubaybay sa mga likha mu :D
godbless
@desole boy: thanks, db. patuloy akong magsusulat. promise. :)
@amver: salamat. basta't nandiyan kayo at patuloy na nagbabasa, magpapatuloy ako. :)
BRAVO!!!! CONGRATULATIONS!!!!! GALING MO TALAGA!!!! Part 6 na ng two old friends, pleasssssssseeeeeeeeeee!!! hahaha Thanks!!!
mj
@mj: thanks. "two old friends" ends there. pero baka may sequel. basta, antabay ka lang. hehe! :)
Well done Aris! Congrats x.
@anonymous: thank you. :)
Congrats Aris! :)
@angel: salamat. :)
@anonymous: thanks. :)
So happy for you, Aris!
4 years ka na pala! Congrats!
When your actual book comes out, sure ako na bibili ako. Dapat may signature at dedication of course...hehe!
LABYU ARIS! mwah!
@lasherations: oh wow. sure. luvyah too. thanks. :)
Im back reading your blog right now. You're stories are interesting and exciting. Sarap basahin at balik-balikan ang mga kwento.
@cj: masaya akong malaman na kahit ulit na lamang ay nag-e-enjoy ka pa rin sa pagbabasa ng mga kuwento ko. maraming salamat sa iyong papuri at pagbibigay-inspirasyon. :)
Post a Comment