Hindi ko inaasahan ang mga pagtatapat niyang iyon. Una, tungkol sa kanya. At pangalawa, tungkol sa akin.
Nauna kaming dumating sa tagpuan at dahil kailangan naming maghintay, nauwi kami sa malalim na pag-uusap.
May inamin siya tungkol sa sinasabi niyang boyfriend na nasa ibang bansa.
“Ang totoo, benefactor ko siya. Matagal na niya akong sinusustentuhan.” Saglit akong natigilan. Kaya pala naka-apartment siya at kahit estudyante, palaging maraming pera.
“Mahal mo ba siya?” ang tanong ko.
“I guess so,” ang sagot niya.
Tumingin siya sa akin. Umiwas ang aking mga mata.
“At ang tungkol sa atin…” ang sabi niya.
Bumalik ang tingin ko sa kanya. “Ano’ng tungkol sa atin?” ang tanong na hindi ko naisatinig subalit sinagot niya.
“Ang panunukso ng barkada… ang pagpa-pares sa ating dalawa. Naaapektuhan na ako, alam mo ba?”
“Naiinis ka na?”
“Hindi. Palagay ko… may nararamdaman na ako para sa’yo.”
Huh? Natahimik ako, pigil ang pagkabigla.
Natahimik din siya subalit kinalauna’y nagpatuloy. “Kaya nga nang malaman kong may boyfriend ka na, nagkunwari lang akong natuwa. Pero ang totoo…nalungkot ako. Nanghinayang.”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
“Ikaw, inisip mo ba noon na maaaring ma-develop tayo?”
Hindi ako nagkaila. “Oo. In fact, may mga pagkakataong kinilig ako sa love quotes na ipinapadala mo.”
“Totoo ang mga iyon. Iyon talaga ang mga gusto kong sabihin sa’yo.”
“But I guess it’s too late now.”
“Bakit, hindi na ba pwede?”
“Pareho na tayong committed.”
“Wala ka man lang bang nararamdaman sa akin kahit konti?”
Hinagod ko siya ng tingin. Ang cute pa rin niya. Higit siyang nagmukhang bata, siguro dahil sa vulnerability na dulot ng pag-o-open up niya.
“Meron,” ang aking naging tugon. Subalit hindi iyon 100% truthful dahil kung ang kanyang tinutukoy ay romantic love, hindi ko na iyon mahanap sa aking puso. “Nagbago na nga lang dahil hindi na maaari,” ang aking dugtong bilang pagtutuwid sakali mang nakapagbigay ako ng maling impresyon.
“Oo nga,” ang kanyang sang-ayon. “Ako rin naman, hindi na ganoon kadali ang kumalas.” Bumuntonghininga siya. “I guess we should just leave it at that.” Ngumiti siya nang pilit.
“Yeah.” Ngumiti na rin ako. “Anyway, we’re friends. Maaari pa rin naman nating patuloy na pahalagahan ang isa’t isa, di ba?”
“I guess so.”
Muli ko siyang pinagmasdan. Siya naman ang umiwas ng tingin. Nakita ko ang kanyang kahinaan sa likod ng pagpapakatatag. At natiyak ko, wala talaga akong malalim na feelings sa kanya. Kung nagkaroon man, wala iyong kahulugan at tinablan lang ako ng madalas na tuksuhan.
12 comments:
Hi Aris!!!! Binasa ko ulit ang two old friends ngayon lang and im still hoping until now na may part 6 na siya hahaha kamusta na kaya si ben? hahaha sarap talaga syang basa basahin... 10 times ko na siguro nabasa ang series na to.. part 6 na pleassssssssssssssssssseeeeeeeeeee!!!!!
mj
@mj: as in 10x talaga? hanggang chapter 5 lang yun. abangan mo na lang, baka may sequel. :)
please!!!!!!!!!! im so excited na!!!! Super galing mo talaga mag sulat!!! isa kang henyo!!!
mj
@mj: sobra ka naman kung maka-henyo. hehe! hindi naman. am so happy though na nagugustuhan mo ang mga kuwento ko. thanks, mj. :)
wiihhh haha nakakarelate ako dito... ung nagsimula sa tukso ng barkada hanggang sa di mu na maiwasang mapangiti ng palihim...
katuwa lang...
godbless idol :D
@amver: makailang ulit na rin akong naging biktima ng ganyan. hehe!
salamat sa patuloy na pagsubaybay at sa iyong matiyagang pagko-comment. i really appreciate it.
god bless you too. tc always. :)
Hindi talaga kayo para sa isa't isa.
@anonymous: oo nga. but it's ok. :)
minsan kasi pahamak yang tuksuhan hahaha
@mac callister: oo nga eh. hehehe! :)
Congratulations for being NUMBER FOUR in this month's BLOGS OF FAME!
KUDOS!!! MORE POWER TO YOUR BLOG!!!
~From your BNP Family~
@blogs ng pinoy: oh wow, thanks bnp. and thank you too sa mga bumoto. luv you, guys! :)
Post a Comment