Niyaya kitang lumabas kasama ang grupo.
I was expecting a “No” kasi nga ang pagkakaalam ko, may dine-date ka nang iba. Kaya na-surprise ako nang mag-“Yes” ka. Siyempre, natuwa ako.
Ang sabi mo pa: “I cancelled my date to be with you, guys.”
It was the usual gimik with friends. And your presence made the difference.
Even if we were sitting beside each other, I tried to be as casual as possible. Even if we were sharing a plate of pulutan and a pack of cigarettes, hindi ko ito binigyan ng anumang kahulugan.
I was myself. Wala na akong conscious effort na magpa-impress sa’yo. Panay ang inom ko at alam ko na habang nalalasing ako, mas nagiging spontaneous ako. Hindi na guarded ang mga salita at galaw ko. And like the other guys, you were laughing at my every joke.
I got the feeling na mas appreciated mo ang pagkaluka-luka ko, hindi katulad noon na wala kang reaction sa pagpapaka-demure ko.
Nevertheless, hindi pa rin ako nag-isip ng kahit na ano. I was just enjoying myself being with the group. And being with you.
Wala na talaga sa isip ko na tratuhin pa kita nang espesyal dahil sabi ko nga, I’ve given up on you. Tanggap ko na, na kahit matagal din akong nag-care sa’yo, na-reach ko na ang finish line ng kahibangang ito.
Actually, I paid more attention to my other friends than to you. To the point na, feeling ko intentionally talaga, I neglected you. Hindi katulad dati na iniintindi kita palagi… tinatanong kung ok ka lang ba… hinahanap kapag nawawala. Ayoko na kasi talagang magpadala sa damdamin ko.
Pero sadya yatang may twist ang bawat istorya ng buhay ko dahil kung kelan wala na akong expectations mula sa’yo, saka naman parang sinorpresa mo ako sa mga kakaibang kilos mo.
Napansin ko na sa tuwing tumitingin ako sa’yo, sinasalubong mo ang mga mata ko. Umiiwas ako dahil ayokong muli ay mawala ako sa mga titig mo.
Napansin ko rin na naging mahawak ka sa akin, bagay na hindi ko yata maalalang ginagawa mo sa akin noon. Ako pa ang mahawak sa’yo dati pero never kang naging responsive.
Naramdaman ko ang manaka-nakang pagpatong ng kamay mo sa hita ko o sa likod ko. Na dinedma ko lang dahil mahawak din naman sa akin ang ibang friends ko.
Natigilan lang ako nang bumulong ka sa akin: “Basambasa na ng pawis ang likod mo, baka magkasakit ka.” Na noong una’y babalewalain ko lang sana subalit dinugtungan mo pa: “Akina panyo mo, pupunasan kita.”
Touched ako. Pero parang hindi tama na magpapunas pa ako ng likod sa’yo. “No, it’s ok,” ang sabi ko. Nag-excuse ako at nag-restroom. Ako ang nagpunas sa sarili ko.
The night wore on na basta nag-enjoy lang ako. I went about meeting other people. Pinabayaan lang din kita na mag-socialize. Honestly, I forgot all about you dahil I got connected with really interesting guys.
We parted ways na walang fanfare. Basta naghiwalay lang tayo. Ni hindi ko maalala kung nakapag-goodbye ako sa’yo nang maayos.
The following day, I texted everybody including you: “It was great to see you again last night. Thank you for the enjoyable company.”
Nag-reply lahat. Maliban sa’yo.
Wala sa akin ‘yon. Okay lang kung di ka sumagot. Malay ko ba kung hindi ka nag-enjoy and you felt na wala kang dapat ipagpasalamat sa nagdaang gabi.
I went about my day na hindi ako apektado.
Naapektuhan lang ako nang bandang hapon, nag-text ka sa akin: “Why were you so cold last night?”
Matagal bago ako nakasagot: “What do you mean cold?”
“Parang iniiwasan mo ako.”
“Hindi kita iniiwasan. Why would I do that?”
“Pinabayaan mo akong mag-isa.”
“Pinabayaan lang kitang mag-enjoy on your own.”
Hindi ka na sumagot.
Bandang gabi, muli kang nag-text sa akin: “Goodnight.”
“I hope hindi ka na nagtatampo,” ang reply ko.
“Sorry, na-misread ko ang actions mo.”
“Ako ang dapat mag-sorry kasi na-offend kita.”
“Na-disappoint lang ako na parang hindi na tayo masyadong close.”
“We’re still friends, di ba?”
“Pero parang malayo na tayo sa isa’t isa. Hindi na katulad dati. ”
“May mga bagay din kasing mahirap sabihin at ipakita.”
Hinintay ko ang reply mo pero nanahimik ka.
Subalit kinabukasan paggising ko, may text ka: “Good morning. Sana maging maganda ang araw mo. Ingatan mo ang sarili mo. Naririto lang ako palagi. Please be there for me also.”
Napangiti ako. May warmth na bumalot sa puso ko.
I texted back: “I will always be here for you.”
Pero ang gusto ko talagang sabihin: I want to be with you.
5 comments:
Ewan ko sayo Aris. Everytime na babasahin kita feeling ko ako yung character. Ramdam na ramdam kasi yung emotion na gusto mo ipa feel. Pag binabasa kita, tumataas yung hope ko na someday, makikita ko din siya, yung taong kahit papaano ipaparamdam sa akin na pwede din akong mahalin, na kahit paano special ako.
Keep it up Sir. -mark
awww. may warmth din na bumalot sa puso ko
woah... i feel it... aris kaw na talaga... thanks for that post... kakarelate lang hahaha
@mark daniel cabarles: hello mark. wow, salamat naman at nakapaghahatid ng saya at inspirasyon sa'yo ang mga kuwento ko. napasaya mo rin ako at na-inspire sa komento mo. lahat tayo ay may mga espesyal na katangian na ang makakakita lang ay ang mga taong tunay na magmamahal sa atin. ingat always. :)
@sean: salamat sa mga kaibigang kagaya mo na patuloy na nakaka-appreciate sa aking mga isinusulat. pinagniningas ang aandap-andap nang bituin upang hindi tuluyang magdilim. :)
@amver: hay, pag-ibig! parang isang biyahe sa laot, na kahit masalimuot, lakas-loob na hinaharap upang tawirin ang isla ng mga pangarap. :)
"Lahat tayo ay may mga espesyal na katangian na ang makakakita lang ay ang mga taong tunay na magmamahal sa atin"
- hihintayin ko yan kuya Aris ha. haha. sabagay, siguro masyado pa akong bata. pero pag nasa 20's na ako, sana meron na. hahaha
Post a Comment