Friday, November 9, 2012

The Farm

Nagtanim sila ng mga gulay at root crops.

Pinagyaman nila ang mga fruit-bearing trees -- tinabasan, pinatabaan, pinausukan.

Binakuran nila ng madre de cacao ang boundaries.

At ang hardin ay ni-landscape nila ng sari-saring halaman -- mostly flowering.

Ang lahat ng ito -- sa kabila ng pagiging backbreaking -- ay naging enjoyable at fulfilling para kina Reden at Ella. Ito rin ang naging daan upang si Homer ay mapalapit sa kanila. Pinaglaho nito ang anumang pagkakahiyaan o pagkakailangan sa pagitan nina Homer at Reden.

At dahil friendly na sa isa’t isa, higit na nag-ibayo ang atraksiyon ni Reden kay Homer. At si  Homer naman ay nagpahiwatig na ng pagiging “open”. Aware sila na may “namumuo” na sa kanila subalit ang anumang pag-uusap tungkol doon ay ipinagpapaliban muna nila. Kung may pag-uusap man na nagaganap, iyon ay sa pagitan nina Reden at Ella. At ang advice ng huli sa una: “Just go for it!”

*** 

Basahin ang kabuuan ng aking kuwento sa MSOB anthology na “Love Hunger and Paranoia”.



Mabibili na ngayon sa Central Books.  

5 comments:

Mac Callister said...

naks naman! Big time ka na may book na talaga!

congrats papa aris and goodluck

Sean said...

Hey congrats Aris!!!

Aris said...

@mac callister: hindi naman. salimpusa lang. hehe! thanks, mac. :)

@sean: thanks, sean. sana next, ikaw naman. :)

Arvin U. de la Peña said...

umpisa pa lang maganda ang istorya....galing mo naman may libro ka...

Aris said...

@arvin de la pena: salamat, arvin. sana magkaroon ka rin ng pagkakataon na mabasa ang kabuuan ng aking kuwento at ng iba pang mga kuwento sa libro. :)