Sampung taon na ang nakalilipas mula nang
magturo ako sa high school. Kaga-graduate ko lang noon sa college at na-assign
ako sa Fourth Year. Sa isang all-boys school iyon sa probinsiya na alma mater ko rin.
Apat na taon lang ang tanda ko sa mga
estudyante ko kaya halos wala kaming generation gap. At dahil pulos lalaki ang
mga ito, kinailangan ko silang kontrolin sa kanilang mga kapilyuhan at
kalokohan. Bukod sa pagtuturo, iyon ang higit na pinagtuunan ko ng pansin at
hindi ang magkaroon ng admiration o
special treatment sa kung sino ang guwapo. Bilang kanilang guro, pangunahing
tungkulin ko ang kanilang pagkatuto at layunin ko ang maging magandang ehemplo
upang ako ay kanilang irespeto.
Mahirap noong una dahil susubukan ka talaga
nila, titimplahin kung kakayanin ka, kung titiklop ka sa kanilang mischief. Ang
naging approach ko, kamay na bakal muna. Mahigpit, istrikto, malupit. At nang
magkaroon na sila ng takot sa akin at mapasunod ko na sa pamamagitan lamang ng
tingin, unti-unti na akong lumuwag at lumambot. In fact, naging friendly na ako
at sila ay nagsimulang maging malapit sa akin. Sa loob ng classroom, seryoso
kami sa mga leksiyon but outside of it, naging halos magkakabarkada na lang
kami.
Isa sa mga naging malapit sa akin ay si
Raffy.
Personable si Raffy. Isa siya sa mga
namumukod-tangi pagdating sa looks department sa aking klase. Matangkad, likas
na matikas, maganda ang kutis na bagama’t moreno ay walang pimples at makinis.
Laging nakasuklay, plantsado ang uniporme at malinis ang sapatos. Nang una ko siyang
makita, ang agad kong napansin ay ang kanyang pagiging neat.
Hindi siya ang pinakamatalino sa klase --
average lang -- subalit masipag siyang mag-aral at masigasig. Well, at least
iyon ang aking naobserbahan pagdating sa aking subject. Hindi ko lang alam kung
gayon din siya sa iba. But as far as English is concerned, kapag may hindi siya
naiintindihan sa aking itinuturo, magpapaiwan siya pagkatapos ng klase, lalapit
sa akin at magtatanong. Masaya akong sagutin ang kanyang mga tanong hindi dahil
sa kung anupaman kundi dahil naa-appreciate ko iyong interest niya na matuto at
maintindihan ang aking leksiyon.
May mga pagkakataon na pagkatapos ng klase,
I would hang out with some of my students sa corridor at laging naroroon si
Raffy, kabilang sa mga nakikipaghuntahan sa akin. We would swap jokes,
makikinig ako sa mga kuwento nila at makikinig din sila sa mga payo ko from the
mundane -- Huwag magmemedyas kung basa pa ang paa at tuyuin muna ang
pagitan ng mga daliri para di magka-fungal infection -- to the thought-provoking -- Take stock of your strengths and weaknesses, likes and
dislikes, hobbies and interests at gawing batayan ang mga iyon sa pagdedesisyon
sa kursong kukunin mo sa college upang makasiguro na ikaw ay magiging masaya at
matagumpay. Kapag nagbibigay ako ng advice lalo na sa mga seryosong bagay, si
Raffy ang nakikita kong pinaka-attentive sa lahat na para bang dina-digest niya
talaga ang mga sinasabi ko. At siya rin ang pinakamatanong na kadalasan ay
nauuwi sa pangangantiyaw ng mga kaklase subalit ganoon talaga siya, laging
curious at hindi matatahimik kapag may hindi naiintindihan.
Ang pagiging malapit sa akin ng aking mga
estudyante partikular na ang barkadahan nina Raffy ay nag-extend sa labas ng
paaralan. Isang gabi, katatapos lang naming maghapunan ng buong pamilya at nasa
salas kami sa harap ng TV nang magkahulan ang mga aso namin. May tao sa gate.
At nang lumabas ako upang sinuhin iyon, nagulat ako nang makita ko ang buong
barkadahan nila, pulos naka-bisikleta, na sa kanilang paglalakwatsa on a Friday
evening ay nakarating sa lugar namin. Taka man kung paano nilang natunton ang
bahay namin -- marahil nalaman nila ang address mula sa isang kaklase na
tagaroon din sa amin -- ay natuwa ako na sila ay makita dahil parang mga
kaibigan na rin ang turing ko sa kanila.
“Ano’ng ginagagawa n’yo rito?” ang bungad
kong tanong.
“Wala, sir. Napadaan lang,” ang sagot ng
isa sa kanila na parang nagsisilbing pinaka-lider.
“Binibisita ka lang namin, sir,” ang sagot
naman ni Raffy.
Kaagad kong binuksan ang gate. “Halika,
tumuloy muna kayo.”
“Naku, sir, huwag na,” ang sabi ng
pinaka-lider. “Nakakahiya.”
“Bakit nakakahiya?” ang tanong ko.
“Maiistorbo pa namin kayo,” ang sabi ni
Raffy.
“At saka napadaan lang talaga kami, Sir,”
ang sabi ng isa pa. “Ito kasing si Raffy, curious malaman kung saan kayo
nakatira.”
“Bakit naman?”
“Para daw kapag naglayas siya sa kanila,
alam na niya kung saan siya makikitira.”
Tawanan at kantiyawan.
“Naghapunan na ba kayo?” ang tanong ko
pagkaraan.
“Nag-burger kami, sir, kanina.”
“Tumuloy muna kayo nang makapag-juice man
lang.”
“Naku, sir, huwag na.” Muli, ang
pinaka-lider. “Pauwi na rin kami.”
“Ganoon ba? Sabagay, medyo gabi na nga.
Baka hinahanap na kayo sa inyo.”
“Oo nga, sir. Sige, sir, hindi na kami magtatagal.”
“O, sige. Mag-iingat kayo.”
At isa-isa na nilang pinatakbo ang kanilang
mga bisikleta. Saglit akong nanatili sa gate at pinanood sila habang papalayo.
Parang caravan ng mga bikers -- sampu sila lahat -- na mabagal ang patakbo at
isa sa mga nahuhuli na hindi ko alam kung sadya ay si Raffy. Bago ako tuluyang
pumasok sa loob, nakita ko pa siyang lumingon at kumaway. Sa tanglaw ng ilaw sa
poste na kung saan siya napatapat, nabanaagan ko pa ang kanyang ngiti.
Pagkalipas ng isang linggo, isang Sabado nang
hapon na ako ay abala sa pagtatanim sa hardin, muli akong nagkaroon ng bisita
sa bahay. Hindi na isang caravan kundi isang tao na lamang. Si Raffy na
naka-biskleta pa rin at nakapambahay lang.
“O Raffy, bakit ka naririto?” ang tanong ko
habang patungo sa gate at ipinapagpag ang maruruming kamay.
“Boring kasi, sir, sa bahay kaya naisipan
kong mamasyal,” ang kanyang sagot.
Binuksan ko ang gate. “Halika, pasok ka.”
Tumuloy siya at isinandal ang kanyang
bisikleta sa puno ng kalachuchi na nasa may bungad ng aming bakuran. “Mahilig
pala kayo, sir, magtanim.”
“Libangan lang. Halika, ipakikita ko sa’yo
ang mga tanim kong herbs.”
Dinala ko siya sa tabing bahay na kung saan
naroroon ang mga paborito kong halaman. “Hindi lang ipinanggagamot ang mga ‘yan
kundi ipinansasahog din sa pagluluto.”
Subalit higit siyang na-fascinate sa isang
maliit na fishpond na nasa bahaging iyon ng hardin na kung saan naroroon ang
mga alaga kong goldfish.
“Mahilig din pala kayo sa isda, sir.”
“Oo. Bata pa ako, nag-aalaga na ako ng mga
isda.”
“Pareho pala tayo, sir. Ako rin, mahilig
ako sa isda. Wala nga lang akong fishpond sa bahay pero may aquarium ako.”
“Talaga? May aquarium din ako. Halika,
ipakikita ko sa’yo.”
Naroroon sa aquarium sa loob ng bahay ang
pinakamagaganda kong isda at habang pinagmamasdan niya ang mga iyon, nakita ko
sa kanyang mukha ang magkahalong pagkamangha at pagkatuwa. “Ang lulusog nila at
ang gaganda,” ang sabi niya. “Sana, sir, turuan mo rin ako ng tamang
pag-aalaga.”
“Oo ba. Kung gusto mo, pahihiramin pa kita
ng mga libro. Ilan ba ang alaga mong isda? Goldfish din ba?”
“Yes, sir. Konti na lang nga. Tatlong pares
na lang. Madalas kasi akong mamatayan. Ang laki pa naman ng aquarium ko.”
“Huwag kang mag-alala. Mamaya, manghuhuli
tayo sa fishpond. Bibigyan kita ng dalawang pares pa.”
“Talaga, sir?” Parang hindi siya
makapaniwala. “Okay lang ba?”
“Okay lang. Marami naman akong isda. Basta
ipangako mo lang sa akin na aalagaan mo silang mabuti.”
“Yes, sir. I promise, sir.”
Napangiti na lamang ako sa kanyang hindi
maitagong excitement. Sa kabila ng pagiging binatilyo, nagmistula siyang isang
bata sa aking paningin dahil sa kanyang naging asal.
Dahil sa shared interest naming iyon, higit
na naging malapit sa akin si Raffy at ako rin sa kanya. Ayokong isipin na
naging paborito ko siya sa aking mga estudyante -- ayokong maakusahan ng
favoritism -- subalit hindi ko rin maikakailang naging espesyal siya sa akin.
No, not in that special kind of way.
Aaminin ko na naguguwapuhan ako sa kanya pero very much aware ako sa boundaries
na hindi ko dapat tawirin. Ang ugnayan namin ay more on brotherly -- para akong
kuya sa isang nakababatang kapatid -- kung hindi man pure friendship. At kahit
na alam kong existent na iyon sa amin --
na mayroon kaming natatanging bonding -- iniiwasan kong bigyan o
pakitaan siya ng special treatment sa loob ng klase. At siya rin naman, alam
kong hindi siya nag-e-expect ng ganoon at nag-iingat din na ma-obvious o
maaaring hindi lang siya aware na unwittingly, nagkaroon na kami ng closeness
na higit sa student-teacher relationship.
Inspite of it, everything went smoothly sa
aking pagtuturo at sa relasyon ko sa aking mga estudyante. Hardly, wala namang
nabago. Normal pa rin at katulad ng dati ang naging takbo ng lahat. Maliban na
lang sa halos every Saturday na pagda-drop-by ni Raffy sa bahay, na kung alam
man ng iba niyang kaklase -- particularly ng kanyang mga kabarkada -- ay wala
naman akong napapansing kakaibang kilos o reaksiyon mula sa kanila. Marahil, no
big deal sa kanila iyon. Gayundin naman sa akin, wala akong nakikitang masama
dahil parang ang nangyayari pa nga ay nagkakaroon ng extended education si
Raffy dahil hindi na lamang siya sa goldfish interesado ngayon kundi pati na
rin sa cultivation ng medicinal plants at healing properties ng mga ito. Or
maybe, defense ko lang iyon o justification dahil kahit paano ay parang hindi
dapat ang ganoon, na dapat may distansya pa rin kami kahit papano bilang
teacher at estudyante higit lalo sa labas ng classroom. It didn’t bother me,
though. Masasabi ko pa nga na nagpapasaya sa akin iyon at nagbibigay ng higit na kahulugan sa aking
pagiging guro.
Umusad ang panahon. Nasa kalagitnaan na
kami ng school year at tuluyan na akong nakapag-adjust sa aking trabaho,
kinakarir ko na kumbaga ang pagiging guro at proud na ako sa naa-achieve ko
-- ang interest at pagkatuto ng mga estudyante ko sa subject na itinuturo ko.
Looking forward na nga ako na masaksihan ang kanilang pagtatapos dahil iyon ang
magbibigay sa akin ng tunay na fulfillment at magko-confirm sa pagiging
matagumpay ng unang taon ko sa pagtuturo.
Hanggang isang araw, may dumating sa aking mensahe mula sa isang malaking kumpanya sa Makati na pinag-apply-an ko noon bago pa man ako natanggap bilang isang guro. Pinagre-report
nila ako sa lalong madaling panahon.
Naguluhan ako dahil noong pinaplano ko ang
career ko pagka-graduate, ang makapasok sa kumpanyang iyon ang talagang gusto
ko at hindi ang maging guro. Nag-isip ako. Tinimbang-timbang ko ang dalawang
choices. Pinakiramdaman ko kung nasaan talaga ang puso ko. At ako ay
nagdesisyon.
Kinausap ko ang principal. Nahirapan akong
magpaliwanag subalit kinalaunan ay nagawa ko ring ipaintindi sa kanya ang aking
sarili kung kaya sa kabila ng aking one-year contract, ako ay kanyang pinayagan
at tinanggap ang aking pagre-resign.
Kung naging mahirap man para sa akin ang
pagharap sa principal, higit na naging mahirap ang pagharap ko sa aking mga
estudyante upang magpaalam. Nang Biyernes na iyon, inanunsiyo ko sa klase na iyon
na ang huling araw ko sa pagtuturo, na nag-resign na ako. Nagulat sila at
saglit na natahimik na sinundan ng howls of protest and laughter, akala nila
nagbibiro ako.
“Class, I am not joking,” ang sabi ko na
dinugtungan ko ng paliwanag kung bakit. Sinabi ko rin na starting Monday, may
bago na silang class adviser at English teacher.
Saka lang nila napagtanto na seryoso ako,
na totoo ang sinasabi ko. At ang ekspresyon ng pagkabigla sa kanilang mga mukha
na sinundan ng di-pagkapaniwala ay nauwi sa lungkot. Muli silang natahimik at
nanatiling nakatingin sa akin ang 42 pairs of eyes na nagtatanong, nanunumbat.
Hindi man nila isatinig ang nasa kanilang kalooban, dama ko ang hinanakit kung
bakit sa kalagitnaan ng taon, kung kailan nagkaroon na kami ng maayos na
samahan sa classroom ay saka ko sila iiwan. Na para bang ipinagkanulo ko sila
kung kailan nahuli ko na ang kanilang loob at ipinagkatiwala na nila sa akin
ang kanilang pagkatuto. Na-guilty ako, higit lalo nang mapasulyap ako sa mga
mata ni Raffy. Naroroon ang mga pinaghalo-halong emosyon na mas masidhi sa
lahat.
Nang dinismiss ko ang klase, seryosong
nagpaalam sa akin ang karamihan. At ang barkadahan nina Raffy ay nagpaiwan.
Gulat pa rin sila, di makapaniwala sa aking biglaang pag-alis. Sila ang grupong
naging malapit sa akin -- ang mga nakakakuwentuhan ko sa corridor after class,
ang mga napapadaan sa bahay habang nagba-bike -- at ako rin naman ay
nalulungkot din. Subalit wala akong magagawa, mahirap man, kailangan kong
pumili sa dalawa at magsakripisyo ng isa upang hindi ako ma-sidetrack sa
pangarap ko.
Nagtatanong pa rin ang barkadahan nina
Raffy kung bakit. Muli kong ipinaliwanag ang aking sarili at hindi naglaon,
naunawaan naman nila ang aking posisyon at naging magaan na ang aming usapan.
Nagsimula na uling magkabiruan at magtawanan. At sa huling pagkakataon ay
nagmistula kaming katulad ng dati pagkatapos ng klase. Iyon nga lang,
nakalulungkot isipin na iyon na ang magiging huli.
At ang higit kong ikinalungkot ay dahil
wala si Raffy sa huling pagtitipon naming iyon. Hindi ko alam kung bakit. Basta
hindi siya nagpaiwan, at nang dismissal ay basta na lang umalis nang walang
paalam.
Kinabukasan, Sabado, hindi ako sa hardin
abala kundi sa aking maleta. Nag-iimpake na ako para sa aking pag-alis sa Linggo
nang may mag-doorbell sa gate.
Si Raffy, naka-bike at nakapambahay
katulad nang dati.
Saka ko lang na-realize ang extent ng aking
lungkot, pagkakita sa kanya. At ang lungkot na iyon ay nasalamin ko sa kanyang
mga mata. Wala ang ngiti at maaliwalas na ekspresyon sa kanyang mukha.
Pilit akong nagpaka-cheerful at siya ay
pinatuloy. Tumuloy siya subalit nanatiling tahimik habang nakatayo sa may
bukana ng gate, nakatingin lang sa akin.
Hindi ko natagalan ang kanyang mga tingin.
Tumalikod ako at naglakad patungo sa hardin na kung saan naroroon ang mga herbs
na pinagyayaman namin. Sumunod siya sa akin.
Pagsapit doon, napahinto ako nang marinig
ko ang kanyang tinig.
“Sir, bakit ka aalis?”
Pumihit ako. “Kailangan,” ang sabi ko.
“Hindi ko kasi maaaring palampasin ang opportunity.”
“Paano kami?” Hindi lang basta nagtatanong
kundi nanunumbat ang kanyang mga mata. “Hindi ba unfair na basta mo na lang
kami iiwan?”
Hindi ako nakasagot. May sundot ang kanyang sinabi. Sinalubong ko
ang kanyang mga mata at pilit na nagpapaunawa.
“Hindi mo ba kami inisip na madi-disrupt
kami. Paano na ang mga nasimulan mong ituro sa amin? Hindi ba kami importante
sa’yo kaya ganoon na lamang kadali sa’yo na kami ay i-give-up?”
“Hindi sa ganoon. It’s just that…” Hindi ko
naituloy ang sasabihin. May punto ang kanyang mga tanong na lalong nagpahirap
sa aking pagsagot.
Yumuko siya, umupo at nagsimulang magbunot
ng mga damo sa garden. Nanatili akong nakatayo, nakamasid sa kanya.
Nagpatuloy siya habang nagbubunot ng damo.
“Paano na ang garden? Sino na ang mag-aalaga ng mga tanim natin?”
Umupo rin ako, paharap sa kanya. Nanatili
siyang nakayuko.
“Paano na ang mga isda?” ang sabi niya.
“Raffy…”
Nag-angat siya ng paningin. “Paano na ako?”
Muling nagtama ang aming mga mata at nakita
kong umiiyak siya.
“Raffy… Bakit?”
Umiling siya at tumayo. Tumayo rin ako.
Nanatili kaming magkaharap. Pinahid niya
ang kanyang mga luha.
Saglit na katahimikan bago siya muling
nagsalita. “Sir, alam mo ba na wala na akong ama at solong anak din, walang
kapatid?”
Hindi ako sumagot, nakatingin lang sa
kanya.
“Ang nanay ko, laging abala sa
paghahanap-buhay upang maitaguyod ako. Malungkot ang mag-isa. Nagsimula akong
maging masaya nang maging malapit sa’yo. Kung dati-rati, tamad akong mag-aral,
nang maging teacher kita, naging masipag ako. May barkada ako pero mas gusto ko
na kasama kita. Hindi lang dahil marami akong natututunan kundi dahil natagpuan
ko sa’yo ang isang kaibigang matagal ko nang hinahanap. Isang kaibigang parang
ama at kapatid na matagal na akong wala.”
Dumuro sa akin ang kanyang bawat salita.
Hindi ko inakala na ganoon ang kanyang naging pagpapahalaga sa akin. Dama ko
ang kanyang lungkot at wala akong ibang magawa kundi ang magpaumanhin.
“I’m sorry,” ang aking sambit. “I know,
medyo selfish ang aking desisyon but please don’t hate me for it. This is one
thing I really have to do. Hindi ko naisip na makakaapekto ako nang ganito.
Sana lang ay maunawaan mo ako.”
Tumingin siya sa akin. “No, sir, I don’t
hate you. At nauunawaan ko ang desisyon mo. Hindi ko lang talaga maitago ang
damdamin ko pero lilipas din ito. Mami-miss nga lang kita.”
Sa kabila ng lungkot na namamayani rin sa
aking dibdib, napangiti ako. “Ikaw rin mami-miss ko.”
Ngumiti rin si Raffy at mabilis na yumakap
sa akin.
Nabigla man, yumakap na rin ako sa kanya.
“Goodbye, sir,” ang kanyang sabi.
“Goodbye, Raffy,” ang aking tugon.
It took a while bago namin nagawa ang
magbitiw.
6 comments:
Sad but sweet story:(
Whatever happened to Raffy?
may ganyan din akong naging experience, na napalapit ang isang student/advisee ko at naging idolo ang turing sa akin. laging nagungumusta sa text. pero hanggang doon lang yon. ikakasal na nga siya sa february next year at ninong ako. whoah!
Nice on Aris! Keep it up :)
Kuya Aris, true story po ba to? I mean, naging teacher po talaga kayo at totoo yung kay Raffy? Ang ganda po ng kwento kahit nakakaiyak. Minsan, kailangan mo talaga pumili kahit alam mong may masasaktan :(
kuya, tumatagos yung sakit. the sad, inevitable good bye :'(
kung si raffy ang nasa pic sa itaas, ang gwapo niya lang ha. hahaha
merry christmas, friend. i miss you.
-the geek
Post a Comment