Binilisan ko ang aking mga hakbang. Sumuot ako at
nagpasikot-sikot sa pagitan ng mga cottage.
Sa dalampasigan, patuloy kong nauulinig ang musika sa bar.
Gayundin ang hampas ng mga alon.
Lasing na ako kaya tila hindi ko alam ang aking
patutunguhan.
Nilingon ko ang lalaki. Sumusunod pa rin sa akin.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakaharap sa isang
mataas na pader. Sa dulong bahagi ng resort na walang katao-tao at madilim. Dead end.
Napasandal na lamang ako sa pader pagkaraang pumihit. Hinintay
ang kanyang paglapit.
Magkahalong takot at excitement ang lumukob sa akin. Parang hindi ako makahinga, tinatambol ang aking dibdib.
Huminto siya, isang dangkal mula sa akin. Naramdaman ko
ang mainit na buga ng kanyang hininga. Nalanghap ko ang maalat na halimuyak ng
kanyang katawan.
Sinalubong ko ang kanyang mga mata. May nasilip ako roong kapahamakan subalit ako ay nagtapang-tapangan.
Bigla niyang hinawakan ang aking mga braso at idinipa
niya ako sa pader. Nagpumiglas ako subalit higit siyang malakas sa akin. At nang ako ay kanyang hagkan, tuluyan na akong nawalan ng
kakayahang manlaban.
Marahas ang kanyang halik na halos dumurog sa aking mga
labi. Mahigpit ang kanyang hawak. Mabigat ang kanyang pagkakadagan sa akin.
Gumawi ang kanyang bibig sa aking leeg, sa aking
dibdib, sa aking tiyan. Gumasgas ang kanyang tumutubong bigote sa aking balat,
gayundin ang kanyang mga ngipin habang ako ay nginangabngab.
Napaungol ako. Napasinghap.
Nang hubaran niya ako, tuluyan na akong hindi nakakilos.
Ibinaba niya ang kanyang shorts at inilabas ang kanyang ari. Pinatalikod niya
ako at pinasok.
Napapikit na lamang ako at napakagat-labi. Napakapit sa
pader. Tinanggap ko na lamang siya nang buong-buo.
Habang umuulos, hawak-hawak niya ang aking ari at binabayo
niya rin ako.
Sabay kaming nakaraos. Sumirit ang aking katas sa pader
at siya nama’y sa aking loob.
Habol ang hininga at hinang-hina, napasalampak kami sa lupa.
Nagkatinginan kami at nagkangitian. Niyakap niya ako at hinagkan.
Nagmamadali ako sa paglalakad dahil late na ako.
Magkikita kami ng mga friends ko at pasado alas-dose na. One of those night
outs na last-minute akong nag-decide pumunta. I hope naghihintay pa rin sila,
gusto ko kasing uminom muna bago pumasok sa club.
Malapit na ako sa tagpuan namin nang sa pagliko ko sa
isang kanto ay may nakasalubong akong dalawang lalaking magkaakbay. Natigilan
ako. Isa sa kanila ay pamilyar. At nang mapatapat sila sa liwanag ng poste,
tuluyan na akong napahinto.
Him!
Natigilan din siya. Sabay kaming napatitig sa isa’t isa.
Siya nga!
After six months ay muling nag-krus ang landas namin. Pagkatapos na may mangyari sa amin at
ako ay kanyang iwasan. Pagkatapos niyang dedmahin ang mga text at tawag ko.
Hindi ko alam kung ngingiti ako. Kung babatiin ko siya. Wala
naman kasi akong maalala na pinagkasiraan namin. Ang huling pagkikita namin at
pagsasama ay puno ng pangako at pag-asa.
***
Nagkakilala kami sa club, as usual. Maayos at disenteng pagkikilala.
We talked about a lot of things except sex, not even a hint about wanting to
sleep with each other. Although admittedly, attracted ako sa kanya at
pakiramdam ko, ganoon din siya sa akin. Pero parang pareho naming ayaw dungisan
ang ganda ng aming pagkikilala. Naghiwalay kami na friendship lang ang namagitan at
nangakong muling magkikita.
Na siya ngang nangyari pagkaraan ng dalawang linggo. Sa
dating club pa rin. Subalit pareho kaming nakainom na. At siguro’y dahil sa
ispiritu ng alak kung kaya tila naiba ang aming timpla. Pareho kaming naging agresibo.
And before we knew it, naghahalikan na kami. Nalimot na ang naunang naging
restraint, kumawala na ang atraksiyon at pagnanasang tinimpi sa unang pagkikita.
Which was fine by me. There’s no point in pretending. Kung
doon din lang kami papunta, so be it. Kaya nang magyaya siya sa kanyang
apartment, hindi na ako nag-isip pa. Sumama na kaagad ako sa kanya nang walang
pag-aalinlangan.
Have I mentioned na gorgeous siya? At sa taksi, habang
bumibiyahe kami, parang di namin mapigil ang aming mga sarili. Naghihipuan
kami. Nagsusukatan. Ang behavior namin nang gabing iyon ay kabaliktaran sa naging behavior namin noong una. Which excited me, actually.
Pagdating namin sa bahay niya, wala nang pala-palabok pa.
Pumapasok pa lang kami sa kuwarto niya ay naghuhubad na kami. I didn’t know
what came over us pero daig pa namin ang dalawang nangangalisag na tandang nang
kami ay magsalpukan. Sabik na sabik, uhaw na uhaw. Gutom na gutom na
parang mauubusan. Our first round was really frantic, urgent, wild.
Na kabaliktaran naman nang kami ay mag-second round. It
was slow, sweet, gentle. Nilalasap ang bawat sadali na parang kami ay nasa honeymoon.
At doon ko siya higit na na-appreciate. Doon ako nagsimulang mag-entertain ng
thoughts na ano kaya kung maging kami? Puwede kaya?
Lalo na nang after sex ay magkaroon kami ng cuddling at
pag-uusap. It was perfect. I really felt valued, “loved”. Yes, “loved” in
quotation marks, dahil wala akong maisip na salitang magpapahayag exactly ng
naramdaman ko nang mga sandaling iyon. It was so close to being loved.
Tila biglang naiba ang tingin ko sa kanya. Nabuhayan ako
ng loob, ng pag-asa na baka siya na nga ang matagal ko nang hinahanap at
hinihintay.
Naghiwalay kami nang maayos. Hinatid niya pa ako sa
labas. At iyon ay pagkatapos naming magsalo sa breakfast na siya ang nagluto.
Imagine, ipinagluto niya pa ako! Itlog nga lang at hotdog but still, nag-effort
pa talaga siya.
Habang nasa taksi, parang lumulutang ako sa saya at higit
na umigting ang aking paniniwala na finally, natagpuan ko sa siya!
***
Nakakailang text na ako, wala pa rin siyang reply.
Inisip ko na baka magmukha akong clingy at mainis siya kaya
nanahimik ako.
But after two days, wala pa rin siyang attempt ng
pakikipagkomunikasyon sa akin. Proper lang di ba na mag-communicate kami after
what happened? It was really beautiful – what happened to us – and I was really
hoping na magle-level up iyon. But nothing, not a single word from him.
Hindi ako nakatiis. I dialed his number.
Paulit-ulit na ring. He wasn’t picking up.
I tried again. Wala. Ayaw talagang sagutin.
At sa third attempt ko, cannot be reached na. Pinatay ang
phone?
Doon na ako napag-isip. Ayaw ba niya? Iniiwasan niya ba ako?
Ang mensahe niya ba sa pananahimik ay: Leave me alone?
Na nauwi sa: Disappointed ba siya sa akin? Was I that bad
and unworthy, undeserving of him? You know, those thoughts na parang nakakababa
ng sarili.
Pero paulit-ulit ko mang isipin, i-recall ang bawat
sandali ng naging huling pagkikita namin, wala akong mahanap na butas upang
maging ganito ang attitude niya sa akin. Sabi ko nga, it was perfect, a beautiful
thing. We ended up on a high note na naging sanhi nga upang mag-isip ako na may
future kaming dalawa.
After a week, I tried calling him again. Hindi na
nagri-ring ang phone niya. Wala na, patay na. Marahil ay nagpalit na siya ng
sim. Namatay na rin ang pag-asa ko sa kanya at naisip ko na baka ipinagpalit
niya na rin ako sa iba.
***
At dahil hindi ko nga nalaman ang naging dahilan ng
panlalamig niya just when I was gearing up for something special with him, para
akong itinulos ngayon sa pagkakatayo habang nakatingin sa kanya.
Ngingitian ko ba
siya? Babatiin ko ba?
Hindi ko na kinailangang magdesisyon dahil bago pa man
ako nakahuma, ginulantang na ako ng tinig niya.
“Hey!”
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Mahina man ang
kanyang tinig, parang dinagundong pa rin niyon ang aking dibdib. After all these time, naroroon pa rin ba ang
aking feelings?
“Ashton,” ang mahina kong sambit sa pangalan niya. I
looked into his eyes na tila nagniningning bagama’t madilim. He
really is gorgeous!
“Kumusta ka na?” ang tanong niya.
“Mabuti,” ang sagot ko.
“A friend of yours?” ang tanong ng kanyang kasama. Saka
lang kami naging aware sa tila pagkalimot at pagkatigagal namin sandali.
“Yeah,” ang sagot niya.
“Hi, ako si Marlo,” ang pakilala sa akin ng kasama niya
sabay abot ng kamay.
Nakipagkamay ako. “Aris.” Pinilit kong ngumiti.
“I’m Ashton’s boyfriend,” ang dugtong pa nito.
“Siya ‘yung sinasabi ko sa’yong boyfriend ko na nasa
abroad,” ang sabi ni Ashton. “He’s home for good.”
“Talaga?” Wala kang
sinasabi sa aking boyfriend mo noon! “That’s nice.” Liar!
“You wanna join us for a drink?” He seemed friendly – Marlo, his boyfriend.
“I would love to but I am meeting my friends,” ang sagot
ko.
“Too bad,” ang sabi ni Marlo. “Tatanungin pa naman sana
kita tungkol sa mga kalokohan nitong si Ashton noong wala ako.” He was kidding,
of course.
Na-sense ko na naging uncomfortable si Ashton na ikinubli niya sa pamamagitan ng
malakas na tawa.
Nakitawa na rin ako. Pinangatawan ko na ang pagkukunwari.
Na parang walang nangyari sa amin noon. Na magkaibigan nga lang kami. Maybe
because I saw something in his eyes – an
unlikely mix of guilt and longing?
“It was nice meeting you, Marlo,” ang sabi ko. “And it
was nice seeing you again, Ashton.”
gusto kong magkuwento tungkol sa crush ko kahit na ako ay mabuko nagbabasa kasi siya ng blog ko. marami akong crushes, you know pero natatangi ang isang ito matagal na kaming nagpapatintero
and i think crush niya rin ako. ano kaya kung bukas siya ay imbitahin ko simpleng meet-up lang, pasyal sa mall, kain siguro kuwentuhan lang, anything goes, walang plano gusto ko lang ipakitang espesyal siya't ako'y interesado. actually noong isang araw, nagpahaging siya sa palagay ko asking kung may gagawin ako sa biyernes o sabado oo, ang sabi ko, thinking of sleep, laundry, errands, libro saka ko lang napagtanto, valentines nga pala, gosh, i'm so slow! ngayon ay iniisip ko na baka mayroon na siyang ibang katagpo na baka di na siya available kung mag-iimbita ako pero susubukan ko pa rin, magbabakasakali ako this i have to do, kailangan ko lang ng buwelo.
Muli ay pinagmamasdan kita sa iyong pagkakaupo.
Nangingitim ka yata. Siguro’y dahil sa ROTC. Maritime
student ka at alam ko, nagbibilad kayo sa araw tuwing Linggo. Kung dati-rati’y naka-civilian ka na kapag magsisimba,
ngayo’y naka-uniporme ka pa – fatigue at combat boots. Siguro’y late na kayong dinismiss at nawalan ka na ng
time magpalit. Wala naman akong military fetish pero dahil sa suot mo, higit
kang naging kaakit-akit.
Tuwing Linggo, excited akong magsimba dahil alam kong
makikita kita. Pareho kasi tayong regular sa ganitong oras ng misa. Nakasanayan
na nating pumuwesto sa magkabilang hilera ng pews parallel sa isa’t isa. There
was a time na nagkatabi tayo – may nakaupo na kasi sa pinupuwestuhan mo – at nang
mag-“Ama Namin” na, muntik na tayong maghawak-kamay, nagkahiyaan nga lang.
Subalit nang mag-“Peace be with you” na, I looked straight into your eyes at
nginitian mo ako. Doon nagsimulang tumindi ang crush ko sa’yo.
Subalit hindi na iyon naulit – ang magkatabi tayo. Kaya
nakuntento na lamang ako sa pagsulyap-sulyap sa’yo diyan sa kabila. At ngayon
nga’y hindi ko maiwasang muling isa-isahin ang attributes mo – malapad na balikat,
matipunong mga braso, bilugang mga hita, matambok na puwet na
ewan ko naman kung bakit tila naging exaggerated sa uniporme mo. I sought your face (umitim ka nga pero bagay sa’yo), ang mga mata mong expressive at ang mga labi mong seductive. I traced the edges of your mouth as they curved into
a smile. At saka ko lang na-realize na nakatingin ka rin sa akin! Kaagad
akong nagbaba ng paningin but my heart was a-fluttering!
Habang nagmimisa, I could not help but wonder:
aware ka kaya sa aking damdamin? Alam mo kaya na crush kita? At kung sakali
man, mayroon kaya akong pag-asa?
Pinagdaop ko ang aking mga palad at
nagdasal ako nang taimtim.