Saturday, February 22, 2014

One Night Stand

Nagmamadali ako sa paglalakad dahil late na ako. Magkikita kami ng mga friends ko at pasado alas-dose na. One of those night outs na last-minute akong nag-decide pumunta. I hope naghihintay pa rin sila, gusto ko kasing uminom muna bago pumasok sa club.

Malapit na ako sa tagpuan namin nang sa pagliko ko sa isang kanto ay may nakasalubong akong dalawang lalaking magkaakbay. Natigilan ako. Isa sa kanila ay pamilyar. At nang mapatapat sila sa liwanag ng poste, tuluyan na akong napahinto.

Him!

Natigilan din siya. Sabay kaming napatitig sa isa’t isa.

Siya nga!

After six months ay muling nag-krus ang landas namin. Pagkatapos na may mangyari sa amin at ako ay kanyang iwasan. Pagkatapos niyang dedmahin ang mga text at tawag ko.

Hindi ko alam kung ngingiti ako. Kung babatiin ko siya. Wala naman kasi akong maalala na pinagkasiraan namin. Ang huling pagkikita namin at pagsasama ay puno ng pangako at pag-asa.

***

Nagkakilala kami sa club, as usual. Maayos at disenteng pagkikilala. We talked about a lot of things except sex, not even a hint about wanting to sleep with each other. Although admittedly, attracted ako sa kanya at pakiramdam ko, ganoon din siya sa akin. Pero parang pareho naming ayaw dungisan ang ganda ng aming pagkikilala. Naghiwalay kami na friendship lang ang namagitan at nangakong muling magkikita.

Na siya ngang nangyari pagkaraan ng dalawang linggo. Sa dating club pa rin. Subalit pareho kaming nakainom na. At siguro’y dahil sa ispiritu ng alak kung kaya tila naiba ang aming timpla. Pareho kaming naging agresibo. And before we knew it, naghahalikan na kami. Nalimot na ang naunang naging restraint, kumawala na ang atraksiyon at pagnanasang tinimpi sa unang pagkikita.

Which was fine by me. There’s no point in pretending. Kung doon din lang kami papunta, so be it. Kaya nang magyaya siya sa kanyang apartment, hindi na ako nag-isip pa. Sumama na kaagad ako sa kanya nang walang pag-aalinlangan.

Have I mentioned na gorgeous siya? At sa taksi, habang bumibiyahe kami, parang di namin mapigil ang aming mga sarili. Naghihipuan kami. Nagsusukatan. Ang behavior namin nang gabing iyon ay kabaliktaran sa naging behavior namin noong una. Which excited me, actually.

Pagdating namin sa bahay niya, wala nang pala-palabok pa. Pumapasok pa lang kami sa kuwarto niya ay naghuhubad na kami. I didn’t know what came over us pero daig pa namin ang dalawang nangangalisag na tandang nang kami ay magsalpukan. Sabik na sabik, uhaw na uhaw. Gutom na gutom na parang mauubusan. Our first round was really frantic, urgent, wild.

Na kabaliktaran naman nang kami ay mag-second round. It was slow, sweet, gentle. Nilalasap ang bawat sadali na parang kami ay nasa honeymoon. At doon ko siya higit na na-appreciate. Doon ako nagsimulang mag-entertain ng thoughts na ano kaya kung maging kami? Puwede kaya?

Lalo na nang after sex ay magkaroon kami ng cuddling at pag-uusap. It was perfect. I really felt valued, “loved”. Yes, “loved” in quotation marks, dahil wala akong maisip na salitang magpapahayag exactly ng naramdaman ko nang mga sandaling iyon. It was so close to being loved.

Tila biglang naiba ang tingin ko sa kanya. Nabuhayan ako ng loob, ng pag-asa na baka siya na nga ang matagal ko nang hinahanap at hinihintay.

Naghiwalay kami nang maayos. Hinatid niya pa ako sa labas. At iyon ay pagkatapos naming magsalo sa breakfast na siya ang nagluto. Imagine, ipinagluto niya pa ako! Itlog nga lang at hotdog but still, nag-effort pa talaga siya.

Habang nasa taksi, parang lumulutang ako sa saya at higit na umigting ang aking paniniwala na finally, natagpuan ko sa siya!

***  

Nakakailang text na ako, wala pa rin siyang reply.

Inisip ko na baka magmukha akong clingy at mainis siya kaya nanahimik ako.

But after two days, wala pa rin siyang attempt ng pakikipagkomunikasyon sa akin. Proper lang di ba na mag-communicate kami after what happened? It was really beautiful – what happened to us – and I was really hoping na magle-level up iyon. But nothing, not a single word from him.

Hindi ako nakatiis. I dialed his number.

Paulit-ulit na ring. He wasn’t picking up.

I tried again. Wala. Ayaw talagang sagutin.

At sa third attempt ko, cannot be reached na. Pinatay ang phone?

Doon na ako napag-isip. Ayaw ba niya? Iniiwasan niya ba ako? Ang mensahe niya ba sa pananahimik ay: Leave me alone?

Na nauwi sa: Disappointed ba siya sa akin? Was I that bad and unworthy, undeserving of him? You know, those thoughts na parang nakakababa ng sarili.

Pero paulit-ulit ko mang isipin, i-recall ang bawat sandali ng naging huling pagkikita namin, wala akong mahanap na butas upang maging ganito ang attitude niya sa akin. Sabi ko nga, it was perfect, a beautiful thing. We ended up on a high note na naging sanhi nga upang mag-isip ako na may future kaming dalawa.

After a week, I tried calling him again. Hindi na nagri-ring ang phone niya. Wala na, patay na. Marahil ay nagpalit na siya ng sim. Namatay na rin ang pag-asa ko sa kanya at naisip ko na baka ipinagpalit niya na rin ako sa iba.

***

At dahil hindi ko nga nalaman ang naging dahilan ng panlalamig niya just when I was gearing up for something special with him, para akong itinulos ngayon sa pagkakatayo habang nakatingin sa kanya.

Ngingitian ko ba siya? Babatiin ko ba?

Hindi ko na kinailangang magdesisyon dahil bago pa man ako nakahuma, ginulantang na ako ng tinig niya.

“Hey!”

Nanatili akong nakatingin sa kanya. Mahina man ang kanyang tinig, parang dinagundong pa rin niyon ang aking dibdib. After all these time, naroroon pa rin ba ang aking feelings?

“Ashton,” ang mahina kong sambit sa pangalan niya. I looked into his eyes na tila nagniningning bagama’t madilim. He really is gorgeous!

“Kumusta ka na?” ang tanong niya.

“Mabuti,” ang sagot ko.

“A friend of yours?” ang tanong ng kanyang kasama. Saka lang kami naging aware sa tila pagkalimot at pagkatigagal namin sandali.

“Yeah,” ang sagot niya.

“Hi, ako si Marlo,” ang pakilala sa akin ng kasama niya sabay abot ng kamay.

Nakipagkamay ako. “Aris.” Pinilit kong ngumiti.

“I’m Ashton’s boyfriend,” ang dugtong pa nito.

“Siya ‘yung sinasabi ko sa’yong boyfriend ko na nasa abroad,” ang sabi ni Ashton. “He’s home for good.”

“Talaga?” Wala kang sinasabi sa aking boyfriend mo noon! “That’s nice.” Liar!  

“You wanna join us for a drink?” He seemed friendly – Marlo, his boyfriend.

“I would love to but I am meeting my friends,” ang sagot ko.

“Too bad,” ang sabi ni Marlo. “Tatanungin pa naman sana kita tungkol sa mga kalokohan nitong si Ashton noong wala ako.” He was kidding, of course.

Na-sense ko na naging uncomfortable si Ashton na ikinubli niya sa pamamagitan ng malakas na tawa.

Nakitawa na rin ako. Pinangatawan ko na ang pagkukunwari. Na parang walang nangyari sa amin noon. Na magkaibigan nga lang kami. Maybe because I saw something in his eyes –  an unlikely mix of guilt and longing?

“It was nice meeting you, Marlo,” ang sabi ko. “And it was nice seeing you again, Ashton.”

Saglit na nag-hold ang aming mga mata.

Umalis ako na magaan ang pakiramdam.

Nasagot na ang tanong ko.

It’s not me. It’s you.

8 comments:

Geosef Garcia said...

Buti may closure ka. Mahirap yung biglang naiiwan sa ere...

Aris said...

@geosef garcia: tama ka. mahirap yung nagtataka ka kung bakit at nagdududa kung may mali ba sa iyo.

thanks, sef, for always taking the time to leave a comment. tc. :)

mike said...

must had been awkward....

Aris said...

@mike: it was. isang sitwasyon na kung maaari lang ay gusto kong iwasan. :)

Jjc said...

nakakasad at nakaka'awkward naman yun. Well, tama naman po yung statement mo sa last..
It's not me, it's you..
Siya ang nagkulang at hindi ikaw..
you've tried your best to reach out but he missed the opportunity.. kaya go lang sir Aris.. =)

Aris said...

@ celmarx edos: minsan nakaka-confuse lang talaga ang mga ganitong enkuwentro.

rei said...

Kalorka! Dapat kasi behave na yang mga taken.

Aris said...

@iamrei: korak. hindi na dapat makipaglaro at magpaibig sa mga walang kamuwang-muwang. Hehe! :)