Thursday, February 13, 2014

Buwelo



gusto kong magkuwento
tungkol sa crush ko
kahit na ako ay mabuko
nagbabasa kasi siya ng blog ko.

marami akong crushes, you know
pero natatangi ang isang ito
matagal na kaming nagpapatintero
and i think crush niya rin ako.

ano kaya kung bukas siya ay imbitahin ko
simpleng meet-up lang, pasyal sa mall, kain siguro
kuwentuhan lang, anything goes, walang plano
gusto ko lang ipakitang espesyal siya't ako'y interesado.

actually noong isang araw, nagpahaging siya sa palagay ko
asking kung may gagawin ako sa biyernes o sabado
oo, ang sabi ko, thinking of sleep, laundry, errands, libro
saka ko lang napagtanto, valentines nga pala, gosh, i'm so slow!

ngayon ay iniisip ko na baka mayroon na siyang ibang katagpo
na baka di na siya available kung mag-iimbita ako
pero susubukan ko pa rin, magbabakasakali ako
this i have to do, kailangan ko lang ng buwelo.

8 comments:

Mac Callister said...

Eeeeeeeeeeeh! Sana mabasa niya toh!

Happy valentines Day Aries, sayang di tau nakapagmeet nun bakasyon ko. Hmmmp. Lol

Aris said...

@mac callister: happy valentines day din sa'yo, mac at kay sri. choz!

oo nga. ikaw kasi, di ka na nag-reply. hmp. hahaha! :)

♔ıǝɹɯɐı♔ said...

Push mo Gurl! Nothing wrong with asking. Happy Valentine's Day :)

Aris said...

sure, rei. haha! happy valentines day din sa'yo at sa iyong special someone. :)

Simon said...

Happy V-Day to you ah :) May there be more love love and love!

Aris said...

hello simon. late reply ako. happy v-day din. sana patuloy na ang bawat araw ay valentines day para sa inyo ni cheng. :)

Celmarx Edos said...

ahwts.. sabihin mo nlang po kasi para malaman.. =)
nkakatuwa po mga post mo!!

Aris said...

@celmarx edos: oo nga, para hindi na nagpapakiramdaman. hehe! happy to know na nagustuhan mo ang mga post ko. thanks. :)