Muli ay pinagmamasdan kita sa iyong pagkakaupo.
Nangingitim ka yata. Siguro’y dahil sa ROTC. Maritime
student ka at alam ko, nagbibilad kayo sa araw tuwing Linggo. Kung dati-rati’y naka-civilian ka na kapag magsisimba,
ngayo’y naka-uniporme ka pa – fatigue at combat boots. Siguro’y late na kayong dinismiss at nawalan ka na ng
time magpalit. Wala naman akong military fetish pero dahil sa suot mo, higit
kang naging kaakit-akit.
Tuwing Linggo, excited akong magsimba dahil alam kong
makikita kita. Pareho kasi tayong regular sa ganitong oras ng misa. Nakasanayan
na nating pumuwesto sa magkabilang hilera ng pews parallel sa isa’t isa. There
was a time na nagkatabi tayo – may nakaupo na kasi sa pinupuwestuhan mo – at nang
mag-“Ama Namin” na, muntik na tayong maghawak-kamay, nagkahiyaan nga lang.
Subalit nang mag-“Peace be with you” na, I looked straight into your eyes at
nginitian mo ako. Doon nagsimulang tumindi ang crush ko sa’yo.
Subalit hindi na iyon naulit – ang magkatabi tayo. Kaya
nakuntento na lamang ako sa pagsulyap-sulyap sa’yo diyan sa kabila. At ngayon
nga’y hindi ko maiwasang muling isa-isahin ang attributes mo – malapad na balikat,
matipunong mga braso, bilugang mga hita, matambok na puwet na
ewan ko naman kung bakit tila naging exaggerated sa uniporme mo. I sought your face (umitim ka nga pero bagay sa’yo), ang mga mata mong expressive at ang mga labi mong seductive. I traced the edges of your mouth as they curved into
a smile. At saka ko lang na-realize na nakatingin ka rin sa akin! Kaagad
akong nagbaba ng paningin but my heart was a-fluttering!
Habang nagmimisa, I could not help but wonder:
aware ka kaya sa aking damdamin? Alam mo kaya na crush kita? At kung sakali
man, mayroon kaya akong pag-asa?
Pinagdaop ko ang aking mga palad at
nagdasal ako nang taimtim.
6 comments:
Isang malaking OMG! Haha.
jay 'to
Ang cute ng story and music which is straight forward to story hehehe... tsk!
I feel you kuya. Ang sesexy ng mha Maritime haha
@iamrei: OMG talaga. haha!
@jay calicdan: thanks, jay. :)
@sid: sinabi mo pa. hehe! :)
siguro kateks mo na siya....
@arvin u. de la peña: hindi pa naman. hehe! ;)
Post a Comment