Hindi ko inaasahan, Sabado ng gabi sa beach party sa isla, muling magkukrus ang ating landas.
Malakas ang tugtog subalit nangibabaw ang iyong tinig nang
tawagin mo ang aking pangalan. At nang ika’y masilayan, tinambol ang aking dibdib at dinagundong sabay sa beat ng music.
Tila nag-slowmo ang paligid at sa iyong paglapit, kaagad kitang
niyakap.
Yumakap ka rin sa akin at nadama ko ang iyong init. Hindi ko
napigil ang maging expressive.
“I missed you. I missed you so much,” ang sabi ko.
“I missed you, too,” ang sagot mo.
Humigpit ang aking yakap at ninais kitang hagkan.
Subalit ako ay natigilan nang mapansin ko ang lalaking
nakatayo sa iyong tabi, may hawak na dalawang bote ng Red Horse at sa mga mata’y hindi maitatanggi ang selos.
Bumitiw ako at agad siyang umakbay sa’yo, possessively.
Nginitian mo siya at kinuha ang iniaabot na beer. Pinagkilala mo kami.
“Aris, this is Rex, my boyfriend. Rex, this is Aris, my ex.”
Nagkamay kami, awkwardly.
Nagpalit ang tugtog at ang galaw ng mga tao ay naging mas maharot.
Nagpaalam ako at nagtungo sa dancefloor.
Nagsayaw na lamang ako upang makalimot.
10 comments:
oh that moment..
*hug
@paci: oh yes. *sigh!*
thanks, paci. :)
ha..ha..ha... that moment!
hhhmmmm.....
@anonymous: yeah. :)
Haaayyy??? Bakit ganon?! Paker!
Anyway, a product of fiction lang naman ito pero ang awkward ng ganito which is totoo at nangyayari sa true life.
Nice one! Ahehehe... epical lang
@jay calicdan: it actually happened to me nitong holy week. *sigh!* but then it's ok. move on na. hehe! :)
Huwahhh!!! Di na ako nag-iisa! Ramdam kita, move on na tayo... :D
Bakit ba parang movie ang buhay mo? Inggit ako. Hehehe! ;P
Rheb
Inakbayan mo rin sana si Rex.
@jay calicdan: tama. hanap na ng iba. :)
@anonymous: ewan ko ba. hanep sa mga eksena. kaloka! :)
@victor saudad: oo nga. di ko naisip yun ah. hehe! :)
Post a Comment