Wednesday, April 9, 2014

Burning Flame

Tandang-tanda niya pa ang mga sandaling iyon ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Renan. Kabilugan ng buwan, nasa veranda sila ng isang restaurant sa Tagaytay. Tanaw na tanaw niya ang lawa at bulkan ng Taal. Tinutugtog pa noon ng piyanista ang theme song nila. Napakasaya niya – soaring ang pakiramdam – dahil si Renan ang nagplano ng dinner date nilang iyon na inakala niyang early celebration ng nalalapit nilang anibersaryo. Hindi niya mapigil ang sariling pagmasdan si Renan at lihim na ipagpasalamat na after five years, sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan at friction, naroroon pa rin sila, nagsasalo sa isang romantic dinner, making things work out  at nagpapatuloy sa kanilang relasyon.

And then the bombshell came. Gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya.

Gulat siya. Hindi niya iyon inaasahan. Akala niya, ang purpose ng dinner date na iyon ay upang ayusin at plantsahin ang relasyon nila na nitong huli’y naging magulo at masalimuot nga.

Pinigil niya ang anumang reaksiyon. Unti-unti  niyang naramdaman ang sakit subalit hindi siya nagpahalata. Nagpakahinahon siya at nagpaka-proper. Tinanggap niya iyon nang walang drama. Tinapos niya ang pagkain at umorder pa siya ng dessert na parang ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Renan ay no big deal.

It was a relief for Renan na ang inaasahan ay gagawa siya ng eksena. But no, sorry to disappoint him. Mas pinili niyang hindi magpakita ng anumang emosyon, magpaka-disente. Ni hindi siya nagtanong kung bakit. Ni hindi niya inalam kung may third party. Although, may ideya na siya dahil matagal na siyang may naririnig. Tinimpi niya ang sakit na bago natapos ang gabing iyon ay naramdaman niya ang conversion sa galit.

***

Nang mag-isa na lamang, saka siya umiyak. Nag-self-pity dahil kung kelan nagkaedad na siya at may mga insecurities na sa kanyang sarili, saka siya iniwan ni Renan. Pagkatapos ng lahat, para siyang basura na itinapon na lamang. Pagkatapos niya itong bihisan, papag-aralin, bigyan ng numero sa lipunan.

Twenty years ang agwat ng kanilang edad at ngayong naipagkaloob na niya ang mga pangangailangan nito at natupad na ang mga pangarap, ang inaasahan niya sana’y patuloy siya nitong mamahalin at paninindigan. Hindi dahil sa naghihintay siya ng kapalit sa kanyang mga nagawa kundi dahil naniwala siya sa mga pangako nitong no matter what, tumanda man siya at ma-obvious ang kanilang age gap,  patuloy pa rin siya nitong iibigin at hinding-hindi iiwan.

But reality bites. Nasa prime ng kanyang gulang si Renan samantalang siya ay nasa katanghalian na. Kahit anong paganda at maintenance ang gawin niya, hindi pa rin mapasusubalian ang bakas ng mga taon at hila ng gravity. Pinagsa-sag siya, tinutuyot ang balat, pinaninipis ang buhok. Maghahanap at maghahanap si Renan ng mas maganda, mas bata, mas sariwa.

Ilang linggo rin siyang nagmukmok. Hanggang isang araw, ipinagpasya niya ang bumangon. Dinampot niya ang nagkapira-pirasong sarili at pinilit buuin muli. Pinilit niya ring tanggapin ang nangyari at nagsimulang mag-move on. Nagpa-make over siya, nagpa-surgery, nagpa-lipo. Hanggang sa kahit paano ay manumbalik ang dating tiwala sa sarili.

Subalit ang lahat ng iyon ay tila nawalan ng saysay nang isang gabi, habang naglalakad sa park, sino ang makakasalubong niya kundi si Renan. Napaka-guwapo, napakakisig at mukhang napakasaya habang naglalakad nang may ka-holding hands.

At siya ay natigagal. Dahil ang kasama ni Renan ay higit pang matanda sa kanya!

***

“Hi,” ang bati sa kanya ni Renan, nakangiti. Napaka-casual na para bang wala silang nakaraan.

Pinilit niya pa rin ang magpakatatag, muli man niyang naramdaman ang matinding sakit sa kanyang kalooban.

Nang ipinakilala siya ni Renan sa kasama, malugod ang kanyang naging pagbati. Nakipagkamay pa siya at nakipagpalitan ng pleasantries.

Poised siya nang magpaalam at maglakad palayo, walang bakas ng anumang pagkatigatig ang mga hakbang gayong nang mga sandaling iyon ay tila sasambulat ang kanyang dibdib habang pinipigil ang pag-iyak. Klaro na ang lahat: hindi siya hiniwalayan ni Renan dahil naghahanap ito nang mas bata at sariwa kundi dahil ayaw na talaga nito sa kanya. Na nasa kanya ang diperensya, siguro’y dahil sa ugali niya, na masyado na itong nasakal dahil sa insecurities niya.

Muli siyang na-depress. Naisipan niya ang magpakamatay subalit nanaig ang kanyang pride – hindi niya lulubos-lubusin ang pagiging talunan. Na dapat sa ganitong kuwento ng buhay, magwagi ang api-apihan. Parang teleserye o pelikula na dapat sa katapusan, nasa bida pa rin ang huling halakhak.

Tinawagan niya si Renan. 

“Hi, Renan. It’s me. Gusto ko sana kayong imbitahin for dinner. Yes, kayong dalawa, dito sa bahay. Walang okasyon. Gusto ko lang na maging magkaibigan pa rin tayo. At siya rin, gusto ko siyang higit na makilala at maging kaibigan din. Yes, I'm cooking. Your favorites, of course. Bukas, around seven. You're coming? Good. See you then. Bye.”

***

GROCERY LIST

Brown Rice
Prime Ribs
Worcestershire Sauce
Garlic
Salt
Black Pepper
Sesame Seeds
Lemon
Mushrooms
Potatoes
Carrots
Baby Corn
Olive Oil
Red Wine
Rat Poison

14 comments:

Geosef Garcia said...

Natawa naman ako dun sa last two item sa list. LOL

Nakakatakot si ate. Murderous ang pagiging bitter. Pero baka naman pessimist lang ako; maybe may papatayin lang talaga siyang mga pesteng daga sa bahay niya, at hindi yung ex at ang bagong jowa nito. Oh well...

Tanda ko lang. Usually ay hindi mo maaaninag ang Taal volcano mula sa Tagaytay kapag gabi. Pero hindi ko maalala if makikita ba yun kapag bilog ang buwan. :3

Angel said...

OMG!!!

Anonymous said...

Kakaiba kang gumawa ng kwento. Inventive ang twist sa ending. Like! :))

aboutambot said...

Di ko inaasahan ang last two items sa grocery list. Pasabog!

aldo said...

Ha he ha he ha he, sige basta kasama ang cook na kakain sa sumptuous recipe.

Aris said...

@geosef: may alaala ako noong kasibulan ko at may nagdala sa akin sa tagaytay isang gabing bilog ang buwan. magkatabi lang kami sa isang bench (o bakod ba iyon?) sa "overlooking", nag-uusap, nagliligawan. at ang natatandaan ko noon, kitang-kita ko ang ganda ng taal. o masyado lang akong masaya noon at ang vision na iyon ay bahagi lang ng aking imahinasyon?

Aris said...

@angel: katakot nga si ateh kung ang lason ay dagdag sahog sa ulam. parang magic sarap lang. hehe! :)

Aris said...

@anonymous: thanks. bahala ka na sa conclusion. hehe! :)

Aris said...

@aboutambot: baka naman marami lang talagang daga sa bahay ni ateh at ayaw niya lang mapahiya sa mga bisita. nga kaya? hehe! :)

Aris said...

@aldo: hmmm... pwede rin. di ba may suicidal tendency rin si ateh? hehe! :)

Jay Calicdan said...

Ahahaha!!! Paulit-ulit kong binabasa ito pero di ako makapagcomment sa mobile. Favorite ko 'to! Ahahaha!!! Nice one, bida talaga ang nagwawagi!

Aris said...

@jay calicdan: o, di ba? parang teleserye lang. hehe! :)

patryckjr said...

Dora or Racumin?????

Aris said...

@patryckjr: sa palagay ko, racumin. para slow death. hehe!