Tuesday, December 2, 2014

Album


Browsing through our “Galera 2012” album, hindi ko naiwasang malungkot. Nanariwa ang mga alaala kung gaano kami kasaya noon. Anim kaming magbabarkada at kitang-kita sa mga pictures namin kung gaano kami ka-close.

Nalulungkot ako dahil nasira ang barkadahang iyon. Dahil sa isang simpleng hindi pagkakaintindihan at pagkakampi-kampihan, nahati kami sa dalawa.  At nang sumapit ang summer of 2013, dalawang grupo kaming nag-Puerto Galera. Kaming tatlo nina Axel at Allen sa isang grupo; at silang tatlo naman sa kabila. Habang nasa Galera, naisipan kong papag-ayusin kaming anim upang mabuong muli ang barkada. Nagpunta ako sa kabilang kampo subalit ako’y napahiya lamang dahil hindi nila ako pinansin. Nang huling gabi, nagkita-kita kami sa beach party pero dahil sa rejection nila sa akin noong nagdaang gabi, naglagpas-lagpasan ang aming mga tingin. From then on, galit-galit na talaga kami.

Sumapit ang summer of 2014. Magkakasama pa rin kaming nag-Galera nina Axel at Allen samantalang silang tatlo, nabalitaan ko, nagkanya-kanya ng lakad at kung saan-saang beach nagpunta. Ang bakasyon naming iyon ay naging masaya naman (may ka-join kaming tatlo pa na mga bagong kaibigan) subalit parang may kulang. Hindi maalis sa aking alaala ang summer of 2012 na buo ang original barkada. By this time, alam kong lumambot na ako at ang higit na nananaig sa akin ay ang pagpapahalaga at pagmamahal sa mga nawalay na kaibigan.

Then isang araw, bigla na lang ibinalita sa akin ni Allen na in-touch na raw uli sila ni Axel sa tatlong nakaalitan namin. Nagkita-kita raw sila sa gym, nagbatian at nagkumustahan – sila ma’y tila lumambot na rin – hanggang sa mauwi iyon sa mga pag-uusap sa wechat. Nagkakabiruan na raw sila at kinukumusta ako nang madalas.

Nitong huli, nagkagulatan kami ng isa sa kanila nang magkita kami sa Obar. Ang higpit ng naging yakapan namin. Hindi na namin kinailangang magsalita dahil malinaw ang mensahe – magkaibigan pa rin kami sa kabila ng mga awayang nangyari. Ramdam ko ang pagka-miss namin sa isa’t isa, gayundin ang pagkakapatawaran – kung para saan, hindi ko na maalala dahil sa totoo lang, wala naman talagang kakuwenta-kuwenta ang aming pinag-awayan.

Just now, nakatanggap ako ng text mula kay Allen. Nagyayaya raw ang tatlo na magkita-kita kaming anim ngayong gabi – kumpleto, walang absent – para mag-coffee or whatever at magsama-samang muli katulad ng dati. Biglaan man, hindi ako tumanggi. 

Nakangiti ako nang ipininid ko ang album. Parang hindi na ako makapaghintay na makita ang mga larawang madaragdag pa roon – ang mga ngiti, ang mga pose – na bubuo sa mga alaala ng panibago naming kabanata.

5 comments:

aboutambot said...

Ang saya ng mga ganitong pangyayari Aris. Merry Christmas.

AnonymousBeki said...

Nakakatuwa at muling nanumbalik ang inyong pagkakaibigan. Ang inyong Pasko ay di na muling magiging malamig dahil sa init ng inyong pagmamahalan. Maligayang Kapaskuhan sayo at pati na rin sa iyong mga kaibigan!

Jay Calicdan said...

Wow... yung sa akin, mukhang hindi na mangyayari yung nasa huli. Imposible dahil walang napapala yung gumagawa ng effort kaya let it go na lang. Na-i let go rin naman nila ako eh :/

Aris said...

@aboutambot: masaya nga ang ganitong reconciliation lalo na at magpapasko. maligayang pasko rin sa'yo at sa mga mahal mo. :)

@anonymousbeki: korek ka jan. masaya nga na natapos na ang walang kabuluhang away. nanaig pa rin ang pagmamahalan at pagpapahalaga sa pinagsamahan. maligayang pasko rin sa'yo at maraming salamat. :)

@jay calicdan: hayaan mong papaghilumin ng panahon ang sugat. isang araw magigising ka na lamang na magaan na ang iyong pakiramdam dahil nagawa mo na ang magpatawad. merry christmas! :)

Jay Calicdan said...

Yes, Aris. I believe, and I am looking forward to it. Hindi lang naman iisa ang araw eh and, Merry Christmas too!

Sorry to say Aris pero...
I MISS YOU NAAAAHHHH!!!!! Ahahaha!!!
-bebejay