Photo credit: Marco-art
Nangako akong magbabalik. At ngayon, pinagmamasdan ko ang dati nating silid. Nasaan ka? Hindi ba’t nangako ka rin na maghihintay sa akin?
***
Iniwan kita upang i-pursue ang aking California dream.
Kahit na noong mga panahong iyon ay napaka-perfect ng mundo natin.
Nakatira tayo sa farm – sa bahay na ito – na magkatuwang
nating itinayo. Masaya at tahimik ang pamumuhay natin na ginulo ng pagdating
ng petition ko sa States.
Hindi madali ang magdesisyon at magpaalam subalit
mapanukso at mapang-akit ang kabilang mundo.
Alam kong sinaktan kita nang husto sa aking pag-alis.
Dinurog ko ang iyong puso at sinira ko ang mga pangarap natin.
Subalit nanaig ang aking pagiging selfish. Isinakripisyo
kita, ipinagpalit sa tawag ng isang panibagong excitement.
Na pinagsisisihan ko ngayon. Nang labis.
***
After ten years, nagbalik ako. Umaasang naririto ka pa
rin, naghihintay sa akin. Subalit ang dinatnan ko’y ang abandonadong bahay natin. Maayos pang tingnan sa labas – naroroon pa rin ang tikas – subalit sa
loob, nagsisimula nang mabulok.
Parang ako, sa ayos kong ito, sino’ng magsasabing sa loob
ay sirang-sira na ako?
Sa pagtapak ko sa sunshine state, nasilaw ako sa kinang
ng mga pangako, naakit sa tukso at nakalimot. Nakipagsugal sa buhay hanggang sa
itinaya ko na ang sarili ko. Sa pagsunod ko sa pangarap, dangal ang aking
isinuko.
Kung tutuusin, hindi na ako dapat nagbalik. Dahil sa dumi
ng pagkatao ko, hindi na ako nababagay sa’yo.
***
Pinik-ap niya ako sa Sunset Boulevard na kung saan naglipana
ang mga kagaya ko – latino, negro, asyano – na nagbebenta ng laman. Kung paanong
napabilang ako sa kanila, iyon ay dala na rin ng matinding pangangailangan. Pagdating ko sa Amerika, I had to fend for myself at kinailangan kong kumapit sa patalim.
Hindi sapat ang naging pagtitinda ko ng hamburger sa Carl’s Jr. to pay the rent
kaya sa gabi, nagtitinda rin ako ng sarili.
Nagpakilala siya bilang si Joe at nang nasa apartment
niya na ako, kaagad niya akong pinaghubad at sinuri ang katawan ko. Hindi niya
ako ginalaw o hinipo, pinatuwad niya lang ako, pinagbate, pinanood at kinunan
ng mga litrato.
It turned out na si Joe pala ay producer at direktor ng gay porn at naghahanap siya ng bagong modelo. Nauuso noon ang mga asyano at namamayagpag si Brandon Lee. Nais niyang tapatan ang mga obra ni Chi
Chi La Rue. At ako ang napili niyang gawing bida sa susunod niyang video.
***
Sa una'y the usual ang mga pinagawa sa akin ni Joe – jack-off, blow job, anal. Subalit hindi nag-hit ang aming video, hindi napansin sa market. Kaya nang sumunod ay naging mas mapangahas na ito – bareback, bukkake, double penetration. Pinagdroga ako upang mamanhid sa mga kahalayang pinaggagagawa ko at dahil mahina ang aking resolve, nalulong ako. Nagmuntik-muntikang mamatay sa overdose.
Si Joe ang nagpa-ospital sa akin. Subalit bago pa man maka-recover, binitawan na niya ako. Hindi na uso ang asyano – latino naman – at si Joe ay may bago nang inaalagaan na kanya ring kinababaliwan.
***
Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng ating silid. Nagbalik ang mga alaala natin – masakit – kaya ipinagpasya ko na lamang ang umalis. Labis ang lungkot na aking pinigil hanggang sa maipinid ko ang pinto. Parang pagpipinid na rin sa ating nakaraan at ako ay lumuha dahil sa iyong pagkawala at sa nasayang nating pag-ibig.
***
At saka kita natanaw. Sa una'y hindi ako makapaniwala, inakalang baka ako'y nananaginip lamang. Mula sa malayo, nakita kitang paparating. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Bumilis ang tibok ng aking puso, umapaw sa dibdib ang tuwa at pananabik.
Kapwa tayo natigilan nang ikaw ay makalapit. Kapwa hindi makakilos, titig na titig na tila ba'y sinisino at tinitiyak na ang kaharap ay hindi isang multo o produkto ng imahinasyong mapaglaro.
At tayo'y nagyakap. Mahigpit, halos pugtuin ang hininga ko at doon ko nadama ang kaagad na paglalaho ng mga nagpapabigat sa loob ko – ang mga agam-agam, takot, pagsisisi, galit sa sarili. Sa mga bisig mo ay muli kong nadama ang tunay na halaga ko, na sa kabila ng naging kapariwaraan ko, hindi pa rin ako lubusang bigo dahil naririyan ka na napagtagumpayan ko.
Saka ko lang napagtanto: All along, ikaw pala ang California na pinapangarap ko.
California, December 2014
At saka kita natanaw. Sa una'y hindi ako makapaniwala, inakalang baka ako'y nananaginip lamang. Mula sa malayo, nakita kitang paparating. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Bumilis ang tibok ng aking puso, umapaw sa dibdib ang tuwa at pananabik.
Kapwa tayo natigilan nang ikaw ay makalapit. Kapwa hindi makakilos, titig na titig na tila ba'y sinisino at tinitiyak na ang kaharap ay hindi isang multo o produkto ng imahinasyong mapaglaro.
At tayo'y nagyakap. Mahigpit, halos pugtuin ang hininga ko at doon ko nadama ang kaagad na paglalaho ng mga nagpapabigat sa loob ko – ang mga agam-agam, takot, pagsisisi, galit sa sarili. Sa mga bisig mo ay muli kong nadama ang tunay na halaga ko, na sa kabila ng naging kapariwaraan ko, hindi pa rin ako lubusang bigo dahil naririyan ka na napagtagumpayan ko.
Saka ko lang napagtanto: All along, ikaw pala ang California na pinapangarap ko.
California, December 2014
5 comments:
So touching!
Ay juice colored. Ang hapdi nito. I am a firm believer na we all need to follow our dreams. Kaso sa limang sumugal, isa lang naman ang nagtatagumpay. Hongsoket!
Aris,
Galing! Ganda! May kirot sa puso...
Minsan nga talaga, yung mga bagay o tao na hinahanap ntin eh nasa tabi nalang pala natin. hindi lang natin napahalagahan. good thing, anjan pa rin sila para saluhin tayo at tanggaping muli. salamata sa mga ganitong tema ng kwento mo.. Salamat... ---Rye
its interesting to see how many angles Los Angeles can be seen frmo. "Kung paanong napabilang ako sa kanila, iyon ay dala na rin ng matinding pangangailangan."
Aray pero maka-touch! Pero kung sa akin siguro, depende kung isusuko ko yung importante sa akin. Yung sa kwento kasi, napahamak eh. Ang lesson lang sa story, 'wag basta-basta magdesisyon ng biglaan kasi wala namang mapapala sa huli eh.
#Pisti ganito ako minsan
Post a Comment